Jecho's POV
"Got a second?" biglang tanong ni Angelo sakin nang papasok na sana ako sa kotse pauwi kinahapunan.
Tumango naman ako. "Okay," I answered him.
We went to a bar near VGC. "Narinig kong you are making up with Athena," he said. Uminom ako ng alak mula sa baso ko at tumango sakanya.
"Alam kong lagi kang naging kaibigan sakanya. Kung natatakot ka man na di totoo ang pinapakita ko sakanya, fearing na sasaktan ko ulit siya, wag kang mag alala. I already confessed my feelings for her," sabi ko na nakatingin sakanya. Nanatili naman siyang nakayuko at nilalaro ang baso ng alak niya.
"I guess...we are rivals in love now," he said at hinarap ako. "It's ironic, isn't it?"
"Kung may problema ka sakin, just aim at me Angelo."
"Hanggang ngayon ba iniisip mo paring nagbibiro ako? Ikaw ang unang naglaro dude. You hurt her first. Lagi akong naging totoo sakanya."
"But she is my girlfriend now Angelo," seryoso kong sambit sakanya.
"She was. For you. She is just yout ex now dude," aniya kaya napahilamos naman ako ng mukha ko. "Pwede mo siyang ligawan at ipakita ang nararamdaman mo. Pero minsan ba naisip mo kung anong nararamdaman niya?"
"I told you this is between me and her."
"Then you have to compete with me Jecho," tumingin din siya sakin ng seryoso.
"Angelo I can promise you anything, except her."
"Pano kung sabihin kong siya lang ang kailangan ko?"
Napatigil ako sa sinabi niya. Tinitigan ko siya saglit at nilagok ang laman ng baso ko.
"Dude alam mo ba mula pa pagkabata natin lagi akong naiinggit sayo sa lahat ng bagay? Matalino ka, magaling ka sa sports, laging nananalo sa mga paligsahan. Then it came a time na nasanay na ako at natanggap ko nang sa ating dalawa ako ang nasa ilalim mo," ngumiti siya ng mapakla sakin. "So be it. You can win with all of those. Di naman ganun kasama yun. But this time, ayoko nang matalo sayo." Ininom niya ang laman ng baso niya at tumayo. "From now on, it's a fair competition between us. I will try to win her over by all means," he said and patted my shoulders at tinalikuran ako.
Tumayo din ako. "If you think you can win her over by defeating me, mali ka. Gaya ng sabi ko tao si Athena. Hindi siya bagay. Mayroon siyang sariling isip at nararamdaman. Kung sino man ang gusto niyang piliin mas mabuting tanungin mo siya. At saka," lumapit ako sa kinaroroonan niya. "hindi ko siya ibibigay sayo." Tinalikuran ko na siya at lumabas sa bar. Kagat labi akong pumasok sa kotse ko. What happened between us Angelo?
Umuwi ako na mabigat ang pakiramdam. Bigla namang nasagi ng paningin ko ang larawan namin ni Angelo na nakapatong sa table ng mini library ko. Hinawakan ko yun saka nagbuga ng hangin. Pinatong ko ulit yun sa table.
Umupo ako sa sofa at bahagyang hinimas ang noo ko.
----------
Athena's POV
"Hello?" sagot ko sa phone ko na nakapatong sa table ko. Nandito kasi ako sa opisina at kasalukuyang pinipirmahan ang mga papeles na kailangan kong pirmahan.
"Athena," I heard Angelo's voice. Kumunot naman ang noo ko.
"O, ikaw pala. Bakit?" tinigil ko ginagawa ko pansamantala.
"May gagawin ka ba ngayon? Magkita tayo pwede?"
Nag isip namam ako. "Wala naman bukod sa pagpirma ng papeles."
"Sunduin kita diyan," he said.
"Sige," I said saka binaba ang tawag. I tilts my head sa pagtataka.
Nag inat ako saka tumayo. Kinuha ko ang jacket ko sa likod ng upuan ko. Nang pagtingin ko sa harap ko napahakbang ako palikod ng makita si Jecho na nakatayo na pala dun.
"May pupuntahan ka?" tanong niya sakin.
"Bat ba bigla bigla kang sumusulpot. Psh," lumapit ako sakanya. "Nakipagkita si Angelo sakin. Kaya maiwan na kita," I said at tumalikod na sakanya pero hinila niya ang kamay ko.
"At bakit kayo magkikita aber?" sabi niya na hinarap ako.
"Kailangan ko bang sabihin sayo lahat ng dahilan ng paglabas ko?" taas kilay kong sambit. "Saka it is Angelo we are talking about. He's harmless." And speaking of Angelo, tumatawag siya ngayon sa phone ko. Sasagutin ko na sana siya pero biglang hinablot ni Jecho ang phone ko at pinatay yun. Hinigit niya ang kamay ko at hinila ako palabas. "Teka ano ba! Jecho!"
