Chereads / She's my Poser... / Chapter 28 - Chapter 28

Chapter 28 - Chapter 28

Jecho's POV

"Jecho," sambit ni Maui kasi kanina pa ako wala sa sarili. Nandito kami sa loob ng kotse at hinahatid ko siya pauwi. Di ko alam anong nangyayari sakin pero mabigat ang pakiramdam ko.

Bahagya ko siyang tinignan saka binalik sa daan ang tingin. "Huh? Ano yun?"

Huminga siya ng malalim. "Iniisip mo parin ba si Athena?"

"No." diretsa kong sagot. "By the way, kumusta ang paa mo?" pagpapalit ko ng usapan.

"I'm fine," sagot niya at tumingin na sa labas ng bintana. "Ayaw mo bang malaman bakit...sinamahan kita ngayon at tinulungan?"

"Sa tingin ko naman ay inimbita kita para may kasama ako. Pero kung natatakot ka na maeskandalo din ng media at ma misunderstood din ang relasyon natin..."

"I won't let you apologize. Kung di ikaw si Jecho,sa tingin mo ba tutulungan kita? Alam ko namang wala lang ako sayo eh. Alam ko na kahit anong gawin ko o ibigay ko sayo, isa lang akong babae ng yong nakaraan. Para sayo, isa lang akong kaibigan at di na lalagpas dun. Bakit ko nga ba ginagawang tanga ang sarili ko," aniya at tumingin na naman sa labas.

"I'm sorry," nausal ko sakanya. "Diko alam na ganun mo na pala ako kagusto."

"Alam mo ba noon, napaka close mo sakin. Pero ngayon..." she sighed. "Just drop me off there. Malapit na din dito ang bahay namin."

Tinigil ko naman ang kotse sa tabi ng daan. Bumaba din ako nang bumaba siya. "Maui."

She looked at me. "Don't look at me with such pity eyes. Di ko alam anong nangyari satin. Pero wala akong magawa kundi tanggapin yun."

Lumapit ako sakanya. "Tell me anong pwede kong gawin para makabawi sayo."

"Then meet me up tomorrow night. I will wait you at the same milk tea shop we used to go to. Remember, you must come," she said at tumalikod na.

I sighed saka pumasok na sa kotse ko.

---------------

Athena's POV

Pagod akong sumalampak sa kama ko pagkauwi ko galing sa banquet party. Nagulat naman ako nang lumabas si Kei galing sa banyo.

"May balak ka bang tumira na dito?" usal ko sakanya. Umupo naman siya sa bed at nahiga. Kinuha na naman ang libro niya at nagbasa.

"Binabantayan kita. Baka magpatiwakal ka bigla," sabi niya na kinasimangot ko. "So, anong nangyark sa party? Di ka naman nagkalat dun noh?"

"Psh," umupo ako saka tumabi sakanya sa kama. Kinuwento ko sakanya ang mga nangyari. "Sa tingin mo Kei, bakit kaya gusto niya akong makausap pagkatapos kong sabihing wala na akong pakialam sakanya? Di kaya sobramg nagalit siya sa mga pinagsasabi ko at naalala na niya ako?" Niyugyog ko pa ang balikat niya.

"Idiot, syempre nakipag break na siya sayo kaya kailangan niya ng closure."

"Closure?" I blinked my eyes at her.

"Syempre kailangan yun pag tapos na ang isang relasyon to avoid complications."

Tango lang ang naisagot ko. So kailangan lang niya ng closure? Bigla naman akong may naisip. Pagkakataon ko na to! Malay natin maalala na niya ako diba? Tumayo at kinuha ang gamot sa loob ng drawer ko. Syempre nagpa consult ako sa isang doctor at sabi niya effective daw to para sa mga nawalan ng alaala. Ngumiti naman ako sa naisip.

"Oy, ano na namang kalokohan ang iniisip mo jan?" narinig kong tanong ni Kei. Pinakita ko naman sakanya ang gamot na hawak ko.

