Jecho's POV
Nagising ako na parang may kammy na humahaplos sa dibdib ko. Nagmulat ako at tinignan ang kamay na humahaplos dito. Saka sa babaeng natutulog at nakayakap pa sakin. Bigla naman akong napatayo nang marealize kung sino ito. "Oy! Athena! Gumising ka diyan!"
She groaned pero di nagmulat. "Mmm.... Ayoko pang gumising. Ayoko pang pumasok sa trabaho. Ayoko. Ayoko."
Napabuga ako ng hangin at marahan na kinuha ang jecket ko na nakayakap sa katawan niya kaya napamulat siya. "Sabihin mo nga sakin anong nangyari satin kagabi ha?"
Tumayo siya at nag inat. Pupungas pungas pa ang mga mata niya. "Masyado nang gabi nun. Ano pa bang mangyayari na sinasabi mo? Syempre natulog lang tayo. Sumandal ka sa balikat ko kaya ngayon ay sumasakit na. Psh," aniya na minamasahe pa ang balikat niya.
"As far as I remember pinainom mo ako ng gamot kagabi diba?!" At isang gamot na ganun na talaga? Pasalamat siya na nasa tamang katinuan pa ako para hindi magpadala sa epekto ng gamot na yun.
"Gosh. Gosh. Gosh. Walang epekto yung gamot. Masungit parin siya sakin." May binubulong bulong siya pero di ko na naririnig. Kapagluan ay tumingin siya sakin ng masama. "Kasalanan ko ba kung weak ka? Nilagnat ka nga magdamag duh? At saka nakakatakot ka kaya nun. Parang may gagawin kang masama sakin," at niyakap pa ang sarili niya.
"And what do you think will I do to you huh?!"
Sasagot pa sana siya nung pumasok na ang guard na kausap namin kahapon. Mukhang nagulat naman siya pagkakita samin.
"Eh? Nandito pa kayo?"
"Ginulo kaya ako nang bakulaw na yan kagabi kaya di ako nakaalis!" reklamo ni Athena. At talagang ako pa ang nanggugulo ha?
"Sino bang nagpainom sakin ng gamot ha? Ako ba? Ako? At bat ako ang sinisisi mo?"
"E bat hindi ha?!"
"Ok. Stop!" sigaw ng guard para awatin kami. "Di ko talaga maintindihan ang mga magkasintahan ngayong mga panahon, oo."
Nagkatinginan naman kaming dalawa saka matalim na tinignan ang guard. "Shut up! Sinong magkasintahan?!" sabay naming sigaw na dalawa at tumingin sa magkabilang direksiyon.

"Pwede na ba kaming umalis ngayon?" tanong ko sa guard.
"Naku, pasensiya na nakalimutan kong nandito pa kayo kagabi. Bat kaai di niyo ako tinawag---"
Di ki na siya pinatapos at dali dali na akong tumalikod. Sakto namang nakita ko ang paparating na sasakyan ko na dinadrive ni Mr. Han. Sumakay ako sa likod.
"Sir, may problema po tayo," aniya pagkaupo ko. Pinakita niya ang isang interview sa tv. Kumunot na naman ang noo ko. "Let's go to her company."
-------------
Athena's POV
Tumatakbo ako ng matulin para habulin si Jecho. Mabuti at di pa siya nakaalis. Kumatok ako sa likod ng bintana ng kotse niya. Mabuti at binuksan niya ito.
"Ano pa bang kailangan mo ha?" pagalit niyang sabi.
"Ah... Pwede bang makisabay pauwi? Nawala kasi ang phone ko kaya di ako makatawag sa bahay---"
"Di ka pa ba tapos sa panggugulo sakin? Kung inaasahan mo na may pananagutan ako sa nangyari kagabi nagkakamali ka. Wag mo na akong guluhin pa."
Ha! As if gusto ko pa siyamg guluhin. Bwisit to! "E di wag kung wag!" padabog akong tumalikod sa kotse nila. Grrrr. Napakasama sama sama talaga ng lalakeng yun. Pumunta ako sa isang payphone at tinawagan si Kei. Mabuti at sinagot naman niya agad ito at sinundo ako dito. Dumiretso ako sa condo at nagulat ako na andun din si Angelo.
"Balik ako mamaya. May klase pa kasi ako," sabi ni Kei kaya umalis na din siya.
Hinarap ko naman si Angelo. "O bat andito ka ng napakaaga?"
