Chereads / She's my Poser... / Chapter 47 - Chapter 47

Chapter 47 - Chapter 47

Athena's POV

Nandito parin si Jecho sa condo ko at di lumalayo sakin. "Kelan mo ako dadalhin sa memory bank mo Jecho?" tanong ko sakanya.

"Don't rush. May isa pa akong gusto," aniya na nakapagpataas sa kilay ko.

Dinala niya lang naman ako sa isang sinehan na kami lang ang nanonood. Kasama ko si Mr. Han at si Kei na nanonood. We are watching a movie kung saan nakaratay ang isang babae na may amnesia.

"Don't keep me lying like this until I forget you," sabi ng babae na nakaratay sa kama habang ang asawa niya ay binabantayan siya at umiiyak.

"Don't say it anymore," sabi naman ng lalake.

Tinignan ko si Jecho at hilam hilam na siya ng luha. Tumingin ako sa likod at nagyayakapan si Kei at Mr. Han habang malakas na umiiyak ang kaibigan ko.

Okay? Ako lang ba ang di affected?

"So stupid," narinig kong sambit ni Jecho.

"Bakit naman?" tanong ko habang ngumunguya ng popcorn. "Yung amnesia ng babae ay makakaapekto lang sa lalake. Since di naman sila pwedeng magsama mas okay nang lumayo. Bakit mo pa hahayaan ang isa na masaktan?" sabi ko naman.

"So sinasabi mo na di kayo pwedeng magsama kung may sakit ang isa?" biglang tanong ni Jecho.

"Ang relasyon nila ay mali," I shrugged at him.

"Are you trying to piss me off here because I forgot you last time Miss Chua?" tanong ni Jecho na mugto ang mata sa kaiiyak.

"Wahhhhh!!!!" narinig ko ang malakas na iyak ni Kei sa likod kaya napatingin ako dun. May laman pang popcorn ang bunganga niya tapos ngawa siya ng ngawa. Napangiwi naman ako sa inaasta ng kaibigan ko. "Sorry, I didn't mean to disturb you. Sobrang nakaka touch lang talaga. Wahhhh!!!!" ngawa na naman niya. Napahawak naman si Jecho sa noo niya na parang nabubuwisit.

"E-eto, punasan mo luha mo," sabi naman ni Mr. Han at binigay ang panyo kay Kei. Napa blink eyes naman ako. Okay? May di ba ako alam dito? Sabagay gwapo naman si Mr. Han eh. Kung kilala niyo ni Jiho sa Boys Over Flowers? Mejo kahawig niya. Mas bata lang tignan si Mr. Han.

"Kei, bat ka pumunta dito? Saka di ka naman mahilig sa sad movies ah!" angil ko sakanya.

Nag blow siya ng malakas sa panyo ni Mr. Han kaya napangiwi na naman ako.

"Sinama ko siya dito kasi may sasabihin ako," sabi ni Jecho at hinarap niya ang upuan niya samin na parang mag i start ng meeting. He closed the movie were watching.

"Anong ginagawa mo?" I asked him.

"Listem to me. Ang rason bat ko kayo pinatawag ngayon ay gusto kong mas malaman niyo ang tungkol sa sakit ko," pagsisimula niya. "May iba't ibang klase ng amnesia. Maswerte lang ako at isa ako na nakakuha nun. Nung nalaman ko ang tungkol dun sobrang hirap tanggapin. Yung mga nakaraan ko nung bata ako di ko na maalala. My mom, I even forgotten about her," nakita ko namang bahayang tumulo ang luha niya. "Ayoko na itago pa to o takbuhan. Gusto ko na harapin. Di ko alam kelan aatake ito o kelan ulit ako makakalimot. So instead of running away from it, I decided to fix it instead," aniya na tumingin sakin. Ngunawa na naman ng malakas si Kei kaya napatingin ako sakanya.

"Nakaka touch naman!" aniya pa na pinupunas ang luha.

