Athena's POV
I am currently sitting here at my office dito sa company. Madami akong kailangang tapusing trabaho. Mabuti nalang at naintindihan ni Papa ang sitwasyon ko kaya siya ang nagtapos ng ibang gagawin ko.
I was busy signing papers ng biglang may pumasok sa opisina ko. Ayoko pa naman ngayon ang maistorbo. "I am busy can you please---" nagulat ako ng pag angat ko ng mukha ay si Jecho ang nabungaran ko. "Why are you here?"
"Let's talk." He said in a serious tone. I sighed saka tumango. "Sit down."
Umupo naman siya sa harap na upuan. "Anong sinabi mo sa daddy ko?" kapagkuan ay tanong niya.
Tinignan ko din siya ng seryoso. "Tinatanong mo pa ba ako? Syempre sinabi ko na---"
"So you told him about what happened to us? You really planned this huh? You planned to destroy me all along!" sigaw niya sakin. Napaawang naman ang labi ko sa sinabi niya.
"Ganun na ba kababa ang tingin mo sakin Jecho? Wala ka na bang ni katiting na tiwala sakin? Sa tingin mo ba kaya kit---"
"What made you think that I trust you?" natahimik naman ako sa sinabi niya. "Mula nung mawala ang alaala ko sayo you didn't do anything you promised. Para lang guluhin ako, you manipulated me, lied to me even fed me with medicine. Ngayon pamilya ko naman ang ginugulo mo. Sa tingin mo ba pagkakatiwalaan pa kita?!"
Umiling ako sa harap niya. "Pero di kita niloko. Para nga di ka masira nagpanggap pa akong masamang tao sa harap ng daddy mo. Wala akong sinabi kahit na ano sakanya! Bakit ka ba nagagalit sakin without even asking me clearly!"
"Stop acting. Plano mo to noon pa. You wanted to destroy me. Alam mo ba na pag nalaman ng board na nakipag relasyon ako sa rival company they will kick me out? Di mo alam kung gano ko kahirap inayos ang issue natin noon Athena. Di mo alam. Now I know what kind of person you are."
"What do you mean?"
"You are a great pretender. Manloloko," he said at naglakad na palayo.
"Teka! Jecho!" hinabol ko siya at pinigilan ang braso niya. "I told you I didn't betray you! You can't misunderstand me!"
"Let go," he said at marahas na tinanggal ang kamay ko sa braso niya saka naglakad palayo.
Naiwan naman akong tulala. Kinagat ko ang ibabang labi ko. So yun pala talaga ang tingin niya sakin? Tumungo ako at binuhos nalang ang luha na kanina ko pa pinipigilan.
---------
Jecho's POV
Naglakad ako papasok sa opisina ko at hinanap si Mr. Han. "Inform the chairman, I 'm going to meet him. " I said. Diretso ang lakad ko papunta sa opisina niya.
"Oh, nandito ka pala. Have a seat," usal niya ng makita ako.
"No need dad. Gusto ko lang itanong sayo ang isang bagay. Aalis din ako pag nalaman ko na."
Tumingin naman siya sakin. "Go ahead."
"Kung may gusto kang malaman tungkol sakin bat di ka nalang dumiretso sakin dad. Bat pa kailangan mong puntahan si Athena?"
"Ano bang gusto mong itanong. Just go straight to the point," he said firmly.
"Ano ba ang gusto mong malaman? Bakit ka nakipagkita kay Athena Dad?!"
"You should ask yourself son. Bakit ka nagmadaling kausapin ako pagkatapos mong malamang nag usap kami ni Athena?"
"Dad ayoko lang pinagsususpetsahan mo ako!"
"Bakit sa tingin mo she will betray you? Natatakot ka na pag nagkausap kami may sasabihin siya kontra sayo?"
Nagpameywang ako saka kinagat ang ibabang labi. I was frustrated. "Dad!"
"Sinabi niya na lumapit siya sayo dahil gusto niyang makakalap ng impormasyon ukol sa kumpanya natin. She said she will maintain the rivalry between us kaya ka niya nilapitan."