Nakita naman namin si Angelo na nag aantay sa labas ng CI.
"Bakit siya nandito?" tanong agad ni Angelo pagkakita sakanya.
"A-ano...kasi..." tinignan ko si Jecho at kinunutan siya ng noo.
"Sasama ako," prenteng sabi niya. Nagsusukatan sila ng tingin kaya napabuga ako ng hangin. May magagawa pa ba ako?
Hinila ako sa braso ni Angelo. "Ako ang nag imbita sakanya bat ka naman sasama?"
"E bat naman hindi?" sagot naman ni Jecho at hinila din ang braso ko. Ngayon nga ay dalawang braso ko na ang hila hila nila. Nakaawang ang labi ko na nagpabalik balik ng tingin sakanila.
Hinila ako ni Angelo. "Ano bang ginagawa mo Jecho?"
Hinila din ako ni Jecho. "Ikaw anong problema mo?"
Hilong hilo na ako sa paghihilaan nila ng braso ko. Marahas ko namang hinigit ang dalawang braso ko. "Tama na ano ba kayong dalawa! Kung mag aaway lang ako aalis na lang ako!" sabi ko at akmang tatalikod na.
"Oo na oo sumama ka na!" galit na sabi ni Angelo. Para namang may dumaloy na electricity sa mata ng dalawa. I sighs. Ano bang problema ng dalawang to?
Bigla namang may umilaw na bulb sa ulo ko nang may naisip.
"Okay. You two can come with me. But I will choose where to go," I grinned at them.
"Get in my car," sabi ni Angelo at hinila ako.
"Wait!" sabi naman ni Jecho kaya napatingin kami sakanya. "I'll go with you two."
At yun nga ang nangyari. Dahil si Angelo ang nag drive dalawa kami ni Jecho sa backseat. Sinusulyapan ko siya at seryoso lang siyang nakatingin sa harap.
"You look anxious Athena," sambit ni Angelo.
"Huh? Hindi..." napangiti ako ng mapakla saka tumingin sa labas ng bintana at ngumiwi. "Ay... Oo pala. Kaya... Pwede ba wag niyo na akong sundang dalawa?"
"No way."
"No way."
Sabay nilang sambit kaya napapikit ako ng mariin.
"As long as you're with Angelo, I won't get assured," usal ni Jecho.
"I also fear you accompanying Athena." sambit naman ni Angelo.
"Ok, ok, ok tama na yan," napahalukipkip ako sa pagbabangayan na naman nila. Saka ngumisi. "Kayo ang pumiling sumama sakin. Wag niyong pagsisihan." I wiggled my eyebrows.
"Bakit anong gagawin mo?" tanong ni Jecho.
"Turn left at the next crossing," sabi ko kay Angelo kaya tumalima naman siya. "Stop there."
Sinama ko sila dito sa tennis court. Kung di sila magbati then they need to exercise. Sila ang magka team. 1 vs 2 kami. Mas mabuti para magkaroon sila ng teamwork.
They started stretching pagkatapos nila magbihis ng sports attire. At ako naman nagbihis nadin saka lumabas. I watched them as they are looking at each other na parang sila pa ang magkalaban. Napangiti ako saka umiling iling na lumapit sakanila.
"Alam mo ba pano maglaro?" narinig kong tanong ni Jecho kay Angelo.
"Enough to beat you," sagot naman ni Angelo na nakapagpangiti kay Jecho.
"So, nakapagpractice na ba kayo?" tanong ko sakanila. "Pano ba yan di ako marunong maglaro. Turuan niyo ako ok?" sabi ko pero ang totoo niyan magaling ako dito. Let's see what they've got.
"I'll teach you well," sabi ni Jecho.
"Naku alam mo si Jecho di pa yan nakarecover sa sakit ng ulo niya. Kaya ako nalang ang magtuturo sayo." usal naman ni Angelo.
Tinaasan ko lang sila ng kilay. "If you don't mind it. Pwedeng kayong dalawa ang magturo sakin?"
Nagkatinginan naman silang dalawa saka pumwesto na sila sa kabilang court.
"Let me tell you what tennis is," usal ni Angelo na nakatingin kay Jecho.
Napangisi naman si Jecho. "Bring it on."
Unang nagserve si Angelo. Nakahalukipkip naman akong nag aantay sa bola na ibabato ni Angelo. Para namang nag slow motion ang pagserve ni Angelo at ang pagpunta ng bola sa court kung nasan ako. Ngumiti ako at pwesto. Madali ko lang ding napalo ang bola gamit ang raketa ko at naibalik sakanya. Nag unahan sila sa paghabol sa bola kaya nagkairingan pa sila. Si Angelo ang nakauna sa bola but unfortunately sa gilid ng raketa ito napunta. Napalakas ang impact nung bola kaya nabitawan ni Angelo ang raketa niya at napahiga siya.
