Chereads / She's my Poser... / Chapter 44 - Chapter 44

Chapter 44 - Chapter 44

Jecho's POV

Nadatnan ko si dad na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape.

"Dad," I said at nag bow sakanya.

"Sit," usal niya kaya umupo ako sa harap niya. "The deadline is approaching. Di ka pa humihingi ng tulong sakin. Do you really want to resign?"

"This is my own problem dad. Gusto kong ayusin to ng ako lang," sagot ko sakanya.

"Ibig bang sabihin nito may naisip ka nang plano para dito?" Sumipsip siya ng kape saka tumingin sakin.

"Not yet. But I've got some inspirations. If everything goes smoothly---"

"Ibig sabihin niyan wala ka pang konkretong solusyon," huminga siya ng malalim. "Jecho, pakasalan mo na si Maui. The current situation can'be reversed gamit lang ang kapangyarihan nating dalawa. Pag nakipagkampihan tayo sa pamilya ni Maui, you can retain your position," sabi niya at tumayo. "Kilala ko ang mga tao sa kumpanya. Taon na ang lumipas, at kahit di nila sabihin alam ko na may objections sila sa pag upo mo bilang CEO sa bata mong edad. At ngayon nga ay nakahanap na sila ng oportunidad para palayasin ka." Humarap siya sakin. "Kaya si Maui nalang ang pag asa mo para makabawi dito sa problemang kinakaharap mo."

"Pano kung sabihin kong ayaw kong umahon sa problemang to dad? Pa naman, di mo parin ba ako naiintindihan?" Tumayo din ako at hinarap siya. "Ang rason bakit ako nagkaganito ay hindi dahil sa sakit ko na nalaman nila o dahil sa ayaw nila sakin pero dahil isa akong pasiyente dad." Tuluyan na akong naluha sa harap niya. "Oo nga at normal na kwestiyunin ako ukol sa sakit na meron ako pero gusto kong patunayan ang sarili ko sa sarili kong paraan. Gusto kong patunayan na kahit may sakit ako kaya ko paring patakbuhin ng mabuti ang kumpanya. Eto yung tamang gawin diba?"

"Masyadong weak ang idea mo Jecho."

"My amnesia is just a sickness dad but it stained my reputation. Kayo nga ni mom tinago nyo to diba? Pero ngayon nalaman na ng lahat. Lahat ng tao gustong i cover up ko to dahil nakakahiya pero may isang tao na," huminga ako ng malalim at kinusot ang mata ko para pigilin ang luha. "may isang tao na nagsabi sakin na lahat ng tao pwedeng mawalan ng alaala. Yun nga lang mas madali akong makalimot kesa sa kanila. Kaya mula nung araw na yun naisip ko na hindi ito mantsa sa buhay ko."

Lumapit si dad sakin. "Ang rason  kung bakit ayaw mong pakasalan si Maui ay hindi lang para patunayan ang sarili mo hindi ba?"

"You know the other reason dad. Alam mo kung sino ang gusto ko dad! Si Ath--"

"Enough," aniya at bahagyang tumalikod sakin. "Kahit na di mo gusto si Maui, pwede bang...gawin mo to para sa pamilya natin?"

"So gusto mo na pumili ako between our family and Athena?" Humihinga ako ng malalim na humarap sakanya.

Dad holds me on my shoulders. "Jecho,  bilang ama mo nagmamakaawa ako sayo. Do this for our family."

Mas naiyak ako sa sinabi ni dad sakin.  Mom would be brokenhearted pag nalaman niya to. And Athena...I can't just give her up. I can't just let her go. I sighs at mabigat ang loob na umalis ng bahay.

------

Nakita ko si Athena na busy parin sa pag kumpleto sa perfume na ginagawa niya. I am sighing na lumapit sakanya.

"Oh? Nakabalik ka na," she said. Pinilit ko namang ngumiti sakanya. "Na sort out ko na ang lahat ng data. Tignan mo to," she said at pinakita sakin ang data na ginawa niya. "We can research the other data tomorrow." Nanatili naman akong nakatanga sa papel na binigay niya. "Jecho? Okay ka lang ba? Pinagalitan ka ba ng dad mo?"

Umiling ako. "No. Nag aalala lang ang dad ko kaya kinausap niya ako," I smiled at her kaya napangiti din siya.

"E di mabuti yun," aniya at kinuha na naman ang mga papeles na nirereview niya. Tinitigan ko naman siya ng may mabigat na loob.

"Athena," I called her kaya napatingin siya sakin. "Madami pa akong dapat i consider na bagay tungkol sa project na to. You can go back first," I said. Tumingin naman siya sakin ng may pagtataka.

