Chereads / She's my Poser... / Chapter 26 - Chapter 26

Chapter 26 - Chapter 26

Athena's POV

Andito na ako ngayon sa banquet kung saan sasagutin ni Jecho ang lahat ng issue na binabato sakanya. Kahit naman masakit sakin kailangan kong siguraduhing okay siya. Sabi ko noon sa sarili ko na hindi ako tutulad sa iba na sobra kung magmahal. Na wala na silang tinitira sa sarili nila. Pero nagiging ganun na din ako. O want him to be okay. Kahit ayaw na niya sakin. Kahit di na niya ako gustong makita, still I want to see him doing good.

Naglakad lakad ako sa mahabang pathway. Luminga linga ako. Puro mayayamang tao ang umattend dito. Di naman ako maa out of place kaya ok lang.

"Thank you very much," napatingin ako sa nagsalita at nakita kong pababa ng hagdan si Jecho kasama ang isang businessman din. Naglakad sila papunta sa kinaroroonan ko. "That's all. You can go ahead," sambit pa ni Jecho sa kasana kaya umalis na din ito. Hinarap naman ako ni Jecho. How I miss looking at him like this. How I miss being with him. I tried to smile at him pero nanatiling nakatingin siya sakin marahil nagtataka kung bakit ako nandito. Lumakad siya papalapit sakin. "Why are you here?" kapagkuan ay tanong niya

"Narinig kong irerefute mk ang issue na kinasasangkutan natin, kaya...dumating ako para tulungan ka," sambit ko.

"Help me huh? How?"

Nagpakita ako ng tapang sa harapan niya kahit na gusto na ng tuhod kong matumba dahil sa lamig ng titig niya sakin. "Ako lang naman ang rumored girlfriend mo, kaya pag sasabihin kong hindi yun totoo,mamamatay na ang issue."

He pursed his lips in annoyance saka tumingin sakin. "Diba palagi mo akong ginugulo? Bakit ngayon gusto mo na akong tulungan? Anong dahilan mo?"

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang mga mata niya. "Alam kong nakalimutan mo na pero nung time na may mga tao ding sumisira sakin nandun ka para tulungan ako. Wag kang mag alala di ako pumunta dito bilang isang taong may gusto sayo, pumunta ako dahil gusto ko lang bumawi sa pagtulong mo noon. Besides kasama ako sa issue at tulad mo ayoko na ding magkaroon ng kahit na connection pa sayo." Di ko alam saan ako humugot ng lakas para sabihin ang mga salitang yun pero nasabi ko. I want to congratulate myself for not crying or for not letting him see I'm hurting.

Di siya nagsalita. Maya-maya lamang ay nakita ko si Maui na naglalakad papunta sa kinaroroonan namin. At as usual napakaganda parin niya. Di pa kami once nagkita at nagkausap since nun sa bar kung saan ko sinuntok si Jecho but I'm sure she's one bitch girl sa klase palang ng tingin niya sakin.

Nakangiti siyang lumapit kay Jecho. "I'm late. Have you been waiting fir me?" sabi niya at umangkas sa braso ni Jecho. Napakagat naman ako sa labi ko para pigilin ang pagtulo ng luha ko. No Athena, don't get distracted. Smile. Let them see you're not affected. "Let's go," aniya pa. Tumingin ng konti si Jecho sakin kapagkuan ay tumango sa sinabi ni Maui.

"W-wait," sabi ko nang malagpasan na nila ako. Tumigil naman sila pero di nila ako nilingon. "Sigurado ka bang di mo kailangan ng tulong ko?" Nag antay ako ng sagot. Nag antay akong sasabihin niyang tulungan ko siya. Na kailangan din niya ako. Pinihit niya ng konti ang ulo niya para lingunin ako pero matagal siyang tahimik at di nagsalita.

"You can go back now," kapagkuan ay sabi niya sakin. Masakit. Sobrang sakit na kahit pala gustuhin kong tulungan siya ay ayaw na niyang tanggapin. Wala na talaga siyang pakialam sakin. Naglakad na naman sila palayo.

"Ah, wait," narinig kong sambit ni Maui kaya tumigil ulit sila. Tumingin naman si Maui sakin. "Miss Athena came here for you. I guess it's not appropriate to let her go back like this," aniya pa. Akala mo mabait pero kung makatingin sakin parang nakakainsulto ang mga tingin niya. Kung wala lang si Jecho dito makakatikim talaga to sakin. "Miss Athena, if you don't mind, can you accompany us?" Plastik. Yan ang nakita ko sa katauhan niya. Malaki siyang plastik. Bwisit siya.

"There are so many reporters here. I don't want her get involved," sagot naman ni Jecho na sakanya nakatingin. So concern ka din pala sakin Jecho? Di halata ah.

"Issue nyong dalawa to Miss Athena. Those reporters came for that issue. Ayaw mo bang i clarify yun kasama ni Jecho?" nakangiti siya sakin pero iba ang sinasabi ng mata niya. Na parang may gagawin siyang di maganda. "After all ikaw naman ang dahilan ng lahat ng to eh, right Miss Athena?"