"Bukas ipapainom ko to sakanya. Malay mo pagkainom niya ay maalala na niya ako," I grinned at her. Nanatili naman siyang tahimik ng ilang sandali pagkatapos ay kinutusan ako.

"Baliw ka talaga kahit kailan," umiling iling siya saka binalik na sa libro ang binabasa. Psh.

A basta bukas ipapainom ko tong gamot sakanya. Fighting! Maya-maya lamang ay narinig kong may mag door bell.

Bagot akong tumayo at binuksa ang pinto at nagulat ng si papa ang nasa labas.

"Pa, pasok ka po," I said at pumasok naman siya. Umupo kami sa sofa.

"Kumusta ka naman anak?" tanong niya. Pagagalitan na ba niya ako kasi di ko na halos nagagawa ang trabaho ko sa kumpanya?

"P-pa, sorry po," nakatungo kong sagot sakaya.

"Wag kang mag sorry ano ka ba. Gusto lang kitang kumustahin. Wala ka bang narardamang kakaiba sayo?"

Kumunot naman ang noo ko. Kakaiba? "Wala naman Pa. Ok naman ako, bakit po?"

He sighed. "Siguro nak. Oras na para malaman mo ang totoo."

Kumunot naman ang noo ko kapagkuan ay lumaki ang mata ko. "Ampon ako pa?!"

Napaawang ng bahagya ang labi ni papa saka tumawa. O... Kay?

Sumeryoso naman siya kapagkuan. "Do you remember when you were a kid? We went to US for medication, right?

Kumunot ang noo ko para alalahanin yun. Oo nga, pumunta kaming US when I was 5. Tapos saka nalang kami nakabalik dito when I was 15. Sakitin kasi ako nung bata ako. Palagi akong bigla biglang nanghihina at nawawalan ng balanse. Minsan nga noon di ko pa nailakad ng ilang araw ang paa ko. Kaya kami nagpuntang US.

"Yes, Pa. Anong tungkol dun?"

"When you were a kid you were diagnosed with Nemourphism (A/N: this is a fiction disease wag niyong i google 😂😂). That is a muscle disease. Namamanhid ang mga muscles mo kaya noon diba di ka pa nakalakad ng ilang araw? It affects not only the muscle pero even the brain kaya lagi kang nanghihina noon." Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Papa. "Walang gamot para dito noon anak. But someone told us na may magaling na doctor na nakadiskubre ng gamot for this because his daughter also suffered the same. Pero hindi yun approve pa kasi on test palang ito noon. We went to see him tapos sinabi niya na we have to undergo a shot. Pero di yun one time. Ang shot na yun is to stabilize the muscles to function well. We risked everything for that shot kahit walang kasiguraduhan. You became the second human subject and you stayed at the laboratory for almost 10 years. Laking pasalamat namin kasi you survived. You grew up na walang kahit na anong bahid ng sakit na yun. But there is one thing na sinabi ng doctor samin and that is..." Huminga siya ng malalim saka tumingin sakin. "The shot's effect is not lifetime. It will just be effective for 20 years. Tapos after 20 years we have to go back and have the shot again."

"So what do you mean by that Pa?"

"5 months from now, you will celebrate your 21st birthday. And by that time, we need to go back kasi mawawalan ng effect ang shot."

"Then...we will stay there again for...how many years again?

He looks at me then sighs. "We don't know. The last time you had the shot we don't know how many years should we wait."

"So ibig sabihin Pa di natin alam kung ilang taon na naman akong mananatili sa isang laboratory?  Walang kasiguraduhan na makakalabas pa ako ng buhay?" Di ko napansin ma garalgal na naman pala ang boses ko. My tears are rolling down again. This means kailangan kong umalis. Kailangan kong iwan ang lugar na to. And there's no definite time when will I be back.

"You will definitely survive anak. We just have to believe it. Maybe dahil second shot mo na yun pwedeng maging lower na ang pag stay mo dun. We have to stay firm anak," he hold my hand saka niyakap.

---------------------

Alas 3 kinabukasan, pumunta na nga ako sa place kung saan kami magkikita ni Jecho.

"Welcome, do you have an appointment Ma'am?" tanong ng waitress na lumapit sakin.