Lumapit naman siya sakin na nag aalala. "Okay ka lang ba? Nabalitaan kong wala ka dito sa bahay maghapon kahapon. Alam ko na nalulungkot ka kaya pumunta ako dito."
Ngumuso ako. "Ok lang naman ako. Mejo masakit lang ang lalamunan ko."
Bahagya niyang pinalo ang balikat niya. "Andito lang ang balikat ko kung kailangan mo."
I grinned at him and then I yawned. "Imbis na balikat mo, ang pinaka kailangan ko ngayon ay tulog. Pag nakatulog na ako. Lahat na ng bagay ay magiging ok," sabi ko at naglakad na papuntang kwarto.
"Ano bang ginawa mo kagabi at sobrang pagod ka ha?" He is lookin at me seriously.
"Nagkita lang naman kami ni Jecho. Pinainom ko siya ng gamot na pwedeng makabalik sa alaala niya pero wala paring nangyari. Gusto ko na ding kunin ang puso ko na nasa kanya eh. Napapagod na din akong habol habulin siya,"
"Kung ba... Malaman mo na may mahal ng iba si Jecho... Masasaktan ka ba?" tanong ni Angelo na nakapagpatahimik sakin. I didn't considered that question before. Kung ganun man...will I let him go? Will I let him be with someone who makes him happy?
Tumingin ako sakanya at ngumiti ng mapait. "Ang isang iron-hearted na taong tulad niya ay nararapat lamang na magmahal ng ibang taong mas makakapagpasaya sakanya," sabi ko na nakapagpakunot ng noo niya. "Totoo nga. Kahit sa panaginip ko naiisip ko na magmamahal siya ng iba."
Umiiling iling siya. "Just lie to yourself."
"I'm not lying," I said para itago ang nararamdaman ko. I know it's better tl just let everything go. "Kahit pa maghubad siya sa harapan ko wala talaga akong gagawin sakanya." Tangong tango pa ako. Really Athena? Sigaw naman ng isang parte ng utak ko.
"Eh kung... Ako, magugustuhan mo ba?" biglaan niyang tanong sakin. Kinunutan ko siya ng noo saka biglang sinuntok sa dibdib. "Ouch! Ang brutal mo talagang magmahal!" sabi niya ng tatawa-tawa. "Pero...T-teka di mo ba talaga alam?" nagtatakang tanong ni Angelo sakin
Kumunot naman ang noo ko. "Ang alin ba?"
Bahagya namang umawang ang labi niya saka ngumiti ng alanganin. "Ah... Wala. Wala yun. Sige na matulog ka na. Wah kang munang manonood ng tv ha? O magbasa ng diyaryo. Pati facebook wag ka muna magbubukas ok?"
Tinignan ko naman siya ng nagtataka pero di ko na yun pinag aksayahan ng panahon. Sobrang antok ko na talaga kaya pumasok na ako sa kwarto para matulog.
Pero maya-maya lang ay may narinig akong nag uusap sa sala. Andito pa kaya si Angelo? Sino kayang kausap niya? Bumangon ako at nagpuntang sala. Nagulat naman ako nang makita si Jecho na nandito pala. Nahagip naman nila ako ng tingin kaya lumapit ako sakanila. Hinawakan naman ni Angelo ang kamay ko. Tinignan ko si Jecho na masamang tingin ang pinupukol sa akin.
"T-teka... Bat ganyan na naman ang tingin mo sakin?" angil ko sakanya. "Y-you're making me uncomfortable." Pinilit kong matatagin ang boses ko para ipakita sakanyang okay na ako. Na di na ako ang mahinang babae na hahabul habulin siya.
Bigla naman niyang binato ang bag ko sakin na naiwan ko sa restaurant kahapon. "It's me who should feel uncomfortable. You drugged me first and then now you're seducing my friend. What do you really want huh? Make it clear now. Don't always bother me."
"You're the one bothering her dude! Pagkatapos ng mga nagyari yan ang sasabihin mo?" Nagulat naman ako sa pagtaas ng boses ni Angelo.
"And why is that huh?"
"T-teka, wag kayong mag away dito," pigil ko sakanilang dalawa.
"Sige na Athena, pumunta ka na sa kwarto mo ako na ang bahala dito, ok?" ani Angelo.
"S-sigurado ka? O sige," I said at maglalakad na sana paalis.
