Chereads / She's my Poser... / Chapter 43 - Chapter 43

Chapter 43 - Chapter 43

Athena's POV

"Sigurado ka ba sa desiyon mo anak? Aprobado na yan ng board tapos ibibigay mo sa iba?" tanong ni Papa sakin. Balak ko kasing ibigay kay Jecho ang product na ginawa ko. Di pa naman to naisapubliko kaya pwede kong ibigay sakanya. In that way matulungan siyang itaas ang kumpiyansa ng board sakanya.

"Yes Pa. Aalis na din naman ako why not ibigay na yun sakanya. Saka may mga i a add pa ako dun para mas maging perfect. Mas ok na sila na ang makinabang pa. And balak kong tulungan siya sa pag explain sa board about sa product. I will personally persuade them na si Jecho ang kukumpleto sa perfume ko."

My father sighs. "Ano pa nga bang magagawa ko e nakapagdesisyon ka na. Basta ingatan mo ang sarili mo ok? Ayoko na mapahamak ka sa gagawin mo anak."

I hugged him. "Thank you Pa. I will."

Pumunta nga akong VGC para kausapin si Jecho.

"Athena," nakita kong si Angelo ang makakasalubong ko. "Nandito ka may gagawin ka dito?"

"Ah, ano, mayroon lang akong sasabihin kay Jecho," I smiled at him. Napawi naman ang ngiti niya sa sinabi ko.

"Ganon ba? Ano ang sasabihin mo sakanya?"

"Mmm. May mga gusto lang akong sabihin. Sige mauna na ako Angelo," I said at nilagpasan siya. Dumiretso ako sa opisina ni Jecho.

Nakita ko naman siya na nakapikit at nakasandal ang ulo sa upuan niya. Kinatok ko ang pinto.

"Come in," aniya kaya pumasok ako sa loob. "What's the matter?" he asked me ng makalapit ako sakanya.

Ipinatong ko sa table niya ang files ng Three-Minute Love Perfume product ko. "Read it by yourself," sabi ko ng di nakatingin sakanya.

Kinuha naman niya to. "What's this?" he asked.

"Nag iisip kasi ako ng mga ways para matulungan ka. Kaya naisip ko na ibigay sayo ang aking ginawang perfume. Maganda to lalo sa mga kababaihan kasi mahilig kaming mag appreciate ng kagwapuhan kaya maganda to. Though di pa siya super perfect kaya---" napatingin naman ako sakanya kasi kinakagat niya ang labi niya sa pagpipigil ng ngiti. "W-why?"

"Dahil nga sabi mo e kayong mga babae mahilig kayong mag appreciate ng kagwapuhan," he asked me kaya napa blink ako ng maraming times. "Kung ganon, pwede kang mag transfer sa office ko at umupo kaharap ko para maapreciate mo ng mas lalo ang kagwapuhan ko." he said na tumango tango sakin.

Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Sa dinami ng sinabi ko yung kagwapuhan pa talaga ang natira sa isip mo? Hambog ka talaga," irap ko sakanya.

Napatawa naman siya bigla kaya napameywang ako. "Akala mo ba madali saking puntahan ka dito? Psh. Still making fun of me," sabi ko at sinamaam siya ng tingin. Pilit naman siyang nagpipigil ng ngiti.

Tumikhim siya. "Okay, sorry," he said kaya napabuga ako ng hangin.

"Alam ko na I rejected you. Noong ginugulo niyo ako ni Angelo, ginawa ko ang lahat para iwasan kayo. But, you're in trouble now," I said na napayuko. "Mejo nag aalala ako sayo. Saka...madami ka na ding nagawa para tulungan ako in the past. Kaya kung pababayaan kitang mag isa ngayon, di ko mapapatawad ang sarili ko. Therefore I come to meet you on my own."

Ngumiti siya at tumayo. Nakapamulsa siyang lumapit sakin. "Thank you," aniya na nakatingin saking mga mata. "Kahit gusto ng kumpanya na umalis ako dito pagkatapos nilang malaman ang amnesia ko, para sakin di pa tapos ang laban. Wala pang may alam ng magiging resulta nito."

"Ano ang plano mong gawin?" seryoso kong tanong sakanya.

"I'll figure it out," he said na tinanguan ko. "If ever I need your help, or I need to make use of your product," he helds my shoulder. "I'll go find you."

Ngumuso ako. "Pero, pina abolish ko na tong product ko sa CI para ibigay dito. Eto lang kasi ang naisip kong paraan para matulungan ka." I sighs saka bahagya siyang tinulak. "Anyways balik ka na sa trabaho mo. Do your business. Aalis na ako." I said at tumalikod.

"Teka!" sabi niya at hinabol ako. "Let's do it," aniya kapagkuan.

"What?"

