Chereads / She's my Poser... / Chapter 27 - Chapter 27

Chapter 27 - Chapter 27

Athena's POV

I clicked the elevator button to go out from this hellish place. Nakatungo akong nag aantay na bumukas ito.

"Athena?" narinig kong may tumawag sakin. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko doon si Angelo.

"Oh, Angelo. Andito ka din pala," I said.

"Bakit ka nandito?" he asked me. Napahinga naman ako ng malalim nang maalala na naman ang nangyari.

"Ahh... W-wala naman. May inasikaso lang ako dito," pagdadahilan ko. "Sige, aalis na ako." Akma na akong lalakas papunta sa loob ng elevator nang pigilan ako ni Angelo.

"Teka, anong nangyari sa pisngi mo? Bakit namumula?" tanong niya. Napahawak naman ako sa pisngi ko. Dahil siguro sa sampal ng bruhildang Maui na yun.

"Ah... Naku, wala to. Mainit lang siguro," ngumiti ako ng alanganin sakanya. Akma kong tatanggakin ang kamay niyang nakahawak sa braso ko pero di niya yun binitawan.

"Who slapped you?" tanong niya. May bahid na ng galit ng boses niya. Ngumuso naman ako.

"Wala yun noh? Sinampal ko din naman siya pabalik. Ako pa ba. Di ako nagpapatalo noh? Duh," I said para ikubli ang pagkainis ko.

Seryoso parin siyang nakatingin sakin. "Sinaktan ka na naman ni Jecho noh?"

Tumingin naman ako sa mga paa ko. Bigla naman siyang lumakad paalis kaya pinigilan ko siya.

"T-teka Angelo," I grabbed his hand. "H-hindi siya ok? Si Maui! Siya ang nakaaway ko." Napatigil naman siya sa sinabi ko. "Napaaway ako sa kanya kanina at sinampal niya ako. Pero ok na yun." I smiled at him. "Wag ka ng tumuloy madaming reporters sa loob baka kung ano ding tanungin ukol sayo."

"Bat siya nakipag away sayo?" tanong niya sakin ng seryoso.

"Ha? Ano..." napakamot ako sa ulo ko.

"Dahil kay Jecho noh?" he sighed at biglang hinawakan ang kamay ko.

"T-teka Angelo, anong ginagawa mo? Ang daming tao baka ma issue tna naman tayo," akma kong tatanggalin ang kamay kO sa pagkakahawak niya.

"I wantes to make it clear to him. Kung may gusto na siyang iba ayoko nang guluhin ka pa niya kahit kailan."

"Eh... Di naman niya ako ginugulo Angelo. Ako na ang gagawa nun. Yung relasyong meron kami ni Jecho ay na diba nga na issue. Kaya I explained it to the media kanina. Pero in the near future I think, di ko na siya guguluhin pa."

"E bat ka aalis?" kapagkuan ay tanong niya sakin. "Di pa naman nagsisimula ata ang banquet bat ka na aalis?"

I sighed. "Di naman ako dapat andito Angelo eh. Saka sa mga nangyari ngayon pag bumalik pa ako dun baka kung ano na namang isipin ng iba ukol sakin."

"Wala kang ginagawang masama bat ka aalis?" napatingin ako sa mata niya sa bigla niyang pagsigaw. Ngayon ko lang nakitaan si Angelo mg ganitong emosyon.

"Di mo alam ang nangyari Angelo, why do you trust me this much?"

"I'm here now. No one dares to hurt you or make you get out," hinawakan niya ulit ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako sakanya nang giniya niya ako pabalik sa loob ng hall. "Go back with me."

Pumasok nga ulit kami sa loob. Mas dumami na ang tao ngayon kumpara kanina.

"T-teka Angelo, anong balak mong gawin ha?"

Nakita naman namin si Jecho na nakikipag usap sa mga bisita katabi si Maui. Tumungo ako para di na sana makita ang tinginan nilang dalawa.

