Chereads / She's my Poser... / Chapter 45 - Chapter 45

Chapter 45 - Chapter 45

Third Person POV

Habang pauwi si Athena papunta sa opisina niya ay nakaramdam siya ng matinding sakit ng paa. Dagdag pa ang namamanhid niyang katawan. Dali dali siyang sumakay sa kotse niya at pinilit na nag drive papuntang condo niya. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya kinaya ang sakit ng paa niya kaya tinigil niya ang sasakyan sa gitna ng daan. Sinubukan niyang kunin ang phone sa bulsa pero sa kasamaang palad ay lobat din ito. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at iniisip na kailangan siya ni Jecho ngayon kasi ngayon nila ipepresent ang kanilang product. Hinawakan niya ang paa para sana maibsan ang sakit pero parang hindi na niya kaya. Sinandal niya ang ulo sa headrest ng sasakyan at ipinikit ang mata. "J... Jecho..." usal niya bago nawalan ng ulirat.

Sa kabilang dako, hindi mapakali si Jecho dahil hanggang ngayon ay di pa dumarating si Athena sa office.

"What's wrong?" aniya kay Mr. Han na pinapakontak si Athena.

"Sir, di pa daw po bumabalik si Miss Athena sa condo niya. Pati sa CI wala pa daw siya dun sir," sagot naman niya sakanya. Napabuga si Jecho ng hangin sa pag aalala. "Di rin daw alam ni Miss Keiry kung nasaan siya. I already contacted her parents at di rin daw nila siya nakita. Di ko rin po alam saan siya nagpunta," dagdag na sabi pa niya.

Tinignan naman ni Jecho ang kanyang relo. Malapit ng magsimula ang conference nila.

"Sir, malapit ng magsimula ang press conference. Ang mabuti pa ay mauna ka na muna," sabi ni Mr. Han sa di mapakaling lalake.

"No. She made an appointment to meet me at the office today. Importanteng meeting yun. Imposibleng hindi niya ako sisiputin," sabi naman ng lalake. He knew that Athena will come whatever happens. "Just inform the scientific department and locate her phone right away. I need to know where she is," dagdag niya na tinanguan ni Mr. Han.

Bigla namang dumating ng humahangos si Angelo. "How could Athena disappear?" nag aalalang sambit niya ng malaman na hindi pa dumadatimg hanggang ngayon ang dalaga.

Lumipas pa ang ilang minuto ay wala paring dumadating na Athena sa office. Patuloy parin nilang nilolocate ang phone ni Athena pero dahil sa lobat ang phone ng dalaga nahihirapan silang ilocate ito.

"Anong sabi nila?" sabay na tanong nina Jecho at Angelo habang inaantay si Mr. Han na makipag usap sa Science Department.

"Nakita po siya sa isang CCTV at nakita na naka park ang sasakyan niya sa gitna ng Riverside malapit sa remote factory Sir," sagot ni Mr. Han na binigay ang location ng lugar.

"Anong ginagawa niya dun?" sagot ni Angelo na nagtataka.

"Diko po alam," sagot ni Mr. Han. "We're not clear about her situation now. Di din tayo pwedeng tumawag agad agad ng pulis," aniya at tumingin kay Jecho na nananatiling tahimik na tinitignan ang location ni Athena. "Sir, anong gagawin natin?"

"Hindi siya makakalayo ng ganon. Kahit na gusto niyang magpunta dun, she will contact me first," sagot naman ni Jecho.

"Anong ibig mong sabihin dude?" tanong ni Angelo. "Wag mong sabihing may nangyaring masama sakanya?"

Napatingin naman ang dalawa sa sinabi ni Angelo.

"I'll go find her," kapagkuan ay sambit ni Jecho na nakapagpatayo kay Mr. Han.

"Teka dude!" pigil din ni Angelo sa balikat niya. "Ako nalang ang maghahanap sakanya. Kung idedelay mo ang conference it will all be over."

