Third Person POV
Nagda drive si Angelo papunta sa kung saan nang mag ring ang phone niya. His mom has been calling him kanina pa. Di niya sana sasagutin yun ngunit napilitin siya kasi ikatlong beses na itong nagriring.
"Yes, Mrs. Wang?" sagot niya. Nasanay na siyang tawagin siyang ganun. Di naman din nagrereklamo ang mon niya dahil alam niyang lambing lang niya iyon sakanya. "Your son is in a bad mood now you know. Please keep it short."
"Nasan ka ba?" sagot ng ina niya na hindi mapakali sa loob ng bahay nila. "Bakit di ka umuwi ng magdamag?"
"Nanood ako ng midnight movie Mom," sagot ng binata habang patuloy na binabagtas ang daan. "The prince and the princess lived happily ever after," he said na ang tinutukoy ay sina Jecho at Athena. Nanatili namang tahimik ang ina sa kabilang linya habang nagtataka sa kung anong sinasabi ng anak. "The knight and the bad guy also lived happily ever after."
"What are you talking about Angelo? Umuwi ka na ngayon din. Kailangan nating mag usap," sabi ng kanyang ina. "Alam mo ba na nag desisyon na ang board sa pagpapalis kay Jecho?" Napatigil naman si Angelo sa narinig.
"Mom, pano nangyari yun? Tell me more about it," sagot niya. Di niya gusto ang nangyayari. Jecho is the only one who deserves that position.
"Uwi ka na. I will talk to you then," sabi ng mama niya at pinatay na ang tawag. Nagmadali naman ang binata na mag drive papunta sa bahay nila.
Sa kabilang dako naman, buhat buhat naman ni Jecho si Athena na inuwi sa condo niya.
"Welcome ba---Athena? Anong nangyari sakanya?" alalang tanong ni Keiry ng makita ang kaibigang buhat buhat ni Jecho.
"Pwede ka bang maghanda ng pagkain para kay Athena? Kailangan niyang kumain," sabi ni Jecho kaya tumango ang dalaga.
Dinala naman ni Jecho si Athena sa kwarto niya at maingat na binaba sa kama. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at umupo ito sa tabi niya.
"Pwede ka ng umuwi Jecho. Okay na ako ngayon," sabi ni Athena sa binata.
"Kailangan mo pang kumain okay? Para lumakas ka agad. Kukuha ako ng pagkain mo," sagot ni Jecho sakanya.
Tumango naman ang dalaga kaya lumabas na si Jecho sa kwarto niya. Sinubukan naman ni Athena na igalaw ang paa niya. Naigagalaw na niya ito ngunit nanginginig parin. Dinial niya ang papa niya.
"Pa, anong nangyayari sakin? Di ko na halos mailakad ang paa ko," naiiyak na sambit niya sa ama.
"Kailangan mo nang pumuntang US anak para sa shot mo. Nawalan na ng bisa ang una mong shot kaya bumalik na ang sakit ng paa mo. Pasenysa na anak ha? Gustuhin man naming umuwi ngayon di namin magawa kasi overloaded ang planes ngayon," his dad is sighing kaya umiling naman ang dalaga kahit di siya nakikita ng ama.
"Okay lang dad. P-pero kailangan kong makalakad Pa kahit ilang araw lang. Kahit...ilang araw lang Pa please? Anong gagawin ko?" di na napigilan ni Athena ang napaluha.
His dad heaves a deep sigh. "May gamot sa aparador mo. Nilagay yun ng mom mo doon. Pwede mo yung inumin para bumalik ang lakas ng paa mo. Pero one time ka lang dapat uminom nun. That can stimulate your muscles for a week. Then after one week magpapa schedule na tayo ng shot mo," sabi ng dad niya.
"Athena! Papasok na ako ha?" narinig niyang sigaw ni Jecho mula sa labas kaya binaba niya agad ang tawag at nahiga ng mabuti.
"P-pasok ka na!" sabi ng babae kaya pumasok ang lalake na may dalang pagkain. Nginitian niya ang lalake at pinilit na makaupo.