Napatahimik ako sa sinabi niya. So ibig sabihin di siya nagsabi ng anuman ukol sa relasyon namin? Na totoo ang sinabi niyang pinakita niyang masama siyang babae para maprotektahan ako?
"You guard her like that pero ganong klase pala siyang babae. Isn't she a true example of how dangerous the Chua's are? Ginusto mo siya but in her mind you are just a tool for her to reach her goal. After you were used,she will kick you out. Don't you think she's pathetic?"
"Dad. I-is it true that she said she used me and... Kicked me out?"
"Yes. She still has self-awareness. She said that she will fight for their company." Napahinga ako ng maraming beses. I was wrong. She did save me from dad's assumptions. "Jecho, don't get close with---" di ko na pinatapos si dad at tumalikod na.
"Stop." Ani dad kaya tumigil ako sa paglakad. "She told me to give you a break. She said I shouldn't pressure you. You are still my son and I care for you. Please do look after yourself," he said. She said that to my dad. She said that for me. That girl...she did really care for me. Humarap ako kay dad.
"Dad, thank you. Yung mga sinabi mo napakaimportante sakin," I said at tumakbo na palabas.
Pumunta ako sa condo ni Athena. Nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi. I wanted to say sorry to her for doubting her. I want to say sorry for not believing her words. Pero I can't think of the right words to say.
Pumikit ako at aalis na sana ako nang lumabas si Keiry mula sa pinto.
"Jecho? Bat andito ka? Gusto mong pumasok muna?" she offered me.
"A--hindi na. I just passed by. S-si Athena nakabalik na ba?"
"Wala pa pero babalik na din yun siguro. Gusto mo antayin siya sa loob?"
"Wag na. Just pretend that I haven't been here," I said at naglakad na palayo.
------
Athena's POV
Andito ako ngayon sa mall para magpalipas ng oras. Sobrang sama ng pakiramdam ko. Yung feeling na ang sama sama ng paningin ko sa sarili ko dahil ang babaw ng tingin ni Jecho sakin. I sighed at ginugol ang oras ko sa pagliliwaliw sa loob ng mall kahit wala naman doon ang isip ko. Pagkatapos ng ilang oras saka ako nagpasyang umuwi. Pagod na pagod na ako. Pagod na pagod na akong magmahal. Pagod na pagod na akong masaktan. This is really the end, isn't it?
-------
Kinabukasan nagpasya akong magbagong buhay na. No more Jecho. It will just be myself. I will love myself more now. Isinuot ko ang blue corporate attire ko at lumabas ng condo.
Nakangiti akong lumakad mula sa entrance ng kompanya ko hanggang sa elevator papuntang opisina ko. Papasok na sana ako nang makita si Jecho na naglalakad papunta sa direksiyon ko. Okay Athena. No more Jecho. Just yourself. I breathes heavily at di siya pinansin. Sumakay ako sa loob ng elevator pero sumunod siya sakin nang di nagsasalita. Okay? Anong laro naman kaya ang nilalaro ng lalakeng to? Ready na akong mag move on sakanya pero sunud naman siya ng sunod sakin. I just shrugged saka tumingin lang sa harap at di siya nilingon.
"Athena," I heard him say.
Tinignan ko naman siya at nag smile. "Oh, hello Mr. Kang, may maipaglilingkod ba ako sayo? Kung wala naman ay---"
"Sorry," kapagkuan ay sabi niya. Napatingin naman ako ng matagal sakanya. He is saying sorry to me? "Di ko dapat sinabi ang mga salitang yun sayo." Lumapit siya sakin. Di naman ako nakagalaw. "And thank you."
Di ako nagsalita. I just looked at the sincerity of his eyes. Bigla namang bumaba ang tingin niya sa kwintas na nasa leeg ko. Oh no! Bat ko sinuot to? Kelan to nakasuot sakin? Diba tinanggal ko na to? Nakasuot kasi sakin ang kwintas na bigay niya. Diko alam pano napunta sa leeg ko to ng diko namamalayan pero andito siya! Andito ang kwintas sa leeg ko!
"Your necklace. It...seems familiar to me," he said.