Umiling iling si Jecho. Malalakas na ang kanyang hininga sa sobrang pag aalala. "No. Malakas ang pakiramdam ko na may nangyari sakanyang masama. Notify the conference delay," aniya kay Mr. Han. "I'll go find her first," sabi na niya at tumakbo na papalabas.

"Sir!" sigaw ni Mr. Han pero di na siya pinakinggan ng binata.

"I'll leave it all to you Mr. Han," sabi naman ni Angelo at hinabol si Jecho para samahan siya sa paghahanap kay Athena.

Pinatakbo ni Jecho ang sasakyan kasama si Angelo na hawak hawak ang locator. "Dude, turn right," sabi niya kaya tumalima naman ang isa. Mahigpit ang paghawak ni Jecho sa manibela dahil sa kaba na baka may nangyaring masama sa babaeng minamahal. "Turn left," sabi na naman ni Angelo. Sinunod naman iyon ni Jecho at mas pinatakbo ang kotse. Lahat na ata ng sasakyan ay na overtake an na nila sa sobrang pagmamadali na mahanap kaagad si Athena. "We're almost there dude." Nanatili namang tahimik si Jecho habang nagmamaneho.

Sa kabilang dako naman, mejo nagising na si Athena pero di parin bumabalik ang lakas niya. Sinubukan niyang igalaw ang paa niya pero napasigaw siya sa pagsakit nito. Naluluha na siya sa sakit pero pinatatag niya ang sarili. Kailangan ako ngayon ni Jecho. Sana kahit ngayon lang makisama ka. Kausap niya sa sarili pero wala paring nangyari. Malalakas na ang hinga niya at butil butil na ang pawis. Maya-maya lang ay may narinig siyang parang tumigil na sasakyan sa tabi ng sasakyan niya.

"Athena!" narinig niyang tawag ng isang boses sakanya. Kilala niya yun.

"Jecho..." mahina niyang sambit pero dahil sa panghihina, bulong na lang iyon.

"Athena!" kinatok katok ni Jecho at Angelo ang bintana ng kotse niya kaya kahit namamanhid pati ang kamay niya pinilit niyang buksan ang pintuan. Nagtagumpay naman siyang buksan iyon pero dahil sa hina niya nawalan siya ng balanse at parang mahuhulog na siya sa pintuang bukas pero nasalo siya ni Jecho. "Athena!! Anong nangyari sayo! Dadalhin kita sa ospital!" sigaw ni Jecho at binuhat siya.

Agad naman siyang umiling sakanya. "Wag," sabi niya pero bulong nalang yun. "Wag sa ospital Jecho," sabi niya na pinigilan ang binata sa plano. Ayaw niyang malaman niya ang tungkol sa sakit niya.

"Ako na ang magda drive samahan mo si Athena sa likod," sambit ni Angelo kaya sumakay sila sa likod ni Jecho.

"K-kahit saan...wag lang ospital. Please Jecho," pagmamakaawa ni Athena kay Jecho kaya napatango nalang siya at niyakap ang hinang hinang si Athena.

"Diretso mo sa condo ko," sabi ni Jecho kay Angelo. Nagtataka man ay tumango nalang ang huli at nag drive papuntang condo.

Pagkarating nila dun agad na pinahiga ni Jecho si Athena sa bed at kinumutan. Di niya alam kung anong nangyayari sakanya at nag aalangan siyang magtanong sa magulang niya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili at iniisip na okay lang siya.

"Sir," usal ni Mr. Han na dumating na pala sa condo niya.

"Anong nangyari?" sagot ni Jecho na hinarap siya.

Huminga ng malalim si Mr. Han. "Our press conference...was over. Dahil di ka nagpakita sa takdang oras, inannounce na ng board sa press na ikaw ay n-nag resign na," nakayukong sambit ni Mr. Han.

