Chereads / She's my Poser... / Chapter 41 - Chapter 41

Chapter 41 - Chapter 41

Jecho's POV

The next days were so busy for me. I reviewed everything that needs to be reviewed. I will prove myself once again.

I am currently inside my office the whole day kasi di ako tinatantanan ng mga reporters. Nandun sila sa labas ng kumpanya buong araw kaya di ako makalabas.

Bigla namang sumakit na naman ang ulo ko. I've been stressing myself dahil sa mga nangyayari kaya di na naman ako nakakainom ng gamot.

"What's wrong?" narinig kong hangos ni Mr. Han dahil sa biglaang tawag ko. "Okay ka lang po ba sir?"

"Get my medicine," I said at tinuro yun sa may table ko.

Mabilis naman siyang tumalima. "Bakit na naman sumasakit yan sir?"

"I've been too busy these days," sabi ko at humihinga ng malalim. "I know you're too busy to do things too. Kaya ayaw kitang istorbohin. But I've had no one to ask kaya tinawagan na kita."

He gave me my medicine with a glass of water. Ininom ko naman agad ito. "Palagi po bang sumasakit ang ulo mo?"

"Yes. Maybe because of the accident. Or because of my amnesia. I don't know anymore. It should be ok in a few days,"I said at sinandal ang ulo sa couch.

"You should have a regular check up to the hospita sir. C'mon I'll drive you there," aniya at tumayo na.

Umiling ako. "I have only one week left. I can't waste any time. Just collect the files for me. Titignan ko nalang sa bahay."

He sighes at kinuha na nga ang mga papeles na pipirmahan ko at kailangang i review. Inalalayan niya ako palabas sa back gate para umiwas sa mga reporters pero nagulat ako ng sinalubong ako ni Athena.

"May mga reporters diyan. Wag kayong dumaan. May alam akong secret way palabas," tumingin siya kay Mr. Han. "Ikaw muna ang humarap sakanila. Ako na ang bahala kay Jecho," aniya at hinila ang kamay ko palabas. Nagpatianod nalang ako hanggang sa makalabas kami. "Are you alright?" she asked me. Hawak ko ang ulo ko pero tumango ako.

"I'm okay. Thank you," I said. Tumawag siya ng taxi.

"Punta ka na sa loob ng sasakyan baka makita ka pa nila. Halika na," she said kaya pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

-------

Athena's POV

Dinala ko siya dito sa condo ko dahil alam ko baka pati sa condo niya may nakaabang na reporters dun. Inalalayan ko siyang umupo.

"Ano ang nararamdaman mo? Sumasakit pa ba?" I asked him at tumango siya.

"Dahil siguro to sa stress. Magiging ok din to," sabi niya. "Mas ok na dito muna ako manatili, baka kung ano pang mangyari sakin sa bahay, di kaya?" sabi niya na may nakakaawang mukha. I blinks a few times. Kanina nung nasa sasakyan kami ok naman na siya pero ngayon bigla ulit sumakit ulo niya.

"Nasan ba pamilya mo? Napakaseryosong bagay to, wala ba silang pakialam sayo?" nagpameywang kong sambit. Nilagyan ko ng tubig ang baso saka inabot sakanya. "Eto, inom ka muna."

Kinuha niya naman ito at uminom. "Diba andito ka naman? Mas gusto kitang kasama kesa sakanila," he said na nagpapula ng mukha ko.

Tumikhim ako at bahagyang pinaypayan ang sarili. "Sinasabi mo diyan," I said at umupo sa kabilang side.

"Lahat ng tao tinuturing na akong may sakit sa utak. Ganun din ba ang tingin mo sakin?" aniya na tinignan ako.

I tilts my head at umiling. "I think of you once as a cold-blooded person, but I know mahalaga sayo kung anong iniisip ng ibang tao sayo." Huminga ako ng malalim saka ngumiti. "Nawala ang alala mo kaya di mo naaalala ang nangyari sakin nung pinunta moko sa condo mo diba? Nung time na yun plinano kong akitin ka. Pero sabi mo di ko na dapat gawin yun kasi gusto mo na ako nun. Sabi ko nun di ka naman pala ganun kasama kahit na niloko moko nun. Pinaramdam mo sakin na I deserve to be loved." Tumingin ako sakanya. "Kaya ngayon sinasabi ko sayo na you deserve everything that you have. Iniisip ko nun na pano kung malampasan kita? Pano kung mas gagalingan ko pa at matatalo kita? But later on I saw how you work. Napaka dedicated mo sa trabaho. Kaya you deserve your position Jecho," I told him.

"Di ka ba natatakot sakin? Everyone thinks that I'm a freak. A psycho."

