Third Person POV
Sumisilip si Athena sa dingding mg ospital malapit sa room na pinagdalhan kay Jecho. Matapos kasi niyang isakatuparan ang plano ay natatakot na siyang makaharap itong muli. Nakita niyang lumabas sa silid ang doktor na tumingin lalake. Maingat siyang naglakad papuntang kwarto niya pero wala siyang lakas ng loob na pumasok.
"Miss Athena?" gulat na napaangat ng tingin si Athena nang makita si Mr. Han na kalalabas lang mula sa silid. "Bakit di ka pumasok?" tanong pa ng lalake sakanya.
"K-kumusta na siya?" awkward na tanong ng dalaga sakanya.
"He... He still in coma. At di pa clear ang situasyon niya. Compared kasi sa nangyari sakanya nunh nakaraan, mas malala ngayon," anang lalake na nakapagpaalala sa babae. Naisip niya na kasalanan niya kung bakit nangyari ito kay Jecho. Balak niyang silipin ito sa silid pero pinigil siya ni Mr. Han. "Magiging ok din siya. Wag ka na masyadong mag alala," anang lalake.
Nakita naman ni Angelo si Athena na mukhang sobrang nag aalala sa nangyari sa kaibigan. Kaya paglabas ng dalaga sinundan niya ito sa kung saan ito pumunta.
Nakita niya ang dalaga na nakaupo sa isang bench at umiiyak marahil sinisisi amg sarili sa nangyari. He offered her his handkerchief na malugod namang tinanggap ng dalaga.
"Thank you," aniya. Umupo siya sa tabi ng babae at pinagmasdan siyang punasan ang luha nito.
"Jecho might be really mad at us now, don't you think?" tanong niya sa dalaga.
Nginitian naman siya ng dalaga. "Salamat sa tulong mo Angelo. Nagulat siguro kita sa nalaman mong sakit ko," anang babae na nakapagpatango sakanya.
"Sino namang hindi diba? Matagal mong nilihim to sa amin. Di ko nga alam pano mo yun nagawang di maipakita na nahihirapan ka na pala," malungkot na turan ng lalake.
"Ayaw ko kayong mag alala sakin. Saka...gusto kong umalis na walang nasasaktan sa pagkawala ko."
Sa kabilang dako, unti-unti namang nagkakamalay si Jecho. Sa isip niya bumabalik na ang mga alaalang nawala sakanya. Mula nung pagkabata niya, kung anong nangyari bat siya nagkaroon ng amnesia. Yung buhay niya nung makilala niya si Athena. Ang pag apply niyang tutor niya. Ang pagpapakilala niya bilang si Ethon. Ang mga suntok at sipa sakanya ni Athena. Hanggang sa narealize niyang gusto niya ito. Ang pagtatapat niya sakanya. Ang pagbigay niya ng kwintas sakanya. The way he said he wants her to wait for her. Lahat yun naalala na niya. All their memories together imbis na mawala ay bumalik lahat. He realized that time that what Athena did to him was not to let him forget het, but to let him remember. His amnesia she healed him from it.
"Athena!" sigaw niya ng magising siya. Lumapit naman sakanya ang ama at ina.
"Anak, pinag alala mo ako alam mo ba?" his mom held his hand.
"Mom," pinisil niya ng bahagya ang kamay ng ina at nginitian. It's his first smile at her after he forgotten her due to his amnesia.
"You're awake," usal naman ng ama niya na lumapit din sa kama niya.
"Mom, Dad, I remember it all. What happened when I was a kid. Bakit ako na amnesia. The way I jumped to save my dog. The way the car almost hit me. I remember it all now."
His mother hugs him after hearing that. "Thanks God you recovered son. You already coped up with your trauma," anang ina niya na lumuluha. She was so happy na after all these years nakaalala na siya.
"M-mom, A-Athena. S-something's wrong with her. I need to---"
"What do you want to do now?" usal naman ng ama niya na pinigilan siya sa balak na pagtanggal sa dextrose niya. "Ofcourse she's not right. Ginawa niya ang lahat para lapitan ka tapos binura lahat ng alaala mo!" galit na sigaw ng ama niya.
"Stop shouting at him will you?" usal naman ng ina niya.
"Ailee can you go back first? I will talk to him," sabi ng ama niya sa asawa nito. Tinignan siya ng ina as if asking for his opinion. Tinanguan lang niya ang ina kaya lumabas na nga siya sa loob ng kwarto.