"Halika, kain ka na," ani Jecho at nilapag ang mga pagkain. He started feeding her na nakapagpangiti naman sa babae. Naalala niya noon siya ang nagsubo ng pagkain kay Jecho, ngayon naman ay siya na ang sumusubo sakanya. "Good girl," usal pa ng lalake ng maubos ni Athena ang pagkaing sinusubo niya. Bahagya pa niyang pinunasan ang gilid ng labi ng babae na nakapagpangiti na naman sakanya.
"Thank you Jecho," sambit ni Athena. Alam niya na konting oras nalang ang natitira sakanila.
"I'm happy just gaking care of you, " sagot ni Jecho sakanya. Bigla namang natigilan ang lalake nang may nareceive siyang txt. "Kailangan ko munang umalis. Kainin mo lahat ito tapos magpahinga ka na ok?" sambit ng lalake.
"Okay. Mag iingat ka," sagot ng babae. Inayos naman ni Jecho ang ilang hibla ng buhok ni Athena.
"Babalik ako mamaya," anang lakake at tumayo na.
--------
"Mr. Han, I need your assistance on something," Jecho said nang magkita sila sa condo niya.
"What's that sir?" sagot naman ni Mr. Han.
"I want to rebuild the data base of Athena," aniya na ang tinutukoy ay ang nawalang memories nila ng babae na tinanggal ng ama niya. Di niya alam kung kelan ulit siya mawawalan ng alaala at gusto niya na pag nangyari yun may babalikan siyang memorya nilang dalawa. He doesn't want the past to repeat itself kaya gagawa na siya ng paraan para maiwasang mangyari ang nakaraan.
"Is it working sir? What could you do even if you build it up?" sagot naman ng sekretarya niya.
"I don't believe that people can be controlled by memory Mr. Han. The most unforgettable thing shouldn't be memory. But it is feeling." Napatango naman si Mr. Han sa sinabi ng amo.
"Okay then sir. Then how will we do this?"
"I will collect her data myself. Di ko na hahayaang mawala siya sa memorya ko." He decided to make new memories with Athena. Memories that he can come back to anytime na mawalan ulit siya ng alaala.
---------
Athena's POV
Nakahawak ako sa bed ko ng mahigpit para subukang maglakad pero di ko talaga kaya. Napaupo ulit ako sa sahig. Naiiyak na talaga ako sa nangyayari. I even question God why me? Am I that bad? Eto na ba ang karma ko sa panloloko ng maraming tao in the past? Hapong hapo akong napasandal sa dingding.
"Athena, okay ka lang ba?" patakbo si Kei na pumunta sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Feeling ko I can no longer hold on Kei," sabi ko. Malalakas ang paghinga ko dahil sa sobrang hina na ng katawan ko.
"Ano kaya kung magpa schedule ka na ngayon Athena? Delikado na ang buhay mo. Kung mag aantay ka pa ng ilang araw baka kung ano nang mangyari sayo!" alalang bulalas ni Kei.
"Nag aalala ako para kay Jecho. Pano pag iniwan ko siya? Anong mararamdaman niya Kei?"
"Di ka na nga halos makagalaw siya parin ang inaalala mo! Athena naman sarili mo naman ang isipin mo please," usal ni Kei at niyakap ako.
"Kei...I have to let him forget me," I said. Bigla namang kumalas si Kei sakin.
"Anong pinaplano mo Athena?"
"I will make use of light. Pag nasilaw siya sa liwanag mawawala ang alaala niya sakin. And I will make sure na ako lang ang huling makakasama niya para ako lang ang makalimutan niya," I look at Kei. "Please help me do it."
Napatanga si Kei sa sinabi ko. Alam ko na di siya payag sa plano ko pero wala na akong magagawa. Ayoko na mag suffer pa si Jecho. Ayoko na mag antay siya sa pagbabalik ko na kahit ako di ko alam kung makakabalik pa. Pag nakalimutan niya ako he can easily move on with his life. Without me.