"Your perfume product. Let's do it," he said kaya napalaki ang ngiti ko.

------

Third Person POV

"Miss Sy, dito po tayo," sabi ng waitter na giniya si Maui papunta sa table kung saan sila magkikita ng ama ni Jecho. Nakita ng babae ito na nilalagyan ang mga shot glass ng alak. Bahagya niyang inayos ang damit niya saka nakangiting lumapit dito.

"Tito," aniya na nagpaangat ng tingin ni Mr. Villas. "Sorry to keep you waiting."

"Kakarating ko lang din," sabi ni Mr. Villas at nginitian si Maui. Naupo naman ang dalaga sa harap ng chairman. "Here," aniya na nilapag sa harap ng babae ang isang baso ng alak.

"Thanks tito," sambit ng dalaga.

"Ikaw mismo ang nag imbita sakin dito. Alam ko may sasabihin kang importante," usal ng chairman na tumingin sa dalaga.

"Yes, tito. Nakipagkita ako sainyo para kay Jecho," sabi ng dalaga na nakapagpaayos ng upo sa matanda.

"Nung last time na nagkita tayo sabi mo na gagawa ka ng paraan para matanggap ka ni Jecho. Nagtiwala ako sayo kaya di ako nakialam sainyong dalawa. Pero alam ko na nalaman mo na ang ukol sa sakit ng anak ko. Maui, kung gusto mo ng mag give up sa anak ko, I won't blame you," sabi ng matanda.

"Bakit mo naman po yan sinasabi tito? Di ako nagpunta dito para dun," usal ng dalaga kaya natahimik ang matanda. "I wanted to help Jecho. As soon as you make us a couple, I believe Jecho will not go through this trouble anymore." Napatingin naman ng seryoso ang matanda kay Maui.

"No way," biglang sambit ng matanda at tumayo. "Nakita mo na ang balita Maui. Alam mo na anong klaseng sakit meron siya. Unfair na sayo na makasama pa siya."

Ngumiti naman ang dalaga sa narinig. "Diko pagsisisihan tito." Tumayo din siya at hinarap ang matanda. "Tito, kahit pa anong sakit ni Jecho or something else, sasamahan ko siya. Ngayong mga oras kailangan ni Jecho ng tulong. I think if he have my support, mawawala ang problemang kinahaharap niya."

"You mean..." sabi ng matanda na nakapagpatango sa dalaga.

"In your command, let Jecho marry me as soon as possible. I think I can help him either in property or ability. Pag nangyari yun di na siya mapapaalis sa kumpanya ng ganun ganon lang. As you know, ang situasyon ni Jecho now, kahit suportado mo siya as the chairman, mahirap para sakanya ang i maintain ang posisyon niya. Di ba yun din ang rason na nanatili kang tahimik sa likod ng issue? Pero kung tutulungan ko kayo,hindi lang ang kumpanya pero pati ang Villas family's strength will be reinforced. Makakatulog ka nang walang iniisip Chairman," mahabang sambit ng dalaga na nakapagpaisip sa matanda.

"Nasurpresa ako sa lawak ng isip mo iha," aniya na nakapagpangiti sa dalaga.

"Sa harapan mo siguro ang isip ko ay pang batang laro lang. Pero tito, gusto ko talagang tulungan si Jecho. Alam ko na ayaw mo siyang mapaalis,diba?"

Napahinga amg matanda ng malalim. "Ang totoo niyan, si Jecho lang ang alam ko na pwedeng makapag shoulder ng mabigat na responsibilidad sa aming pamilya. Kung masisira ng tuluyan ang career niya, walang kahit sinong makapapalit sakanya. Kung magiging asawa ka niya, malaking tulong yun sa aming pamilya. However, okay lang ba talaga ang pagkakaroon niya ng sakit sayo?" tanong ng matanda na tinanguan lang ng dalaga.

Inilahad ng dalaga ang isang folder sa kanya. "Tito, this is the cooperation programme I wrote myself." Inabot naman ng matanda ang folder. "As long as Jecho agrees to marry me, I'll invest our company immediately to help him remove obstacles. Though money can't represent my true heart, but atleast it can stand for my sincerity. Don't you think so tito?"

Napatango ang matanda. Alam niya na sa pagkakataong iyun ang sinabi nalang ng dalaga ang tanging paraan para maayos ang problema.

-----------

Athena's POV

Buhat buhat namin ni Jecho ang kahon ng mga perfume samples mula sa CI. We will change the substance para mas maging effective ito.

"Sigurado ka bang makakatulong ito sayo Jecho? I mean, kinakabahan ako baka pumalpak tayo," sabi ko na binaba sa table ang kahon. "Kaya ka kaya nitong tulungan para manatili sa kumpanya?"