"Chest out. Heads up. Isipin mo kamatis lang sila para di mo sila pakialaman," Angelo said and offers me his arms. Nang di ko yun tanggapin, siua na mismo ang kumuha sa kamay ko at iniangkla niya sa braso niya. "You'll see. I will definitely make him regret."

Naglakad kami papunta sa direksiyon nila. Tumikhim si Angelo kaya nakuha namin ang atensiyon nilang dalawa. Tumingin sila samin. "Oh, dude, hello. Andito ka din pala," Angelo said cooly.

"How about you? Why are you here?" Jecho asked back. "And why are you with her?" Tumingin siya sakin saka binalik ang tingin kay Angelo. Nanatili naman akong tahimik.

Bahagyang hinawakan ni Angelo ang kamay ko. "You mean Athena? I invited her here. So, Athena, may gusto ka bang sabihin kay Jecho?" Tumingin si Angelo sakin. Kinunutan ko siya as if asking him what is he talking about. Anong sasabihin ang sinasabi nito? Napatingin naman si Jecho sakin pero di ako makapagsalita. Ano nga bang sasabihin ko sakanya?

"What?" bulong ko kay Angelo.

"Yung tungkol sa sinabi mo kanina sakin," he winked at me saka tumango ng marahan.

"A-anong sinabi ko..." pilit kong inaapuhap sa utak ko kung ano nga bang sinabi ko kanina ang sinasabi ni Angelo.

"Ok. Ok. Alam kong di mo kayang sabihin. Ako na ang magsasabi para sayo," he said at tumingin kay Jecho. "Dude, Athena wanted to clear her relationship with you. Although you had been together before, she has also her own relationshio now," aniya pa na binalik ang tingin sakin. Tinignan ko naman siya ng nagtatanong na tingin. Nilapit niya ako sakanya at inakbayan. "Kaya, wag mo na siyang guluhin pa. Tignan mo ang daming reporters ngayon. Madali lang kumalat ang tsismis ngayon. Wala naman siyang ginagawang masama para mainvolve sa gulo mo diba? Ngayon wala siyang choice kundi tulungan ka or mabo bother lang siya if she still has to do something about you. Gusto niya na bahala ka na sa buhay mo from now on." Nanatili namang tahimik si Jecho na parang inaanalisa ang mga sinasabi ni Angelo sakanya. "You know I'm a straight talker right?" Nginitian niya pa sila saka tumingin sakin na parang sinasabi na kampihan ko siya.

"R-right. Yun nga ang gusto kong sabihin," taas noo kong sabi sakanya.

Tumango tango naman si Jecho. "Okay. So, you mean pagkatapos mong makipag break sakin pinatulan mo na din si Angelo?"

Tinanguan ko nga siya. Bwisit siya. Bahala na siya anong iisipin niya ukol sakin.

"You can't say that," bawi naman ni Angelo. "Diba you also have been with Miss Maui here?"

"Maui and I are just companions. Maybe you misunderstood us," usal naman ni Jecho. Napanguso naman ako.

"Sorry. But you know Athena here and I are pure boyfriend and girlfriend now. You don't have to ask anymore. Athena," sambit niya kaya napatingin ako sakanya. "May gusto ka pa bang sabihin sa...ex mo?"

Napatingin naman ako kay Jecho saka binalik kay Angelo. "No."

"Then let's go and have some delicious food."

"Okay." Hinawakan ni Angelo ang kamay ko at hinila na ako palayo sakanila.

---------------------

Few minutes ago

Jecho's POV

Inalalayan ko paupo si Maui sa sofa dito parin sa hall. Di ko alam anong nangyari pero siya ang kasama kong nagpunta dito kaya dapat ko lang siyang tulungan.

"Tatawag lang ako ng doktor. Antayin mo ako," sabi ko sakanya.

"W-wag na. Madaming tao dito ayokong kumalat na naman to."