"I have told you that it has nothing to do with her Maui," sambit naman ni Jecho. Di na ako nakapagpigil.

"No, she's right. Involve ako dito. I will prove my relationship with you," sambit ko at nilampasan sila. Tuloy tuloy ako sa loob ng banquet hall. Pagkapasok ko ang dami ngang reporters sa loob. Tumingin ako sa harap at nakita ko ang malaking nakasabit na 'Villas Group of Companies Charitable Banquet'. May mga nagpe play pa ng violin sa gilid.

Bigla namang nagkagulo ang mga reporters ng pumasok sina Jecho at Maui.

"Mr. Kang! Mr Kang!" takbo nila papunta sakanya. Para namang di nila ako nakita at nilagpasan lang nila ako

"Mr. Kang, totoo ba ang issue na nagkaroon ka ng relasyon kay Miss Athena?"

"Ano ang relasyon nyo ni Miss Maui Sy? Nagkabalikan na din ba kayo matapos ang hiwalayan niyo ni Miss Athena?"

"I have never developed a personal relationship with Chua Industries' CEO," sagot ni Jecho. Napatungo naman ako. Totoo naman pero nasaaaktan parin ako. Kinaila niya ako eh. Kinaila niyang nagkaroon siya ng relasyon in any way sakin. Umiling ako to suppress my tears. No, this is for the best Athena. This is for the best.

"Jecho and I here are close friends now," bigla namang sagot ni Maui. "This time I'm accompaying him as a friend and for Miss Athena there," aniya at tumingin sakin. "she is just a nobody in Jecho's life," napatingin naman ako kay Jecho na biglang tumingin kay Maui sa sinabi niya. Pero di tumigil si Maui at nagsalita parin. "I think she will be more convincing than us."

At dahil sa sinabi ni Maui nag unahan na ang nga reporters sa pagpunta sakin. Bahagya naman akong nasilaw sa dami ng flash ng camera na pinukol nila sakin. I'm not used to this. Ni di nga ako nagpapa interview eh. Oo nga at ganito ang trabaho ng nasa media, pero di parin ako nagiging sanay.

Napahakbang ako paatras ng dambahin ako ng mga reporters. Nahagip naman ng paningin ko si Jecho na humakbang ng isa para sana lumapit sakin pero pinigilan siya sa kamay ni Maui kaya di siya tumuloy. Napakagat ako sa labi ko. This is what you want Jecho. Then fine.

"Excuse me Miss Athena, totoo ba ang sinabi ni Miss Maui? Wala ba talaga kayong naging relasyon ni Mr. Kang?"

"Please tell us Miss Athena?"

Sunud sunod pa ang mga taning nila kaya nagpabalik balik ang tingin ko sa mga reporters na nagbabato ng katanungan sakin.

Huminga ako ng malalim saka nagsalita. "Madaming tine na nagkasama kami ni Jecho. Naging tutor ko siya noon sa Math. Kaya dahil dun nagkakilala kami. Kaya siguro we were misunderstood."

"Then Miss Athena bakit ka laging nagpupunta sa VGC? Madami kaisng nakakakita sayo na nagpupunta ka doon. Ano ang lagi mong sinasadya doon?"

Napatahimik ako. Ano ang isaaagot ko?  Madami silang mga follow up question at di ko alam kung ano ang uunahin kong sagutin.

"Miss Athena please tell us more. Explai the issue,"

"It's me! We have a business---" narinig ko namang sigaw ni Jecho kaya napatingin ako sakanya.

"Walang dahilan yun!" sigaw ko din. Ayokong magsalita pa si Jecho baka mas lalo pang lumala. Nagkatinginan naman kaming dalawa. Para namang biglang naglaho ang mga tao sa paligid namin at kami lang dalawa ang nandito.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim. "Kami ni Jecho ay walang ganong relasyon. At ako ay...walang nararamdamang kahit ano para sakanya," naalala ko ang pag aalala niya sakin noon sa Dickins. Ang paghawak niya sa kamay ko, ang pagyakap niya sakin. Ang...paghalik niya sakin. Ngumiti ako ng mapait. "At sa balita na may relasyon kami, di yun totoo. Wala kaming naging relasyon and never will it be." Napatungo ako. Naalala ko yung pagsabi niya sakin na gusto niya ako. Bigla ko namang hinawakan ang kwintas na bigay niya sakin. Wala na itong silbi ngayon. Wala na yung taong nagsabing antayin ko siya. Wala na ang taong nagustuhan ko. Bahagya akong tumingin ako sa taas para pigilin ang pagtulo ng luha ko. "Yun lang ang sasabihin ko." Yun nalang ang sinabi ko saka naglakad na paalis.

Nanatili ako sa labas ng hall. Sumandal ako sa dingding para pakalmahin ang sarili ko. Tapos na Athena. Tapos na. Wala ka ng laban pa. You should accept the fact that he's no longer your Jecho. He is somebody else. And you are nothing to him now.

Nagulat naman ako nang biglang lumapit si Maui sakin. Aalis na sana ako para iwasan siya pero bigla siyang nagsalita.

"Thank you sa pagsabi ng totoo," aniya. Pigilan niyo ako mahahambalos ko na ang mukha nito.

