Chereads / She's my Poser... / Chapter 38 - Chapter 38

Chapter 38 - Chapter 38

Athena's POV

"Are you okay? What are you feeling?" usal ko na puno ng pag aalala kay Jecho. Pagkatapos niya kasing sirain ang plano kong magbakasyon ay biglang sumakit ang ulo niya. Ayaw naman niya pahatid sa ospital kaya sa condo ko siya dinala.

"It should be fine after I rest for a while," he said.

"P-pano kaya kung pumunta nalang tayong hospital?" hinawakan ko ng bahagya ang ulo niya.

Umiling siya. "No, I'm okay. Wala namang mag aalaga sakin pag pumunta ako dun. Saka marami pa akong mga papeles na kailangang pirmahan sa kumpanya. Kailangan kong pumu---"

"Ano bang sinasabi mo?!" sigaw ko sakanya. May sakit nga siya tapos babalik pa siya dun. "Ako ba ang may kasalanan kaya sumakit to?" Bahagya ko namang hinilot amg ulo niya. Nakita ko naman ang pagngiti niya. Grrr di kaya nagpapanggap lang tong may sakit para pigilin ako sa pag alis?

Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko kaya napatigil ako sa paghaplos sa ulo niya. Pinagsalop niya ang mga daliri namin. "Can you stay here and take care of me?" he said suddenly.

Tumango naman ako sakanya. "Okay," I said saka sinusubukang tanggalin ang kamay kong hawak niya pero mas hinigpitan niya ito. Psh, diko alam na clingy pala to eh. "G-gusto mo kuhanan kita ng tubig? B-baka nauuhaw ka na?" naiilang kong sambit. Nandito lang naman kasi kami sa kwarto niya at di niya ako hinahayaang lumayo sakanya.

"Wag na. Dito nalang tayo," he said smiling na nakatingin lang sakin. Diko tuloy alam anong mararamdaman ko kung kikiligin o maiilang.

Bigla namang may nag doorbell kaya napilitan siyang bitawan ang kamay ko. "Ako na," I said and walks towards the door at nakitang si Maui ang dumating.

"Why are you here?!" sigaw niya agad pagkakita sakin. Di naman ako agad nakapag react kaya tuloy tuloy siya sa pagpasok. "What do you really want this time Athena?" harap niya sakin.

Bigla namang lumakad palapit samin si Jecho. "What's up Maui?" aniya ng makalapit samin.

Bigla naman akong nailang sa tinginan ng dalawa. "E-enjoy yourselves. Alis na ako," sabi ko at tumalikod na pero pinigilan ni Jecho ang kamay ko. "What are you doing?" bulong kong sambit kay Jecho pero kay Maui ang tingin niya. Talagang pinakita niya sa babae ang paghawak niya sa kamay ko.

"What do you mean by this Jecho?" tanong ni Maui.

"Athena," tinignan ako ni Jecho. "May gusto akong sabihin kay Maui. Dito ka lang at wag kang umalis," aniya kaya napatango ako. "Doon tayo mag usap," kapagkuan ay harap niya kay Maui.

Naglakad sila paalis sa harap ko. Pero syempre dahil dakila akong pakialamera sumunod ako sakanila at nagtago sa likod ng dingding.

"Why?" biglang tanong ni Maui pero di sumagot si Jecho. "In your eyes, I'm so inferior that I can't even be compared to that girl?" she said. So alam mo na? Masyado ka kasing feeling. Dapat siguro mag post ka din sa fb mo ng picture ko tapos ang caption 'How to be you po' ganon girl.

"She can't compare with you," sagot naman ni Jecho. "Just like you said before, were too similar. We have similar families. Similar thoughts. Everytime I see you, it's like seeing myself." O diba para ka palang mirror girl. "If we were together, that would be very successful."

"Is there anything wrong with being 'successful' then?"

"Not at all. But I don't like it," sabi ni Jecho na tumingin sakanya. "I've wanted to tell you something for so long. To begin with I've been utilizing you, utilizing your identity, and ability. We're like doing business. Always measuring each other's value. Do you really want to be used all the time Maui?"

