Chereads / She's my Poser... / Chapter 35 - Chapter 35

Chapter 35 - Chapter 35

Jecho's POV

"Dude, I want to ask you a favor." Sabi ni Angelo. Andito parin kami sa sala ng condo ko dahil di pa naman nagigising si Athena.

"What's that?" I asked him. "Don't tell me you made trouble again?"

Huminga siya ng malalim saka tinignan ako sa mata. "I like her. Can you stop being close with her?"

Napatitig ako sa mata niya. "Is this something to joke about?"

"I'm afraid I'm not joking this time dude. Oo nga at sinusubukan kong galitin ka noon that's why I acted with Athena. Inaamin ko na noong una kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya. Pero ngayon gusto ko na siyang protekhan sa abot ng makakaya ko." Tumingin siya sa taas saka sinalubong ulit ang mata ko. "Dude You've hurt her enough. Can you just let her go?"

"That's between me and her Angelo."

"That's why I'm here to beg you! Lahat naman ng bagay nakukuha mo diba? Alam mo mapaglaro ako nun but this time I'm serious. I'm serious with her Jecho. Ngayon lang...pwede bang pagbigyan mo ako? I beg you. Please give Athena to me."

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa ibang direksiyon.

----------

Athena's POV

Bahagya akong nagmulat ng mata. Luminga ako sa paligid. "Hmm?" umupo ako at narealize na naigagalaw ko na ulit ang paa ko. "Ok na naman ang paa ko. Mabuti naman."

Bumangon ako at lumabas ng kwarto ni Jecho. "Oh?" nakita ko sina Angelo at Jecho na nag uusap sa sala. "Angelo, andito ka pala.."

"Come with me, Athena," he said at hinawakan ang braso ko at hinila ako papuntang pinto.

"T-teka! Ang---"

"Don't touch her!" narinig kong sigaw ni Jecho kaya napatigil kami. Nagsukatan sila ng tingin. I tilts my head dahil di ko alam anong nangyayari sa kanilang dalawa. "Tao si Athena, Angelo. May sarili siyang isip. Sa tingin mo ba ibibigay ko siya sayo dahil lang sinabi mo?!"

Nagulat ako sa pagsigaw niya. Tinignan ko si Angelo na nakatingin ng seryoso kay Jecho. "Ano bang pinag uusapan niyong dalawa? Anong ibibigay?" takang tanong ko.

"Don't listen to him. Let's go," ani Angelo at hinila na naman ang braso ko.

"You can't leave!" sigaw na naman ni Jecho.

Tinanggal ko naman ang braso ko sa pagkakahawak ni Angelo. "Teka nga! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ha? Bat ba kayo nagsisigawan ha?"

"Okay sige," pagkaraam ay sambit ni Angelo at tinignan ako. "Let me ask you Athena. Sino samin ang pipiliin mo?"

Taka ko naman silang tinignang dalawa. Pipiliin? Bakit ako pipili? "P-pipili? Pipili saan? Nag aaway na naman ba kayong dalawa?" pinagpabalik balik ko ang tingin sakanilang dalawa.

"Do you want to go with him Athena? Or you wanna stay with me here?" tanong ni Jecho.

Ngumuso naman ako. "Mmm..." tinignan ko silang dalawa ng paulit ulit. Parang gusto kong mag stay dito. Pero natatakot ako na biglang umatake ang sakit ko. Ayoko na pag alalahanin na naman si Jecho sakin. Tinignan ko ng matagal si Jecho.

"Athena!" tawag ni Angelo sakin kaya napatingin ako sakanya. "Isipin mo ang alam mong mas makabubuti sayo."

Huminga ako ng malalim saka tumungo. Kapagkuan ay tinignan ko si Jecho. "Thank you for taking care of me Jecho," I said. Bigla naman siyang nag iba ng tingin. "Thank you for bringing me here. But...I need to..."

Di ko na natuloy ang sinasabi ko nang higitin ni Angelo ang kamay ko at hinila na ako palabas ng bahay ni Jecho.

Nasa labas na kami ng bahay pero tinitignan ko parin ang nilabasan naming gate. "Bakit? Masama ang loob mong iwan siya?" biglang tanong ni Angelo sakin.

Umiling ako saka tumingin sakanya. "Mas mabuti kung wala ako sa tabi niya. Baka sumakit lang ulo niya sakin. Ayoko pa namang nag aalala siya masyado."

Napansin ko namang lumungkot ang mukha ni Angelo na tumango sakin. "Pano ba yan...anjan na si Jecho." aniya kaya napatago naman ako sa likod niya.