Tumingin ako kay Jecho. "How are you going to do this then?" sabi ko naman sakanya.

"Ang kailangam niyo lang gawin ay gawin ang sasabihin ko," sabi niya at tinignan sina Kei at Mr. Han saka sakin. "Kung mawawalan man ako ulit ng alaala, pakiusap wag mo akong dakmahin agad gaya ng ginawa mo nun. Alam mo naman ayoko sa babae na unang lumalapit at bigla bigla akong hinahawakan sa dibdib." Napakunot naman ako ng noo saka tumingin sa ibang direksiyon.

"D-di kaya ako yun ah," sabi ko na sinimangutan siya.

"You can count on me Jecho," sabat naman ni Kei. "I can get her feelings under control," sabi pa niya na animo nakalimutan na niya ang napag usapan namin.

"Sure," sagot naman ni Jecho sa mababang boses. "Also, pag bigla mang nawala ang alaala ko, gusto ko na ipakita niyo agad sakin ang mga materials tungkol kay Athena. It's in you Mr. Han," he said.

"Sure," tumango si Mr. Han sakanya.

"Ang pinakaportanteng bagay is that...

Pag nangyari mang mawalan ako ng alaala, ayokong masasaktan si Athena. Kaya Keiry, kakailanganin ko ng tulong mo."

"That's on me then,"  Kei answered.

"I will film a video for her. Pag nagalit siya sakin pag nawalan ako ng alaala ipakita niyo lang sakanya," sabi pa ni Jecho. Teka...bat ba nagpaplano na ito? Alam ba niya na mawawalan siya ng alaala? The more you're acting like this, the more I wanted you to forget me Jecho. You suffered enough. I won't let you suffer again. "In this video,I want to let Athena know that if we give up because one of us is sick, then in this world, there won't be forever love anymore. If you really love someone, you have to be with him whatever it costs."

Nangilid naman ang luha ko sa sinabi niya kaya napatayo ako. "K-kailangan ko lang magpahangin. L-lalabas muna ako," sabi ko at lumakad palabas. Dumiretso ako sa banyo at doon binuhos ang luha. If you love someone you need to be with him whatever it costs. Nag echo ang sinabing yun ni Jecho. But what if that someone will suffer because of you? "I'm sorry Jecho but I'm not that someone."

Pinunas ko amg luha ko at pumuntang rooftop. Tumingin ako sa mga bituin. Pag ba nawala ako magiging isa ako sa mga bituin? I heaves a deep sigh.

"Athena," napatingin ako sa boses ni Jecho. Lumapit siya sakin at tumabi. "Malamig dito. Baka magkasakit ka."

Tinignan ko siya. "Pag ba nawala ulit ang alaala mo will you take care of me still?"

"Nahh,  you know me I don't take care of strangers. Kaya pag nawala man ang alaala ko, gusto ko na alagaan mo ang sarili mo," aniya na nakatingin din sakin.

Pinatong ko ang baba ko sa railings ng rooftop. "Sana ako nalang ang nagkaroon ng sakit gaya mo," I said.

"Sakit na gaya ko?" Lumapit siya sakin. "Bakit gusto mo bang kalimutan ako hmm?"

Nanatiling nakabusangot ang mukha ko at bahagyang umiling. "I am feeling a little bit messy right now. Kalimutan mo na yun," sabi ko na di tumitingin sakanya. Maya-maya ay niyakap ko ang sarili ko at hinarap siya. "Lumalamig na. Pasok na tayo sa loob," sabi ko at tinalikuran siya.

Hinawakan naman niya ang balikat ko para patigilin ako sa paglakad at hinapit ako palapit sakanya. Napigil ko ang hinga ko ng yakapin niya ako mula sa likod. Nangilid na naman ang luha ko ng maramdaman ko ang init mg katawan niya mula sa limld ko.

