Athena's POV
Pagkauwi ko nakita kong bahagyang nakabukas ang condo ko. Di ko ba siya nasara kanina? Naglakad ako papunta sa loob at natagpuan na nakaupo doon si Angelo na nakahawak pa ng bote ng alak.
"Pano na nakapasok?" takang tanong ko sakanya.
"Andito kanina yung kaibigan mong tomboy. Pinapasok ako. Pero dahil matag kang wala umalis na siya," aniya naman na nakapagpatango sakin. Alam kasi ni Kei ang passcode ko. Bigla ko naman siyang namiss. Sobrang kailangan ko pa naman ng kaibigan ngayon.
"So, bakit ka nga nandito?" tanong ko at umupo sa harap niya.
"Pumunta ako kanina sa opisina mo at nalaman kong di ka pumasok today. So andito ako para tanungin bakit. Saan ka nanggaling ngayon?"
"What else will I do?" kinuha ko ang isang bote na nakapatong sa mesa at lumagok dito. Naramdaman ko naman ang pagguhit ng init sa lalamunan ko. "Sinubukan kong ipaalala kay Jecho ang lahat. Pero wala parin. Ayaw na niya akong maalala. Ayaw na niya akong makasama," I chuckled painfully. "It's ironic right? Parang kahapon lang nung ok kami. Nung sinabi niyang gusto niya ako. Pero ngayon parang virus na akong kinadidirihan niya. Di ko nga alam kung dapat pa ba akong lumaban o hindi na eh. Kung dapat ko pa ba siyang habulin o dapat na akong sumuko."
Lumagok din siya ng alak saka tumingin sakin. "Hinayaan lang kita sa mga nagdaang araw at talagang pinuntahan mo siya?" Umiling iling siya sakin.
Tumayo ako at lumapit sa may bintana. Binuksan ko ito at ninamnam ang lamig ng simoy ng hangin. "Kinalimutan na niya ako," tumulo na naman ang luha ko sa pag iisip sakanya.
Lumapit naman si Angelo sakin at nilapit ang bote ng alak sakin. "Don't over think. Maybe in the right time maaalala ka din niya."
I clicked my bottle with his at saka tumango. Wala naman akong magagawa kundi umasa eh. Umasa sa tadhana. Umasa sa pangako niya.
-----------------
Jecho's POV
Kasalukuyan akong nasa elevator papunta sa opisina ko kasama si Mr. Han.
"Mr. Han, tell the guards not to let Hera Athena come here anymore." Tumingin siya sakin.
"Why is that Sir?"
Bumukas na ang elevator at lumabas na kami. "Just do what I said and don't ask further questions. And don't mention her to me from now on."
"B-but---"
"I said just do what I say," I said with finality. Napatango nalang siya sakin.
"Who are you talking about?" nakita ko namang nakatayo na pala sa labas ng opisina ko.
Hinarap ko naman siya. "Nandito ka pala."
Lumapit naman siya sakin. "Hinintay talaga kita. Ano ba talagang problema mo? Ano bang ginawa niya sayo at galit na galit ka sakanya?"
"Kailangan ko bang ireport sayo ang lahat ng detalye ng buhay ko?" Naiinis na ako sa mga taong to. Lagi na lang binabanggit ang pangalan ng babaeng yun.
Huminga naman siya ng malalim. "Kaibigan ko din siya Jecho. Kung nakikita mo lang gano siya nasasaktan ngayon maaawa ka din sakanya. Ganyan ka na ba kawalang puso? Di ka naman ganyan dati ah."
"And I am not you Angelo. Wait...do you like her?
Tumango naman siya. "Yes. I like her. At ayokong nakikita siyang nasasaktan. Ayokong nakikita siyang palaging iniiyakan ang isang taong walang puso."
Tumango tango naman ako. "Then do what you want. Sayong sayo na siya," sabi ko at iniwan na siya. Wala na akong pakialam pa anong gawin nilang dalawa.
Dumiretso na ako sa opisina ko at umupo sa swivel chair. Binuksan ko ang drawer ko para hanapin ang report na di ko napirmahan kahapon nang biglang mahagip ko ang larawan ni Athena. Ito yung pinakita ni Angelo sa bahay kamakailan. Bahagya ko namang tinignan ang mukha niya. Ibabasura ko na sana pero narinig ko ang pagkatok ng pintuan ng opisina ko kaya sinauli ko ulit yun sa drawer at tinignan sino ang dumating. It's Maui.
