Athena's POV
Bahagyang umawang ang labi ni Jecho ng makita ako sa likuran niya mula sa salamin. Matalim niya akong tinignan.
"Bat ka pumasok?" aniya na hinarap ako.
Ngumiti naman ako ng maluwang. "Wag kang matakot. Tandaan mo lahat ng ginagawa ko ay para sayo," sabi ko. Tumingin tingin naman si Jecho sa paligid kung may ibang tao.
"Di mo ba nakikitang CR to ng lalake? Bat ka pumasok dito ha?"
"E ano ngayon?" sabi ko pa na mas lumalapit sakanya.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng isang cubicle at nagulat ng makita kami ni Jecho. Nakalapat na kasi ang kamay ko sa dibdib ni Jecho kaya sa tingin niya may ginagawa kaming bad. Haha. Ayun nagmadali siyang lumabas ng restroom.
Nung nawala na ang lalake hinawakan ko ang panga ni Jecho para mabuksan niya ang bunganga niya. "Buksan mo muna bunganga mo. Kainin mo to dali."
Nilayo naman niya ang ulo niya. "Stop fooling around Athena. Umalis ka na ngayon din."
"Ehhh di ba nga sabi mo gagawin mo lahat ng hilingin ko?! Na lahat ng gusto ko you will do it?" Taas kilay kong sabi. "So sige na kainin mo na to please?"
Lumayo naman siya ng tuluyan sakin at tinuro ako. "I warned you last time! Labas na ngayon din!" sigaw niya.
Ngumiti naman ako ng nakakaloko. Di mo na ako matatakot sa mga ganyan mo Jecho. Natuto na ako. "Wala ka ng kawala pa sakin Jechoniah Brylle." Tumakbo ako papunta sakanya. "Eat this! Eat this!" Nahuli naman niya ang braso ko at mahigpit na hinawakan yun.
"What do you really want to do huh?!" galit niyang sabi. Umikot ikot ako sakanya para matanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko pero di talaga niya binitawan.
"Gamot to!" bigla ko namang naibato ang gamot sa ere dahil sa mahipit niyang pagkakahawak sa braso ko. Para namang nag slow motion ang gamot sa ere. Nakabuka ang bunganga ko habang pinapanood ang paglayag ng gamot sa hangin. Hanggang sa unti-unting nahuhulog ang gamot at nahulog ito sa mismong bunganga ko. Bunganga ko! Napatingin naman si Jecho sakin dahil sa paglanding ng gamot sa bunganga ko. Di ko siya nilulon. Hmmm... Tinignan ko si Jecho nang may naisip akong bright idea. Tumihaya ako at hinalikan siya sa labi. Siniguro ko na mapupunta sa loob ng bunganga niya ang gamot mula sa bunganga ko. Napalaki naman ang mata niya dahil sa ginawa ko. Iniyakap ko pa ang mga braso ko sa batok niya. Hanggang sa naramdaman kong wala na ang gamot sa bunganga ko at nalulon na niya.

Marahas niyang tinanggal ang pagkakayakap ko sakanya. Hinawakan niya ang mga labi niya.
"Anong nararamdaman mo? Nalulon mo na ba?" excited kong tugon sakanya.
"Anong pinakain mo sakin?" seryoso niyang tanong.
"Wala ka bang nararamdaman? Bumabalik na ba ang alaala mo? Ha?"
Marahas naman niyang hinawakan ang mga braso ko at sinandal ako sa pader. Parang nag slow motion na naman ang lahat nang magtagpo ang aming mga mata. Halos magdikit na din ang aming ilong. Naririnig ko na din ang marahan niyang hininga. My heart started to beat fast again. Kelan ba nung last na nakita ko ang mukha niya ng ganito kalapit?
One. Two. Three minutes had passed pero ganun parin ang postura namin. We are just studying each others face. Napatingin ako sa kurba ng labi niya. Namula ako nang marealize kung anong mga pinaggagagawa ko ngayong araw. Hinalikan ko lang naman siya. Pinakain ng gamot. Tapos ngayon...minamasdan ang mukha niya sa malapit. Di ko pinaghandaan ito. Paano kung...