"Ahh," aniya na hawak ang bewang na tumayo. Napapangiti naman ako sa nangyari. Sorry for that Angelo.
Pumunta naman ako malapit sa court. "Okay ka lang ba Angelo? Did I make a mistake? " tanong ko.
"No. No," he said. "My fault. Let's go again."
Bahagya ko naman silang binelatan saka pumuwesto na naman.
"Di mo kayang hawakan ang raketa ng mabuti," sambit ni Jecho. "Look at me," aniya pa at pwesto na. Seryoso si Jecho na binend ang mga tuhod. He cooly throws the ball on air at pinalo ito ng malakas.
"Awesome," I said at pinalo pabalik ang bola.
Nag aagawan sila lagi ng bola at dahil sa pag aagawan nila palagi sa bola, nagkabanggaan sila at parehong natumba.
I chuckled at their positions saka bahagyang sumasayaw. Dalawa pa sila pero di nila ako matalo. Pano ba walang teamwork.
Nagtagal pa kami ng ilang oras sa paglalaro. Nakikita kong pagod na sila pero di ko pa nararamdaman ang pagod. Matagal na din kasi akong di nakapaglaro.
"I quit," ani Angelo kapagkuan at umupo na. Pati din si Jecho ay pasong paso na din. Umupo silang dalawa na humihingal.
"Don't tell me pagod na kayo? It's just been two hours," I said to them. "Di pa nga yun ang warm up ko eh!" sabi ko pa na tumatalon. "Dali! Tayo na!"
"Athena," usal nj Jecho na hingal na hingal. "You must be professional." he said na tinuro pa ako. "Niloloko mo ba kami?"
Napataas naman ako ng kilay saka painosenteng tumingin sakanila. "Ano bang sinasabi mo? First time ko nga lang maglaro nito oh! Kung gusto niyo magpalit naman tayo ng laro. How about basketball? Or soccer? Or sumo? Or... High jump? Pick one." I wiggled my eyebrows.
Sabay naman ilang umiling kaya natawa ako. Bigla naman kaming napatigil ng may tumawag kay Jecho kaya nag excuse ito. Naupo naman ako sa tabi ni Angelo.
He gives me water. "Thanks," I said at uminom ako. "Ano pala yung sasabihin mo bat ka nakipagkita sakin?"
"Athena," usal niya kaya napatingin ako sakanya. "Baka kung sasabihin ko yung gusto kong sabihin sayo, baka di na tayo pwedeng maging magkaibigan," he said na nakayuko.
I patted his head. "That won't happen. Maswerte na nga ako at naging kaibigan kita eh," I smiles at him. "Say it."
Tinignan niya ako ng seryoso saka tumingin sa ibang direksiyon. "I..." Humarap ulit siya sakin. Nakangiti naman akong nakatingin sakanya. "I like you."
Unti unti namang nabura ang ngiti sa mukha ko ng marinig yun. Matagal akong tumitig sa mukha niya. Tama ba ang narinig ko? Siya? Gusto ako? Is he joking? "What did you say?" I asked expecting na namali lang ako ng rinig.
"I. Like. You." he said kaya napaawang ang labi ko. "I like you. I like---"
"Stop it. Stop it," seryoso akong nakatingin sakanya. "Diba magkaibigan tayo Angelo? Bakit mo naman ako magugustuhan?"
Umiling siya. "Diko alam." He sighs saka sumandal sa bench. "Noong una, totoo namang tinuring kitang kaibigan. Noong nalaman kong ikaw ang nagpoposer sakanya nilapitan kita. Ako pa nga ang nagsabi sakanya ng tungkol sayo. Pero nakita ko kung gano ka ka simple, gano ka kamasiyahin, gano ka...gano ka magmahal. Kaya isang araw nagising ako na ikaw nalang ang nakikita. Naisip ko na sayo ko gustong magseryoso. Sayo ko gustong maranasan ang totoong pagmamahal. Tapos nun, nalaman ko na wala na kayo ni Jecho. Pinanood kitang masaktan. Pinanood kitang gawin lahat para sakanya. Gusto kong tumulong. Gusto kitang ibalik sa Athena na puno ng ngiti at pagbibiro. I feel very protective of you lalo na nung nakikita kitang saktan ni Jecho. Then that time, I felt I care for you more. Then...I started to like you." Nakatungo lang akong nakikinig sakanya. Bigla naman niyang hinawakan ang mga balikat ko. "I like it when you're being silly. I like it when you love someone despite of everything. I like it when you're with me or even if we're not together. Athena, can't you forget him? And try to like me once?"