May naaalala na kaya siya? Naaalala niya ang kwintas na bigay niya?
"H-huh? Ano... B-bigay to ng isang importanteng tao sakin." Yun nalang ang nasabi ko sakanya. Totoo naman bigay ng importanteng tao to sakin. At siya yun. Pero di na niya maalala. Bigla namang bumukas ang elevator kaya dali dali akong lumabas. Sumunod naman siya sakin.
"At sino ang importanteng taong yun?" taas kilay niyang sabi.
Napangiwi ako. "Ah... D-di mo na kailangang malaman yun. H-hindi naman kayo pareho. Yung taong yun mabait, maalalahanin at mapagmahal. Minsan masungit siya pagdating sa trabaho pero di siya laging nakabusangot. Pero ikaw..." I blinked twice at tumingin sakanya. "Ay masungit, hindi gentleman, palasigaw, laging nakabusang---" tumigil ako sa pagsasalita nang makita ang masama niyang tingin sakin.
"So... Mabait pala ha," sabi niya na lumalapit sakin. Lumalayo naman ako patalikod. "So... You like this man?" aniya na nakapamulsa pa at nilapit ang mukha sakin.
I bent my body backwards a bit para malayo sa mukha niya. "A...no..." tumingin ako sa ibang direksiyon para hindi makatagpo ang titig niya. "M-madami pa pala akong gagawin. Sige ah maiwan na kita." Patakbo akong pumasok sa opisina ko. "Phew! Muntik na yun!" Hinawakan ko ang kwintas ko. "Kelan kaya kita sinuot?"
Nakita ko naman ang pagsunod ni Jecho sakin. Di ba talaga ako titigilan ng taong to? Napaka... Ugh!!! Pagalit akong tinignan siya pero napatigil ako nang makitang pumasok din sa loob ng opisina ko si Angelo at si... Maui the Shrek? Teka... Kumpanya namin to ah bat andito silang lahat? At nasaan kaya si Ashlie at bat pinapasok ang mga to dito?!
"Bat kayo nandito?!" nagpameywang ako na hinarap sila.
Inirapan ako ni Gorilla saka tumingin kay Jecho na nasa akin lang ang tingin. Okay? Anong meron sa lalakeng to ngayon?
"Jecho, I called your office at sinabing nandito ka kaya I went here," palambing na sabi pa niya.
"Can we talk later? I have business to talk with her," sabi ni Jecho na hindi tinatanggal ang tingin sakin.
"No, this is important kasi your dad told me that we have to meet him at a lunch today," tumingin naman sakin si Bayawak. "Miss Athena? You can come with us."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. Imbitahin ba naman ako diba? "I'm busy." I said at tinaas pa ang mga papeles na kailangan kong pirmahan. "Saka andito si Angelo you know we have an appointment today," lihim kong kinindatan si Angelo na nagmamasid sa isang sulok. He mouted 'what' to me. Grrr. Wala talagang pakisama.
"You and Angelo had an appointment huh?" tumaas ang kilay ni Jecho sa narinig.
"Ah..." tumingin ako kay Angelo at nag shrug lang ang lalake sakin. Grrrr. Kaibigan ko ba talaga ang isang to?
"Mas mabuti pa isama na din natin si Angelo sa meal. He can come with Miss Athena," she said at tumingin kay Angelo.
Tumingin si Angelo sakin kaya sinenyasan ko siya na wag mag oo. "Ofcourse we can join," napatungo naman ako sa sinabi ng gago. Papatayin ko talaga to mamaya.
"Then thanks for your generosity Angelo. Now you can be assured Miss Athena," aniya pa kaya napangiti ako ng alanganin at tinignan ng masama si Angelo.
Lumapit naman sakin si Angelo. "Ofcourse. Para ko ng kapatid si Jecho at sa tingin ko magkakaroon na ako ng sister-in-law so dapat lang na---"
"Stop it Angelo," sabat ni Jecho.
Angelo smiled at tumango. "Okay I'll stop. So tara?" he pats my back to assure me.
Pumunta nga kami sa restaurant kung saan kami kakaing apat kasama ang chairman ng VGC. Magkasamang lumakad papasok sina Jecho at Maui samantalang kami naman ni Angelo.
