NAPAPIKIT siya saka makalipas ang ilang sandali ay kusang umangat ang kamay niya saka masuyong humaplos sa mukha ng binata.
"S-Subukan? Alam mo ba kung ano ang una kong sinabi sa sarili ko nung makita kita sa parking lot? Kung ikaw ang boyfriend ko, kahit ilang beses siguro akong umiyak okay lang" nakita niyang nangislap ang mga mata ni Dave dahil sa sinabi niyang iyon.
"I-Ibig sabihin?"
Natawa siya. "Dave, ang manhid mo naman. Hindi mo ba pansin na mahal na mahal din kita?" sukat sa inamin niyang iyon ay muli nanaman siyang nakulong sa mga bisig ng binata.
Bahagya pa siyang naghabol nang paghinga dahil sa higpit ng yakap na iyon. Pagkatapos kagaya kanina ay hindi rin niya inasahan ang sumunod na nangyari nang mabilis pa sa hangin ay inangkin nito ang awang niyang mga labi. Saglit lang ang halik na iyon pero pakiramdam niya ay para siyang niyanig ng lindol.
"I love you so much Audace, alam mo kung pwede lang pakakasalan na kita? Para may kasiguraduhang kahit bumalik iyong ex mo hindi kana mawawala sakin?" totoong pangamba ang naramdaman niya sa sinabing iyon ng binata.
Matamis ang ngiti niyang hinagod ng tingin ang mukha ng binata.
"Ikaw ang mahal ko, mas mahal kita higit kanino man kaya kahit bumalik pa siya alam mong ikaw ang pipiliin ko, my Pretty Boy" aniyang naglalambing na ikinawit ang dalawang braso sa leeg ni Dave.
Ngiting-ngiting pinagdikit ni Dave ang kanilang mga noo saka dinampian ng simpleng halik ang kanyang tungki ng kanyang ilong.
"Thank you for coming into my life, you are worth the wait" anito.
Lumapad ang pagkakangiti niya sa sinabing iyon ng binata.
"T-Talaga? Kahit mahirap lang ako? Kahit maraming mas higit sakin na pwede kang makuha?" ang overwhelmed naman niyang tanong-sagot.
Masarap na pakiramdam ang inihatid sa kanya ng maiinit na palad ng binata nang saluhin ng mga iyon ang kanyang mukha. Pagkatapos ay naramdaman pa muna niya ang labi ni Dave na humalik sa kanyang noo bago ito nagsalita habang nakatitig na ng tuwid sa kanyang mga mata.
"I love you and everything about you. Basta ikaw! Kung ano ka at kasama na doon lahat pati ang mga kahinaan at nakaraan mo. At kung tatanungin mo naman ako kung hanggang kailan? Ang tanong ko naman sayo, alin ba sa dalawa ang gusto mo? Always or forever?"
Napabungisngis siya. "Pwede bang pareho para may assurance na kahit kailan akin ka nalang? Na kahit gaano kaganda at kaseksi ang babaeng umakit sayo hindi ka matutukso kasi lagi mong maiisip na mahal na mahal kita?" kinikilig niyang turan.
Maluwang ang pagkakangiting nagsalita si Dave saka tila nanunuksong hinapit muli ang kanyang baywang. Malakas siyang napasinghap sabay nagyuko ng ulo.
At nang mag-angat siyang muli ng paningin ay nakita niyang titig na titig sa kanya si Dave. Ang magaganda nitong mga mata para siyang mapapaso sa titig ng mga iyon. At may palagay pa siyang ang init niyon ay kayang tunawin kahit ang pinakamalaking pag-aalinlangang mayroon siya.
"Sinabi ko na sayo di ba? Mahal kita, ibig sabihin wala na akong planong pakawalan ka. Kaya huwag kang mag-iisip ng kahit ano okay? Kasi kahit sinong seksi at maganda pa, hindi ka nila kayang pantayan dito sa puso ko dahil nag-iisa ka lang" anitong hinawakan pa ang baba niya.
Mabilis ang naging reaksyon ng katawan niya sa ginawing iyon ni Dave. Alam na niya ang susunod na mangyayari, pero bago pa man ang tuluyang paglalapat ng kanilang mga labi ay mabilis niyang iniiwas ang mukha sa binata.
"Sino si Randy?" nang maalala ang sinabi sa kanya ni Janna sa canteen ay naisip niyang itanong sa nobyong napuna niyang kunot na kunot ang noo dahil sa kanyang ginawa.
Nalukot ang mukha doon ni Dave. "Ano ba yan bibitinin mo ako dahil lang sa lalaking iyon?" reklamo nito kaya siya malakas na natawa.
"Dali na, sino nga siya? Kasi ang sabi ni Janna gumaganti kalang daw sa kanya kaya mo ako tinubos sa booth?" giit niya bagaman ngiting-ngiti.
Tumango-tango ang binata bago nagsalita.
"Siya ang third party nung kami pa ni Janna" paglilinaw ng binata.
"Kaya kayo nagbreak?" hindi niya napigilang mabahiran ng selos ang tinig.
"Oo, pinagsabay niya kasi kami, although sinungaling ako kung hindi ko aaminin sayo ang totoo na pride ko lang talaga ang nasaktan sa ginawa niyang iyon. At hindi totoong tinubos kita sa booth dahil gumaganti ako kay Randy. Kasi ang totoo pinoprotektahan talaga kita, kilala ko kasi siya at gaya nga ng sinasabi nila ang magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw. Sa sitwasyon ko, ang babaero galit sa kapwa babaero. Lalo at ikaw pa ang babaeng pinupuntirya niya noon" anito."o ano? Nasagot na ba ang lahat ng tanong? Kung may tanong ka pa, sa susunod na pwede?" anitong muling hinawakan ang kanyang mukha pero sa pagkakataong iyon ay mas mahigpit. Sa paraang hindi na siya makakatanggi.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata nang maramdaman ang mainit na halik ni Dave sa kanya. Oo nga at hindi iyon ang kanyang unang halik pero paanong nagawang iparamdam ng masuyong haplos ng mga labi nito na tila ba iyon ang kanyang first kiss? Sa paraang nalito siya at hindi malaman kung paano tutugon dahil bigla ay nawala siya sa tamang huwisyo?