"Diba nga nagmamadali kang matapos to? Ok lang kaya kong mag overtime kasama ka."

"Wag na," I said at napawi ang ngiti niya. Napakabigat ng loob ko na paalisin siya. "Madami ka ng nagawa para sakin. Ngayon naman, ako naman ang gagawa ng magandang desisyon ok?" I patted her shoulder. I caressed her hair. "Uwi ka na muna hmm?"

Ngumuso naman siya saka tumango. Alam ko nagtataka siya sa kinikilos ko but I need to think things straight. I need to do this once and for all.

"Alis na ako," she said at tumango naman ako. "Goodnight," aniya pa niya saka nagtuloy tuloy sa labas.

Huminga ako ng malalim at dinial si Mr. Han at pinapunta dito.

"Sir," sabi niya ng makarating dito.

"Mula ngayon, i suspend mo lahat ng trabahong ginagawa ko."

"Bakit naman sir?" taka niyang tanong. "Diba...may mga paraan pa para masolve ito?"

"As long as I give Athena up, masosolve na lahat to." Huminga ako ng malalim. "But I won't give up." Tinignan ko si Mr. Han. "Matagal ka na sakin. Kilala mo naman na siguro ako diba? Mula maliit hanggang malaki, I never gave in to anyone. If I get back my career by betraying my feelings, that's more shameful than failure. So I won't sacrifice Athena as exchange for my own career."

-------

Athena's POV

Mabigat ang loob kong pumasok sa loob ng bahay. Ano kayang problema ni Jecho at ganun siya?

"Athena," nagulat ako ng nandun si Angelo sa loob ng bahay at napatayo ng makita ako.

"Bakit ka nandito?" I asked at lumapit sakanya.

Bigla niyang hinawakan amg mga balikat ko. "Athena, gusto mong magtanan kasama ko?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tanan? Seryoso ba to? "Nababaliw ka na ba Angelo? Bakit ko kailangang umalis kung okay naman ang lahat?" Tinalikuran ko siya at naupo sa sofa.

"Diba gusto mo namang tulungan si Jecho?"

Tinignan ko siya ng seryoso. "At anong ibig mong sabihin?"

Umupo siya sa harap ko. "Athena gusto ng dad ko na ako ang pumalit kay Jecho at ilalaban niya yun. Yung mga board members ay pumayag na sa gusto ni dad. Pero kung aalis ako, wala nang dahilan para ipilit niya akong pumalit kay Jecho. Kaya pag umalis tayong dalawa e di ibig sabihin matutulungan mo siya?"

Tinignan ko naman siya ng mabuti kasi mejo nag loading pa sa utak ko ang sabi niya. "Oh," tinanguan ko siya. "Ibig sabihin gusto mo talagang tulungan si Jecho?"

Mabilis naman siyang tumango sakin. "Oo naman!"

Humalukipkip ako sakanya. "Para sayo, ang relasyon nyong magkaibigan ay mahalaga diba?"

Ngumiti naman siya ng maluwag. "Oo naman!"

Nilapit ko naman ang ulo ko sakanya. "E di pwede kang umalis mag isa. Bakit mo naman ako isasama, baliw ka ba?" I said at tumayo na.

"Kasi mas importante ka dito sa puso ko kesa sakanya," bigla niyang sabi kaya napatigil ako sa paglakad. "As long as you stay with me, kaya kong i give up ang lahat Athena. Pamilya. Trabaho. Di ko yun kailangan lahat. Pero kung kay Jecho ka," bigla ko siyang hinarap ng marinig ko yun.

"What will happen if I'm with him?"

"You can't be with him. Kahit gusto mo, hindi ikaw ang pipiliin niya."

"At bakit mo naman nasabi yan?"

"Kasi iba siya sakin. I can be naive. I can also be willful. But he can't Athena. He can give up his careet for you, but he won't leave his family behind." Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa balikat. "Kaya Athena, ipangako mo sakin. Umalis na tayong dalawa dito. Kung aalis tayo dito, hindi na mahihirapan si Jecho."

"Ano bang sinasabi mo Angelo? Kung mag stay ako dito, diba kayang i solve ni Jecho ang problema?"

"B-basta konting oras nalang ang natitira. Kailangan na nating umalis. Bumalik na lang tayo pag ok na ang lahat."

