Jecho's POV
Nakahawak ako sa ulo ko na bumababa ng hagdan mula sa tennis court. Masama ang pakiramdam ko dagdag pa na mabigat ang kalooban ko. She wanted me to leave. She wanted me to giver her space. Who am I not to give it to her? Wala namang kami.
"Sir! Di pa maganda pakiramdam mo pero naglaro ka na ng tennis?! Pag nalaman to ni chairman ako ang malalag--"
"Let's go," I said in a low voice at pumasok na sa loob ng kotse. Napabuga ako ng hangin. Athena, I know you will come back to me.
--------
Athena's POV
Mabibigat ang hakbang ko na pumasok sa loob ng condo ko.
"Athena?" Kei called me. "Oh bat ganyan na naman mukha mo? Akala ko ba ok na kayo ni Jecho?" I looked at her and sighs. "Don't tell me igi give up mo talaga siya?"
"Kei, totoo ba na pag nag decide kang gawin ang isang bagay, kailangan mong panindigan ito?"
She nods at me. "Oo, I guess. Bakit ba?"
Ngumuso ako at umupo sa sofa. "E bat malungkot ako ngayon Kei? I'm so confused," I said and burried my face on my fingers. Napabuga ako ng hangin saka tumayo. "Magiging okay din to bukas," I said saka nagtungo sa kwarto ko.
-------
Jecho's POV
"Recently, there was a news that Jecho was in a relationship with their rival company's CEO, now the issue of him having an amnesia is being critized by many. This thing will cause a great impact to Villas Group of Companies. It will also challenge the position of Mr. Kang as the current CEO of VGC. All these years, his family hid his illness and they kept him working, because they want him to sit as the CEO. About Mr. Kang and his company's response to this, we don't know yet but we will continue to follow."
That was the news that broke this morning. Di ko alam saan nanggaling yun. Di ko alam sinong nagpakalat at di ko alam paano ko haharapin.
Mr. Han parks the car infront of the company pero nakita ko na napakarami ng reporters doon. Lumabas ako using my cool image sa likod ng mga issue na ito.
"Please answer our questions. Is it true that you have Amnesia? Is that why you forgot your relationship with Miss Chua?"
Madami pa silang mga binabatong tanong pero lumakad lang ako at nilagpasan sila. I went directly to my office nang hinabol ako ni Angelo.
"Dude! Totoo ba? Sabi sa news hindi daw bunga ng aksidente ang pagkaka amnesia mo kundi---"
"It has nothing to do with you. Please go back," I said at lumakad na.
"Bat di mo sinabi sakin dude?" habol niya parin sakin.
"Nakita mo ang mga reporters sa labas. VGC must be in a mess right now," I said at pumasok na sa elevator.
"What about you?" alalang tanong niya.
"It doesn't matter how I am. Ang importante ay ang standing ng kumpanya. Take care Angelo," yun ang huling sinabi ko bago magsara ang elevator.
--------
Athena's POV
"Ha, wala talaga akong nakikitang rason bat pa pumapasok ako sa kumpanya. Aalis na din naman ako," I'm sighing habang naglalakad papuntang CI nang makita ang mga sasakyan ng news company towards...VGC? Doon lang kasi ang direksiyong tinutungo nila. Nag alala naman ako kaya pumara ako ng taxi at nagmadaling pumunta sa kumpanya nila Jecho.
"Magandang umaga, dumating na si Mr. Kang pero hanggang ngayon ay di pa niya sinasagot ang issue ng pagkakaroon niya ng amnesia..."
Kumunot ang noo ko sa mga naririnig. Amnesia? Does it mean... Napalaki ang mata ko at tumakbo papunta sa loob ng kumpanya.
---------
Jecho's POV
Malayo palang ako sa conference room ay halata na ang pagkakagulo ng board. Pumasok ako sa loob.
"Amnesia? How could this happen?"
"This could cause an enormous negativity to the company."
"Tignan niyo naman ang nilalaman ng newspapers. Nakakahiya tayo!"
"Mr. Kang, anong klaseng balita ba ito? Noon ang relasyon mo sa isang Chua tapos ngayon may amnesia ka," sabi ng isang miyembro ng board.
"Malaking kahihiyan ito sa VGC Mr. Kang," sabi naman nung isa.
"Ikaw ang CEO ng kumpanya bakit nangyari yan? Laman ka ng lahat ng balita."
"We need an explanation."
Narinig ko naman ang pagpalo ni dad sa mesa para patahimikin sila. "Tama na yan!" Tinignan ako ni dad. "Explain to them what happened."
"Kamakailan ko lang nalaman about my amnesia problem," paninimula ko. "My parents hid it from me and just protected me to avoid it. But at some point, nangyari parin. Di naman ito palaging nangyayari. It just occured to me after my accident 3 months ago."
"Then he really has amnesia." Usapan ng mga board.