Pagkalabas ng babae sa kwarto hinarap siya ng ama. "Sabihin mo nga sakin bat naaalala mo pa siya?"
"Ofcourse I remembet het dad. Naalala ko na ang lahat! Naalala ko na kaya wala ng rason para maghiwalay pa kami." Napatigil naman ang ama sa sinabi ng anak.
"Mahal mo talaga siya ano? Sa lahat ng nangyari siya parin talaga ang binabanggit mo."
"She's the only one for me dad. So please. Please let me be with her. Please let me be happy." His son is pleading him because of some random girl. Not in his life did he beg for anything before pero ngayon ginagawa na ng anak niya. Will he give it a chance? Will he give his son the chance to be happy?
------
Athena's POV
"Alam mo Athena, pag nagmahal ang isang tao, di mawawala ang problema," narinig kong sambit ni Angelo na kinangiti ko.
"Ngayon siguro nakalimutan na niya ako," huminga ako ng malalim saka tumingin sa malayo.
"So kelan mo planong umalis Athena?" kapagkuan ay usal ni Angelo sakanya.
"Hmmm...darating sina Mama at Papa ngayon. Gusto ko muna silang makasama bago ako umalis. Di kasi sila pwedeng sumama sakin," she smiled at him.
"Bago ka umalis, dapat magpaalam ka muna sakin ah? Wag kang umalis na di ka nagpapaalam sakin."
Bahagya naman akong tumango. "Ofcourse. I'll bid you a serious farewell."
"Then that's settled. Tara bisitahin natin si Jecho," kapagkuan ay sabi ni Angelo.
"Ano...di na siguro ako sasama. Nakalimutan na niya ako. Pano kung maalala niya ko ulit?"
"Pero di mo siya pwedeng iwasan palagi. Pwede ka pang magpaalam sakin bago ka umalis pero ikaw ay para nalang stranger sakanya."
"Sabagay. O sige tara na," sabi ko at magkasama kaming pumasok sa kwarto niya.
Nadatnan namin siyang nakatayo sa harap ng bintana.
"Dude okay ka na ba?" tanong ni Angelo kay Jecho.
"Oo," sagot naman ni Jecho. Bumalimg naman ang tingin niya sakin kaya mejo nailang ako. "She is..."
Nagkatinginan kami ni Angelo. "Ano, s-siya ay kaibigan ko. Sinamahan niya akong bisitahin ka."
Umupo naman si Jecho at mataman kaming minamasdan. "Girlfriend?" tanong niya.
"No. No. Business friend," sagot naman ni Angelo na tinanguan ni Jecho. Ewan ko pero kinakabahan ako sa mga tingin sakin ni Jecho. Para niya akong pinag aaralan na ano eh.
"Nalaman ko na ikaw na ang incharge sa kumpanya Angelo. Ano ang department niya?"
"Ano...di siya nag---" siniko ko naman si Angelo. "M-model ko siya pag nagpe paint ako," kumakamot na sambit ni Angelo.
"Model huh? Kaya pala siya pamilyar sakin," napatanga naman ako sa sinabi niyang yun. Wag naman sana niya akong maalala.
Nagkatinginan ulit kami ni Angelo. Mukhang pati siya nagtataka sa kinikilos ni Jecho.
"Na-nasaan ang pamilyar?" nauutal na tanong ni Angelo sakanya.
"Just a feeling maybe."
Umupo naman si Angelo sa harap ni Jecho. "May naaalala ka ba?" tanong niya. Kinakabahan na siya. Pano pag naalala siya ulit nito?
"Dapat ba akong may maalala?"he asked Angelo back.
"W-wala naman. M-mabuti naman okay ka," napapangiwi naman ako sa pag arte ni Angelo.
"Thank you," biglang sambit ni Jecho na sakin nakatingin. Napalaki naman ang mata ko.
"A-ako? P-para saan?" nauutal kong sambit sakanya.
"Sa pagdalaw mo sakin." Napatango naman ako then I tilts my head in confusion. "Kelan ka pa naging model?"
"Ah?" tinignan ko si Angelo na parang humihingi ako ng tulong. May binubulong siya sakin pero di ko marinig.