"Asan?!" luminga linga naman ako pero wala naman. Narinig ko namang tumawa si Angelo.

"Just kidding. Affected much parin Athena huh?" he is chuckling kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumingin naman siya ng seryoso sakin. "I'll take you away from him Athena. And I will let you forget him for good."

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil masyadong malabo ang mga sinasabi niya sakin. "Kalimutan siya?" bigla naman akong napatigil at naalala ang mga sinabi niya sa elevator kanina. Saka ko tinignan si Angelo. "I can't forget him Angelo. Because the more I try to forget him, the more I remember him. Sa elevator kanina, he stayed with me instead of running away. It seems like...he is starting to care for me."

Nakatingin lang sakin ng seryoso si Angelo. "He cares for you. How about you? Do you care about him still after all that he did to you?"

Nag isip naman ako saka bahagyang lumakad. Sumusunod naman si Angelo sakin. "I always thought that I wanted to forget him. I wanted to forget my feelings for him. The reason why I cry because of him is that because I cared for him. I realized that time that I am loving him even more." I looked at Angelo and smiled. "I think I really love him Angelo."

Umiling ako. "I love him, yes. But...isn't it that my own thing? I will still decide for myself."

"You love someone. Indeed it's your own thing. Pero masasaktan ka sa piling niya. Kaya para di ka masaktan," nilapit niya ang mukha niya sakin. "Why don't you try to like me?"

Napatitig naman ako sa mga mata niya saka ngumiti. "I do like you Angelo. Mabait kang kaibigan. Maalalahanin. Saka lagi mo akong tinutulungan."

"I'm not talking about that kind of 'like' Athena." parang batang nagdabog si Angelo. He sighs at tumingin ulit sakin. "I hope one day, you can also feel something deeper for me."

Ngumuso naman ako. "Nge, mayado ka namag seryoso ngayon. Tara ma nga," I said at lumulukso akong naglakad.

------

"Itapon mo tong mga basura sa labas Athena," I heard Kei said. She is busy cleaning my unit. Sabi ko naman kasi kumuha nalang kami ng maglilinis but she insisited na siya na. Di ko naman siya natulungan kasi kadarating ko lang din.

Kinuha ko nga ang garbage bag at lumabas ng bahay. I put down the garbage sa pinagkukuhanan ng truck saka papasok na sana. Pero bigla akong napatigil nang mahagip ko ang sasakyan ni Jecho na nakaparada malapit sa kinaroroonam ko.

Di naman ako gumalaa sa kinatatayuan ko hanggang sa binuksan niya ang pintuan ng kotse niya at nilapitan ako.

"Bakit ka nagda drive ng gabi? You know that's dangerous to you," I said ng makalapit siya.

Di naman niya ako pinansin bagkus ay may binigay siyang envelope sakin. "That's a donation certificate."

Kinuha ko naman yun at binasa. "Oh? Eto yung donation ko sa mall last time? Wahh, di ako makapaniwalang may certificate pala akong makukuha. Nice!" Ngiting ngiti ako sa pagtingin sa certificate saka tumingin kay Jecho na seryosong nakatingin sakin.

Bigla naman siyang tumalikod para umubo. Saka humarap sakin nang di nagsasalita.

"We can't be this awkward all the time Jecho. Sa bahay mo kanina alam ko na gusto mo akong mag stay because you are kind. I want to thank you for that," I said and slightly bows at him. "But, gusto kong sabihin na di na kita guguluhin gaya ng gusto mo." Bigla naman siyang tumingin sakin pero di nagsasalita. I smiles at him sincerely.

"So you want to establish boundaries with me already?" he said suddenly.

Umiling ako. "Di naman tayo pwedeng palaging mag aaway nalang diba? Naisip ko na din na siguro di lang kita naintindihan noon kaya lagi kita ginugulo. Kaya ngayon, tanggap ko nang hanggang dito nalang ang relasyon natin. Diba?"

Matagal niya akong tinignan saka bahagyang tumango.

"Ah, wait," sabi ko at dali-daling pumasok sa bahay. Kinuha ko ang isang tupperware ng pagkain sa ref at nilagay sa paper bag saka lumabas ulit. "Salamat sa pag aalaga mo sakin kanina. At saka,tungkol dun naman sa lahat ng masasakit na salitang narinig ko sayo, I already forgave you. So here..." inilahad ko ang paper bag sa harapan niya. "Kainin mo to, then we are cool ok?"

