Jecho's POV
"Come here, sit down, " My dad said nang makarating ako sa bahay. I sat beside him. "I've seen the news," he said smiling. Di ako nagsalita nang makitang tinitignan ni dad ang pictures namin ni Maui na kumakalat na. "Jecho, madami ka ng taong ginugol sa sarili mong buhay. Oras na din para mag settle down ka. Tapos ka na siguro sa kahibangan mo sa babaeng Chua diba?"
Tumango na lang ako. "Yes dad."
"That's good then. I would rather offend a gentleman rather than a villain. If they cause troubles, it can be big or small."
"Athena won't do that," I said to my dad. "I mean, nag usap na kami. She won't be childish anymore."
Tumango naman si dad. "That's good then. Wag mo ng hayaang guluhin ka pa niya."
"I will deal with it carefully dad. Besides, I have broken up with her I don't think there's need to talk about her anymore," I said para matapos na ang usapan. I'm really not comfortable talking about my personal life with dad. Lalo siya ang dahilan kung bakit wala na ang mga memories ko kasama si Athena.
"Okay then. Wag na nating pag usapan ang nakaraan. I care about Maui the most. When do you plan to marry her?" he asked me kaya napaayos naman ako ng upo.
"Dad. It's my own business, okay? Don't worry about it." Ayoko ng ganitong usapan. I made myself clear about this issue noon pa.
"Maui is not like any other girl Jecho. You can't deal with her easily. Since she has confessed to the press, you should settle down as soon as possible."
Pinagsalop ko ang mga daliri ko and sighs. "Dad, please."
He sighs at tumayo na. "Pagod na ako. Magpapahinga na ako sa kwarto ko." He walks to his room immediately. He is really hard to deal with.
Pagkalabas ko ng bahay nakipagkita ako kay Maui sa teashop.
"So what do you want to talk about?" she said pagkaupo niya sa harapan ko.
"I have considered your offer. And I have decided," I said at tumingin sakanya ng diretso. "The past is passed. The present is now. I don't want to be with you again just because we had something before."
"Why?" she asked seriously.
"Wala na akong nararamdaman pa para sayo, I feel sorry for it. This time,I just want to be your friend. I don't want to hurt you again."
She breathes heavily then looks at me. "Pano kung sabihin kong...di ako natatakot masaktan. Na kahit wala kang nararamdaman para sakin, okay lang. Gaya nga ng sabi mo kaibigan ako. Ibig sabihin I still have chance, doesn't it?"
"Actually, you have guessed it, right?" I asked her.
"Guessed what?"
"You know I am a businessman. Kahit anong gawin ko, my sense of reason is always bigger than my emotion. You know I need a woman to match with me. So you publish our relationship. Inisip mo na dahil dun di kita magagawang tanggihan dahil sa mga benefit na makukuha ko."
She smiled at me. "Am I wrong, Jecho?"
Umiling ako. "No. But I really don't want to use you." I said at tumayo na.
"Jecho," pigil niya sakin kaya napatigil ako sa paglakad. "Alam mo ba, all these years, I have never felt na nawala ka sakin. Dahil sa nawala na ang nararamdaman mo, I guess you owe me an explanation. You can just regard it as a chance to let me completely give up, would you like to try again with me?"
Napapikit ako sa mga sinasabi niya. "Maui," hinarap ko ulit siya. "Bat ba ang tigas ng ulo---" napatigil ako dahil bigla niya akong niyakap. Di ako nakagalaw sa higpit ng yakap niya.
"I love you Jecho. If you find it not okay after we try it, I will let you go, Okay?"
I sighed and just let her hug me. Will I give it a try this time?
----------
Athena's POV
Nakauwi ako sa bahay na masama ang pakiramdam. Parang namamanhid ang katawan ko lalo na ang paa ko. Eto na ba yung sinasabi ni Dad? Nawawala na ba ang epekto ng shot sakin? Nahiga ako ng matagal at naitulog ko.
Bigla naman akong naalimpungatan ng marinig ko ang ring ng phone ko. Grrr. Eto na naman ang sinasabi ko. Gisingin niyo na lahat wag lang ang babaeng broken hearted. "Mamatay ka n---"
"Athena, iha, pwede ba akong humingi ng pabor ulit?"