"Ah... H-hindi pa ganun katagal," sagot ko na bahagyang sinipa si Angelo sa paa. Bwisit to. Remind me to kill him later.
"Pwede ka bang lumapit?" sabi na naman ni Jecho na nagpalaki na naman ng mata ko. Bat niya ako pinapalapit? Ngumuso naman si Angelo na parang pinapalapit ako.
Naglakad naman ako palapit sakanya at nginitian siya ng bahagya. Tumayo naman siya bigla kaya napatingin ako sa mukha niya. Bigla niya akong hinapit sa bewang at hinalikan. Loading... Loading ulit... Hinalikan... Hinalikan??? Hinalikan niya ako??? Malalaki ang mata ko sa paghalik niya sakin. Matagal. Malalim. Hinaplos pa niya ang likod ko. Funcking shit! Tell me what's in the world is happening!
"D-d-dude!!!" napatayo si Angelo kaya natulak ko siya.
"What are you doing?!" bulalas ko sakanya.
"Dude! Nagkakilala lang kayo ngayon. Bat mo naman siya hinalikan?" Lumapit si Angelo sakin.
"Mukha kasing sa una naming pagkikita eh nainlove na ako sakanya," aniya niya.
"A-are you kiddiing me?" gulat kong tanong sakanya.
"What do you think?" sagot naman niya sakin.
"H-how could I know..."
Bigla naman siyang ngumisi. "Nagbibiro lang ako. Diba model ang gf mo?" aniya kay Angelo kapagkuan. "Maganda siya. Kaya nahalikan ko siya agad."
"You!" huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "W-what are you treating me as?" sa inis ko ay tinalikuran ko nalang sila at lumabas na.
Tumakbo ako papunta sa labasan na hinihingal. What is that? What had just happened there? Lumunok ako ng ilang beses at naupo sa isang bench. "Bad Jecho! Nag aalala ako sakanya tapos nalaman mo na isa lang pala siyang malanding nilalang!" bulong ko.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa langit. Tama ba tong desisyon ko? Tama ba na umalis ako? Tama ba na iwan ko siya? "Gusto ko siyang makasama. Mali bang hilingin yun Lord? Mali ba na hilinging manatili ako sa tabi niya?" Napapikit ako para pagbigyan ang mga tumulong luha sa pisngi ko. Matagal akong nag isip. Hanggang sa may isang bagay akong napagdesisyunan.
-------
Third Person POV
"I have question for you," sambit ni Jecho kay Angelo pagkalabas ni Athena. Nagtaka si Angelo nang kumuha si Jecho ng tali at tinali si Angleo sa kamay.
"T-teka dude! Kaibigan mo ako! Bakit mo ako tinali!" sigaw ni Angelo pero tinulak lang niya ang lalake sa kama. "Dude naman!" Nakita niya na naglabas din si Jecho ng packing tape. "W-wag mong sabihing nakalimutan mong lalake tayong dalawa?! Du---mmmmm!!!" Nilagyan ni Jecho ng packing tape ang bunganga ng kaibigan.
"Wala akong lakas para makipagbiruan sayo Angelo. Just be good and answer my questions."
Tumango naman ng maraming beses si Angelo. "Una, bakit ka nakipagkampihan kay Athena na burahin ang memory bank ko?"
"Mmm!! Mmm!!!" sabi ni Angelo kaya marahas namang tinanggal ni Jecho ang packing tape sa bunganga niya. "Ahhh!!!" napasigaw si Angelo sa sakit ng panga niya sa biglaang pagtanggal ni Jecho dito."Dude naman nawawala ka na ba sa pag iisp mo?! Tinakpan mo ang bunganga ko saka ka magtatanong sakin?!"
Tinignan naman siya ng masama ni Jecho kaya napatahimik si Angelo. "H-hindi nawala ang alaala mo diba?"
"Cut the chit-chit and just answer my question. Bakit niya ginawa yun?!" sigaw ni Jecho.
"Sa tingin mo ba gagana tong ginagaw mo? Mamamatay muna ako bago ko pagtrayduran si Athena!"
Kumuha ulit ng packing tape si Jecho. "Well... Madali naman akong kausap---"
"Wait!!! Sige sige na sasabihin ko na! Si Athena ay---"
Nagulat silang dalawa ng biglang pumasok sa loob ng kwarto nila ang Chairman ng CI. Ang ama ni Athena.