"Uh...I'm looking for Mr. Kang."

"This way please," aniya at giniya niya ako papasok sa loob. Nakita ko naman siyang nakaupo sa isang bakanteng table.

"There is an important thing I have to deal with today. Before I finish it, don't call me," narinig kong sabi niya sa kausap sa phone. Umupo naman ako sa harap niya.

"Would you like to order?" tanong ng waitress samin.

"No."

"Wait," bawi ko sa sinabi ni Jecho. "Two glasses of water please," I said. Syempre ilalagay ko dun ang gamot noh? Bwahahaha. Galing ko talaga.

"Ok, wait a minute," sagot naman ng waitress saka umalis.

Tinignan ko naman si Jecho ng di ngumingiti. Taray mode muna ako ngayon. "Go ahead. What do you want?" I said.

"I don't have to be polite to you. What stage is your relationship with Angelo now?" kapagkuan ay tanong niya. Napataas naman ang kilay ko.

"At ano namang kinalaman ng relasyon ko kay Angelo sayo aber?" nakahalukipkip sa sambit ko.

"Then let me change a question. What is your purpose in getting close with people around me?"

I pursed my lips in annoyance. "As far as I know Mr. Kang, I have broken up with you. Can't I get close with Angelo too? He is your friend."

"Since you know that he is my friend, please don't use him to provoke me."

"What?! Wahhh, ang kapal...teka don't tell me nagseselos ka kay Angelo or something? Besides I am not provoking you through him. Kasi in the first place kung gusto kitang i provoke I can do it myself. It has nothing to do with Angelo at all." Kahh!! Sarap niyang durugin ng pinong pino.

Sakto namang dumating ang waitress kasama ang dalawang basong tubig. Ayan na. It's showtime. Nilapag ng waitress ang dalawang baso sa harap namin.

"I'm not here to argue with you. Tell me, what do you want for you to not associate with people around me," he said pero nasa baso ang attention ko.

"Alam kong gusto mo akong ipagtabuyan. Wag mong gawing rason si Angelo sakin. Saka baka di mo maibigay ang gusto ko," ngumuso ako saka tinignan ang baso.

"Ano bang kailangan mo? Ibibigay ko. Kahit ano."

"Kahit ano? Papayag ka ba?" pinaningkitan ko siya ng mata. As if maibigay niya. Ha!

"Ofcourse. Kahit ano," sabi naman niya.

"Totoo yun ah? Papayag ka kahit anong gusto ko?" Kung hilingin ko kaya ang katawan niya papayag kaya siya? Bwahahaha. Try ko nga mamaya. "Then I will do what I want to do." Pinihit ko pataas ang manggas ng suot ko saka ginalaw galaw ang kamay ko.

"What are you doing?" seryoso naman niyang sagot sakin.



"Huh?" I blinked a few times. "Oh, nothing," inosente kong sambit. "I mean, pinapangako ko na gagawin ko ang gusto mo pero bilhan mo muna ako ng makakain." Gutom na kaya ako ah di pa nag oorder to. Silbi ng pag meet namin dito sa restaurant? Psh. "At siyempre, uminom tayo," I wiggled my eyebrows na nakatingin sa baso ng tubig. Saka tinawag ang waitress. "Waitress! Mag oorder na kami!"

Dumating naman ang waitress sa pwesto namin dala ang menu. Kinuha ko ang menu at lihim na pinantago sa baso ng tubig. Dahil di naman na kita ang baso dahil nakasara ang menu sa harap ko, dali dali kong nilagay ang gamot sa loob niya.

"What do you want to eat Miss Athena?" nagulat naman ako sa bkses niya.

"H-huh?" nagpanggap akong tumitingin sa menu. "Ah, mukha namang masasarap lahat di ako makapili. M-mauna ka na."

Tumingin siya sa waitress at binigay ang order niya. Tagumpay ko namang nalagat ang gamot sa baso niya saka madaling pinatong ang baso ng tubig sa harap niya habang busy siya sa pag order. Phew! Muntik nako dun.