"It doesn't matter. I don't mind you utilizing me," ani Maui. I can't help but to pity her. Kahit gagamitin lang siya okay lang para makasama ang taong mahal niya.

"You know today I told Athena what I feel. Maui what we are doing is a mistake from the beginning."

"What did you say? From the beginning? So you've been liking her from the beginning. You like her that much that you can abandon your career for her?"

"I've been so cold before. This time, I don't want to be like that."

"Okay. I just hope you wouldn't regret this Jecho," she said at iniwan na si Jecho. Dali-dali naman akong lumakad papuntang sala at umupo.

Nilapitan ko naman si Jecho pagkaalis ni Maui. "May nangyari ba sa pag uusap niyo?" I asked. Syempre maang maangan ako.

"Wala," sabi niya pero di ako tinignan. "Sinabi ko lang sakanya ukol sa relasyon natin."

"A-ano bang...relasyon natin?" I looked at him innocently.

He looked at me then smiles. Lumapit siya sakin. "Sinabi ko sakanya na noon palang dinadalaw na kita sa bahay niyo araw-araw, hinahatid papuntang trabaho, tapos susunduin. Binibigyan kita ng bulaklak araw araw sa umaga at pinapakain sa gabi. That I'm treating you like a princess everyday."

"A-ano bang sinasabi mo?" awkward kong sambit. Yun kasi ang mga sinabi ko sakanya nun nung tinanong niya kung ano kami dati. Pero di naman yun totoo. Nagalit nga siya sakin dahil nagsinungaling ako sakanya.

But he just smiled at me and caress my hair. "Tinititigan kita araw araw. Lagi ko ding sinasabing mahinhin ka at maganda. Gusto kong hawakan ang mga kamay mo and tell you that except you I don't want to see anyone else in my life."

Okay, natunaw na ang puso ko. Yung mga salitang yun. Those are the exact words I am dreaming to hear from him before. Ngayon sinasabi na niya. I can't help but smile.

"So tell me Miss Hera Athena Chua, what do you think our relationship is?" dagdag niya na nakapagpapula ng mukha ko.

"D-diba ito yung mga sinabi ko sayo nun para lokohin ka? Naalala mo pa pala ang mga yun?" sabi ko na nangingiti. Di ko akalain na maririnig ko mismo sa kanya ang mga ito.

He smiles at me. "So can you be assured now?"

"For what?" I asked him pero mas lumapit lang siya sakin. "I-I never asked for anything from you," naiilang kong sambit kaya tumingin ako sa ibang direksiyon.

He tilts his head para makita ang mukha ko. He is smiling as if he is ammused with how I react to his words. "Well, turn ko na para  magtanong din sayo."

I looked at him. "What?"

"What's your true relationship with Angelo?"

Kumunot ang noo ko sakanya. "Friends, ofcourse," I roll eyes on him saka nilapit ang mukha ko sakanya. "Bakit mo tinatanong ah?"

"Nagtuturingan ba kayong magkaibigan o ikaw lang ang nag iisip na kaibigan lang din ang turing niya sayo?" taas kilay niyang sambit sakin.

"Siyempre magkaibigan lang talaga kam--" napatigil ako sa pagsasalita ng maalala ang sinabi niya sakin nung nakaraan. Tumikhim ako para igilid ang usapan. "Masyado ng malayo ang nararating ng isip mo. Hindi naman ganon kababaw si Angelo para magkagusto sakin eh. Ako nga yung palagi siyang inaaway saka---"

"Stop it!" sigaw niya sakin kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Di ba nga gusto mong sabihin ko sayo ang relasyon namin ni Angelo? Bat galit ka ngayon?" tumingin naman siya sa ibang direksiyon kaya naisip ko namang lokohin siya. "Naiisip ko din talaga na gwapo si Angelo eh at saka---"

"Shut it," aniya na nakahalukipkip at nakatingin ng masama sakin. Nangingiti naman ako sa reaksiyon niya.

"So kung wala ka ng ibang sasabihin, a-aalis na ako," sabi ko at tumalikod na.

"Wait," pigil niya sakin. Nilingon ko naman siya na nakanguso. "When are you going to promise me?"

