Athena's POV
Malakas akong umiiyak dito sa kwarto ko. Madami na ding nagkalat na tissue sa ibaba ng bed ko. Ilang oras na akong nagngangangawa pero di parin nauubos ang mga luha ko. Di parin nawawala amg sakit sa puso ko. Bakit ang unfair naman ng buhay? Kung sino pa ang mahal mo siya pa ang mananakit sayo. Siya pa ang magpapaiyak sayo. Hinawakan ko ang kwintas na binigay ni Jecho sakin. "Wala kang kwenta. Isa kang malaking paasa hayop ka!!!" Marahas kong tinanggal sa leeg ko ang kwintas at nilagay sa loob ng drawer ko. Ang sakit sakit ng loob ko. Sobrang nasaktan ako sa mga ginawa niya dati pero yung sabihin niya mismong ayaw niya sakin, maa masakit pa sa masakit yun.
Nakita kong pumasok si Kei sa kwarto ko at umupo sa kama ko. "Tama na yan. Di lang naman siya ang lalake sa mundo."
I sniffed at kumuha na naman ng tissue at nag blow ng malakas saka tinapon na naman sa baba ang tissue. "Madali lang sayo yan kasi hindi sayo nangyari Kei. Ang sakit sakit dito," sabi ko at tinuro ang dibdib ko.
She sighed saka niyakap ako. "That's okay. Atleast you tried. Diba nga sabi mo you won't give up without a fight? You had a great fight Athena. Pero di lahat ng laban napapanalo. May mga laban na kailangan ng i give up kasi wala ka ng pag asang manalo. It's time to give up. It's time to move on," usal ni Kei na nakapagpatango sakin.
"Pero kasi... Wahhhhhh!!!!!" iyak ko na naman ng malakas na nakapagpangiwi kay Kei. Bigla namang nag ring ang phone ko kaya kahit malabo amg tingin ko dahil sa luha sinagot ko yun. "Hello?"
"Athena, iha," boses ito ng mom ni Jecho. "Can I talk to you?"
I sniffed again saka pinunas ang luha ko. "Sige po," sagot ko at binaba na ang tawag pagkatapos niyang sabihin kung saan kami magkikita.
Kahit na masakit ang mata ko sa kaiiyak nagpasya akong makipagkota sakanya. She said to meet her at their family house. Nag drive ako papunta dun wearing my sunglasses. Mugto kasi ang mata ko dahil sa ilang oras ng kakaiyak. Wala din akong tulog kasi di rin ako pinapatulog ng walang hiyang paasa na yun na ayaw ko nalang pangalanan.
Nakarating ako sa bahay nila at nakitang wala naman masyadong guards na nagpapalibot. Pumasok ako at nakita ko ang mom niya sa sala na nakaupo. Lumapit ako sakanya at nag bow sa harap niya.
"Upo ka iha," aniya kaya umupo ako sa harap niya. Napansin naman siguro niya ang sunglass ko na diko talaga tinatanggal pero di naman siya nag comment. "Kumusta ka na?"
"Ok lang naman po. Kahit naman nasasaktan ako dahil sa paasa niyong anak eh tuloy parin ang buhay ko," I said at tumango naman siya.
"Kaya kita pinatawag kasi gusto ko na sabihin sayo ang totoong nangyayari sa anak ko," kapagkuan ay sambit niya. Napatahimik naman ako sa sinabi niya. "Jecho has a severe trauma when he was a child. Ang amnesia niya ay hindi dahil sa aksidente niya kundi dahil nakakita siya ng maliwanag na ilaw mula sa sasakyang nakabangga sakanya."
"Maliwanag na ilaw po?" takang tanong ko.
Tumango siya. "When he was a kid muntik na din siyang maaksidente nun. Nakakita siya ng nakakasilaw na liwanag mula sa isang sasakyan at ng dahil dun nawala ang ilang alaala niya sa pagkabata niya. It was a trauma to him. Kaya sa tuwing nakakakita siya ng nakasisilaw na liwanag nawawalan siya ng ilang alaala. Nagkataon lang na nung naaksidente siya lately ikaw at ako ang nakalimutan niya."