"If I can show them a whole new plan which is very impressive and makes them agree to let me continue working, I suppose papayagan nila akong mag stay," he said.

Nilabas ko naman ang mga samples mula sa box. "But, this is not yet perfect, you think we can perfect it?" I said na nakatingin sakanya.

"Rest assured. I'll change everything of it," he said at tinulungan akong ilabas ang mga yun sa box. "A whole new project will be shown to them. And makakatulong to sa kumpanya sa pagpasok sa new market." Tumingin siya sakin. "Considering the benefit of it, the'll concede."

Napatango naman ako sa sinabi niya. "Mukhang tama ka nga."

"Ngayon ay ikaw ang magiging developer ng bago kong project. From now on, dapat magtrabaho ka dito sa bahay ko overtime para tulungan akong tapusin ang trabaho," nakangiti niyang sambit sakin.

Napanguso naman ako. "Wala naman akong masyadong ginagawa sa kumpanya kasi si papa naman ang gumagawa halos ng trabaho ko kaya ok na din." Nag focus na nga ako sa trabaho at di na siya tinignan. Bigla namang nag ring ang phone ko. Nakita ko na si Angelo ito. Sasagutin ko na sana ng hablutin ni Jecho ang phone at siya ang sumagot sa tawag at ni loud speaker pa ito.

"Hello Athena, nasan ka?" narinig kong sabi ni Angelo sa kabilang linya. Pilit ko namang kinukuha ang phone ko sakanya pero di niya binigay.

Tumikhim si Jecho para iparinig kay Angelo ang boses niya.

"Jecho?! Bakit nasa sayo ang phone ni Athena?!"

"Nasa bahay ko siya ngayon. Dito siya mag i stay. Tutulungan niya ako sa ilang bagay," sabi ni Jecho. Nilalayo niya ang kamay niya sakin para di ko mahablot ang phone ko. Grrrr ano ba tong taong to!

"Bakit siya kailangan pumunta sa bahay mo?" sabi ni Angelo.

Bigla naman niya akong nilapit sakanya para di ko mahablot ang phone ko. "Mas makabubuti na to para mas maaayos namin ang trabaho."

Pinapalo ko ang dibdib niya para makalayo ako pero di parin niya ako binitawan. "Sige na wag mo na tawagan si Athena, bye," aniya at binaba na ang tawag.

"Masyado ka Jecho!" pinalo ko ang dibdib niya. Ngumiti siya sakin at nilahad niya ang phone ko. Nang akma ko nang kukunin yun tinaas naman niya to. Sinubukan kong abutin yun pero dahil matangkad siya di ko maabot. "Give it to me!"

"No, no, no," aniya na mas tinaas pa yun.

Hinawakan ko ang balikat niya para abutin yun. "Come on, Jecho!" pumunta ako sa likod niya pero ganun parin. Naiinis na talaga ako sakanya. "Give it to me now! Enough playing!" I said saka sumimangot. "You tell him things that makes him misunderstood right?"

Ngumiti siya at binaba ang kamay. "So what? Can't you stay with me?" he said.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hmp!" sabi ko at tinalikuran siya. Tinuloy ko na lang ang pag aayos ng mga samples at di na siya kinausap. Bwisit talaga tong taong to.

Lumapit naman siya sakin."Galit ka?" aniya.

"Hindi," sabi ko pero di tumitingin sakanya.

Inakbayan naman niya ako para iabot ang phone ko sakin. Hinablot ko naman yun at pinatong sa tabi ko. "I just think, mas okay na din sigurong ma misunderstand niya tayo." sabi ko at tumingin sakanya na nakatingin din sakin. "Ayoko din kasi na iwan siya ng pag asa eh. Kung ma misunderstand niya ang relasyon natin, he might give up. Diba?" I said to him.

Nilapit naman niya ang mukha niya sakin. "What about me? You didn't make me misunderstood you and Angelo. Then ibig bang sabihin nun gusto mo akong bigyan ng pag asa?" Napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi niya.

"Y-you... W-what are you thinking ah?" Binaba ko ang tingin sa mga perfumes. "Gusto lang kitang tulungan kasi...t-tinulungan mo din ako nun. Wag kang mag isip ng kung anu ano jan." Lumayo ako ng konti sakanya.

Nilapit naman niya ulit ang mukha niya sakin. "Is it?"

"Yes," sabi ko na di siya tinitignan.

Nangingiti naman siya pero lumayo na siya ng konti sakin kasi may tumawag sakanya.

"Dad," narinig kong sambit niya. Napatingin naman ako sakanya. "Got it," sabi pa niya saka binaba ang tawag.

"Anong nangyari?" tanong ko naman sakanya.

"Antayin moko dito. Kailangan ko lang umalis," sabi niya kaya napatango nalang ako. Ano kayang nangyari at nagmamadali siya?