Chereads / She's my Poser... / Chapter 34 - Chapter 34

Chapter 34 - Chapter 34

Athena's POV

"This one. This one. And this one. This one. Pack up." Nandito kami ngayon ni Angelo sa mall at ipagsa shopping daw niya ako para daw marelax ako. According to him, this is usually what girls do when they are stressed kaya pinunta niya ako dito. Di ko naman akalain na ganito siya mag shopping. Kulang na lang bilhin niya ang buong mall eh. "All the eyeshadow, foundation, make up, face washing, make up discharging, pack all up." Tango lang ng tango ang sales lady habang sinusundan si Angelo. Manghang mangha naman akong nakasunod sakanya. Wahh, mayaman din ako pero di ako ganito mag shopping ah? Galante pala si Angelo. Swerte ng magiging gf nito. Pumunta siya sa bags section. "This one, and this green one, take them out. Pack the rest up."

"Okay," usal naman ng sales lady. Ngiwing ngiwi naman ako habang sumusunod sakanya. Napapatingin naman ako sa paligid. Pano kaya kung si Jecho ang kasama ko? Pano kaya kung okay ang lahat at di siya naaksidente? I sighed saka binaling ang tingin sa kinaroroonan ni Angelo pero wala na siya dun. Bumaling ako sa likod ko at nagulat ako nang andun si Jecho na nakatingin sakin.

Napako ako sa kinatatayuan ko at napatitig lang sakanya. Di ko alam bat siya nandito pero di ko maipaliwanag ang tibok ng puso ko. We stayed looking at each other for I don't know how many minutes when I heard a snap of a finger.

"Hey Athena, okay ka lang ba?" Angelo asked me. Napatingin naman ako sa ibang direksiyon nang mapagtantong imagination ko lang pala ang nakita kong mukha ni Jecho. "Mukhang di ka parin masaya. Di pa ba sapat ang mga nabili natin?" he showed me the 5 paper bags he's holding.

"Ah. Hindi, hindi okay na. Oka na ako," umiling ako sakanya at ngumiti.

"May jewelry store sa harap ng mall. Halika bilhan kita ng malaking diamond ring," Angelo wiggled his eyebrows at akmang hihilahin ako.

"Angelo wag na. Di ko naman kailangan yun," pigil ko sa akma niyang paghila sakin.

"Bakit? Sabi nila walang forever na tao sa buhay mo pero may forever sa diamonds. Tara na," hihilain na naman niya sama ako pero pinigilan ko na naman ang kamay ko.

"Angelo ang diamonds are just elemental crystals that consists carbon elements. At ang mga bags na to," tumingin ako sa mga bags na naka display. "kahit gaano sila kaganda hindi nun mababago ang buhay ko. Pati ang mga make ups na to," tinignan ko ang mga paper bags na puno ng make up. "kahit gaano kaganda ang mga ito pag nilagay sa mukha, kung walang mag aappreciate nun, feeling ko di parin ako masaya," I said then sighs.

"Tsk tsk tsk, my poor little Athena, so anong gusto mong gawin hmm??" he looks at me smiling.

Tinignan ko ang mga binili niya saka ako tumingin sakanya. "How about isauli nalang natin ang mga to? Di ko naman ito kailangan eh. Or we can donate these sa orphanage or something? C'mon donate these all Angelo," pinahawak ko sa kanya lahat ng paper bags na nasa kamay ko.  "Donate it okay?" sabi ko pa at tumakbo palabas.

"H-huh... Donate?!" narinig ko pang sigaw ni Angelo pero di ko na pinakinggan.

Naglakad ako papunta sa labas. Magtataxi na lang din ako papuntang CI since di ko dala kotse ko. Papara na sana ako ng taxi ng mag ring ang phone ko. It's Kei.

"O bakit?" sabi ko at tumayo muna sa lilim ng isang shed.

"Nasan ka? Pwede favor? Pakuha naman sa Project Development Center ng VGC yung folder na naiwan ko oh. Kailangan ko kasi sa OJT ko bukas."

"VGC? Bat mo ako papupuntahin dun? Alam mo namang allergic ako sa mga tao dun eh. Saka ayokong makita yung CEO nil---"

"Gahh Athena, hindi ka naman pupunta dun para tignan siya ok? Dun sa PDC ka pupunta."

Naimagine ko na ang roll eyes niya. Psh. Bat ba kasi dun siya na assign na mag OJT?

"Oo na, oo na." sabi ko nalang sakanya. May magagawa pa ba ako? E sa naka out of town ang gaga dahil sa family matters nila.

"Iuwi mo nalang sa condo mo. Kunin ko yun pag uwi ok? Bye!" aniya pa at binaba na ang tawag.

I sighed saka sumakay ng taxi papuntang VGC. Pagpasok ko sa loob tumingin tingin ako sa paligid baka makasalubong ko si Jecho.

"Miss, is Mr. Kang here?" tanong ko sa isang empleyado na nakasalubong ko.

"No," aniya naman.