"I expected that result anyway," sagot ni Jecho at tumayo na. Alam kasi niya na kahit anong ipakita niya tapos na ang usapang ng board at papaalisin din siya. Alam niya kung sinong gusto nilang ipalit sakanya. Pero alam din niya na hindi si Angelo ang klase ng tao na tatraydurin siya. Alam niya na hindi siya business minded na tao at mahilig lang itong maglaro kaya di niya gugustuhing mamahala sa isang kumpanya.

"Sir, actually kahit di ka naman pumunta dun pwede ka namang magpadala ng susundo kay Miss Athena," sabi ni Mr. Han na nakapagpatigil kay Jecho. Masakit din kasi para sakanya ang pagpapatalsik sa amo niya.

"That won't work for me," sagot ni Jecho.

"Hindi ka ba nagsisisi Sir?" tanong ulit ni Mr. Han na bahagyang lumapit sa kinarorooonan ng binata.

"Nagsisisi?" hinarap niya si Mr. Han ng seryoso. "What I regret most is that we designed something that the world has never seen and now they never will." Ngayon kasi ay di na nila maipapakita ang gawa nila ni Athena.

Sa kabilang dako, matagal namang pinagmamasdan ni Angelo ang natutulog na si Athena. "Ang tagal mo namang matulog Athena. Tinakot mo ako kanina alam mo ba?" pagkausap niya sa babae kahit di siya nito naririnig. Huminga siya ng malalim. "Kung may masama talagang nangyari sayo, mababaliw ako Athena. Pero alam mo, pag nangyari yun, mas mababaliw ang kaibigan ko," he chuckled lightly. "Nakita ko na sobrang mahalaga ka sakanya. He even...didn't attend the conference just to find you. You guys are really fool and nuts, don't you think?" He smiled and looks at the ceiling. "You are really born for each other." Nilapit niya ng konti ang mukha niya sa mukha ng babae para mas mapagmasdan ito. He gently plays with her long eyelashes. "But you have a good taste in men too, you know. Sabi mo nga naging crush mo ako nung una. Alam ko namang gwapo ako at bagay tayo, pero...nagdesisyon na akong palayain ka. So what do you think? Are you feeling too bad to wake up now?" Nangingilid na din ang luha ng lalake habang sinasabi ang mga salitang yun. "That's okay. Love itself is unfair. You can now be with my friend as you wish." He smiled at her for the last time and stands up.

Sakto namang pumasok si Jecho sa loob ng kwarto. Tinignan ng kadarating na lalake ang natutulog na babae. "Kumusta na siya?" tanong niya kay Angelo.

"She is fine. The doctor said that she just needs rest," sagot niya. May pinadala kasing doctor ang pamilya Chua dahil tinawag nila ito sakanila kanina. Di rin naman sila makadalaw dahil kasalukuyang nasa summit ang mag asawa at di nila maiwan ito kaya pinaubaya muna nila si Athena kay Jecho.

Tinignan muna ni Angelo si Athena saka kay Jecho. "Ikaw na ang bahala sakanya dude. Aalis na ako," aniya at tumalikod na. And for the second time, he gave up the girl he love for his friend and for their happiness.

Lumapit naman si Jecho sa bed ng dalaga at umupo sa tabi niya. Hinawakan niya ang kamay nito at bahagyang pinisil. Para namang nananaginip ang babae ng masama kasi galaw ng galaw ang ulo ko. "Athena," tawag niya dito. "Athena, okay ka lang ba?"

"No!" biglang sigaw ng dalaga at napabangon.

"I'm here Athena," pilit niyang pinaharap ang babae sakanya. Bigla naman siyang niyakap ng babae. He hugged her back and pats her shoulder. "It's okay now. Everything's fine."

Unti-unti namang kumalma ang dalaga.

-------

Athena's POV

.

"Are you okay now Athena?" narinig kong sambit ni Jecho. Sobrang hina ng katawan ko pero nagawa kong tumango.