"Wag kang umalis. Make it clear first," he said.
"Dude naman! Ano pa bang kailangan mo ha? Gusto mo na naman ba siyang saktan ulit?"
"Tama na. Tama na yan pwede ba. Bahala nga kayo diyan!" inis na usal ko at padabog na umalis na sa harapan nila. Pagod ako at ayoko na namang sumakit lalo ang ulo ko.
Naupo ako sa kama then sighs. Bigla namang nag ring ang phone ko.
"Oh Kei," sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya.
"Okay ka lang ba?" biglang tanong niya din.
"Ano bang nangyayari sa mundo at kung makatanong kayo kung okay ako ha?"
"Nag aalala ako sayo."
"Di mo kailangang mag alala Kei. Okay lang ako." Ok nga lang ba ako?
"Naiintindihan ko na ganyan talaga ang magmahal nasasaktan talaga." I rolles eyes. Ano namang alam nito sa pagmamahal?
"Ano bang sinasabi mo jan Kei?"
"Teka don't tell me you don't know what's happening. " tanong na naman niya ulit.
"Ano ba yung kailangan kong malaman?"
She sighed. "May sinend ako sa Ipad mo. Panoorin mo."
Kinuha ko ang Ipad ko at inopen yung sinend ni Kei.
"Yes, me and Jecho is starting all over. He told me that me and him can be better with each other that's why we decided to start over. And yes, I'm confirming our relationship." Para namang gumuho ang mundo ko sa narinig. What? Relationship confirmed?
"Oh, napanood mo na?" narinig kong sambit ni Kei.
Napasabunot ako sa sarili ko. "Ugh!!! Natulog lang siya kasama ko kagabi tapos ngayon may maririnig akong ganito?!" sigaw ko.
"Calm down. Ang mabuting gawin mo ay kausapin mo siya para sakanya mo pakinggan ang totoo."
Tama. Tatanungin ko siya. Bwisit na to! Padabog akong tumayo at lumakad papuntang sala pero nakita ko na andun parin sina Angelo at Jecho na nag uusap. Nagtago ako sa likod ng pader para di nila ako makita.
"Gusto mo parin ba si Athena?" narinig kong tanong ni Angelo kay Jecho. "Kahit ano pang gawin niya para lapitan ka o habulin ka? Ayaw mo na ba talaga sakanya?"
Inantay ko ang magiging sagot ni Jecho. Matagal siyang di nagsalita. Tapos bigla niyang hinawakan ang ulo niya. Lalapit na sana ako pero nadaluhan na siya ni Angelo.
"Jecho dude! Okay ka lang ba?!"
Nakita kong hinawakan ni Jecho ang braso ni Angelo.
"Diba gusto mong malaman ang sagot sa tanong mo?" narinig kong sambit ni Jecho. "Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko," Huminga ito ng malalim. "Ayoko sa kanya."
Ayoko sa kanya. Ayoko sa kanya. Ayoko sa kanya. Para namang paulit ulit na nag echo sa tenga ko ang huli niyang sinabi. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil para na namang pinupunit ito at nagbabadya na namang tumulo ang luha ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi.
"Kung gusto mo siya, then take her." Narinig ko pang usal niya. Nagragasa na talaga ang mga luha ko. Pilit kong pinupunas ito pero patuloy parin ang pagragasa. So this is what they call heartbreak. This is what it feels to be hurt like hell. Shit. I covered my mouth para di nila marinig ang paghikbi ko. Unti unti kong tinalikod ang paa ko pabalik ng kwarto ko.
---------
A few moments earlier
Jecho's POV
Pumunta ako sa kumpanya ni Maui para makausap siya. Nadatnan ko naman siyang nasa table niya at nag aayos ng mga bulaklak.
"O nandiyan ka na pala," aniya pagkakita sakin. "Maganda ba ang mga bulaklak ko?"
Tinignan ko ang mga bulaklak saka binalik sakanya ang tingin. "Magaling ka sa flower arrangement. Pero walang duda na mas magaling kang magsinungaling."
Di niya ako tinignan pero ngumiti siya. "Mukhang galit na galit ka sakin ah, Jecho."

Lumapit ako sakanya. "Maui, you announced information about us without my permission which is bad for both of us."
Tinigil niya ang ginagawa at hinarap ako. "Bakit naman masama? Atleast you come to me now."