I covered my mouth ng mapagtantong mommy ni Jecho ang tumawag. Muntik na yun ah. And why is she calling me again? Di ba niya alam na nag mo move on na ako mula sa anak niya? "Ano po yun?" bagot kong tanong.
"Pwede mo bang dalhan ng gamot si Jecho sa condo niya please? Alam kong nag away kayo pero ikaw lang ang maaasahan ko. Nandito kasi ako sa kabilang bayan I can't drive home immediately. Masakit kasi tiyan niya. Please Athena?"
Napapikit ako sa narinig. Sabihin niyo nga sakin makatarungan ba ang ginagawa ng pamilya nila sakin? Tinignan ko ang oras. It's 9 pm. It's fucking 9 in the evening tapos papupuntahin ako sa bahay ng lalakeng dumurog sa lahat ng veins ng puso ko? Okay that was OA. Pero kasi naman!!
So ayun nga, dahil likas akong mabait na dalagang maganda, lumabas ako ng dis oras ng gabi at bumili ako ng gamot saka nagpunta sa condo ni Jecho. Dahil wala namang pumigil sa pagpasok ko, maayos kong napasok ang loob. Luminga linga ako at wala siya sa paligid. I went to his room at nandun siya sa bed niya. He's sleeping. Ngumuso ako saka umupo sa kama niya. I yawned. Antok na talaga ako. Saka masama pa ang pakiramdam ko. And one more thing tulog ang lalakeng paiinumin ko ng gamot.
At dahil sa mga nilahad kong rason, nagpasya akong humiga sa tabi ni Jecho at natulog.
--------
Kinabukasan, nagising ako na nasa ibang lugar. Ibang lugar? Luminga linga ako sa paligid at naalalang dito nga pala ako natulog sa bahay ni Jecho kagabi. Tinignan ko ang taong nasa tabi ko. It's Jecho's sleeping figure.
I smiled as I watch him sleep. Pinalandas ko ang daliri ko sa kanyang mga mahahabang pilikmata. Bahagya naman siyang gumalaw kaya tinanggal ko ang daliri ko dun. Mas lumapit pa ako sakanya at niyakap ang dibdib niya. Wag kayong ano, minsan lang to noh? Kahit ipagtabuyan niya ako mamaya atleast nayakap ko siya diba? Mejo hinimas ko din konti ang dibdib niya. Mejo lang siyempre. Alam niyo naman na adik talaga ako sa dibdib niya. Gumalaw naman siya at ininat niya ang kamay niya kaya napatilapon ako papunta sa baba ng kama. Sumubsob tuloy ang mukha ko sa sahig.
Narinig ko namang may nag doorbell kaya mukhang nagising na si Jecho. Di parin ako tumayo sa pagkakasubsob ko. Nang makaalis si Jecho sa kwarto tumayo ako at maingat na sinilip siya sa pagbukas ng pinto. Nakita ko ang nakangiting mukha ng bruhildang palakang matsing na mukhang buwaya na si Maui. Grrr. Remind me to put her in cage later.
"Why are you here?" narinig kong tanong ni Jecho sakanya.
"Dinalhan kita ng breakfast. Saka narinig kong masama ang tiyan mo. So I specially made a healthy porridge for you," aniya pa at tinaas ang dala niyang breakfast box. Breakfast eh alangan lunch box dalhin niya duh?
"You don't have to do it," sabi naman ni Jecho. Ganyan nga Jecho ipagtabuyan mo yan!
"Why? Is a rumored girlfriend not a girlfriend?"
"Then let me taste that later. Come in first," he said at pinapasok nga ang lintang... Mukhang higad. Tama ba? A basta wala na akong time i describe siya kasi papalapit na sila sa kinaroroonan ko. Tumingin ako sa paligid. Wala naman akong pwedeng daanan palabas. Di naman ako pwedeng magteleport o mag dissolve na parang bula na lang.
At ayun nga dahil sa kamalas malasang tao talaga ako bigla kong nasagi ang isang paso at nahulog yun kaya napatingin sila sa direksiyon ko. Takang tumingin silang dalawa sakin kaya ngumiti ako at tinaas ng kamay. "H-hi?"