"Promise you what?" kunot noong tanong ko. Di siya nagsalita at nakatingin lang sakin ng seryoso kaya napabuga ako ng hangin. "Iniisip mo ba na totoong wala akong nararamdaman? I've been hurt by you for so long Jecho, that's enough pain for me to bear, kaya...I want to wait for a while," I looked at him seriously. "Wait until one day when I will not be afraid of being hurt again. I will give you an answer then," sabi ko at naglakad na palayo sakanya. It's not that I don't like you Jecho, it's just...I have many things in my mind right now. I can't get you involved.

-------

Jecho's POV

"Sir, here are the files you asked---Are you going out Sir?" Mr. Han asked me. I am here infront of the mirror fixing my suit and making sure I look my best today.

"I'll look at them on our way there," I said at hinarap siya. "How do I look?"

"You look good Sir. Well, do you really have to go to work already? May nangyari na naman ba sainyo ni Miss Athena po?"

I smiled at him excitingly. "No. But you're half right. I am going to meet Athena today," sabi ko.

He looked at me confusingly. "Why is that sir?"

"Me and Maui are over. And I already disappointed my dad. So I want to spend more times with her. Alam ko gagawa na ng move si dad one of these days. So I'll go now," I said.

"You mean gagawa si chairman ng paraan para mapaglayo kayo ni Miss Athena sir?"

I shrugged. "I have to confirm our relationship first before I'll take my action." Tinalikuran ko na siya at nagtuluy tuloy sa labas."

----------

Athena's POV

I am yawning while walking towards the sala. Kakabihis ko lang kasi at plano kong pumuntang office.

"Morning Kei," I said to Kei nang Nakita ko siyang nagluluto na naman sa kusina. Di na din kasi siya umuuwi sa bahay nila kasi mas malapit ito sa DU.

"Mas ok sigurong mag good morning ka diyan sa bisita mo," she said at nginuso ang likuran ko. Humihikab akong tumingin sa likuran ko at bigla ko namang napigil ang hininga ko ng Makita si Jecho na nakatayo na doon.

"A-a-anong ginagawa mo dito?" gulat kong sambit. Ngumiti naman siya sakin at umupo sa sofa. Sumenyas naman si Kei na aalis na siya kaya kahit gusto ko siyang pigiling umalis wala na akong magawa kasi tumakbo na ito palabas.

Inayos ayos ko naman ang buhok ko saka unti-unting umupo sa kaharap na upuan at nilagay ang kamay ko sa tuhod ko. Nginitian ko naman siya para di niya mapansin ang pagkailang ko.

"Are you available today?" tanong niya sakin.

"Pupunta na akong office eh. Bakit?"

"That's great. Papunta na din ako kaya ihahatid na kita.," aniya. He keeps on smiling mula pa kanina.Di kaya nangangawit ang panga nito?

"Di ba nga nagsasakit yang ulo mo? Wag ka na muna kayang pumasok ngayon," usal ko sakanya.

"Sino ang nagsabi na papasok ako ngayon?" kapagkuan ay sambit niya. Kinunutan ko naman siya ng noo. Bigla naman siyang tumayo at lumapit sakin sa upuan ko. He bends himself para makalapit ang mukha niya sakin. Bahagya ko namang nilayo ang mukha ko. I blinked my eyes a few times dahil sa masyadong malapit ang mukha niya sakin.

"A-ano bang...g-ginagawa mo?" nilagay ko ang hintuturo ko sa noo niya para bahagyang itulak ito palayo.

"Gusto lang kitang ihatid sa office mo," he grins saka lumayo na. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalayo na siya. Bwisit tong lalakeng to, ginugulo niya ang Sistema ng puso ko. Nilapit na naman niya ang labi niya sa tenga ko. "Aantayin kita sa labas," he said at lumabas na.

Tumayo naman ako nang makalabas siya at tumalon talon. "Woohhh. Ano bang problema ng lalakeng yun? Shocks my little heart," huminga ako ng malalim saka hinawakan and dibdib ko. Inayos ko na nga ang sarili ko at lumabas na sa loob ng condo.