Naramdaman ko ang paglunok niya. Ang malakas na paghinga niya. Ang tibok ng puso niya. "Do you really think I dare not to do something to you? You are stimulating me Athena," I heard him say with a whispering voice.
"Dito! Sila yun!" Nakita ko ang pagpasok ng isang guard at yung lalakeng lumabas sa cubicle kanina. Nagsumbong pala siya sa isang guard.
"Well... What are you doing?" may halong pagtataka ang tingin ng guard sa amin. Dun ko naman narealize kung ano ang postura namin ni Jecho. Bigla naman akong lumayo sakanya at tumikhim. Naku Athena kung malalaman to ni Mama at Papa naku!!! Di mo na nilulugar ang kalandian mo Athena!
Tinignan ako ng matalim ni Jecho kaya napatungo ako. Binasa ko naman ang mga labi ko. Sherep nemen keshe ng lebe ehhh.
Nakita ko namang nagkakatinginan ang guard at yung lalakeng nagsumbong.
"Dun tayo sa labas mag usap," kapagkuan ay sabi ng guard samin. Napilitan naman kaming sumunod sakanya.
Nakaupo kami sa isang sofa dito sa isang entertainment room ng resto-hotel na kinainan namin kanina. Sa gilid ko umupo si Jecho samantalang ako ay dito sa isang gilid. Nasa harap naman namin yung guard. Infairness gwapo din tong guard eh. Lakas maka Coco Martin na datingan.
I was tapping my knees with my fingers habang napakaseryoso naman ni Jecho na nakaupo.
Pinagpapabalik balik naman ng guard ang tingin niya sa amin ni Jecho. Nakanguso naman ako na sumusulyap kay Jecho papunta sa guard saka sa paa ko.
Tumikhim ang guard. "May nakapagreport sakin na may ginagawa kayong...ehem, kababalaghan sa isang public place."
Wala namang nagsalita samin ni Jecho. Tumitingin ako sa paligid habang nilalaro ang mga daliri ko.
"She forced me first," narinig kong seryosong sambit ni Jecho.
"Di ah ikaw kaya bigla mo akong sinandal sa pader. E di kung di mo ginawa yun di tayo mahuhuli," angil ko din sakanya.
"Pinilit mo akong gawin yun," pilit parin niyang pinapanindigan ang sinasabi niya.
"E di kung nakinig ka lang sana sakin hindi mangyayari to"
"Ako? Makikinig sayo?!"
"Oo!"
Nagpapabalik balik na naman ang tingin ng guard samin saka huminga ng malalim. "Ah...bale ang restaurant na ito ay isang regular place at madaming mga tao na nagpupunta dito. Di niyo ba naisip na makainfluence kayo ng masama sa ibang tao pag...ginawa niyo yun?"
Nagkatininginan naman kami ni Jecho saka marahas na nagsalisihan ng tingin.
"Matanda na kayo. Alam niyo dapat i control ang sarili niyo," dagdag pang sambit ng guard.
Niluwagan naman ni Jecho ang necktie niya. Para bang di siya makahinga na ewan. Epekto na ba to ng gamot? Teka, parang di naman ito yung sinabi ng doktor na mangyayari pag nainom niya yung gamot ah?
"Fine. Tell me what should we do ng makaalis na kami?" iritadong sambit ni Jecho. Pinagmamasdan ko lamang siya. Pinagpapawisan na siya ng sobra.
"Ah, dapat siguro ay aminin niyo ang pagkakamali ninyo at magsulat ng explanation," may nilapag siya sa harapan namin na notebook. "Pagkatapos ay makakauwi na kayo."
"Okay. Kung hihingi ka ng kapatawaran sakin, patatawarin kita," sambit ni Jecho na nakatingin sakin.
"At bakit?" taas kilay kong sabi sakanya. Wala naman akong ginagawa ah? Wala nga ba Athena? "Sinabi mo naman na gagawin mo lahat ng gusto ko eh."
"Di ko sinabing lahat ng gusto mo pwede kong ibigay sayo!" pagalit na sigaw niya sakin.
"Tama na. Tama na," pag aawat ng guard samin. "Wala na akong oras para pakinggan ang pag aaway niyo. Pwede niyo yung pag usapan na dalawa. Saka ako babalik pag ok na kayo." Tumayo na ang guard. Narinig ko nalang ang pagsara ng pintuan.