Lumapit si Jecho sakin na nagtataka ang mukha. "Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok sa bahay ko?"
"H-huh? Ah..." tinuro ko ang pintuan. "Pumasok ako sa...pinto?"
Tinignan naman ako ng masama nung higad.
"Okay okay okay," taas kamay ko na parang naaresto ng pulis. "Pumunta ako dito kagabi kasi pinapunta ako ng mom mo. Sabi may sakit ka kaya dinalhan kita ng gamot. Pero dahil tulog ka kaya nakitulog na din ako." Tumango tango pa ako.
"You mean...ginugulo mo parin si Jecho kahit nag break na kayo?" nakapameywang na tanong ni matsing.
"Anong ibig mong sabihin? Pumunta nga ako dito kasi humingi ng pabor ang mommy niya," inirapan ko siya.
"Miss Athena, ang galing mo din talagang manggulo ha? Mabait na si Jecho kasi hinahayaan ka niyang guluhin siya ng paulit ulit. You are such a childish and immature human being. Don't you think you're going too far?" ngiting demonyo pa ang gaga.
"Ikaw---"
"Maui, I don't serve you well today. I will come to you myself another time. Can you go back first? May pag uusapan lang kami ni Athena, " ani Jecho. Binelatan ko naman si Maui na parang natalo na. Buti nga sayo malandi ka!
"Okay. Pero wag mong kalimutang you promised me that you will try for me. Besides, I hope you can handle this unrelated person," na tumingin pa sakin ng masama saka maglakad palabas.
Sumusulyap ako kay Jecho pagkalabas ni matsing. Di kasi siya nagsasalita eh. Lumapit siya ng bahagya sakin.
Tumikhim ako. "Mmm... M-mukhang okay ka naman na kaya... Uuwi na ako?" I smiled awkwardly at him. Lumakad na ako patalikod sakanya.
"Stop," nagulat naman ako sa boses niya. "Do you think that you can fool me just like that?"
Napapikit ako sa sobrang awkward na nararamdaman saka unti-unting humarap sakanya. "T-totoo naman yun ah. Sabi naman talaga ng mom mo---"
"You even made use of my mom. I can't believe you can play this game with me."
"Nagsasabi naman ako ng totoo ah! Tignan mo pa call log ko," at ilalabas sana phone ko pero napapikit ako ng mapagtantong di ko pala dala ito. "Maniwala ka sakin di ako nagsisinungaling. Saka di naman ako baliw na pupunta dito ng walang dahilan kahit alam kong may girlfriend ka na."
"I want to ask you now. Wala ka namang susi ng bahay ko pano ka nakakapasok? What means are you using?" tanong niya. Di ko pala nasabi na ginamit ko ang connection ko para lagyan ng hidden camera ang door niya para makita ko ang passcode niya. Galing ko diba? "And how long would you pester me?" aniya pa at mas lumapit sakin.
Naglakad ako palayo sakanya. "W-who is pestering you? If I want to pester you pwede nalang kitang talian at itapon sa kama para pwede ko ng gawin lahat ng naisin ko. Sa tingin mo gagawa ako ng ganito kababaw na tricks?" taas noo at hawak bewang kong sabi sa kanya. He looks at me amusingly pero di nagsalita. Napangiwi naman ako kasi parang di umubra ang taray mode ko sakanya. "A-anways, di na ako pupunta ulit dito. Kaya aalis na ako," sabi ko at maglalakad na sana paalis.
Pinigilan naman niya ang kamay ko at hinapit ang balikat ko para isandal ako sa dingding. Napalaki ang mata ko at napalakas ang tibok ng puso ko. Omg, why is this happening to me? Ayan na naman ang titig niya. Parang kumanta na naman lahat ng angheles sa langit dahil sa mga mapanuri at nakakakilig na titig niya sakin. Sana di na to matapos. Kahit magtitigan kami buong araw ok l---
"Do you really think you can come here when you want to come at pwedeng umalis kung gusto mo ng umalis?" natigil naman ang pag momoment ng utak ko sa salita niyang yun.
"A-ano bang ginagawa mo? Bitawan mo ako," arte kong sambit sakanya. Sinubukan ko siyang itulak pero mas malakas siya kaya mas napasandal ako sa pader.