Napaharap ako sakanya. Di ko alam ang sasabihin. Di ko alam pano magrereact. All these time na tinutulungan niya ako I know he's hurting. I should have thought about it. Napatungo ako at unti-unting nilayo ang balikat ko sakanya. Tumayo ako at bahagyang tumalikod. "Sorry Angelo." Hinarap ko siya at nakita ko ang sakit sa mga mata niya. Masakit saking makita siyang nasasaktan pero ayaw ko siyang paasahin. I know that feeling kaya ayaw kong maranasan niya. It's better to hurt him with the truth than to let him smile with lies.
"Kahit ba minsan wala kang naramdaman para sakin Athena?" he asked me. Nakikita ko na ang pangingilid ng luha niya.
I nodded at him. "Aaminin ko nagka crush ako sayo nung una. P-pero dahil yun sa gwapo ka. Pero ngayon...w-wala na yun sakin Angelo."
"Dahil ba kay Jecho?"
Umiling iling ako. "Dahil yun sa sarili ko. Ayoko munang i consider ang ganung bagay ngayon. Madami akong mga kailangang unahin kaya wala pa ito sa isip ko."
"E bat bumalik ka nun sabi mo magbabakasyon ka? Bakit ka nananatili sa tabi nj Jecho? Nakipagbalikan ka na sakanya?"
"No Angelo. But it won't definitely be you either. Alam mo kung sino ang gusto ko. Though...di kami pwede pero you know it was him from the start." Nakita ko na nga ang paglandas ng luha niya. Nasaktan ako. Nasaktan ako kasi nasaktan ko siya. He has beem a good friend to me. "Im sorry Angelo," I sais at tinalikuran na siya.
Naglakad ako at nakita ko si Jecho na naglalakad papunta sa kin.
"You really want to get rid of us huh? Kaya pinagod mo kami?" he said smiling.
Inirapan ko naman siya. "Alam mo naman pala bat niyo pako sinunod sa pagpunta dito? Alis nako," I said at tinalikuran siya.
"Athena," usal niya kaya napatigil ako. "Ahh," napatingin ako sakanya at hawak niya ang ulo niya.
"Are you alright?!" dinaluhan ko naman siya agad at pinaupo sa isang bench. "Baliw ka na ba Jecho? Bakit ka pumayag maglaro kung di mo pa kaya?!" sobra akong nakaramdam ng pag aalala kaya napataas ang boses ko. "Tara na hatid na kita pauwi."
"I can't," he said suddenly in a low voice.
"You can't what?"
"I can't give you to him," aniya na nakaharap sakin.
Nanatili naman akong nakatingin sakanya. Totoo ba talagang gusto na niya ako? Bigla naman akong nailang sa titig niya kaya aki na ang unang umiwas. "Ok. If you really want to cause trouble. Then mag iisip ako ng paraan para i torture kayong dalawa araw araw. I told you to just leave me alone." Tumingin ako sa ibang direksiyon.
"Do you really want me to leave you badly?" he asked me. Napayuko naman ako at napakuyom ang kamao. "These days naalala ko yung kwintas na nakita kong suot suot mo nun. I am wondering why am I so familiar with that necklace. It's like I've seen it before," he said na tumingin sakin. "Kaya pumunta ako sa kilala kong nagbebenta ng jewelry at nalaman ko na pinagawa ko pala yun para sayo. Nung sinuot mo yun, iniisip mo ako diba?" he asked me seriously. Nanatili akong nakayuko. "I don't get it Athena. You care for about me. Balit naman ngayon pinagtutulakan mo ako palayo?"
Napalunok ako. Dahil aalis ako. Dahil iiwan kita. Dahil alam kong masasaktan ka pag wala na ako. I wish I could say that. I wish I could really tell it in your face Jecho.
"Anong iniisip mo?" tanong ulit niya.
"Alam mo ang dami ng nangyari sakin nung nakilaka kita. I hated you. But naging gf moko kahit isang araw lang yun. Nasasaktan ako,nagiging masaya ako ng dahil sa isang tao. It's like I became a different person from who I was noon. Ang akala ko magiging ok ang lahat pag nakuha ko na ikaw. Na magustuhan moko ulit. But...on the process I've lost myself. I'm getting a little tired for all of these. I want to stoo and find myself."
Tumango tango siya. "I understand. From now on, di na kita kukulitin." Napatitig ako sakanya. "Kung gusto mong mapag isa,o kung may tao kang gustong makasama, I won't step in." Tumingin siya sakin ng nakangiti. "But I will be waiting for you. I will wait until you come to me." He said at tumayo na. He walks away from me. And this time, it's not because he doesn't like me. But because I let him walk away.