Katahimikan naman ang namayani samin pagkalabas ng guard dito. Nakita ko namang bumuga ng hangin si Jecho at mas niluwagan pa ang necktie.
"A...J-jecho..." tumingin ako sakanya. Nakapikit ang mga mata niya pero parang di siya komportable. Galaw siya ng galaw sa upuan niya. "S-sorry sa ginawa ko sayo dun sa CR kanina."
Bigla niyang tinanggal ang jacket niya. Nag alala naman ako at nilapitan siya. "Jecho okay ka lang ba?"
Hinawakan ko ang kamay niya pero bigla siyang tumayo. Lumayo siya sakin at umupo sa kabilang gilid na upuan. "Don't touch me. Just...don't touch me."
"B-bakit?" takang tanong ko sakanya. Ano na naman kayang problema nito? Parang nag aalala lang ako eh.
Humihinga siya ng malalim at binaling sa iba ang tingin. "Wala. Di lang maganda ang pakiramdam ko. Wag kang lalapit sakin parang awa mo na."
Napanguso ako. Hindi eh. Ang sabi ng doctor pag nainom na niya ang gamot mas maaalala na niya ang nawala niyang alaala. Pero bakit ganito naman ang nangyayari sakanya? Mas nag alala naman ako sakanya dahil sa mga kinikilos niya.
"P-para ngang di ka ok," tumayo ako at lumapit sakanya. "May sakit ka ba?" Hinawakan ko ang pisngi niya, ang noo niya ang leeg niya, ang...muscles niya sa dibdib. Malay nyo baka may mali din dun. Nakatingin lang naman siya sakin habang ini inspection ko ang pwede kong inspectionin sakanya. "P-parang wala naman mali say---," bigla akong napatingin sa mga mata niya at nakitang nakatingin din siya sakin. Nararamdaman ko na ang mga malalalim nyang hininga.
Maya maya lang ay marahas siyang tumayo kaya napaupo ako. Naglakad siya palayo sakin. "Oy, san ka pupunta?" habol ko sakanya.
Sinubukan niyang buksan ang pintuan pero di niya mabuksan. Hinihila niya ang doorknob pero walang nangyari. Maya maya lang ay kinatok katok niya ang pinto. "Hey!!! Buksan niyo to!!!" Nakalock ang pintuan? Sinubukan ko ding buksan ito at naka lock nga. We were locked here. Oh no. This is bad.
Napaupo si Jecho sa sahig. Kaya dali dali ko siyang dinaluhan. "Okay ka lang ba? Ano bang nangyayari sayo? May mali ba sa gamot na pinainom ko?"
Tumingin naman siya sakin. "Sabihin mo nga sakin anong klaseng gamot ang pinainom mo sakin ah?"
"G-gamot yun na pwedeng makapagpabalik ng alaala mo. Sabi ng doktor effective daw yun na gamot sa mga nagka amnesia. Wala naman siyang sinabing side effects or ano."
"Anong pangalan nung gamot?"
"Ano... Cia...Ciara? Ciatra? Cianol? Parang may C yun eh," hinihimas ko ang baba ko para maalala ang pangalan nun. "Cia...lis! Cialis! Tama Cialis!"
Napahawak naman siya sa ulo niya saka pumikit. Maya maya lamang ay tumingin siya sakin. "Alam mo ba ang gamot na pinainom mo sakin babae? Di ako makapaniwalang para lang akitin ako pinainom moko ng ganong klaseng gamot."
Ano bang gamot yun? Basta ko nalang kasi kinuha sa doctor yun eh. Di ko manlang tinanong anong side effect nun. "Gusto ko lang namang makaalala ka eh," lumapit ako sakanya at hinawakan ang braso niya. "Wala naman akong intensiyong masama Jecho. Saka huling pagkakataon na din naman kas---Ahhh!!" bigla siyang natumba sa balikat ko. Napayakap siya sa likod ko kaya halos matumba na kami kasi napunta na sakin lahat ng bigat niya. Unti unti ko namang sinandal ang ulo niya sa dingding. "Jecho! Jecho! Ok ka lang ba?!"
Namumula na ang mukha niya. Di ko alam anong gagawin. Nagi gulity ako sa ginawa ko. "K-kasalanan ko. Sorry. Kung alam ko lang na ganito di na sana kita pinilit inumin yun. Teka lang ah, hihingi ako ng tulong."