Hinarap ko siya at nginitian. "That's nothing," I said. Plastik eh. E di let's play her game. "Sabihin mo kay Jecho uuwi na ako."

"Alam mo ba ang dahilan bakit kita pinapunta sa loob?" Tumingin ako sakanya. Nakahalukipkip siya na naglalakad palapit sakin. "Bago ka pa nagpunta dito, ako na ang pinili niyang tumulong sakanya. Alam niya na as long as nandito ako, the media would shift from your affair to our new love relationship. No matter whether our relationship is true or false, walang issue na mangyayari between us."

Umirap ako sa ere at tumingin sakanya. "So anong gusto mong sabihin ngayon?"

"Ang sinasabi ko Miss Athena na amg ganitong problema kaya kong ayusin in just a snap of a finger, pero bakit nga ba kita pinapunta?" tinaasan niya ako ng kilay. "Dapat alam mo na ang mundo ni Jecho ay di para sayo. You were business rivals at di magiging posibleng magkaroon kayo ng relasyon," aniya na tumaas baba pa ang tingin sakin. The heck with this girl.

Akala niya papatalo ako? "So sa tingin mo gusto ka ni Jecho? Sa itsura mo yan?" taas kilay kong sabi sakanya na nakapagpapula ng mukha niya sa galit. Ha! Kala mo ah!

Matalim siyang tumingin sakin. "I want you to remembee this day. I want you to remember that you have nothing to do with Jecho anymore. And I want you to remember that you don't deserve Jecho's love at all. And he will definitely not fall in love with you." Nilapit niya ang mukha niya sakin. "Miss Athena, the next time you seduce Jecho actively, you'd better think about what happened today."

"Who told you I'm seducing him! Ang kapal ng mukha mong sabihin yan sa---" She slaps me. Hard. She fucking slap me. Hinawakan ko ang pisngi ko. Shit.

"I slapped you because you took him from me. Get out. Wala nang Jecho ang lalapit sayo para protektahan ka." Utos niya sakin. Di na talaga ako nakapagpigil. Sinampal ko din siya. Sa tingin ba niya di ako lalaban sakanya? No one dares to slap a Chua! Not even her!

"For your information I don't need Jecho's or anyone's protection. I can hit you myself!"

Matalim din niya akong tinignan. "How dare you slap me!" sasampalin niya din ulit ako pero napigilan ko na ang braso niya bago pa dumantay ang palad niya sa mukha ko. Not again bitch. Hinawakan ko yun ng mahigpit. Bwisit siya. Ang kapal ng mukha niya.

"Let me go!" angil niya pero di ko binitawan ang kamay braso niya. Sakto namang lumabas si Jecho. Ngumiti si Maui sakin ng nakakaloko at nag inarteng natumba sa sahig. "A-ouch..." arte niya.

Umawang naman ang labi ko sa kabaliwan ng babaeng to. Nag iinarte pa talaga?! At dahil nandito si Jecho?!

Lumapit naman si Jecho samin at inalalayan si Maui. "What happened here?!" tanong ni Jecho na nakatingin kay Maui na akala mo sobrang sakit ng nangyari sakanya.  Bruha siya. "Ate you hurt?"

"Im ok," arte Pa ulit niya at tumingin ng nakakaawa kay Jecho. "Maybe, galit talaga sakin si Miss Athena kaya niya ako tinulak," aniya pa. Inalalayan naman siya ni Jecho patayo.

"You're talking nonsense!" sigaw ko sakanya at tumingin kay Jecho. "Don't tell me paniniwalaan mo yan? Siya ang unang sumampal sakin lumaban lang ako!"

"Stop," sabi ni Jecho. Nasaktan na naman ulit ako. So mas pinaniniwalaan niya ang babaeng yan?!

"Then check the CCTV to prove it!" sigaw ko na naman. Naiiyak na ako sa inaasta ni Jecho. Di ako sanay na natatalo pero sa pagkakataong ito feeling ko wala na akong laban pa kahit anong gawin ko.

"Sabi ko naman kasing umalis ka na kanina diba?" sabi ni Jecho na nakahawak parin sa kamay ni Maui. "Okay sige, salamat sa pagtulong kanina sakin. But...but..." he pursed his lips. "Di tayo pwede. We are rivals. We can't be together. Do you understand me?" Natahimik ako. So lahat pala ng bagay sakanya about sa business. Tumango tangi nalang ako at pinunas ang tumulong luha sa mga mata ko. "Let's go," sabi niya kay Maui at lumakad na sila paalis.

"Gusto mo lang akong iwasan Diba?" pahabol ko salanya. Unti unti naman siyang tumingin sakin. Umaasa aki sa sagot niya. Umaasa akong may kahit konti pa akong puwang sa puso niya.

Di niya ako sinagot bagkus ay inalalayan na si Maui paalis. He left me. Alone. Again. Ilang pagtalikod mo pa kaya sakin ang makakapagpawala ng pagmamahal ko sayo? Ilang masasakit na salita pa kaya ang dapat kong marinig mula sayo para tumigil na ako? How can I unlove you Jecho? How?