Pinilit kong tumayo sa tulong ni Jecho at laking pasasalamat ko ng makatayo ako ng maayos. Nanginginig ang tuhod ko ngunit di ko yun pinahalata sakanya. Maglalakad sana ako ngunit nawalan ng lakas ang tuhod ko kaya binuhat na naman ako ni Jecho. "Di ka pa malakas. Wag mong pwersahin ang sarili mo, okay?" Tinignan ko siya saka unti-unting tumango.

"C-can I wash my face?" I said at tumango siya.

"Halika," aniya at binuhat ako papunta sa banyo. Pinaupo niya ako sa sink at kumuha ng face moisturizer. "Umupo ka lang diyan ako nang magwa wash sa mukha mo okay?" Bahagya naman akong tumango. He puts some moisturizer to my face and he gently caress it to put it all over my face. Nakatingin lang ako sa mukha niya habang ginagawa niya yun. Masaya ako na nakikita siya ng ganito. Masaya ako na kaya ko pang titigan siya sa anong oras kong gustuhin. I really love this man. But I have to leave him. Soon.

Bahagya naman niyang tinigil ang ginagawa ng mapansing nakatingin ako sakanya. Sinalubong din niya ang mga mata ko. Hindi niya ako pinakawalan  sa titig niya hanggang sa unti-unting bumaba ang mukha niya papunta sakin. Kusang napapikit ang mata ko ng sakupin niya ang labi ko. Napangiti naman ako. "Is this how you will wipe my face?" I said between the kiss kasi may napunta na ding moistutizer sa gilid ng labi niya.

Malalakas ang paghinga niya ngunit nanatiling malapit ang mukha niya sakin. "I almost lost you Athena," aniya sa pabulong na boses. He is just looking at me as if any moment ay mawawala ako sakanya. He kissed my forehead kaya napapikit ako. Pinagdikit niya ang mga noo namin. I can hear his rapid breathing. Ngitian ko naman siya at bahagyang hinawakan ang mukha niya pero nanatili lang akong tahimik. "I love you," kapagkuan ay sabi niya sakin pagkatapos ay sinakop na naman ang labi ko. I gently responded to his kiss.

Parang ayaw na niyang tigilan ang labi ko kaya ako na ang kusang bimitaw. Bahagya akong tumawa kasi napunta na ata lahat sa mukha niya ang mositurizer na nilagay niya sa mukha ko at parang naging mustache na niya ito. Nanatili naman siyang nakatitig sakin. "Bakit ka tumatawa ah?" aniya sa malambing na boses.

"Para ka ng matanda Jecho," I said na tumawa kaya napatawa din siya.

"And you are my old lady now, hmm?" aniya kaya tinignan ko din ang sarili ko sa salamin. Nagkalat na din ito sa parte ng pisngi ko. Kinuha naman ni Jecho ang face towel at pinunasan na ang mukha ko. Tinanggal ko naman ang ilang bahid ng moisturizer sa gilid ng labi niya gamit ang daliri ko. "Ofcourse. We will grow old together Athena," aniya kaya bahagya akong natigilan. Can we really grow old together?

I hold his shoulder para makatayo ako. "Ahh," sabi ko ng bigla na naman akong matumba. Madali naman akong nasalo ni Jecho. This is weird. Bakit di ko na talaga maitayo ng maayos ang paa ko? Nawawala na ba talaga ang bisa ng shot ko? Pinilit kong tumayo kaya kahit na nanginginig ang tuhod ko di ko nalang pinahalata kay Jecho.

"Sigurado ka bang ayaw mong pumuntang ospital?" tanong ni Jecho. Umiling naman ako.

"Nanghina lang siguro ako dahil sa matinding stress nitong mga nakaraang araw. Pahinga lang siguro kailangan ko," sabi ko at pinilit siyang ngitian sa gitna ng pananakit ng tuhod ko. "Pwede bang...ihatid mo na muna ako sa condo ko? Dun nalang ako magpapahinga please?"

"Okay sige. Ihahatid na kita dun," sagot niya at binuhat ako papunta sa kotse niya.