Napahinga naman ako ng malalim. "I'm sorry for what happened," I said to her. Kahit naman di naging maganda ang paghihiwalay namin dati, ayoko parin namang nasasaktan siya."I think Athena didn't do it on purpose," sabi ko pa.

"She made a mistake, yet you're the one saying sorry," she said na nakatingin sakin. "Or, pinaniniwalaan mo ang sinabi niya? Na ako ang unang sumampal sakanya?"

Nagpamulsa ako at sinalubong ang tingin niya. "From what I've known about her, although she is kind of impulsive, di siya mananakit ng iba lalo na kung walang dahilan. And thay includes you."  Natahimik naman siya sa sinabi ko. Ewan ko bat ko pinagtatanggol si Athena pero alam ko sa sarili kong di siya mananakit ng ganun ganon lang. "I hope that you can forget what happened tonight."

"Okay. Di ko siya sisisihin. Pero di dahil sakanya. Pero dahil sayo," she said and smiled at me.

"I'll just get someone to send her back," I said at lalagpasan na sana siya.

"You still care for her." Napatigil ako sa sinabi ni Maui. "Don't you?" Di ako nakasagot sa sinabi niya. Do I? Do I care for her?

Tumingin ako sakanya. "It is not about caring. Im just...vaguely bothered about her."

"But you have forgotten her," she said na tumingin din sakin. "Why do you feel something about a stranger?"

"Maybe it's an intuition," I said at nilagpasan na siya.

"Jecho!!" narinig kong sigaw niya. "Ouch," napatingin ako sakanya. Hawak hawak niya ang tuhod kaya napatakbo naman ako papunta sakanya.

"What's wrong?" Inalalayan ko ulit siya paupo.

"M-maybe it was sprained just now," she said.  "Can you stay here with me?" seryoso pa niyang sabi sakin kaya napilitan naman akong tumango.

"Sige."

-----------------

Nandito na kami sa loob ng hall ni Maui at katatapos lang ng argumento namin ni Angelo. Hila hila niya ang kamay ni Athena. Di ko naman maiwasang tignan sila habang naglalakad. Why is it that I felt something foreign inside me? Di ko maexplain ano tong nararamdaman kong to.

Binalewala ko nalang yun at tinuloy ang paglinga sa paligid. Nagsimula na din ang sayawan kaya lahat na halos ng tao dito ay nagsasayaw maliban aa amin ni Maui. Nahagip naman ng tingin ko sina Angelo at Athena na nagsasayaw. Nakangiti si Athena habang hawak ang balikat ni Angelo. Di ko alam pero naiinis ako. Naiinis ako sa presensiya nilang dalawa. At masayang masaya pa talaga ang babaeng to? Di ba niya alam na kaka break lang namin tapos nakikipaglandian na agad sa iba? At talagang titig na titig pa silang dalawa sa isa't isa ha?! Yung nga ngiting yun ni Athena, nginitian din niya kaya ako dati ng ganun? Nakapagsayaw din kaya kaming dalawa dati?

"Jecho what do you think of this?" narinig kong sambit ni Maui sa akin pero di ko pinansin. Nanatili lang ang mata ko kina Athena at Angelo na nagsasayaw. "Go head with your work first," kapagkuan ay sabi niya dahil napansin niya siguro ang pagkatulala ko. Ewan ko nga ba bakit ko pa sila pinag aaksayahan ng panahon.

"Okay," sagot ko lang.

"Di ko akalain na she really provoked you with Angelo."

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Close na ba talaga sila dati?"

"Ofcourse not," sagot naman ni Maui. "Pero alam natin na si Angelo ay malapit sa mga babae. Madali lang pasunurin ng iba lalo pag inakit din ng isang babaeng tulad ni Athena."

Napabuga nalang ako ng hangin. Why do I need to be affected by their presence?