Nang makaalis ang waitress dala ang order namin. Hinawakan ko ang baso ko saka hinarap sakanya. "Cheers?" I said pero halos mabitawan ko na ang baao ko nang makitang buo pa ang gamot sa loob ng baso at di pa natunaw. Mabuti di naman niya nakita. Nag isip na naman ako ng gagawin. "A...ah...t-tignan mo may mga reporters dun!" Bigla naman siyang lumingon kaya madali ko namang hinawakan ang baso niya at shinake shake para matunaw ang gamot sa loob niya. Grrr. Ang hirap naman matunaw neto!

"Nasan? Wala naman!" tingin niya sakin kaya binaba ko na naman ang baso.

"Andun! Nakita ko kanina!" at tinuro ko na naman ang likuran niya. Tumingin naman ulit siya kaya shinake shake ko na naman ang baso at poof! Natunaw na ang gamot. Nakahinga naman ako ng maluwag at sumandal sa upuan.

"Walang reporter." Sabi niya at tumingin na sakin.

Inayos ko naman ang buhok ko saka ngumiti. "Ah... Wala ba? Akala ko meron eh," nag peace sign ako sakanya pero nanatiling walang reaksiyon ang mukha niya.

"Kung incase mang guguluhin ka ng mga reporter sabihin mo sakin. Tutal sakin nagsimula ang issue. So I have to deal it for you," kapagkuan ay sabi niya na kinatango ko.

Huminga ako ng malalim. "Makakaasa ka. Saka...di na din kita guguluhin pa," I said at tumingin sa baso ng tubig ko."Saka malapit na din ako umalis dito." Naalala ko na naman ang pinag usapan namin ni Papa kagabi. "Kaya...can we...have a drink?" I said.

"You said you would leave here. Is it...because of me?" sabi niya na di pinansin ang offer kong tubig. Grrrr walanjo talaga to!

"Ofcourse not. Kapal mo din talaga... Uminom na nga lang muna tayo," sabi ko na naman at tinaas ang baso ko. "Di ba nga nag agree ka nang gagawin mo ang gusto ko?"

Huminga siya ng malalim na para bang may nasabi akong di niya nagustuhan. "I'm going to the restroom first," he said at tumayo na.

-------------

Jecho's POV

I went to the restroom dahil di ko nagustuhan ang narinig ko. I wash my hands saka huminga ng malalim at tumingin sa salamin. "Why do I feel upset when she said she would leave?" Sino nga kaya siya sa buhay ko noon. I sighed at naghilamos ng mukha.

(A/N: Okay, yan lang muna ang POV ni Jecho. Just want you to know his mind. Ayan na mejo nakakaramdam na siya.)

---------------

Athena's POV

Ilang minuto na akong nag aantay pero di parin bumabalik si Jecho. "Nasan na ba siya? Bat di pa siya bumabalik hanggang ngayon?" tingin ako ng tingin sa daan papuntang CR pero wala parin siya. "Don't tell me nalaman niya na balak ko siyang painumin ng gamot kaya tumakas na?" hinawakan ko ang baso na may gamot. "No. Wala na akong magiging chance pa ma painumin siya nito pagkatapos nitong araw na to. Anong gagawin ko? Isip Athena. Isip." At dahil napaka masunurin ng isip ko may naisip kaagad siya. O diba parang google talaga ang brain ko. Bwahahaha. Kumuha ako ng isang gamit at binuksan ito at nag decide na puntahan siya sa CR.

Pagkarating ko ng CR, syempre may nakakasalubong akong mga lalake. Men's Restroom nga naman kasi ang pinuntahan ko. Nagtataka siguro sila anong ginagawa ko sa CR ng mga lalake pero wala na akong time magpaliwanag. Luminga linga ako para mahanap si Jecho.

"Are you crazy?" narinig ko pang sabi ng lalake na kalalabas lamang ng CR pero di ko na pinansin. Napansin ko naman si Jecho na nasa sink. Ngumiti ako at unti-unting lumapit sakanya.

(A/N: Magtagumpay kaya ang kalokohan ni Athena? Abangan)