Tinignan naman ako ni dad na parang sinasabing bat ko sinabi sakanila pero ito na ang tamang pagkakataon para sabihin ito. "I will take all the responsibility caused by the dropped rating of our company because of this thing."
"How are you gonna take the responsibility Mr. Kang?"
"Nilihim ninyo ang ganito kalaking bagay kaya ngayon naiipit na tayo sa lahat ng issue. Inisip niyo ba ang resulta nito? "
Tumango ang ibang mga board na parang wala na silang balak pakinggan pa ako.
"Baka nga may mga problema pa na di namin alam at bigla bigla nalang lalabas?"
"Tahimik." pagsuway naman ni dad sakanila. "This issue, as the chairman may pananagutan din ako. Pero di ba dapat din ninyong bigyan ng isa pang paglakataon si Jecho since siya lang ang pwedeng humawak ng kumpanya?"
"He cannot be the CEO anymore Mr. Chairman. Pinagbigyan na namin siya sa issue niya noon. We will not take this issue lighly. Pano pag sinabi ng mga tao na we hired a person with amnesia to be the president? Nakakahiya tayo!"
"Right!"
"I suggest tumawag ng isang board meeting at pumili ng panibagong CEO."
"Exactly."
"Dapat tayong pumili ng panibagong president."
Napakuyom ang kamao ko. "I agree that you choose another CEO. Dahil malaki ang problema ng kumpanya sa loob at labas at madaming issues na nakapaloob dito plus madami ang may ayaw na sakin sainyo, I guess ang tanging magagawa ko nalang ay mag resign sa position ko para maresolba lahat ng problema. Kapag umalis ako lahat ng mga issues na ito ay mawawala na. Pero bago ako mag resign, I am asking you all as the board members to give me one week. Resignation is really a big deal. I have to work to connect with the executives. Besides,kailangan ko ding personal na sagutin ang issue sa media tungkol sa resignation ko. So before I declare it to the media, I hope na maging lihim muna ito for now. Don't make my resignation public."
Mabuti naman at pumayag sila sa gusto ko. Alam ko na mabigat ang loob ni dad sa desisyon ko. But this is not the end. In that one week, I will fight for my position, not only because of VGC itself, but because I am my dad's sole heir.
--------
"Bat mo sinabi ang tungkol sa amnesia mo Jecho? Iniisip mo ba ang ginagawa mo?" my dad aamed nnang nandito na kami sa office ko.
"Malalaman din naman nila dad. I think may nagsadyang magpakalat nun at gusto niyang mapahamak ang reputasyon ko," I said then sighs. "I will take care of it dad. Don't worry."
"Di ko alam na ganito ang magiging epekto ng sakit mo sayo. This is getting absurd. Di naman ko papayag na malaglag ka sa posisyon mo. You are a Villas. Even if you leabe you can never be kicked out. Please don't ruin everything I'be built these years Jecho." he said kaya napayuko ako. So after all what he cares about is his business.
"You still care more about your business than me dad," I said sadly.
Humarap naman siya sakin. "You know that's not true anak. I care for you more than anything. This is all for you."
"You were always busy at work. Did you ever think of me dad? Did you?"
"Anak," he said at hahawakan sana ang balikat ko pero lumayo ako.
"Chairman, I'll take care of everything here. You can go now," I said at unti unti siyang tumango at lumakad palabas ng opisina na.
Umupo ako sa swivel chair ko at himilot ang ulo. Maramdaman ko naman ang paglapag ni Mr. Han ng tubig at ng gamot sa ibabaw ng table ko.
"I'm sorry this had happened sir," he said kaya napabuga ako ng hangin. Ininom ko ang gamot na binigay niya. "Sir, will you going to resign after one week?"
"Do you think I'm the kind of person who gives up so easily?"
"Then you mean..."
Hinarap ko siya then nods at him. This is a one week fight for my position.
-----
Athena's POV
Kasalukuyan akong nandito sa lobby at inaantay ang paglabas ni Jecho sa opisina niya. Pero wala akong naantay. Sinilip ko siya sa loob ng opisina niya at nakita ko siyang nakaupo lang at himas himas ang ulo. Ano kayang nangyayari? I sighes at nagpalakad lakad para mag isip. Konting tao lang ang may alam ng amnesia ni Jecho. Ngayon alam na ng lahat. Don't say that may kinalaman ako dito? Or ang pamilya ko? Umiling iling ako. Mu family won't do that kind of thing. Then... Did I miss something? It can't be.
Bigla ko namang napansin na nakatayo na pala si Jecho sa harap ng pintuan niya at nakita niya ako. Lalapit sana siya sakin pero may empleyado na nagpapirma sakanya. Pagkakataon ko namang tumakbo at naghanap ng pagtataguan. Gahhh di ako dapat magpakita sakanya aftet ko siyang i let down kahapon! I pushed the elevator button many times pero sa kamalas malasan naabutan niya ako.