Nabigla naman ako sa mga nalaman ko. So he has a trauma na nag cause sakanya ng amnesia.
"P-pero... Di po ba niya alam yun?" tanong ko.
"Actually, hindi niya ala---"
"Anong hindi ko alam Mom?" nagulat naman kami nang biglang lumapit si Jecho samin at hinarap ang mommy niya. "Tell me what is that thing about me that I don't know?"
Nagkatinginan kaming dalawa ng mommy niya. Humugot naman siya ng malalim na hiniga at sinabi ang mha nasabi na niya sakin kanina kay Jecho.
Bigla namang napaupo si Jecho at napahilamos pero di siya nagsasalita.
"Yun ang dahilan bakit ayaw ka naming mag drive ng gabi dahil maraming maliwanag na ilaw. We always make sure na walang nakasisilaw na liwanag ang mahg cause sayo ng amnesia. Di namin alam bakit nag drive ka ng gabing naaksidente ka." His mom sighs saka nagpatuloy sa pagsasalita. "That's why when you were a kid we built a memory bank for you. Nandito yun sa loob ng bahay pero di mo yun alam anak. It was made para kung sakaling mawala ang alaala mo you can go back to it from there."
"Memory bank? Where is it? Can I see it?" Jecho said instantly.
"Let's go there then," his mom said at tumayo na nga kami. Di ko alam kung may karapatan ba akong sumunod sakanila pero dahil curious din akong makita yun sumunod ako. Di rin naman ako kinakausap ni Jecho kaya di ko rin siya kinakausap. Alam ko na mas importante ngayon ang malalaman niya.
We entered a specially built room na puno ng codes. Napaka higpit ng security dito kaya imposibleng makapasok ka ng basta basta. "Only me, your dad, and you can access this room. Kasi it will only recognize your face. C'mon son, try it," she said na sinunod naman ni Jecho. He showed his face on the face-recognition monitor at bigla namang bumukas ang pinto.
We entered inside the room at dun nakalagay ang madaming monitors. The monitors show the different pictures of Jecho together with every people he met all his life.
"This monitor," hinawakan ng mom ni Jecho ang isang monitor sa gitna. "contains all the names of people na nakilala mo. Whether family, friends or business associates. You can enter the name of the person you forgot at magpapakita ang memories mo sa taong yun."
Lumapit naman si Jecho sa monitor na yun. Tumabi naman ako sakanya para makita din ang tinitignan niya. He typed my name. Then clicked enter.
Nagpakita naman ang mga larawan naming dalawa sa monitor.
"But... Tita, lahat po ng mga pictures na to is noon lang after niyang maaksidente. There are no pictures of us before the accident," I said. Napansin ko kasing mga pictures namin to nung lagi niya akong inaaway at pinagtatabuyan.
"What happened to this mom?" pati si Jecho ay nagtataka na rin.
His mom sighs. "That's because your dad deletes it. He deletes all the memories that involve Athena for unknown reasons. Di niya sinabi sakin but still, I will try to talk to him again."
"He deletes it? For what reason?!" napalakas na ang boses ni Jecho sa mom niya. Nanatili naman akong tahimik sa isang tabi.
"Maybe because he still is affected by the past. Dahil sa matinding rivalry ng kumpanya natin sa mga Chua's he didn't want you to involve yourself with them kaya siguro naisip niyang gawin yun. The time na maaksidente ka he decided to remove all your past memories with her."
So lahat pala ito dahil sa rivalry namin? Napatungo ako at huminga ng malalim. But still kahit na nangyari na to, di na matatanggal sakin na nasaktan na ako. Kahit na sabihing di niya ginusto ito, di na maibabalik ang lahat. It's all over.
Unti-unti akong tumalikod sa kanila and with teary eyes I left the place.