"Yesterday di ako nakapunta sa appointment natin. I made a mistake. I apologize. Pero di mo dapat dine deal ang problema sa isang mababaw na paraan Maui."
"Mababaw?" ngumiti siya ng mapait sakin. "I used to be reasonable Jecho but you hurt me over and over again." Umupo siya sa swivel chair niya at tumingin sa ibang direksiyon.
Huminga ako ng malalim. "Ano ba talagang gusto mo Maui?"
Binuksan niya ang isang libro at kinuha ang isang larawan doon. "Alam mo ba I have been keeping this photo with me. Kasi natatakot ako na pag wala to, makakalimutan ko na ang mga memories nating magkasama."
"So this is all about the past again, Maui."
Inabot niya sakin ang larawang yun kaya inabot ko naman ito. I looked at the photo. This was a photo of us sitting down at a table in the milk tea shop that we used to go to. Nakaupo siya sa harap ko at tinitignan ako habang nagbabasa ng libro. This was taken when we were in Second Year College when my mom still is not okay with dad.
"Naaalala mo ba noon, yung parents ko sobrang busy at lagi silang nasa abroad. Napakalungkot ng bahay. Kaya araw araw laging ayaw kong umuwi sa bahay galing school. Kaya... Kailangan kong gawin ang homeworks ko sa lugar na yan. At di ko inexpect na gaya ko, ayaw mo ding umuwi sainyo. Kaya lagi tayong nagtatago sa lugar na yan hanggang sa magsara ito."
I looked at her. "But Maui kaibigan lang ang turing ko sayo nun. Yes, nagkagusto ako sayo that time. But that was all over. Iba na ang lahat ngayon at alam mo yan."
"Sa tingin mo ba lumalapit ako sayo dahil sa kung anong meron ka gaya ng ibang babae? I just want you to notice me too just like before." She stands up and walks towards me.
Nagbuga ako ng hangin. "Maui. Alam ko na madami tayong memories noon. But that was all in the past. For me the present is more important."
"Then let's not talk about the past. Let's talk about the present. Jecho.. Restart with me, will you?"
Hinilot ko ang sumasakit na ulo ko saka ako tumingin sakanya. "Look, I think I made myself clear sayo noon pa diba?"
"Pero pano ba yan Jecho pumutok na ang balita ukol satin. Mas makakasama sayo kung itatanggi mo yun. Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko."
Binasa ko ang ibabang labi ko in annoyance. "Maui di ako ang pinipilit mo kundi ang sarili mo."
"Oo! Pinipilit ko ang sarili ko sayo!" Tumaas na din ang boses niya. "Yun ay dahil ayaw ko nang maging tulad noon na laging nag aantay. Nag aantay na magtapat ka pero kahit kailan di mo ginawa. At least I tried. Unlike you before." Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "Jecho, would you like to try again? Would you try to like me again?
Huminga ako ng malalim at tumingin sakanya.
-----------------
"So ano po ang plan mo Sir? Masyadong malala na ang issue na dala ni Miss Maui." Nandito kami ngayon sa kotse pauwi ni Mr. Han.
"I don't know. She really is doing everything she pleases," I sighed. Bigla ko namang nahagip ang bag na nasa tabi ko. "Kaninong bag to?"
"Ah, yan po ang bag na naiwan ni Miss Athena sa restaurant kahapon. Ang mabuti po ay ikaw mismo ang magsauli po niyan sakanya," he aaid na nakangiti.
Kaya yun nga ang dahilan bakit ako nandito sa condo ni Athena. Nakita ko sila ni Angelo na magkausap. Para pang ang saya saya nila. Bigla namang umalis si Athena kaya pumasok ako. Nagkatinginan lang kami ni Angelo.
"Bat ka nandito?" tanong niya.
"At ikaw bat ka nandito?" balik tanong ko sakanya. Magsasalita pa sana siya ng mahagip ko ng tingin si Athena. Lumapit siya sa amin at hinawakan ni Angelo ang kamay niya. Tinignan ko ng masama si Athena.
"T-teka... Bat ganyan na naman ang tingin mo sakin?Y-you're making me uncomfortable." sabi niya bigla sakin.
"It's me who should feel uncomfortable. You drugged me first and then now you're seducing my friend. What do you really want huh? Make it clear now. Don't always bother me." Yan ang sabi ko sakanya pero ang totoo di ako komportable na makita silang magkasama sa di maipaliwanag na dahilan.