Ngumiti naman ako at tumigin sakanya. "Well, I believe in you. Pero alam mo kahit ang paglayo ko nalang ang makakatulong kay Jecho," Lumayo ako sakanya. "di ko siya iiwan. Kaibigan ka ni Jecho. Wala ka bang alam tungkol sakanya?" Tinalikuran ko siya at humarap sa bintana. Tumingin ako sa kalangitan. "Sa puso ko, si Jecho ay malakas na tao. Isa siyang tao na kayang tumayo ng paulit ulit kahit tinulak na siya sa dumi. Kahit humarap man siya sa problema, hindi siya humihingi ng tulong mula sa ibang tao. Because that's worse for him than failure," Humarap ako kay Angelo na nakangiti. "Kaya di ko isasacrifice ang sarili ko just to fulfill his career." Nakatungo si Angelo kaya huminga ako ng malalim saka tinalikuran siya.

-------

Kinabukasan I went to my office at tinuloy doon amg research ko. I am Hera Athena Chua and I don't give up without a fight. This time it is Jecho's fight. And I decide to fight with him. Kahit napapagod na ako at minsan namamanhid na din ang katawan ko tinuloy ko ang ginagawa.

"Sabi mo na magtatrabaho ka kasama ko?" halos napatalon naman ako sa gulat ng makita si Jecho na nasa harap ko na. "Pero anong ginagawa mo at mag isa kang nagtatrabaho diyan?"

"Teka bat ka nandito?" Luminga linga ako. Wala naman sinabi si Ashlie na may bisita ako ah. Tsk, isa nalang tatanggalin ko na yun.

"Na solve ko na lahat ng problema, kaya pinuntahan na kita," nakangiti niyang sambit sakin.

"Puntahan ako? Bakit?"

"Para humingi ng tulong? Tara," sabi niya at hinila ang kamay ko.

"A teka," kinuha ko ang mga papeles na nasa table ko at sumama sakanya sa kanyang kotse.

"Gaya ng sinasabi mo, nag research ka para sakin," sabi niya ng makarating na kami sa condo niya.

Tumango ako. "Wag mo akong tawanan ah. Alam ko na ang project research ay dapat masinsinang ginagawa. Mejo kapos na tayo sa oras kaya kahit na kulang pa, gusto ko paring itry ito. Kahit na alam kong parang hopeless na."

"Sinong nagsabing hopeless?" he said at umupo. "Maybe these data can enlighten us. Let me take a look."

Binigay ko sakanya ang mga data. "Konti pa yan pero yan lang ang nagawa ko sa isang araw."

"No worries. Baka nga etong mga data na ito ang mas makakatulong sakin," aniya na nakapagpalakas ng loob ko.

"Ang main purpose ng aking perfume is because of attraction. Yun bang within three minutes mawawala ka sa sarili mo at ma stimulate ang hormones mo sa katawan. I almost fiished it kaya yung ibang features niya nalang ang kulang. This was approved and been checked by the lab na din. Ang kailangan nalang natin gawin is to finalize the features para mas mapabilib ang board."

Napatango naman siya sa sinabi ko. "Pero di kaya imposible na makagawa ang isang kumpanya ng ganong klasemg perfume?"

Tinignan ko naman siya ng seryoso. "Wala ka bang tiwala sakin?" I wiggled my eyebrows at him. Ngumiti naman siya saka bahagyang ginulo ang buhok ko.

Nginitian ko siya at nagsimula na sa aking perfume perferct product.

------

"Athena," nagulat ako sa boses na yun at napamulat ako. Nakita ko na nakatulog na pala ako dito sa table. "Punta ka na sa kwarto para matulog, sige na."

"Tapos ka na ba sa ginagawa mo?" kinusot kusot ko pa ang mata ko.

"E ikaw ok na ba yang ginagawa mo?" he asked me.

"Gumawa ako ng panibagong list ng ingredients. Dinagdagan ko lang yung dati. Kailangan nalang natin ulit ipa test sa lab." I gave him the list of ingredients.

"It's a miracle to finish it in one week. I'll take the plan to the company," he said. Humihikab naman akong tumango sakanya. "After I persuade them, then we will use the lab for the next step."

Tumango naman ako sakanya. Bahagya ko pang kinukusot ang mata ko.

Hinarap naman niya ako. "Athena, pag pinost ko na ang plan sumama ka sakin ok? After all,ikaw ang tumulong sakin at idea mo ito. Kahit anuman ang resulta, I hope you can be with me."

"Anong gagawin mo pag di mo sila makumbinsi?" I asked him.

Ngumiti naman siya sakin. "E di ikaw na ang bumuhay sakin habambuhay." He winks at me. "Get ready. Take responsibility of me."

Pinalo ko naman siya ng bahagya at tumawa. "Baliw ka. Anyways, kailangan ko ng bumalik sa opisina, linisin ko nalang ang mga kalat ko dito tapos hahabol ako sayo sa office, ok?"

Tumango naman siya at bahagyang pinisil ang baba ko na nakapagpasimangot sakin. Chansing to!

------