"Everyone has a freak side. May mga bagay sa buhay natin na kailangan nating tanggapin. Kasi nga wala namang taong perpekto. At ikaw, may amnesia ka. Pero diba lahat naman tayo nakakalimot minsan sa mga bagay bagay? People today definitely don't remember what they ate a year ago. Then next year, they sure won't remember what kind of life they have now. Lahat ng tao nakakalimot. At ang mga bagay na nakakalimutan mo ay mejo mas angat lang ng konti sa mga nakakalimutan ng iba. That's just totally normal, isn't it?" I smiled at him na tahimik lang akong pinapakinggan.

Napangiti naman siya bigla sa sinabi ko. "I didn't know that you have such brilliant thoughts."

I smiled back at him. "Nagugutom ka ba? Ipagluluto kita," I said at tumayo

But on second thought, di pala ako marunong magluto kaya tinawagan ko si Kei at siya na ang nagluto.

Dinalhan ko nga ng pagkain si Jecho sa loob ng kwarto. "Dinner's ready," I said na hawak hawak ang tray ng pagkain. Pero napatigil ako ng makitang natutulog na siya sa sofa. Nilapag ko ang mga pagkain sa table. "Napagod na siguro siya." I get a blanket at kinumutan siya. Unti unti kong tinanggal ang mga sapatos niya. I looked at his face once again and smiles. Ang gwapo niya parin talaga kahit tulog. I smiled at the thought.

------

Jecho's POV

Naalimpungatan ako sa gising ng marinig ang doorbell. Bumaba ako at nakita si Athena na natutulog sa bed niya. Di pala ako nag transfer sa kabilang kwarto kagabi at naitulog na dito sa sofa.

Bumangon ako at binuksan ang pinto. Nakita ko namang nakatayo si Mr. Han doon na may malaking kahon na dala. "Sir, eto po ang mga files na pinaayos mo sakin kahapon," aniya. "At saka nagdala na din ako ng mga damit mo pati na ang gamot mo sir."

"Thanks," sabi ko at binuhat ang kahon.

"D-di mo bako papapasukin sa loob at uminon ng tubig sir?" aniya na nag blink blink pa. Ano naman kayang problema ng isang to?

"Sshhh...natutulog pa si Athena," I said at nginuso siya na nakahiga sa bed niya.

"Miss Athena? Good job sir," and he patted by shoulders. "You are dating while working. Bilib na ako sayo sir. Multi tasking ka." Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napatahimik siya.

I closed the door at sa labad ko siya balak kausapin. "Anong nangyari sa mga reporters kahapon?"

"Naging ok naman sir. Di ko nalang sila inentertain kasi di naman ako ang inaantay nila kaya umalis na sila nung di ka nila maantay. Pero nandun parin sila sa condo mo at inaabangan ang pag uwi mo dun. Saka mukhang may sakit ka pa sir. Wag ka na munag pumunta doon ngayon."

"Book a nearby hotel for me. I need to work outside," sabi ko.

"Sir, nakuha ko na lahat ng files na kakailanganin mo. Bakit di ka nalang magtrabaho dito? Andito pa si Miss Athena. May inspiration ka pa sir," he said and winks at me.

Napaawang naman ang bibig mo sa mga sinasabi niya.

"Don't be so thankful sir. I can help you with anything you know," he grinned at me. "I'll go now," sabi niya at umalis na.

Pumasok ako sa loob at napaigtad ako ng makita si Athena na pupungas pungas. Nakapikit pa siya habang nakatayo sa harap ko. "Sino ba yun? Bakit ang ingay ingay e ang aga aga pa," sabi niya na di parin nagmumulat ng mata.

Napalunok naman ako at tumikhim saka tumingin sa ibang direksiyon. Mukhang maling ideya ata na dito ako magtrabaho.

"Mr. Han came. Dinala niya ang mga kailangan kong gamit," sabi ko at nilagpasan na siya.

"E bat nagmamadali ka? Bakit kailangan mo na agad magtrabaho?" she said at sinundan ako. "Busy ka ba talaga nitong mga araw?"

"It's ok. I have to work from home today," sabi ko na nagpalaki ng mata niya.

"At bakit naman?" aniya. "Tinulungan na kita ng minsan. Gusto mo bang mag depende na lang sakin mula ngayon?" nagpameywang pa niyang sabi.

Pinigilan ko naman ang pagngiti at tumingin sa ibang direksiyon. Tinanggal ko ang jacket ko na nakasuot pa sakin mula kahapon at mas napalaki pa ang mata niya.

"A-anong ginagawa mo?" sabi niya na pinapanood ako.

"Magpapalit ako ng damit. Titingin ka pa?" I said at namula ang pisngi niya.

"P-pervert!" sigaw niya at tumakbo papunta sa kwarto niya at ni lock ang pinto. I grinned at her reaction. She's really a cutie when teased.

Uminon naman na ako ng gamot ko at nagsimulang magtrabaho.

------

Athena's POV

Kinukusot ko ang mata ko na nagpunta sa likod ng condo ko. Nakita ko naman doon si Kei na nagdidilig ng halaman.

"Morning Kei," I said at umupo sa bench at pumikit.

