Third Person POV
"Dude?" Angelo asked nang nakarating sila sa conference room ng kumpanya.
"I called you here because I need to know something," Jecho asked na nakapagpataas ng kilay ni Angelo.
"Ano yun?" nakahalukipkip na sambit ni Angelo sa kaibigan.
"It's about my amnesia. I am thinking how to make Athena happy before something like losing my memory happen again."
Napangisi naman si Angelo sa turan ng kaibigan. "So tinawag mo ako dito para dito?" aniya at umupo siya sa ibabaw ng table.
Umupo naman si Jecho sa isang upuan at humarap sa kaibigan. "Mahal na mahal ko si Athena. But as for her hobbies, I thought you know better than I am. Pwedeng pagkain, perfume---"
Tumingin naman si Angelo sa kaibigan. "Do you think that really matters Jecho? Mahilig siya sa masasarap na pagkain, oo. Mahilig siya sa magagandang lugar. Pero pag magkasama kami ikaw lang ang naiisip niya." Napatingin naman si Jecho sakanya ng seryoso. "Sabi nga sa kasabihan, love is all we need. She should be happy enough, as long as you are around. Kahit ano pa yan basta ikaw kasama niya, magigimg masaya siya."
"Talaga?" sambit naman ni Jecho.
"Kung di yun totoo bat naman ako mag gi give up?" usal niya na nakapagpaangat ng tingin ni Jecho.
"Finally," sabi niya at ngumiti.
"Or what?" sabi naman ni Angelo na tumawa ng bahagya. "Pag ang kaibigan ko di na makaalala, aagawin ko ang asawa niya sakanya?"
"Not a chance," sambit ni Jecho na natawa na din.
"Wag kang mag alala dude. I eexplain ko sakanya. Ayoko namang mapahiya na naman siya," aniya na tinanguan ng kaibigan.
"Okay then. Just call Mr. Han kung meron mang nangyayari sa kumpanya. I know your dad will help you pero may mga bagay na hindi siya alam," nakatinging sambit ni Jecho.
"Sure sure. I got it. Please get well soon dude," sabi ni Angelo at iniwan na siya.
-------
Athena's POV
Lumakad si Athena sa daan papunta sa memory bank ni Jecho. Lumilinga siya sa paligid. She tried to swipe the card na kinuha niya mula sa empleyado kanina pero di nagwo work. Aish pano bato? Kinakagat niya ang labi nang biglang napadaan si Angelo sa kinaroroonan niya. Di siya nito napansin.
"Angelo!" bahagyang sigaw ni ko kaya napatingin siya sakin. "Halika dali! Pahiram naman ng card mo," sabi ko na nagpakunot ng noo niya.
"Anong balak mong gawin Athena?" tanong niya sakin. "At saka...diba memory bank to ni Jecho? Anong ginagawa mo dito?"
"Kailangan kong pumasok sa loob. Please Angelo wala na akong oras," sabi ko na pinagsalop ang kamay sa harap niya.
"T-teka...kung gusto mong pumasok kausapin mo muna si Jecho. Kahit naman na substitue ako as president, di parin ako makakapasok sa place niya na wala siyang permission Athena. Ano bang nangyayari sayo ha?" anito.
Napasimangot ako. "Kailangan ko ba talagang sabihin sayo para pumayag ka?"
"Ano ba yun?" hinawakan niya ang balikat ko. "May nangyari ba?"
"Angelo one of these days kailangan ko ng umalis. I... I have this sickness na nagpapamanhid sa katawan ko. I need to have my second shot pero wala yung kasiguraduhan Angelo," niyugyog ko ang braso niya. "I might die there! Angelo ilang araw nalang ang natitira sakin. I need to leave one of these days at di ko alam kung makakabalik pa ako."
Napaawang ang bibig ni Angelo sa sinabi ko. "W-what are you saying? Then..."
"I need to destroy the memory bank. Jecho needs to forget me. May plano na ako sa kung anong gagawin. I just need to...to..." napakagat ako sa labi ko.