Tinignan niya ako ng matagal saka binaling ang tingin sa paper bag na hawak ko. "Thanks," he said nang makuha niya ito.

"So...p-papasok na ako sa loob ng bahay. Mag iingat ka sa daan. Umiwas ka sa maliliwanag na ilaw."

Bahagya naman siyang tumango sakin kaya pumasok na ako sa loob ng bahay. So this is really the end Athena. I should let him go already. This is for the best.

--------

Jecho's POV

I am holding the paper bag she gave me. I stared at this for a few minutes then sighs. This is what I want, right? But why do I feel that my heart is tightening? Why do I feel pain inside? I looked at Athena's room and waits for her to open her lights saka ako nagpasyang umalis.

----------

Athena's POV

I am staring at the certificate that Jecho gave me when suddenly Kei came to my room.

"Bakit?" I asked her. Nilapag niya sa harap ko ang isang baso ng gatas.

"Sabi mo sakin sumasakit ang mga buto mo, so I brought you milk," aniya saka umupo sa tabi ko.

"Thanks Kei," I smiled at her.

"What's that?" she asked at kinuha mula sa kamay ko ang hawak kong certificate. Kapagkuan ay tumingin siya sakin. "Athena, lagi mong sinasabi na gusto mo ng makalimot. Na gusto ng i give up si Jecho. But uou know, there are three things that can't fool people. Sneeze, poverty, and love." Tinaas ko naman ang kilay ko sa sinabi niya. "You were desperate to make Jecho remember you, nakita ko yun. Then why give up now?"

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. "Psh, sa tingin mo what can I do except to give up? May Maui na siya. Saka si Jecho at ako...you know we can't be together."

"Then why not fight for it? Nasan na ng palabang Athena na kilala ko? Saka sa tingin ko sila ni Maui ay wala talagang relasyon," she said. Napatitig naman ako sakanya.

"Bat mo naman nasabi yan Kei?"

"May nakita ka na bang magkasintahan na sa media lang naging couple? Saka si Maui lang ang nagsabi na may relasyon sila,diba?" Napatango naman ako sa sinabi ni Kei.

"Pero...di naman dineny yun ni Jecho eh."

"Pero di rin naman niya inadmit diba? Sinabi ba niya sayo na may relasyon sila ni Maui?"

Nag isip naman ako saka umiling. Di nga niya sinabi sakin kahit minsan na may relasyon sila.

"Think about this Athena. May nakita ka bang intimacy sakanila gaya ng holding hands, nagyakapan or naghalikan?"

"It seems..." inisip ko naman ang mga nangyari nung nakaraan. "It seems not?"

Tumango si Kei. "Then they are not couples. I've heard so many gossips before kaya alam ko fake yung relasyon nila. Plus,  Jecho seems to be more interested in you than to Maui. Otherwise, di ka niya pupuntahan dito ng gabi."

"Eh, pumunta siya dito para ibigay to oh?" I said saka pinakita ang certificate sakanya.

"Tanga ka talaga Athena, CEO yun he can just simply tell an assistant to do that," she rolls eyses on me.

"Then...what does that mean?" ngumuso ako habang tinitignan ang papel.

Kei sighs saka hinarap ako sakanya. "Athena, alam mo ba ang pinakamalaking difference ni Jecho at Angelo?"

Umiling naman ako. "Ano yun?"

"Sa tuwing hinahatid ka ni Angelo pauwi, aalis na siya pag sinara mo ang pinto. But Jecho is different. Umaalis lang siya pag nakita na niyang nakabukas ang ilaw mo sa kwarto."

Napangiti naman ako sa narinig. Di ko na maman mapigilan ang kilig ko. "Is he...caring about me? Sa tingin mo gusto niya din ako?"

Kei smiled at me. "That is a habit when a person loves someone. Sometimes we forget things, but the feeling of loving someone can never be forgotten, Athena. Kaya, wag mo na siyang iwasan. Kausapin mo siya."

Napatungo naman ako sa narinig. "But... What if he and Maui are real? E di mangugulo lang ako sakanila."

Kinutusan ako ni Kei. "Bakit ba nag iisip ka ng negative? If the relationship between you two is really sweet, you should definitely hold it. Wag mong hayaang mawala siya sayo dahil di mo siya nagawang ipaglaban."

Napaisip naman ako sa sinabi ni Kei. Alam kong madalas e gaga siya pero pag siya na ang nagsalita talagamg mapapaisip ako kasi sobrang may sense ang mga sinasabi niya. Would I really have to fight one time? Would I give ot a try once more?