"No? No," napahinga ako ng maluwag sa narinig. So wala siya dito. Naglakad na nga ako papuntang PDC. Nakita ko namang madami nang pumapasok sa elevator. "Wait, wait!" sigaw ko para makaabot bago magsara ang elevator pero sa kasamaang palad nasa loob ng elevator si Jecho. Napatigil ako sa akmang pagpasok. Nakatingin naman ang mga tao sakin dahil di pa ako pumapasok sa loob. "Ahh, u-una na pala kayo. Mamaya na ako," nagkamot ako ng ulo saka humakbang palikod para sumara na ang elevator.

Inantay kong bumukas ulit ito at ng bumukas na naman, tapos lumabas na ang mga kaninang empleyadong pumasok doon.

"E-eh? San kayo pupunta?" akma akong susunod sakanila para umalis pero nagsalita si Jecho.

"Come in," aniya kaya napapikit ako saka unti-unting tumingin sakanya. Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob ng elavator. Bumuga ako ng hangin para pakalmahin ang sarili ko. Nasa likod ko siya at ako ay nasa harap niya. "Bakit moko iniiwasan?" kapagkuan ay sambit niya sakin.

Di ko siya tinitignan. "Ah..." lumunok ako. "Kasi...m-marami ng tao kanina kaya d-di na ako pumasok."

"Maluwang na pwede ng lumapit sakin." sabi na naman niya. Walanji noon nga halos ipagtabuyan na niya ako dahil sa paglapit ko sakanya tapos ngayon namang lumalayo ako pinapalapit naman ako. Lokohan ba to?

I blinks my eyes saka tumabi sakanya pero dun ako sa pinakadulo malapit sa pader ng elevator. "O-oh. Ayan na."

Bigla naman niyang hinigit ang braso ko palapit sakanya. "May sakit bako para halos ayaw mong dumikit sakin?"

"H-huh? W-wala naman," piniksi ko ang braso ko para matanggal ang kamay niyang nakahawak dito.

"Why did you tell my Dad not to pressure me at work?" aniya nang di nakatingin sakin.

Sinulyapan ko siya saka tumingin sa harap. "S-siyempre nag aalala ako s---"

"I don't need you to worry about me." Nabigla naman ako sa bahagyang pagtaas ng boses niya. "I do want to keep a distance from you now. " Nanatili akong nakatungo habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya. "Sa lahat ng babaeng na link sakin, once na nakuha na nila ang gusto nila, pwede na kaming maging magkaibigan. Pero bakit naiiba ka sakanila?" he said at tumingin sakin. Tinignan ko din siya pero di ako nagsalita. "Why is is that everytime I get close to you, para akong mababaliw?" Lumapit naman siya sakin kaya humakbang naman ako patalikod.

Sinalubong ko ang mga mata niya. I can't think of words to answer his question. Para namang akong napaso kaya lumayo ako sakanya. "K-kaya nga ako lumalayo diba?" Sinandal ko ang balikat ko sa pader ng elevator para mapalayo sakanya.

Mas lumapit naman siya sakin kaya di na naman maipaliwanag ang tibok ng puso ko. "Then do you dare look at me?" sabi niya aa mahinang boses.

Tumingin naman ako sa mga mata niya saka ibinaling sa ibang direksiyon ang mata ko. Huminga ako ng malalim at tinignan siya. "O ano ngayon nakatingin na ako sayo?" pinatapang ko ang boses ko kahit na parang nanghihina na ang tuhod ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso lo dahil sa sobrang lapit niya sakin.

Di siya nagsalita at tinitigan lang ako. "You are not definitely my type of girl Athena. But I will see all what happened to us in the past through your eyes today," mahina niyang usal. It's like he's hynotizing me with his stares. "Good, or bad. I want to know it all."

Lumunok ako at di mawari ang gagawin. Unti-unti na niyang nilalapit ang mukha niya sakin nang biglang sumakit ang paa ko. Napahawak ako sa pader at bahagyang tinulak si Jecho. "S-stay away from me," I said. Ayokong malaman niya ang kung anumang nangyayari sa mga muscles ko. "D-di ako kumportable." Para na akong matutumba pero pinipilit kong patatagin ang mga tuhod ko. Napapangiwi na din ako sa sakit.

Nakatitig lang naman siya sa mata ko nang biglang yumanig ang paligid at namatay ang ilaw sa elevator. "Ah!" Matutumba na sana ako pero nahagip niya ang bewang ko.

"O-okay ka lang Athena?" nag aalang tanong ni Jecho sakin. Yakap yakap niya ako habang nakahawak ang isang kamay niya sa pader ay nakasuporta sa bewang ko.

Napaupo na ako dahil nanghihina na ang tuhod ko. Dagdag pa na yumayanig ang paligid dahil sa kung anong nangyari dito sa elevator. "L-lumayo ka sakin." Pilit ko paring sinasabi sakanya kahit sobrang nanghihina na ako. Pililit kong inakay ang paa ko para makasandal ako sa pader. Pinagpapawisan na din ako dahil sa nararamdaman kong takot, sakit at panghihina.