"Athena, bat mo kailangang gawin to? He will be brokenhearted pag nalaman niya."
"But he will be more brokenhearted pag umalis ako! Pag nawala ako! Atleast pag di na niya ako naaalala he can move on to his life. Na walang Athena. He suffered enough Angelo. Di ko na kayang makita siyang nahihirapan pa,. Please help me, please?" nangingilid ang luha ko na nakikipag usap sakanya.
Napahinga ng maluwag si Angelo saka kinuha ang card niya. He swipes it kaya nakapasok kami sa loob.
"Bilisan mo gawin mo na ang dapat mong gawin babantayan ko ang pinto," usal ni Angelo.
Naglakad na nga ako papunta sa main monitor at unti unting nilagay ang usb doon. I entered the coordinates then sa huling pagkakataon, I looked at our memories. Those memories that made my life so much fun, so much better.
"If it hurts for you to do so, wag mo ng gawin Athena," I heard Angelo said kaya pinunas ko ang luha ko.
"If... You can't stay with your loved one always...would you let him keep the memories alone?" Tinignan ko si Angelo.
"The happier these moments are, the more they can get you hurt."
"It was me who came to him first at ginulo ang buhay niya. Ang puso niya," pinunas ko ang luha ko. "Just let me bear these sufferings alone."
I smiled painfully. And with that I clicked enter. The monitor started to breakdown. The virus is slowly filtering the memory bank. With all the memories we had, those smiles he had given me, those hugs, those kisses. One by one they are all being deleted. My tears are streaming down as I look at those memories now slowly drifting away. Goodbye Jecho. Goodbye to our memories. I love you...but I have to say goodbye
The emergency button began to ring. "Lumabas na tayo Athena!!" sigaw ni Angelo. "Bilis na! Darating na sila maya maya!"
"Pero di pa siya tapos mag delete!" sigaw ko sakanya.
"Ako nang bahala! Bilis na lumabas ka na!"
"Pero mapapahamak ka! Hayaan mo na ako dito!
"Just go!!! Kahit ano pa ang ginawa mo alam ko na kabutihan ni Jecho ang iniisip mo. Alis na!"
Tinulak niya ako palayo sa room. I looked at him with teary eyes habang unti unting nagco close ang pinto. With one last look I saw the red ERROR in the monitors saka ako naglakad palayo.
--------
Third Person POV
That was the general situation of this project, but still may need your personal check," paliwanag ni Mr. Han kay Jecho sa mga bagay na kailangan pa niyang tapusin bago ibigay kay Angelo ang kumpanya.
Nabigla sila ng marinig ang WARNING tone ng memory bank. "The memory bank has been breached!" sigaw ni Jecho.
"I'll call the security office," sabi ni Mr. Han pero di na siya pinakinggan ng huli. Dali dali itong tumakbo papunta sa memory bank. No. Not those memories. Not our memories. Not again. Takbo ng takbo si Jecho wala na siyang pakialam sinong makabangga niya. He doesn't want those to be gone.
Nakita niya sa baba ng floor ang card ni Angelo. Dali niyang tinakbo ang loob. "Angelo! Lumabas ka jan ngayon din!" sigaw niya mula sa labas ng pinto.
"Wait there! A few minutes more!" sigaw naman ni Angelo. Bumukas ang pintuan. "Dude!"
Pumasok siya sa loob at sinuntok si Angelo. "What are you doing!!!"
Mabilis na tumayo si Angelo at niyakap ang kaibigan para di siya makalapit sa monitor. "Dude konti nalang! A few more minutes!"
Tinulak niya ito ng malakas at dali dali siyang tumakbo papunta sa main monitor at pinindot pindot yun. He was trying to undo it. He was trying to bring back the memories seen on the monitors. Ang sakit sakanyang panooring nawawala na ang mga inalagaan niyang memories ng unti unti. Nawawala na ang mga memories nila ni Anthena. "No, no! Not our memories! No!!!!" sigaw ni Jecho at pinalo palo ang monitor.