"Alam ko nasaktan kita noon dah di kita naalala." He kissed my hair. "Pero kahit na makalimutan man natin ang isat isa, magiging tayo parin. Like the stars. Each of them has its own track," aniya kaya napatingin kami sa taas. "I believe that the mass and gravity on you will eventually take you to me a thousand of times. So stop overthinking, okay?"

"But some stars become pieces if they leave their tracks," tumulo na naman ang luha ko. "Pag nawala ako dito sa mundo, all of those memories will fade."

Pinatong niya ang baba niya sa ulo ko. "Di ko alam kung ano na namang tumatakbo diyan sa utak mo." I sniffed saka humiwalay sa yakap niya. Hinarap naman niya ako sakanya. Nakatungo lang ako habang hawak hawak niya ang dalawang balikat ko. He helds my face and wipes my face.

"I'm sorry Jecho," yun lang ang nausal ko sakanya habang tuluy tuloy ang pagragasa ng luha ko.

Umiling siya at inayos ang ilang hibla ng buhok ko. "Ako ang dapat mag sorry sayo. Di nalang sana kita pinanood ng movie na yun at nang di na kita pinaharap sa problemang ito ukol sa ating dalawa."

"But...kailangan nating harapin ito. I don't tend to overthink. But I'm just...I'm just afraid of losing you," napatungo ako. "Natatakot ako na di na kita makita. Na di na kita makasana. Natatakot ako Jecho," humihikbi kong usal sakanya.

Ngumiti siya sakin na nangingilid din ang luha. "Have some confidence to yourself. Maybe I will probably forget you one day. Pero pag nakita na kita, maiinlove parin ako sayo in our first meeting. And I will be head over heals to you afterwards," he said kaya napatawa ako.

"No, you're not," bahagya kong pinalo ang dibdib niya.

"Smile. Smile Athena," aniya ng nakangiti. He places his fingers in my lips and streches it in a smile. "You are the prettiest when smiling. Don't be afraid anymore ok?"

Napangiti ako sa turan niya saka ako tumango. "Pero... Can I ask for one more favor?" I asked him. "I want our memory. Could you give me the key to the memory bank Jecho?"

"It's our memory. Atleast, it can help me remember you when I lost the memory about you," he said na tumango.

Hinawakan ko naman ang mukha niya at niyakap ang batok niya. He hugs me back. "Thank you. Thank you Jecho. Thank you for letting be feel loved. But importantly,  thank you for letting me know...what is love."

------

Kinabukasan, dinala ako ni Mr. Han sa memory bank room ni Jecho. Mr. Han swipes  a card sa face recognition machine at biglang bumukas ang pinto. "Let's go in," anang lalake kaya sumunod ako sa loob. "Kung gusto mong i check ang data sabihin mo lang sakin," aniya pa. May cabinet sa loob na puno ng libro. Nagbago na pala ang itsura dito mula nung huli kong punta. "There," sabi ni Mr. Han at itinuro ang CCTV sa taas. Tinignan ko naman yun at parang narecognize niya ang mata ko kaya biglang nahati sa dalawa ang cabinet at naging pinto yun.

"Woah! May ganito na pala dito," bulalas ko. Pumasok kami sa loob ng memory bank room ni Jecho. As usual puno parin ito ng mga monitors.

"Your iris has been recordee in our system. Now, you have access to it as long as you want to look at it," sabi ni Mr. Han.

"Bakit parang mas humigpit ang security dito?" tanong ko.

"Alam mo na noon dinelete ng dad ni Sir Jecho ang memories niyo kaya pinatanggal na niya ang access ng dad niya dito. We also improved the defense system," sagot niya na nakapagpatango sakin.

"Oh," I said. Puro memories namin ni Jecho ang kita sa monitors. "This is all Jecho's memories."

"Nope. Part lang ito ng memory niya aniya at lumakad palayo sakin.