"You're the one bothering her dude!" Nainis ako sa pagsabat ni Angelo.
"And why is that huh?" sabi ko sakanya.
"T-teka, wag kayong mag away," ani Athena na nakatingin sa aming dalawa.
"Sige na Athena, pumunta ka na sa kwarto mo ako na ang bahala dito, ok?" sabi ni Angelo. At talagang ganito na sila ka close ngayon huh?
"S-sigurado ka? O sige," she answered at akmang aalis pero pinigilan ko siya.
"Wag kang umalis. Make it clear first," I said. Gusto kong marinig ang paliwanag niya. Fuck Jecho what explanation are you really waiting? Sigaw ng utak ko.
"Dude naman! Ano pa bang kailangan mo ha? Gusto mo na naman ba siyang saktan ulit?" angil ni Angelo sakin.
"Tama na. Tama na yan pwede ba. Bahala nga kayo diyan!" inis na usal ni Athena at dumabog nang umalis sa harapan namin.
Hinarap ako ni Angelo na nakapameywang. "Dude, alam mo ba? I am doing everything for Athena to feel better. I didn't tell her what relationship you and Maui have right now. Pwede bang tigilan mo na ang pananakit sakanya?
Natahimik ako sa sinabi niya. Di pa pala niya alam ang nasa balita.
"Wala akong pakialam kung ano ang estado ng relasyon niyo ni Maui kung nagkabalikan man kayo o ano pero dude nakikiusap ako wag mo ng lapitan si Athena."
Hinarap ko siya. "Nagkabalikan? Sa tingin mo talaga naging kami ni Maui?"
"Ano man yun ayoko ng pag usapan. Pero wag mo namang i overdo ang lahat dude. Mula kay Maui tapos napunta kay Athena. Sino sakanila ang hindi mo sinaktan? Silang dalawa sinaktan mo Jecho. Wag mo namang saktan ang mga babaeng walang ginawa kundi mahalin ka just because you're a jerk!"
Nagpabuga ako ng hangin. "Kababata ko si Maui, Angelo alam kong alam mo yun."
"So what? Sa tingin mo ba makakabalik ka sa nakalipas?"
"Wala kaming relasyon ni Maui kaya ng iniisip mo."
Ngumiti siya ng nakakainsulto. "Now the news is spreading all over. Still you're playing with others? Ang galing mo din talaga Jecho. No wonder you're my friend. I thought ako lang ang marunong maglaro noon. But..." umiling iling siya. "You're like me. No, you're worst. Malas ng babae na nakilala ka!" akma na siyang tatalikod sakin.
"Nagagalit ka ng ganyan dahil lang kay Athena?!"
Hinarao niya ako. "Yes, you're right. I can't stand it that you're hurting him."
Lumapit ako ng bahagya sakanya. "Alam ko ang ibig mong sabihin. Sabihin na nating minahal ko si Athena noon. Pero di ko na maalala ang feeling na yun ngayon. Soge nga sabihin mo sakin anong gagawin ko to avoid hurting her?"
"I don't need you to do anything. You just need to think over a question."
"What question is that?"
"Gusto mo parin ba si Athena? Kahit ba anong gawin niyang lapitan ka, habulin ka, ayaw mo ba ba talaga sakanya?" tanong ni Angelo.
Bigla naman akong naramdam ng sakit ng ulo kaya hinawakan ko ang ulo ko. May mga naririmig akong mga boses sa utak ko. 'I brought you lunch Jecho' 'Di kita iiwan, pangako aantayin kita' .Madami pang boses ang narinig ko halos boses lahat yun ni Athena. Humihinga ako ng malalim at parang nanghihina kaya humawak ako sa braso ni Angelo. No, this is not right. Tinignan ko si Angelo. "Diba gusto mong malaman ang sagot sa tanong mo? Pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko. Ayoko sakanya. Kung gusto mo siya, then take her." I just said what my mind is telling me. Thought my heart felt different. But I don't intend to follow what it says. This is what I feel. Pilit kong sinasabi sa isip ko. And this is what should I do.
"Okay," narinig kong sambit ni Angelo. "Great then. Tandaan mo ang sinabi mo ngayon sakin Jecho. Pag nagsisi na later on, I won't go easy on you. Remember that," he said and walks away.
Naiwan naman akong di alam ang mararamdaman. Parang may masakit sa dibdib ko na diko mawari kung ano.