Luminga linga ako sa paligid pero Nakita kong wala yung kotse niya. "Pinasundo ko na yung kotse ko," kapagkuan ay sabi niya nang mapansing hinahanap ko ito. Hinawakan naman niya bigla ang kamay ko at hinila ito. "Maglakad tayo."

Ngumuso naman ako sa sinabi niya. Naglakad nga kaming magkahawak kamay sa gilid ng daan. "Bakit mo ako pinuntahan ng maaga Jecho?" tanong ko sakanya ng mapansin kong di siya nagsasalita.

"Hmm...wala naman. Gusto ko lang ma experience ito," sabi niya na tinignan ako saka nginitian.

"Experience what?" takang tanong ko sakanya.

"Experiencing the time when you were pestering me. And the time when we used to go to the company together," he said.

Tumigil naman ako at hinarap siya ng nagtataka. "Naaalala mo na ba ang lahat?"

Umiling naman siya. "Hindi. Sinabi lahat ni Mr. Han sakin. I told him to tell me everything that had happened with us in the past. Sinabi niya din na palagi mo akong pinagseselos kay Angelo dati."

"Di naman kita pinagseselos ah. Kusa ka lang kayang nagseselos." I smiled at him saka naglakad na. "But those were the past. We are like that before. We were like this now." Naramdaman ko namang sumunod siya sakin.

Di na kami nag usap hanggang sa makarating kami sa VGC. "Akala ko ba di ka papasok?" I asked him nang dito kami tumigil.

"May kukunin lang muna ako sa loob," he said at biglang hinawakan ang kamay ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya at binawi ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo? Matsismis na naman tayo sa ginagawa mo," bulong ko sakanya. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao dito.

"Wala naman akong pakialam sa sasabihin nila," he said at hinawakan na naman ang kamay ko.

"You don't care but I do," bulong ko parin sakanya pero di niya ako pinansin. Nginitian niya pa nga ang mga empleyadong nagtataka sa pagkawak ng kamay namin.

"Let's go," he said at hinila ako sa kamay. Patuloy akong nagpupumiglas sakanya pero di talaga niya ako binitawan. Pinagtitinginan kami ng mga empleyado ng VGC habang naglalakad. Pilit ko namang tinatago ang magkahawak naming kamay. Nginitian niya lahat ng makasalubong namin. Mukha pa silang kinikilig sa nakikita nila.

"Bitaw na kasi Jecho. Nakakahiya na oh," sabi ko at napapangiwi sa mga tingin ng mga tao na kasabay namin sa elevator. Di naman niya ako pinakinggan kaya napabuga na lang ako ng hangin.

"Naaalala mo ba nung pinagalitan kita noong nakaraan?" kapagkuan ay tanong niya sakin.

Ngumuso naman ako. "Pinapagalitan mo kaya ako palagi. Di ko alam ang nakaraang sinasabi mo," I roll eyes him.

"Yung time na sinabi kong umalis ka na sa harapan ng lahat ng tao dito," he said. Tumango naman ako sa sinabi niya. Sino bang di makakaalala nun? "Sinabi mo na nasaktan na kita ng madaming pagkakataon." Napatingin naman ako sa sinabi niya. "I want to make up for what I've done to you. Gusto kong bumawi sa mga oras na wala akong ginawa kundi saktan ka, pasakitan ka at pahirapan ka. Kaya sana you let me do it," he said at pinisil ang kamay ko. Hinila na nga niya ako palabas sa elevator kaya di na ako nagreklamo.

Bigla naman naming nakasalubong si Angelo na palabas sa Business Department. Napatingin siya sa magkahawak naming kamay.

"A-Angelo..." usal ko saka sinulyapan si Jecho na nakatingin din ng seryoso kay Angelo.

Bigla namang ngumiti si Angelo saka tumango at nilagpasan na kaming dalawa. Gusto ko sana siyang habulin pero hinigpitan ni Jecho ang kamay ko. Huminga na lang ako ng malalim saka sinundan siya sa office niya. Mukhang mawawalan pa ata ako ng isang mabuting kaibigan.