"It's been too late dude," nakangiting sambit ni Angelo. "It's done."
"Why are you doing this!!!" sigaw niya sa kaibigan.
"I just can't get used to you being with Athena. Nagseselos ako," ani Angelo kahit di yun totoo. He wanted to make everything return to its place. He wanted to see Athena leave peacefully. And he wanted to see his friend live his life without her and gets hurt knowing she'll leave him.
Malalakas ang hininga ni Jecho na nakatingin sa mga monitors. "Where's Athena?" he asked. No. Hindi siya naniniwalang magagawa ni Angelo ang ganito. He knew there was something wrong with Athena from the beginning. He knew that she is hiding something from him.
"What do you want from her now? Ako ang may kasalanan sakin ka magalit!" sigaw din ni Angelo.
"Only her can dare to do such thing with me around! She wants to give up. She wants to give up on me! Pero di ko siya papayagan!"
Tumakbo si Jecho para hanapin si Athena.
On the other hand, takbo ng takbo si Athena na umiiyak. Pagkarating niya sa condo niya tinanggal niya lahat ng larawan na nakasabit. "It's all over. This is all over!" napaupo siya sa sahig and burries her face on her knees. She keeps on sobbing. This is the only thing I can do for you Jecho. This is for the best. Isip niya.
"Athena. It's time," sabi ni Kei na nakatayo na sa harap niya. Yes it's time. Pinilit niyang tumayo at lumabas ng bahay. It's getting dark. Perfect time for the plan. She heaves a deep sigh. Pumunta na rin si Kei sa loob ng kotse. You forgetting me is better than let you suffer with me.
Maya-maya lamang ay humahangos na si Jecho na tumakbo papunta sakanya.
"What are you doing Athena? What is this all about huh?" tanong niya sakin.
She looked at him. "Kung di ko yun dinelete, mapapahamak ka." Tumulo na naman ang luha niya.
"So talagang plinano mo ang lahat?" puno ng hinanakit na sambit ng lalake. "For deleting my memories, nagsinungaling ka sakin nung una pa! Pwede mo namang sabihin kung may problema ka. Di naman kita pipiliting manatili sa piling ko." Tumulo na din ang luha ng lalake. Sobrang bigat ng loob niya habang pinagmamasdan ang dalaga.
"Jecho di ganun yun..." hikbi ng babae.
"Pero ganun ang nakita ko! I made all the efforts to enhance the security system of the memory bank just to be safe from the best hackers! Pero di ko naisip na ikaw pa talaga ang gagawa nun. Ikaw na kilala ko. Ikaw na sanhi ng pagpapanatili ko nito. Ikaw na mahal na mahal ko," tumingin siya sa taas para pigilan ang pagluha. "Athena, ganun mo na ba talaga gustong mawala ako sa buhay mo? Ganun ganun mo nalang ba ko igive up? Ganun ba kababaw ang pagmamahal mo sakin ha? Sabihin mo nga sakin minahal mo na ako?"
Nakatungo lang si Athena sa mga sinasabi ng lalake. Humihikbi siya pero di siya sumagot. Di niya kayang makita ang lalake na nasasaktan. Pero mas okay nang masaktan siya ngayon tapos bukas wala na. Di na niya ako makikila pa bukas.
Maya-maya lang ay nagpailaw na si Kei. Direkta sa mukha ni Jecho. Nagulat si Jecho sa nakita. Malalaki ang mata niya na sinalubong ang ilaw. Lumakas ang hininga niya at hinawakan ang ulo. "Ahhhhh!!!!" napaupo siya sa lupa. "Ahhhhh!!!!!"
Umiiyak si Athena na minamasdan siya. Umiiyak siya na sa isip niya unti unti na siyang nabubura doon. Narinig na naman niya ang pagsigaw ng lalake kaya tumakbo na siya palapit. "Jecho! Jecho!!!" Nag dial si Athena ng ambulansya. Please be okay Jecho. Please be okay.