In his arms she's someone new. Dahil ang lahat ng gawin nito gaya nalang ng tila walang kapagurang pagtitig nito sa kanyang mukha ay parang bago sa kanya. At iyon din marahil ang dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.
KINABUKASAN, nagising si Audace dahil sa lakas ng boses ng Tita Lerma niya. Nangingiting mahigpit niyang niyakap ang dantay na unan saka inabot ang cellphone na nakapatong sa side table ng kanyang kama para lang mapakunot-noo nang walang makitang message doon. Hindi siya tinext ni Dave kahit good morning lang?
"Ang dami naman! Kanino ba nanggaling ang mga ito?" nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig kaya mabilis siyang napabalikwas ng bangon.
At totoong nasorpresa siya nang malabasan ang sala nila na nagmistulang flower shop dahil napuno na ng maraming bouquet ng mga pula at puting rosas. Malapad siyang napangiti.
"Wow!��� ang tanging nasambit niya kaya siya hinarap ni Lerma na iniabot naman ang pinirmahan nitong papel sa isa sa dalawang lalaking sa tingin niya'y mga delivery men.
"Gising kana pala! O hayan, para sayo daw ang mga iyan" naguguluhan ang tinig ni Lerma bagaman may halong pagkasorpresa. "may manliligaw ka ba? Bakit hindi mo pinapapunta dito? O baka naman nobyo mo na? Aba hindi maganda ang naglilihim Audace! Dalawa nalang tayong magkasama sa buhay" hinayaan lang niyang maglitanya si Lerma.
Alam naman niya kung kanino nanggaling ang mga bulaklak pero binasa parin niya ang card na nakaipit sa isa sa labindalawang bouquet na nasa kanilang sala. Binilang talaga niya.
Good morning beautiful, I love you! Dave.
Ang nakasulat sa card kaya matamis siyang napangiti.
"Kanino nanggaling?" nang lapitan siya ni Lerma.
Pero bago pa man siya nakasagot ay narinig na niya ang isang pamilyar na ingay ng motor na nakapagpapatalon ng kanyang puso. Napalabas siya at natigilan sa may pintuan nang mapagmasdan ang gwapong lalaking nagmamaneho niyon.
As if she stepped back in time. Nang unang beses niyang napagmasdan ang binata sa parking lot ng SJU. Napakagwapo nito sa suot na two piece black leather suit. Nang hubarin nito ang suot na helmet ay kinikilig siyang napatili.
"Tumigil ka nga diyan para kang hindi dalaga!" saway sa kanya ni Lerma kaya nanahimik siya at sa halip ay humahagikhik nalang na tinuptop ang sariling bibig.
Lalo na nang maglakad si Dave palapit sa kanya tangan ang isang bouquet ng kulay pulang rosas. Nangilid ang luha niya sa tindi ng kilig na naramdaman. Hindi alintana ang ilang traysikel driver na kumakain at nakamasid sa kanila.
"Hi" ani Dave nang makalapit sa kanila sabay abot sa kanya ng hawak nitong bouquet. "na miss kita" anitong matamis pa siyang nginitian.
Nakagat niya ang kanyang lowerlip sa pagpipigil niyang mapabungisngis.
"Na miss din kita" nakangiti niyang sagot.
Ilang sandali silang nagtitigan ng binata. Pakiramdam niya silang dalawa lang doon at walang ibang tao. Tikhim ni Lerma ang tila nagpabalik sa kanilang huwisyo.
"Ahm, Tita!" aniyang binalingan ang tiyahin. "si Dave po, boyfriend ko" aniya sa kabila ng matinding kabang biglang nararamdaman.
Inaalala kasi niyang baka kagalitan siya ng tiyahin dahil wala naman itong alam na nanliligaw sa kanya si Dave tapos ngayon ipinakilala niya ito bilang kanyang nobyo.
"Good morning po, sinusundo ko lang po si Audace para sabay na po sana kaming pumasok?" ang binatang hinihingi ang pahintulot ni Lerma.
Ngumiti ang tiyahin niya saka tumango. "Ganoon ba? Siya sige habang hinihintay mo si Audace tumuloy kana muna at kanina pa kayo pinanonood ng mga tao" sa kalaunan ay natatawang umiling-iling si Lerma na nagpatiuna na sa pagpasok.
Tiningala niya ang binatang nakayuko naman sa kanya. "Thank you" aniyang ang tinutukoy ay ang mga bulaklak.
Tumango lang si Dave. "Ang ganda mo talaga, kahit bagong gising. Parang gusto na tuloy kitang pakasalan ngayon palang" anitong hinagod ng humahangang tingin ang kanyang mukha.
"Baliw!" aniyang tumatawa hinampas ng mahina ang braso ni Dave.
"The truth is, kahit sabihin mo pang araw-araw kitang nakakasama, mawala ka lang ng kahit isang segundo sa tabi ko, I will definitely miss you" nasa tono ni Dave ang kaseryosohan at dahil sa lagkit ng titig nito napahugot siya ng malalim na hininga. "hindi magtatagal pakakasalan na kita" dugtong pa nito.
"Bola" aniyang pabiro itong inirapan saka napalabi.
"Tingnan mo nalang kasi" paanas nitong sabi saka siya pasimpleng kinindatan.