"Athena, I told you na kahit makalimutan ka na pero di niya makakalimutan ang nararamdaman niya sayo."
"He won't remember me then Kei. He won't remember his feelings for me." Naalala ko ang gamot na sinasabi ni Papa. "Can you get the medicine on my drawer? Sabi ni papa makakalakad ako ng isang week. I just need one week Kei. One week to spend days with him. And to make him forget me. I will destroy his memory bank of me saka ikaw ang sumilaw sakanya ng ilaw ng sasakyan ko. In that way ako lang ang makikita niya at ako lang din ang makakalimutan niya."
Kei sighes at kinuha nga ang gamot sa drawer ko at pinainom ito sakin. Ilang minuto lang ay nagagawa ko nang igalaw ang paa ko. Sinubukan kong maglakad at nakalakad nga ako ng matiwasay. Napangiti ako.
I am ready to do my final mission. Mission to let Jecho forget me.
------
Third Person POV
Nakaupo si Angelo sa harap ng mommy niya. Alam niyang pagagalitan siya nito. His mom and dad planned this all along. They planned to ruin Jecho's career for him to take the company over na di niya gusto. He was never into business but because of his parents napilitan siyang pumasok sa VGC. And now they are telling him to be the next CEO.
"Your dad is waiting for you at VGC. Are you going or not?" his mom said. Tumayo naman siya at hinarap ang ina.
"Mom! Pag pumunta ako ngayon masasaktan ko si Jecho!"
"Your friend is done Angelo," sabi ng ina niya na di tumitingin sakanya. "Kahapon di siya umattend sa press conference kaya ang mga board members na ang nagdesisyong palayasin siya."
"Mom he didn't mean to be absent yesterday," sagot niya sa ina na pilit pinapakalma ang boses para di niya ito masigawan.
Marahas na tumayo ang ina niya. "Bakit? Bakit siya absent ha? Pinagtatanggol mo ba talaga siya sakin? Angelo you know that he is your ultimate competitor! Mula pa noon di ka niya matalo talo sa lahat ng bagay. Ngayon natalo mo na siya. Bakit ka ganyan mag react?"
"Mom, I'm not into business alam mo yan," he was looking at his mom with pleading eyes.
"Nagawa mo na lahat ng gusto mo in the past. Pinagbigyan ka na namin, but this time it is not your call Angelo. " malakas na din ang boses ng ina niya.
"Ano ba talagang gusto mo Mom?"
"Take Jecho's place. Take the company!"
"Mom thay is not my thing! Di ako magiging mabuting presidente ng VGC!"
"Wag kang mag alala ukol diyan. Nandiyan ang dad mo at maraming tutulong sa iyo," anang ina niya. "Kung sinabi kong gagawin mo yun gagawin mo Angelo!"
"Ano bang hindi nyo maintindihan sa sinasabi ko mom! Forget about this, I'll talk to them and reject their desision," sabi ng binata at lalakad na sana.
"Stop!" sigaw ng ina niya. "I am telling you, if you give up infront of the board today gagawin ko ang lahat para pahirapan ang Jecho na yan kasama ang babaeng Chua. At alam mong kaya kong gawin yun Angelo."
Napatigil si Angelo sa narinig. This is what he's scared of. Ang galitin ang ina. Alam niya kung anong kayang gawin nito. She will do what she pleases at natatakot siya para kina Jecho at Athena.
-----
Athena's POV
Nandito ngayon si Jecho sa condo niya at nagpagawa ng bitinan ng pictures. Nakita niya na ibinibitin ni Mr. Han doon ang picture namin ni Jecho sa kinainan naming teashop isang araw bago siya maaksidente noon.
"Bakit anong meron ba at pinagawa mo yan?" tanong ko kay Jecho at tinignan si Mr. Han na katatapos ibitin ang picture namin sa teashop.
