Chereads / THE THIRDS (Mini-Series) / Chapter 40 - KABANATA 16

Chapter 40 - KABANATA 16

"PINAMADALI ko iyan. Alam ko kasing iyan ang sinasabi mong ipapagawa mo pagka-graduate mo at may trabaho kana?" paliwanag sa kanya ng binata. "pasensya kana, alam kong hindi ka papayag kapag sinabi ko sayo. Pero ipinagpaalam ko iyan sa Tita mo, nung umpisa ayaw niya pero napapayag ko rin siya in the end" paliwanag pa ni Dave sa nag-aalangang tinig.

Hindi siya nakapagsalita. Tinitigan lang niya si Dave sa paraang tila ba nananaginip siya at hindi makapaniwala na may isang lalaking katulad nito na wala ng ibang ginawa kundi ibigay ang lahat ng makapagpapasaya sa kanya.

Nag-init ang kanyang mga mata, at nang hindi makatiis ay umiiyak nalang niyang niyakap ng mahigpit ang binata dahil sa labis na kaligayahan. Kunsabagay mula naman talaga nang makasama niya si Dave, palaging ang ikaliligaya niya ang ginagawa nito.

"H-Hayaan mo Dave kapag nagkapera ako babayaran kita kahit paunti-unti lang" aniya habang nanatiling nakasubsob sa dibdib ng binata.

Natawa ng mahina doon ang binata. Saka pagkatapos ay nakangiting hinawakan ang kanyang baba para itaas ang kanyang mukha.

"Ilang beses ko bang kailangang ulitin sayo na okay lang, walang kapalit ang lahat ng ginagawa ko para sayo."

"K-Kasi nakakahiya na, kung sinasabi mo lang siguro sakin ang totoong dahilan kung bakit sobra ang malasakit mo sakin di sana kahit papaano nababawasan ang guilt na nararamdaman ko?" paliwanag niya sa binatang nakamasid lang sa kanya habang patuloy sa pag-agos ang kanyang mga luha.

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Dave bago nagsalita. "Kapag sinabi ko ba ang totoo sayo ngayon, maniniwala ka?" anito sa isang buo at malalim na tinig habang masuyong humahaplos sa kanyang pisngi ang likod ng palad ng binata.

Tumango siya.

May pakiramdam siyang sa sasabihin ni Dave ay malaki ang magbabago sa buhay niya.

"Natatakot ako, pero kung patatagalin ko pa ito, parang mas matatakot ako sa pwede kong marinig na sagot galing sayo" nasa tinig ni Dave ang sinabi.

"N-Natatakot?" aniyang pinilit na gawing normal ang tinig pero nabigo siya.

Nakita niyang nagtaas-baba ang dibdib ni Dave. Pagkatapos ay muli siyang niyakap ng mahigpit. Napangiti siya dahil nang mga oras na iyon ay talaga nawi-wirdohan siya rito. Ngunit ang masarap na kilig na sanhi ng ginawa nito ay naroroon parin.

"Mula ng makilala kita, nung unang beses na nagtama ang mga mata natin, alam mo bang noon ako nagsimulang mabuhay para sa ibang tao? Nagsimula akong mabuhay para sayo?" anito. "maniniwala ka ba kapag sinabi ko sayong mahal kita? Mahal na mahal kita?" nang ilayo ni Dave ang sarili sa kanya saka siya tinitigan ng tuwid sa mata.

"A-Anong sinabi mo?" kahit narinig niya ng malinaw ang sinabi ng binata ay iyon parin ang nanulas sa mga labi niya.

Noon ikinulong ng mga kamay ni Dave ang kanyang mukha.

"The first time I saw you dito mismo sa lugar na ito, I had this strange feeling na hindi ko naramdaman kahit kanino. Iyong pakiramdam na gusto kitang lapitan pero kinakabahan ako, nahihiya ako sayo," simula ng binata.