"Di ba ito ang gusto mo? I can satisfy you, Athena." Akma niya na akong hahalikan pero hinarang ko ang kamay ko.

"S-top! K-kasalanan ko," sabi ko at nilayo ang mukha sakanya. Itutuloy niya sana ang paghalik sakin pero nilalayo ko ang mukha ko. "D-di na ako pupunta dito. Di na ako magpapakita sayo. Stop it. Mali ako mali ako," takot na takot kong sabi. Kahit naman malandi ako pero di sa ganito noh? Wahhh ayoko pang isuko ang "toot" ko noh. Huhuhu. Ewan ko kung ilang sorry ang nasabi ko sakanya pero nanatiling nakalapit ang mukha niya sakin. Tinignan ko ang mga mata niya at nakatingin lang din ang mga ito sakin. Pumikit na naman siya at inilapit na naman ang mukha sakin kaya umupo ako para makalayo sakanya. Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay. Para akong hinabol ng sampung aso sa bilis kong nagtatakbo palayo.
Natakbo ko ang condo ko mula sa condo ni Jecho kaya pagdating ko sa loob hingal na hingal ako. Hawak hawak ko ang bewang ko at parang nawalan lahat ng tubig ang lalamunan ko. Nahiga ako sa sahig dahil di ko na kayang maglakad pa papunta sa bed ko.
"Athena, anong nangyari sayo? May masakit ba sayo?" nakita ko si Kei na nakadukmong na nakatingin sakin?
Umupo naman ako saka inayos ang buhok. "Malapit na akong ma rape Kei!"
"Rape?!" bulalas naman niya saka ako dinaluhan. Hinawakan ang mukha ko, ang braso ko, ang hita ko... Tinampal ko ang kamay niya.
"Chansing ka ah! Tsk," sinandal ko ang likod ko sa pader.
"E sino bang nababaliw at nabubuwang ng lalakeng manre rape sayo?" humalukipkip na sabi niya. Tinignan ko nga siya ng matalim.
"Wala! Diyan ka na nga," padabog akong tumayo at pumuntang bed ko. Itutuloy ko nalang ang tulog ko.
Pagkaupo ko sa kama, nahagip ng mata ko ang kwintas na bigay ni dad sakin. Kinuha ko yun at hinawakan. May sinabi si dad sakin tungkol dito eh. Sabi niya meron daw itong button dito sa likod. Tinignan ko naman ito at nakita ko nga na parang may maliit na button na nakalagay dito. According to my dad pag daw pinindot ko to automatic daw na masesend ang message sa US lab na magpapa schedule na ako ng shot. Lihim daw itong ginawa para di malaman ng iba ang tungkol sa sakit ko. Pag pinindot ko to ibig sabihin aalis na ako. At di ko alam kung kailan ako babalik. O kung makakabalik pa ako.
I sighed at nilagay ulit ito sa loob ng drawer ko.
"Athena," tawag ni Kei sakin kaya napatingin ako sakanya. "Andito ang Chairman ng VGC. Gusto ka daw makausap."
Chairman ng VGC? Ang dad ni Jecho? Bigla namang lumakas ang kabog ng puso ko sa narinig. Tumayo ako at inayos ang sarili saka lumabas ng kwarto.
Nakita ko siyang prenteng nakaupo sa sa sofa kaya lumapit ako sakanya. I bowed at him saka umupo sa harap niya. "What can I do for you?" I asked in a polite way.
He looked at me with seriousness. "Tell me. Do you really had a serious relationship with my son? Anong reason mo bakit mo nilapitan ang anak ko pagkatapos ng lahat ng nangyari?"
I was stunned. Di ko alam ang isasagot. Pag sinabi kong sincere ang nararamdaman ko sa anak niya at may pangako siya sakin noon, mapapasama si Jecho. Di ko alam anong kayang gawin ng dad niya kaya di dapat ako pakampante.
"Wala po kaming naging relasyon. Kung bakit man ako lumalapit sakanya dahil yun sa...dahil sa...g-gusto kong makakita ng rason para matalo kayo. I know we were rivals and I am the heiress of CI, isn't it that I should fight for our company too?" matapang kong sagot sakanya. Ayoko na mag isip siya ng iba. Ayoko na mapahamak ang posisyon ni Jecho as the CEO of VGC. Kung ito lang ang paraan para maging secured ang posisyon niya, then so be it.