"Ano bang nangyayari!" sigaw ni Jecho at tumayo para tignan kung bakit biglang nawalan ng kuryente at yumayanig ang elevator.

Lord, why is it the pain worse than ever? Bakit ngayon pa? Pinilit kong yakapin ang tuhod ko at huminga ng malalim. Tumingin ako sa paligid. Di ko alam anong nangyayari dito sa elevator at bakit bigla biglang nagka technical difficulty. At sabay pa talaga sa pananakit ng paa ko.

Lumapit si Jecho sakin. "Okay ka lang ba?" aniya at tinanguan ko nalang. Naiiyak na ako na di mawari kung anong gagawin.

Kinapa ni Jecho ang phone niya at nag dial. "Were trapped inside the elevator. Find out the cause instantly." He said habang hawak hawak parin ang balikat ko.

Di ko na napigilang mapaluha ng sumakit na naman ang paa ko. Humihikbi ako habang hawak hawak ni Jecho. "Don't worry, we'll be okay hmm?" Jecho said holding my shoulders. I buried my face between my knees kasi nanginginig na ang mga tuhod ko. Naramdaman ko naman ang paglapat ng jacket ni Jecho sa mga balikat ko.

"Pwede ba lumayo ka sakin Jecho!" pilit ko siyang tinutulak palayo dahil baka maramdaman niya ang pamamanhid ng tuhod ko.

"Please don't be like this Athena," pilit parin niya akong nilalapit sakanya. "Stay calm okay? I'll be your lucky star today hmm? Don't cry." he said at niyakap ako. Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang siya.

Maya-maya lang ay bumukas na ang ilaw at bahagyang bumukas ang pinto ng elevator. Napatayo si Jecho at inantay akong tumayo pero nanatili akong nakaupo. Di ko maigalaw ang mga paa ko sa sobrang pamamanhid. "Athena?" tanong niya at akmang itatayo ako pero inilayo ko ang balikat ko.

"Lumabas ka na Jecho." Nanginginig kong sabi.

"No, let's go out together. C'mon."

"Go! Lumabas ka na Jecho hayaan mo na ako dito!" sigaw ko na sakanya.

"What nonsense are you talking about. Tara na Athena.Get up," hinawakan na naman niya ang braso ko para itayo pero tinulak ko siya.

"Don't touch me! Lumabas ka na Jecho! Hayaan mo na ako dito parang awa mo na! Bakit ba ayaw mong makinig sakin! Sabi ko namang lumabas ka na! Bat ba ang tigas ng ulo mo!"

"Because I know you are terrified!" pasigaw niyang sambit kaya napatahimik ako. "And I can't get out alone. If I get out na di ka kasama mababaliw ako sa takot. I would rather stay here with you than experience the terrible feeling of losing you."

Di ako nakapagsalita sa sinabi niya. Tumutulo ang mga luha ko habang nakatingin sa mga mata niya.

"N-nakalimutan mo na ako diba? What can you lose Jecho?"

Tumango siya at inayos ang jacket na nakayakap sa balikat ko. "Yeah. In ny eyes you're of no importance. But it feels so strange. Pag naiisip ko na may umaaway sayo nagagalit ako. Kung ako si Angelo I would help you slap them back one by one. But I'm Jecho. And I can't be so willful. I can only stand away...and look at you silently."

"J-jecho... Do you...still care about me? Kahit di mo na ako naaalala?"

Nanatili siyang tahimik at nakatingin lang sakin. "You think?" he said in a slow voice.

"T-thanks," usal ko din at di napigilang mapangiti. Parang nakalimutan ko na din na di ko maigalaw ang mga paa ko sa klase ng titig niya sakin.

"Sir! Okay lang ba kayo?" narinig kong sambit ni Mr. Han pero di siya tinignan ni Jecho. Instead he held me in his arms and carried me outside the elevator. Sakto namang nagdilim ang paningin ko.

--------

Jecho's POV

I carried Athena to my condo dahil bigla siyang nawalan ng malay. Pinahiga ko siya sa bed ko at umupo sa tabi niya. I caressed her face then sighs. Para akong mababaliw kanina sa pag-aalala sakanya. Is this...the real feelings that I felt for her before the accident?

Napatingin ako sa labas nang marinig ko ang doorbell. Kinumutan ko siya saka pumunta lumabas. Nakita ko naman ang humahangos na si Angelo na pumasok sa bahay.

"Dude," hinihingal niyang sabi. "Narinig ko ang nangyari kay Athena. Kumusta na siya?" Alala niyang tanong.

"Ok naman na siya. Magiging ok na din siya pagkatapos niyang magpahinga," I said.

"That's good then. Nasan siya? Iuuwi ko na siya sa kanila," sabi niya pero pinigilan ko ang braso niya. I patted his back to assure him.

"Nagpapahinga na siya. Let her be." Mabuti naman at di na nagpumilit si Angelo.

---------