-----------------------

Athena's POV

Akay-akay ako ni Angelo palabas ng hall. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita ko na ang labas.

"What do you feel now?" Angelo asked. "Do you feel better?"

Ngumiti naman ako sakanya saka tumango. "Thank you Angelo."  Di ko alam ang mangyayari sakin kung wala siya dito kaya laking pasalamat ko din sakanya.

"That's nothing. But everytime Jecho hurt you I feel guilty for him. Perhaps, dahil kaibigan ko siya," he said.

"Kaya ba lagi mo akong tinutulungan? "

"Isipin mo na lang na I am making uo with you for him. Wag kang magalit sakanya."

Tumango naman ako sakanya. Napakabait talaga niyang kaibigan. "Wala naman talagang ginagawang masama si Jecho sakin. Nawalan maman kasi siya ng alaala. At ngayon ayaw na niya sakin kaya kailangan ko na ding i give up siya. Saka na feel ko na mahalaga din si Jecho sayo. Akala ko galit ka sakanya kanina eh."

Ngumiti siya sakin. "Magkaibigan na kami mula pa pagkabata. Kilala ko na ang kilatis niya kaya alam ko likaw ng bituka nun. Saka ako lang ang nakakatagal sa ugali niya eh. Kaya ganun," he chuckles. Nakita ko naman na nasa likod na ni Angelo si Jecho kaya tumikhim ako para patigilin siya sa pagsasalita. "Actually, kahit na ganun yun alam ko mahalaga din ako sakanya. Kahit na di niya sinasabi..." sinusundot ko na siya para patigilin pero di parin siya nakakapansin. "Maasim man ang ugali nun minsan pero..." napansin na niya ang pagnguso nguso ko sa likod niya. "Ha? Anong problema? Bat ka ngumunguso sakin? Masakit pa ba ang pisngi mo? " ngumuso ulit ako.

"No, look at your back," mahina kong bulong at tumingin naman siya. Halos mapatalon naman siya sa gulat. At nagtago pa talaga siya sa likod ko. Bwisit ginawa pakong taguan. Taklt din pala ang kumag.

"K-kelan ka pa dumating?" nauutal na tanong ni Angelo kay Jecho.

"Mula sa pagsabi mo na sobrang halaga mo sakin at di ko lang pinapahalata?" nakahalukipkip na sambit ni Jecho.

Bigla namang pumunta sa harap ko si Angelo at hinarang ang mga braso niya para di ako masaktan ni Jecho. "Ano pang kailangan mo samin ha?"

"I have something to tell her," kapagkuan ay sabi ni Jecho. At ano pa kayang sasabihin nito sakin?

Tinignan naman ako ni Angelo na inaantay ang sasabihin ko. "A-ano..." tinignan ko din si Angelo na parang humihingi ng tulong. Nginunguso pa niya si Jecho na parang sinasabi na tanggihan ko siya. "K-kasi..." Huminga ako ng malalim saka hinarap si Jecho. "Diba sinabi ko na sayo na wala na akong pakialam sayo? S-saka...ayoko nang makipag usap sayo. Psh," pataray kong sabi at inirapan siya. Kala mo kinagwapo mo yan? Ha! Kung di mo ako gusto ok lang. Maganda parin ako! Bwisit kang gago ka.

"Kung ayaw mo naman ngayon magkita tayo bukas ng alas 3. Magsesend ako ng address sayo," aniya saka tumalikod. Nagtataka naman akong tumingin sa likod niya.

"T-teka! Di pa ako pumapayag! Oy!!" sigaw po pero di na niya ako pinansin. Tumingin naman ako kay Angelo na nag shruggged lang.

"Kung takot ka, pwede kitang samahan," sabi naman ni Angelo.

"Wag na. Kailangan ko din namang malaman kung ano na namang walang kwentang bagay ang sasabihin niya."

"Walang kwenta?" he chuckles.

So ayun nga. Bukas makikipagkita ako sakanya.