"Alam mo kasi Miss Athena, pine perfect ni Sir Jecho ang memory bank niya. At itong larawan nato ay galing sa lugar na yun," sagot ni Mr. Han na nakapagpatango sakin. "Noong araw na yun...ang sweet niyong dalawa," sundot pa sakin ni Mr. Han na nakapagpatikhim kay Jecho. "Ah, nakalimutan ko meron pala akong dapat tanungin," dagdag pa ni Mr. Han at kinuha ang notebook niya. "How much progress you two made while staying sa place na to? Did you confess your feelings for each other there?" tanong niya.
I tilts my head at tumingin kay Jecho na nakahalukipkip at di nagsasalita. "A-ano bang tanong yan? Di kaya ah! Saka matagal na yang nangayari noh? Kalalake mong tao tsismoso ka," inirapan ko si Mr. Han.
"Di to pagiging tsismoso Miss Athena. I have to make it clear," aniya pa na hawak hawak ang notebook. "Pag nawala na naman ang alaala ni Sir Jecho eto ang maaasahan niya para bumalik ulit ang alaala niya," sabi pa niya na kinindatan si Jecho.
Nag isip naman ako saka hinila si Mr. Han sa isang sulok. "Pwede kong sabihin sayo. Pero...bilang kapalit, could you show me around Jecho's memory bank?"
Tumingin naman sa taas si Mr. Han na animo ay nag iisip din saka niya ako hinarap. "Di pwede Miss Athena."
"Please just this once. Promise tutulungan kita dito sa ginagawa mo pag nakita ko na ang memory bank namin," I asked him. Kailangan kong malagyan ng virus ang memory bank niya at maalis lahat ng memories namin dun.
Napapikit na naman si Mr. Han na animo ay nag iisip na naman. "Pero kahit pumayag ako sa sinasabi mo, di tayo makakapasok dun kung wala ang mukha ni Sir Jecho," aniya. Tama naalala ko na kailangan pala ng mukha ni Jecho dun para makapasok. Napabuga naman ako ng hangin.
"Kung gusto mong makita ay may paraan naman," halos mapatalon naman ako ng makitang nasa tabi ko na si Jecho. "As long as I can have your promise on one thing."
"Ano naman yun?" nagtataka kong tanong sakanya.
Nakangiti siyang nakatingin sakin kaya napataas ang kilay ko. Tumingin naman siya kay Mr. Han at nakita kong parang nag uusap ang mga mata nila.
"A-ah! Oo nga pala," kapagkuan ay sambit ni Mr. Han at kinuha ang camera niya. Lumapit naman sakin si Jecho. "Okay, pwesto na po kayo at kukunan ko kayo ng litrato." Napalaki naman ako ng mata ng nag click agad ang camera. Nakayakap ang kamay ni Jecho sa balikat ko. "Come closer," sabi ni Mr. Han. "Hold tight." Mas nilapit naman ako ni Jecho sakanya. Tinignan ko naman si Jecho na nakangiti sa camera. Bigla naman siyang tumingin sakin at nilapit ang mukha. "Okay, nice!" Di ko na naririnig ang sinasabi ni Mr. Han kasi ang mata ko ay nanatili ng nakatingin sa mga mata ni Jecho. I am studying his face kasi darating ang araw na di ko na ito makikita. Gusto kong alalahanin ito. Na kahit dumating na nga ang araw na makakalimutan niya ako, I want to make sure that wherever I will be, I will still remember this face. His face. My love's face.
"Three, two, one," I heard a click. "Nice!" ani Mr. Han ng lumabas na ang litrato namin. Binigay niya ito kay Jecho at nakita ko ang litrato naming magkalapit ang mukha.
"We will take a photo everyday. Ans put it here," sabi ni Jecho na ang tinutukoy ay ang bitinan ng litaro na pinagawa niya. "Pag nawala ang alaala ko," binitin niya yun sa bitinan saka humarap sakin. "then may hahagilapin ako para maalala ka." Nakatingin lang ako sakanya habang nasa harap ko siya. "I don't want to just get back my memory. I want more than that. Are you in Athena?"
Ngumiti naman ako sakanya at tumango. At the end of the day, he will still forget me. And I will make sure of that. I will make sure he won't suffer the day I will leave him.