"Aga mo naman. Nasan si Jecho?" tanong niya sakin.

"Nasa loob," sabi ko na nakapikit parin.

"Natutulog pa?"

Umiling ako at humikab.

"So...kagabi Athena...may...alam mo na...dalawa lang kayo sa bahay..."

I looked at her saka nag loading ang utak ko sa kung anong ibig sabihin niya at ng marealize ko yun napalaki ang mata ko. "Ano bang mga sinasabi mong babae ka? Kelan mo pa natutunan ang mga ganyan ah?" Inirapan ko siya.

"Tsk, tsk, tsk. Ibig sabihin you're not good enough Athena. May mga nabasa ako sa book ni kuya na seducing tactics pwede kong ipahir---"

Tinuktukan ko nga siya. "Tigilan moko sa mga ganyan mo Kei. At saka kuya mo? Kelan pa nagbabasa yun ng ganun?"

She shrugged. "Sa tingin ko may babae na siyang nagugustuhan eh. Mabuti yun at ng maging tao na siya." She grinned at me. Kapagkuan ay sumeryoso. "But seriously speaking Athena, Jecho needs company right now. VGC is a mess. Plus may bahay siya pero di siya makapag stay dun. And eight out of 10 people know that he's sick. Pag nagpatuloy na ganito mawawala sakanya ang lahat. Ikaw nalang ang pag asa niya. So, kailangan mong maging mabait sakanya. Don't let him go through this on his own. Do you get me?"

Napaisip naman ako at nag loading na naman ang sinabi niya sa utak ko saka napatingin sakanya ng marahas. "Di ko naman siya kaano ano ah! Why should I go through this with him?" I said at tumayo sa harap ng swimming pool. "Forget it. Sa tingin ko kailangan kong ipahiram ang bahay ko sakanya. Pero mamayang gabi. Mamayang gabi kailangan ko na siyang mapaalis." Ngumuso ako at tumango tango.

-------

Pinuntahan ko si Jecho sa kanyang kwarto at dinala ang pinakuha niya saking mga papeles. Bagot kong pinatong ang mga yun sa table niya. Kasalukuyan siyang nasa harap ng laptop niya at nagta type. "Eto na ang mga pinakuha mong papeles."

"Thanks," he said na di ako tinignan. Nakita ko naman ang pagkaing nakapatong sa side ng table niya na di pa nagalaw.

Umupo ako sa tabi niya. "Bat di ka pa kumakain ng breakfast mo?"

"Not in the mood," he said. "Can't you just go somewhere where I won't see you?" sabi pa niya na nakapagpanguso sakin.

"At bakit? Bahay ko to ah bat moko pinapaalis?"

"Because I'll be distracted when I see you," aniya na nakapagpakunot ng noo ko. Tumingin ako sa taas saka sumulyap sakanya at bahagyang ngumiti.

-------

Jecho's POV

I heard Athena laughing hard sa pinapanood niya. At dahil nga dakilang matigas ang ulo niya di siya umalis sa tabi ko. Andito siya at habang nagtatrabaho ako tumatawa naman siya na nanonod ng kung ano. Sinamaan ko siya ng tingin pero di siya tumigil sa kakatawa. I breathes hard saka sinubukang ituloy ang ginagawa.

"Go make a cup of coffee," I said na nakapagpaangat ng tingin niya. Bagot siyang tumalima at kumuha nga ng kape. Inilahad ko ang kamay ko para sana ibigay niya sakin pero ipinatong niya ito sa table.

"I don't even know why I'm helping you," she said na may pairap pa.

Maya-maya pa ay nakita ko na siyang nakapatong ang ulo sa table ko at natutulog. Nagkalat ang iba't ibang klaseng chips sa table na kinainan niya at nadumihan na din ang mga papeles ko na andun. I sighes as I'm looking at her. Tumikhim ako para gisingin siya. Wala siyang reaksiyon. "Lunch's ready!!!" sigaw ko at bigla siyang nag angat ng tingin.

"Where's lunch?" aniya na luminga linga pa. "Already lunch time?" sabi pa niya at kinukuskos ang mata na tumingin sakin.

"Go print another copy of these files for me," I said at nakabusangot niya akong hinarap.

"Why should I help you?"

"Can't you see ang dumi na ng mga papeles ko dahil sa mga pagkain mo? Sa tingin mo magagamit ko pa ang mga yan?" sabi ko na nakataas kilay.

Tinignan naman niya ang mga ito at unti unting kinuha at pinagpagan saka nakangiwi na tumayo. Tinignan pa niya ako ulit pero prente na akong umupo na sinalubong ang mata niya. "Last time coffee, this time print files. What's next? Naging secretary pa talaga niya ako. Di ba niya ako kilala? Ako lang naman si---"

"Hera Athena Chua? Go now," I said kasi kanina pa siya bulong ng bulong. Sinamaan niya ako ng tingin saka lumabas na.