"Then nung nakita kita sa canteen naramdaman ko ulit iyon at kung nagkataon mang I had the courage to approach you hindi ko rin siguro masasabi ng maayos kasi I had scorpions in my stomach. The same thing happened nung nakita kita sa quadrangle. Sabihin mo ng ako ang pinakadakilang torpe pero gaya nang nangyari sakin dito kahit nakatalikod ka, natawag mo ang atensyon ko. Plus the fact na for the first time in my entire life talagang na-conscious ako sa itsura ko. Then I came to realized na hindi ka basta babae lang, you're different. At sa kanilang lahat, you're the fairest, my heart's desire" nang hindi siya magsalita ay nagpatuloy ang binata.

"At siguro naawa sa akin ang langit, tinulungan niya ako. And that was when I realized na ang lahat ng nangyayari sa ating dalawa, by chance. Siguro hinayaan ko man iyong ilang chances pero dahil sa intensity ng damdamin ko sayo, pagkakataon ang gumawa ng paraan para magkalapit tayo."

"Hindi ako naniniwala sa magic noon, but the first time our eyes met, nakita ko ang future ko kasama ka. At iyon ang nagtulak sa akin para gawin ang lahat ng paraang alam ko to make you feel the way that I do. Para mahalin mo rin ako,kasi ikaw? Sobrang mahal na mahal kita."

Speechless siyang napatitig lang kay Dave.Sa haba ng paliwanag na narinig niya at dahil sa tuwang nararamdaman niya ay naestatwa siyang nawala sa sarili. Kaya naman hindi niya namalayan ang sumunod na ginawa ng binata.

Nanlaki ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla. Ang mainit na labi ni Dave ang gumising sa sandaling nakatulog niyang diwa. Noon niya itinukod ang dalawang kamay sa dibdib ng binata para pakawalan ang sarili pero bago pa man niya nagawa iyon ay itinigil na ng binata ang ginagawa.

"Ano? Tutulala ka parin ba?" amuse na tanong ni Dave.

"B-Bakit ba basta-basta ka nalang nanghahalik?" nang makarecover sa nangyari ay pagalit niyang tanong.

Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave saka nagsalita. "Ang haba nung sinabi ko, narinig mo ba lahat?"

Tumango siya saka napalunok. "N-Narinig ko, nagulat lang ako kasi hindi ko naman expected iyon" pag-amin niya.

Umangat ang dalawang kilay ng binata. "Bakit? Hindi mo ba nararamdaman na ang lahat ng ginagawa ko para sayo, out of love?"

Kahit nag-uumapaw ang tuwa sa puso niya ay hindi parin niya napigilan ang pag-iinit ng kanyang mga mata.

"N-Nararamdaman" totoo iyon, pero dahil nga hindi siya nag-expect sa kabila ng katotohanang may bahagi ng puso niya ang umaasa kaya siya nabigla. "hindi lang kasi ako makapaniwala na ang isang kagaya mo sasabihin sa akin ang ganoon?"

Matamis ang ngiting hinaplos ni Dave ang kanyang buhok.

"Alam mo bang iyang kababaan ng loob mo ang isa sa mga ugali mong gustong-gusto ko? Napakabait mo, ikaw na yata ang babaing may pinakamalaking puso, sobrang naging weakness kita, kaya hindi ko napigilan ang sarili kong mahalin ka ng sobra" parang mainit na kamay na humipo sa puso niya ang sinabing iyon ng binata.

"M-Mahal mo ako?" hindi parin makapaniwala ang tono niya saka nagmamadaling pinahid ang kumawala niyang mga luha.

"Sobra, Audace. Iyong tipong kahit anong bagay yata ang mawala sakin parang hindi ko mararamdaman kasi nandiyan ka, ang totoong nakapagpapasaya sa akin" anito. "huwag kang matakot, subukan mo ulit. And I promise to take good care of you, now and forever," ang hinlalaki ni Dave ay dahan-dahang humaplos sa kanyang lowerlip.