I should plant the virus now. Sabi ng isip ko kaya nilabas ko ang usb na may laman ng virus. Lumakad ako papuntaa main monitor at isasalpak na sana ang usb doon.

"It is almost time," ani Mr. Han na tinitignan ang relo niya. Bigla ko namang naitago ulit ang usb sa gulat go. "We should go. Sir Jecho might be waiting for us already Miss Athena," he said.

"A-ah sige. Tara na," I said. Nilingon ko pa ito ng isang beses saka limakad palabas. Ano pang susunod na pagkakatao Athena? When will you plant the virus there? Napabuga ako ng hangin sa naisip. Kailangan ko pang umisip ng iba pang paraan

--------

Pinuntahan namin si Jecho sa opisina niya na ngayon ay nililipit na ang mga gamit niya kasi di na siya ang CEO ng VGC. I heaved a sigh to what happened to him.

"If Sir Jecho will get sick again, we are counting on you Miss Athena," Mr. Han said.

"Okay," sabi ko naman. Bigla namang pumasok ang isang matanda sa office. I think he is Angelo's dad.

"Oh, Jecho andito ka pa pala," aniya sa nakakainsultong boses. Kung pwede ko lang siyang suntukin ngayon ginawa ko na eh. Sunod namang pumasok ang mom ni Angelo.

"Angelo just got an emergency call kaya di siya nakapunta dito to take the call as the new appointed CEO," lumimga linga pa siya sa paligid. "I think this office needs rennovation to suit the taste of my son," she said. Kala mo naman kinaganda niya yan. Napatingim naman ako sa mga empleyado na sumisilip na dito dahil sa init ng mga pangyayari. Gusto ko sanang makialam kaya lang alam kong wala akong karapatang manghimasok.

Nakita naman niya ang table ni Jecho at bahagyang hinawakan ito. "Your marble table is nice. But you will never use it anymore." Tumingin suya sa mga lalakeng kasama niyang pumasok. "Move the marble table to Angelo's new office," she said.

"What are you doing?! Stop right there!" sigaw ko sa akmang pagbuhat nila sa table.

"Let them," sabi naman ni Jecho kaya napatingin ako sakanya. "Table lang yan. Since Mrs. Wang has been jealous of this table for so long, why not take this chair as well," aniya na tinuro pa ang upuan niya. "Come get it," utos niya sa mga lalake.

"Get it," sunod na utos naman ni Mrs. Wang sa mga lalake. "Move them all. Take the card of CEO as well."

I tried to dodgd them para di nila mabuhat pero di sila nagpapigil. Nahulog ang card sa baba kaya akma kong pupulutin but she stomped on it. Nanggalaito naman ako sa galit sa ginawa niya.

"Get out of my way Chua!" aniya pa. Marahas akong tumayo at nakahanda na ang kamao ko nang pigilan ako sa kamay ni Jecho. Siya ang humarap sa babae.

"I am treating you with respect because your an elderly but don't push me Mrs. Wang," he said. Nanatili namang nakahalukipkip ang babae sakanya.

"Don't you know what you did to me and my son back then huh Jecho?" harap ni Mrs. Wang kay Jecho. "Akala ko you were too sick to know anyone." Nagsukatan sila ng tingin ni Jecho.

"Mom!" humahangos namang pumasok si Angelo sa loob. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Oh, son. Tinutulungan lang naman kitang kunin ang mga gamit mo."

Tinignan naman ni Angelo si Jecho na halatang galit na kaya tumalikod na ito sakanila.

"Mom you're being too much. Ang daming tao dito," usal ni Angelo sa ina.

"Then thanks to the crowd so that they can know who are now leading this company!"

"Angelo," biglang usal ni Jecho. "Let's talk for a while." sabi pa niya at lumabas na ng opisina. Sinundan naman siya ni Angelo.

Tumayo naman din bigla ang dad ni Angelo na nanood lang sa mga nangyayari saka lumakad na palayo kasama ang payaso niyang asawa.

-------