Tatayo na sana ako ng pigilan niya ang kamay ko. "Wag mokong iwan," nagulat naman ako sa sinabi niya kaya napaupo ako sa tabi niya. Tumingin siya sakin at hinapit ako palapit sakanya. "Yakapin moko ng ganito." Lumulunok siya habang nakatingin sakin. Mapupungay na ang mga mata niya at malalakas ang hininga nito. Mukha talagang di maganda ang pakirandam niya.
Tumango naman ako at niyakap siya. "Di ako aalis. Di kita iiwan, Jecho. Magiging ok ka rin pangako. Tatawag ako teka," sinubukan kong kapain ang bulsa ko pero wala. "Shit. Mukhang naiwan ko pa sa restaurant ang phone ko." Tinignan ko naman si Jecho. Nakatingin lang siya sa taas kaya unti-unti kong pinasok ang kamay ko sa bulsa niya. "Wala dito, sa kabila kaya." Pinasok ko na naman ang kamay ko sa loob ng bulsa niya sa kabila.
Napalayo naman siya sakin dahil sa ginawa ko. "Stop touching," aniya sa mahinang boses kaya napatingin naman ako sakanya. Napatigil naman ako nang magtagpo na naman ang aming mga mata. Ang isa niyang kamay ay nakayakap sa balikat ko at ang isa ay nakahawak sa kamay kong pinigilang niyang kapain ang bulsa niya. Nakatitig lang siya sakin. Di ko alam ang gagawin. Di ko alam ang mararamdaman. It's like everything around us stopped pwera nalang sa tibok ng puso namin. "No. I have to control myself," narinig kong bulong niya. "Kailangan kong lumayo sayo," marahas niyang tinanggal ang kamay kong nakayakap sakanya at napahilamos ng mukha. "I really hate you Athena!"
Napatingin naman ako sakanya at napatungo. Oo na, mali na ako. Di ko naman alam na may ganito palang side effect ang gamot na yun.
"Bakit ba ang galing mong mag cause ng trouble ha? Lagi nalang pag anjan ka may nangyayaring masama. Di tayo pwede sa isa't isa pero bakit pinagpipilitan mong lumapit sakin palagi? Di mo ba alam na nagagalit ako sa tuwing nakikita ka? Gusto kitang lumayo sakin."
"Alam ko," nakatungong sabi ko. Alam ko yun. At kahit masakit sakin pinipilit ko namang lumayo sayo. Pinipilit kong kalimutan ka. "Wag kang mag alala pag aalis na ako di ka na magagalit sakin." Niyakap ko ang mga tuhod ko.
Huminga naman siya ng malalim at niluwagan na naman ang necktie niya. "Tama. Di dapat lumambot ang puso ko. Di na sana ako lumapit pa sayo. Kailangan ko ng magising,"
Tumango naman ako. "Yes. Kung di lang kita nakilala noong una pa. Kung di kita nakilala di na sana kita nakikitang nahihirapan ng ganito dahil sakin. Kasi in the first place kung di kita nakilala di na sana kita nagustuhan. At di na sana ako nasasaktan ngayon. Di na sana kita ipaglalaban. Di na sana kita hahabulin. Kasalanan ko na di ko napigilan ang sarili ko nung una. Ayaw ko naman talaga eh. Ayokong magmahal. Kasi ayokong masaktan. Pero andito na ako. At kung talaga namang wala ng pag asa, I will give up. Alam ko namang kadalasan tanga ako, mangmang sa madaming bagay sa mundo. Yung mga ginagawa ko puros kalokohan, pero alam mo kahit ganun nasasaktan din ako. Pilit kong pinapakita sayo na malakas ako. Na kaya ko ng kalimutan ka. Pero kahit ganun pipilitin ko. Pipilitin kong kalimutan ka. Mabuti na ding di moko naaalala ngayon para pag alis ko,di ka masasaktan." Tumingin ako sakanya at nagulat naman ako nang nakapikit na siya. Kanina pa pala siya nakatulog. Unti-unti kong pinatong ang ulo niya sa balikat ko.
(A/N: Cialis ay isang arousing medicine 😂😂)