Bigla ko namang pinigilan ang braso ni Angelo para tumigil siya sa paglalakad. "Baliw ka ba? Bat ka pumayag ha? Alam mo namang bruhilda yung Maui na yunn eh. Pano kung may plano na naman pala siya kaya inimbita ako dito? Bat ka naman pumayag sa gusto niya? Gago ka talaga."
Pinalo niya ng bahagya ang bunganga ko. "Bad mouth," he chuckles. "Saka bat ka matatakot eh kasama mo naman ako. Wala siyang magagawang masama hanggat kasama moko."
I sighed. "Alam mo namang ayaw kong makita si Jecho eh."
"Kung gusto mong maka move on dapat sanayin mo ang mata mo sa kanilang dalawa. This is called 'combat poison with a poison' okay?" he pats my head.
Napaisip naman ako. Mukhang tama naman ang sinabi niya. "Sounds reasonable. Okay," I said kaya sumunod nalang ako sa loob kung saan nakareserve ang table namin. Nakita ko namang wala pa ang chairman at kami palang apat ang nandito. Umupo ako sa upuan kaharap ng upuan ni Jecho.
"You suffer indigestion. I prepare the black tea for you," ani Guruto kay Jecho na nilagyan ng tea ang baso niya.
"Thanks," sabi naman ni Jecho pero di nakatingin sakanya.
"Mainit dito Athena. Tanggalin natin ang jacket mo," kapagkuan ay sambit naman ni Angelo at tinulungan akong tanggalin yun.
"Mayroong bagay noon na di ko maintindihan. Ngayon ay naintindihan ko na ngayon sa mga nakikita ko," sabi ni Chaka Doll na nakatingin samin ni Angelo.
"At ano naman yun?" nakangiting tanong ni Angelo.
"Bagay pala kayong dalawa ni Miss Athena," aniya bigla.
"Bagay? Syempre naman. Maganda siya gwapo ak---"
"Stop it," sabat ni Jecho. Bat ba lagi nalang sumasabat to? Psh. "Mag order na tayo."
"Alam mo ba na after mag break ni Jecho at Athena, lumapit na siya sayo? Baka nga gusto niya ding pumapel sa buhay mo dahil may kailangan din siya sayo," sabi na naman ni Bullfrog.
"Hindi ganong klaseng tao si Athena," sambit ni Angelo.
"Sabagay it's not a big deal to her. She's clever. She knows that she can get everything she pleases, right? Tignan mo nga pagkatapos kay Jecho sa kaibigan naman. Napagaling diba?"
"Enough!"
"Enough!"
Sabay na sigaw ni Angelo at Jecho kay Baboy Ramo.
Di na ako nakapagpigil at hinarap siya. "Kung may problema ka sakin sabihin mo ng harapan. Di yung sinasali mo pati pakikipagkaibigan ko kay Angelo. So if you want to make me uncomfortable because of this, then sorry I have no time to play games with you," I said at tumayo na. Lumakad na ako palabas.
"Athena, sandali," habol naman sakin ni Angelo.
--------
Jecho's POV
Naiwan kaming dalawa ni Maui dito pagkaalis ni Athena at Jecho.
"This game, when will you stop it?" I asked her. "I wanted to make it up with you but what you did today makes me think you don't deserve it!"
"So ibig sabihin because of that Athena nagagalit ka sakin?"
"Don't mention her before me. Wala na kaming relasyon ngayon kaya wag mo na din dapat siyang pakialaman." Tumayo na ako. "Aalis na ako."
Bigla naman niyang pinigilan ang braso ko. "No. I won't let you go Jecho."
Kumuyom na ang kamao ko. Nagpipigil na lang talaga ako sakanya.
"Jecho, napakatagal na panahon ang inantay ko para malapitan ka ng ganito. Ayoko na maging gaya ng dati pa ang relasyon natin"
"You are the best investor in the investment bank, but you've lost enough principal on me." Humarap ako sakanya. "What should you do now? You know better than me," I said at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Tinalikuran ko na siya at umalis na din sa lugar na yun.