Tumikhim ako at nakatungo para di siya makita. Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sakin. Sinusulyapan ko siya at nanatili ang tingin sa harap kaya tumingin nalang din akk sa ibang direksiyon.
Narinig ko naman ang Ting ng elevator tanda na nagbukas na ito kaya dali dali akong pumasok sa loob. Lumakad naman siya papasok din kaya napatingin ako sakanya. Lalakad na sana ako ulit palabas ng pigilin niya ang braso ko at ipasok ulit sa loob.
Lalayo sana ako pero bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Please be here in a while Athena. Let's stay like this even for a little while," aniya sa mababang boses.
"I... I want to ask you, o-okay ka lang ba?" I asked. I know he's not okay tapos tatanungin ko pa? Bobo Athena! Isa kang malaking bobo.
"Lahat sila unang tinatanong ang kumpanya sakin. Kung okay ba ang kumpanya. Ikaw ang unang tao na nagtanong kung okay ako, Athena," he said. Nanatili lang na nakadantay ang ulo niya sa balikat ko.
"D-di yun...n-nag aalala ako ukol sa ulo mo na sumasakit. K-kasi... D-di ba nga suma---"
Bigla naman niya akong niyakap ng mahigpit kaya napatigil ako sa pagsasalita. Naramdaman ko na naman ang paglakas ng tibok ng puso ko. He really has that habit to make my heart race even in just simple ways. I know he's suffering now. I know nahihirapan siya sa mga nangyayari. Kaya I let him hug me.
We stayed there for I don't know how many minutes when the elevator door opens. May mga empleyado na papasok sana pero nung makita si Jecho na nakayakap sakin nangingiti silang umalis. Di parin ako binitawan ni Jecho. Unti-unti ko namang tinaas ang mga kamay ko and I patted his back to comfort him. I know he needs this. I know he needs someone right now. Dahil sa ginawa ko mas niyakap niya ako mahigpit.
We heard the elevator door opens again. Ako na ang kusang bumitaw sakanya. "A-alis na ako," I said at tumakbo na paalis. "hooo," takbo ko palabas. "Oh my God, that's crazy! I must be crazy. Di ba nga nag usap na kami na di na magkikita? Bakit di ko nakontrol ang sarili ko!" napasabunot ako sa buhok ko. Latang lata ako na naglakad lakad. "Pero...yakap lang yun right? Wala naman yun ibig sabihin diba? Busy siya ngayon dahil sa nangyari. Di siya makakapag isip ng iba ngayon," I said to myself at umupo sa isang bench. "Pero di parin! I'm so messed up!"
Bigla ko namang nakita ang paglapit ni Angelo sa kinaroroonan ko. I awkwardly smiled at him. Di naman siguro tamang pati siya iwasan ko diba?
"Nagkakagulo silang lahat dun," bigla niyang sabi sakin. "Pumunta ako dito para huminga muna." Umupo siya sa katabing upuan. "Alam mo siguro...ang tungkol sa sakit ni Jecho." Tumango naman ako ng bahagya. "It was reported that nakakalimot siya pag nasisilaw siya sa liwanag. At isa ka sa nakalimutan niya," tumingin siya sakin.
Tumango ulit ako. "Yes. Kaya nga kami nag break nun kasi di na niya ako maalala remember? Though we can say na di talaga naging kami kasi the day after he confessed to me nakalimutan na niya lahat yun. I tried to let him remember me. Until his mom told me...us everything about his sickness and his trauma na nagco cause nito.
Bahagya naman siyang tumango. "You really care for him huh?"
Napayuko ako ng bahagya saka tumayo at lumakad ng bahagya saka tumingin sakanya. "Forget it. Ang importante ngayon ay kung pano natin tutulungan si Jecho. Alam mo ba ano ang gagawin ng kumpanya nila to deal with this problem?"
Umiling siya. "I am just working at the Project Team as per Jecho's request noon. Wala akong control sa kung anuman ang gawin nila. But, I will try my best to help him."
I sighes. "That was really strange. Sino naman ang mag eexpose ng ganitong balita sa media? Ano ang makukuha nila sa mga ito?"
--------
I went to out family home kinahapunan para kausapin sina mama. Mas mainam malaman ko kung ano ang nangyayari.
"Ma, talaga bang wala kayong alam sa nangyari?? I asked her pagkaupo namin sa sofa.
"I told you anak wala akong alam dito. Member ako ng media pero nahuli din ako ng balita. Saka sa kabilang network yun unang na expose. My team covered it kaya nalaman ko din ang ukol dun," she says kaya napahinga akk ng maluwag. Then hindi si Mama. Tumingin naman ako kay Papa.
"Wag mo akong tignan ng ganyan anak wala akong kinalaman diyan. You know you are more important to me than business. Nagkataon lang na mas malakas tayo sakanila kaya sila ang madalas tapunan ng balita," my dad says kaya bumuga ako ng hangin.
"Then who would do this kind of stunt?!" Kung di magulang ko yun, sino?
--------