----------
Jecho's POV
Pagkatapos ng pag uusap namin ni mom tahimik akong pumuntang sasakyan ko. So that was all the reason bakit nawala ang alaala ko. I was trying to remembee that night when I was a kid pero talagang wala akong maalala.
"I cancel mo ang meeting ko ngayong hapon. I need a break," I said to Mr. Han na siyang nagda drive ng kotse ko.
"Okay sir. Pero sabi ni chairman Villas gustl ka daw niyang makita mamayang gabi Sir," usal ni Mr. Han.
Sumandal ako sa headrest ng sasakyan at pumikit. "Sige lang."
Maya-maya lang ay biglang napa preno si Mr. Han kaya halos nagukat akong napahawak sa upuan ko. "What the hell?!"
"S-sir si Miss Athena po bigla bigla kasing dumaan sa kalsada. Nagulat po ako. Pasensiya na."
Tinignan ko naman ang daan at nakita ko si Athena na parang wala sa sarili na nakatayk sa harap ng sasakyan namin. Lumabas ako para harapin siya.
"Are you crazy?! Don't you know how dangerous that was huh?!" angil ko sakanya.
Tinignan naman niya ako ng matagal saka nagsalita. "What? You're concerned about me?" nagtataka niyang tanong sakin.
"Ofcourse!" napatahimik naman siya sa sinabi ko. "I'm afraid that if I hit you then I need to deal with your issue again."
"You..." ngumuso siya saka hinarap ako. "Akala mo ba gusto ko pang mainvolve sayo? Ha! Kapal mo!"
"Then why are you blocking my way" taas kilay kong sabi.
"I... I'm... I'm here to give you my wishes," she said na taas noo pa.
"Wishes?"
"Yes. I wish you get a good girlfriend. I wish you forevee love. I wish you a sweet love." tango tango pang sabi niya. Ano bang pinagsasasabi ng babaeng to?
"Okay then. Meron ka pa bang sasabihin?" usal ko sakanya.
"I..."
"It looks like you still love me don't you?" hamon ko sakanya.
"O-ofcourse not!" pairap na sabi niya.
"Then that would be best. Listen carefully. We are not for each other. So we're better not get entangled. That will be good for both of us. Do you understand?" Napansin ko namang bahagya siyang napakuyom ng kamao pero di nagsalita. "Answer me."
Tumango siya at tumingin sa baba. "Yes." Tumingin naman siya sakin kapagkuan. "You better remember your words. Don't tangle with me anymore also. We are done." she said at tumalikod na.
Bahagya pa niyang sinipa ang gulong ng kotse ko pero siya lang din naman ang nasaktan. Tss. Crazy girl. Pinanood ko siyang naglalakad palayl sakin. I sighed saka pumasok na sin sa kotse.
-----------
Athena's POV
Dali dali akong pumasok sa isang cubicle ng CR at huminga ng malalim.
"Di ako galit. Di ako nasasaktan. Breath Athena. Masaya ako. Ok na ako. Naka move on na ako. Hooo," I was calming myself. Pagkatapos kasi ng pag uusap namin ni Jecho kanina ay sumama na naman ang pakiramdam ko. "Diba nga sinabi mo na sakanya ang mga wishes mo? Pero bakit...umiiyak na naman ako." I sniffed at pinunas ang luhang tumulo sa mata ko. "Di ka pa ba nagsasawa Athena? Tama na pwede ba? Hayop kang Jecho ka pagkatapos mo akong halikan noon tapos yakap yakapin iiwan moko? Wala kang paninindigan. Wahhh di ko na gustong umiyak please," tumingin ako sa taas para pabalikin sa mata ko ang mga luha ko. "Matatalo ka pag umiyak ka Athena. You can't cry ok? He don't deserve your tears." Bigla akong tumayo pero bigla ding napaupo. Sumakit ang paa ko. "A... Ahhh..." hinawakan ko ang paa ko at hinilot yun saka sinubukang tumayo. Nakatayo nako pero parang sobrang hina ng pakiramdam ko. Pinilit kong lumabas ng CR at tumawag ng driver na magsusundo sakin.