Tumango siya sa sinabi ko. "Talagang ikaw nga ang heiress ng Chua. Madiskarte ka din talagang bata. Then good. We will give you a good fight then." Yun lang ang sinabi niya at akma na siyang aalis.
"Teka po." Huminga ako ng malalim saka tumayo. "Wag niyo po sanang mamasamain pero wag niyo pong masyadong i pressure si Jecho. He is doing everything for your company. I hope you can appreciate his efforts too. Give him break. Don't let him overdo work. He's your son after all," sabi ko at ako na ang tumalikod.
----------
Jecho's POV
Nangingiti ako sa reaksiyon ng mukha ni Athena sa ginawa ko. I just teased her. But she looks so scared. I don't know why I do that but the innocent look in her face amused me. Napakagat ako ng labi ko sa di mapigilang ngiti. She really is something.
And because I promised an appointment with Maui, I went to meet her again in her favorite teashop.
"Sorry, I'm late," I said at umupo sa harap niya.
"It's okay, I came here too early. Besides, you're willing to see me. I feel so happy," she said smilingly.
"As for what you've seen in my house. I am here to---"
"Don't apologize," she said para patigilin ako as if ayaw niyang marinig ang susunod kong sasabihin. "This is our first date,diba dapat may preparation ka para sakin?" I looked at her and tilts my head pero tumawa lang siya. "I'm kidding. Napakadali mo paring mahulog sa jokes ko."
Tumikhim naman ako dahil di ko alam ang sasabihin.
"Noon, lagi tayong nakaupo dito ng buong araw. You always had this serious face at napakatahimik mo. Di ka halos nagsasalita. Pero, nakakapagtaka that the more you didn't talk to me, the more I wanted to get close to you."
I licks my lips saka humarap sakanya. "Pwede ba akong magtanong?" sabi ko na tinanguan lang niya. "Bakit mo ako nagustuhan? Sabi mo nga matagal mo na akong gusto. Bakit di yun nawala for all these years? Kahit na nagustuhan natin ang isa't isa noon, madami ng taon ang lumipas,why do you keep me in your heart?"
She smiled at me. "Kasi pareho tayo. I own what I own, and I can even help you with what you don't own. Oo nga at madami nang taon ang lumipas di parin ako nakatagpo ng lalakeng kasing excellent gaya mo. Naniniwala ako na sa paligid mo wala ding makakapantay sakin. Don't you think that...we are perfectly matched with each other?"
"Perfectly matched?"
"I do know that you don't believe in imaginary love. Me, either. Love is all about a win-win cooperation. Only when two are excellent enough can they be attracted by each other, right?"
Nakatingin lang ako sakanya saka huminga ng malalim. "Let's eat something first," I said para igilid ang usapan.
---------
"Mr. Han," tawag ko kay Mr. Han habang umuuwi kami galing sa pag uusap namin ni Maui.
"Yes po sir?"
"Do you believe that there is a love for no reason in the world?"
"No reason?" he tilts his head na parang naguluhan sa tanong ko.
"Yun bang may isang tao na kilala mong mabait pero ayaw mong mapalapit sakanya. At may isa naman na alam mong madaming shortcomings sakanya mula ulo hanggang paa, pero lagi mong gustong mapalapit sakanya," I sighs.
"Sir, bakit mo tinatanong ang ganitong tanong all of a sudden?" nakangiting tanong niya sakin.
Napapikit naman ako at sumandal sa headrest.
"Hello? What?" narinig kong sagot ni Mr. Han sa tawag. "Sir, may nakapagsabi sakin na nagkita daw sina Miss Athena at ang chairman."
Napamulat naman ako sa narinig. "My dad? Bakit naman sila magkikita?"
"Di ko po alam Sir. Pero nalaman ko na ang chairman mismo ang pumunta sa bahay ni Miss Athena."
Di na ako nagsalita. What the hell did Athena tell him? Don't tell me she said something that can destroy me? "Schedule me an appointment with Athena."