"Jecho, I brought you tea," she said at nilapag ang maliit na paper bag sa table ko. "Di na kita nakikita these days, baka nakalimutan mo na ako?" she chuckles.
"What brought you here?"
"I know you might be busy these days. Narinig ko din ang palaging panggugulo sayo ng CEO ng Chua Industries."
Tinignan ko naman siya ng diretso. "You even knew that?"
She nodded. "Lahat naman ng tungkol sayo alam ko Jecho. Naaalala mo ba noon palagi mo akong pinagsasabihan ng problema mo. Kaya alam ko ang mga nangyayari sayo kahit di mo sabihin. Gusto ko lang sabibin na pwede mo akong pagsabihan ng lahat. Di moko kailangang iwasan. I am willing to help you with anything."
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Help me?"
"If you need, I can help you get rid of that Athena too." Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Narinig ko namang nagri ring ang phone ko.
"Yun lang ang gusto kong sabihin sayo. I'll go," aniya saka lumabas na. Sinagot ko naman ang tawag ni Mr. Han pagkaalis ni Maui.
"What's wrong?" tanong ko sakanya.
"Sir, may nagpakalat ng mga litrato na naging kayo ni Miss Athena at ang balitang paghihiwalay niyo. Pinagpipiyestahan na ng media Sir. Sinend ko ang mga pictures sa Ipad mo Sir."
Tinignan ko naman ang Ipad ko at may mga pictures nga kaming dalawa. Picture namin na nasa isang teashop at isang inaalalayan siyang pumasok sa kotse ko.
'CEO of Villas Group of Companies and CEO of Chua Industries dating rumor, is it a bluff or truth'
Yan ang headline. Nasabi din doon na naging kami at naghiwalay dahil sa pagkakawala ng alaala ko.
"Who posted this article?" tanong ko. Malaking gulo ko lalo kakabangon palang mg kumpanya namin. Mahirap mainvolve sa isang scandal. And it's Chua Industries were talking about.
"Sir ang mga pictures na yan ay nung nagkita kayo ni Miss Athena sa isang teashop. Pero di naman naging public na may naging relasyon kayo Sir. Di ko alam bakit may balitang hiwalayan at nadawit pa ang pagkaka amnesia mo."
Napapikit ako saka nagdilat ulit. "Where's Athena today?"
"Baka nasa company nila siya ngayon Sir." Binaba ko ang tawag at nagpasyang puntahan si Athena sa Chua Induatries.
---------------------
Athena's POV
"Goodmorning Ma'am, here's your coffee," sabi ni Ashlie sakin na tinanguan ko lang. Pinit ko talagang pumasok ngayon kahit na mabigat ang pakiramdam ko. Mabuti nalang at tinulungan ako ni Keiry sa mga modules ko kaya nakaabot ako sa finals namin.
"Goodmorning!" nagulat naman akk ng marinig ang sigaw ni Angelo. Andito na naman pala siya.
"O, andito ka na naman?" bagot kong sambit sakanya.
"Grabe. Ganyan mo na ba ako ka hate at ayaw moko makita?" he chuckles na sinimangutan ko lang. "Oh, bat parang napaka moody mo ngaylng araw ah?" sabi pa niya at umupo sa harap ko.
"Madami lang akong iniisip saka ang dami ko nang napapabayaang trabaho."
"Kung gusto mo ng tulong I can help with anything. I told you, you can use me whate---"
"Oo na, oo na. Dami mong sinasabi." Psh. Feeling close talaga to kahit kailan.
Nagulat naman kaming dalawa ng biglang pumasok si Jecho sa opisina ko. Bakit siya nandito?
"Bakit ka andito dude?" biglang tanong ni Angelo sakanya.
"Can you leave us alone for a while?" narinig kong sambit ni Jecho.
Tinignan naman ako ni Angelo at parang nagsusukatan sila ng tingin kaya pumagitna na ako. "Ah... Angelo, ok lang. Sige na. Di ako takot sa lalakeng to noh? Psh," sabi ko para pakalmahin ang malakas na kabog ng puso ko.
Tumalima naman si Angelo at iniwan na kami. Humalukipkip naman akong tumingin sakanya. "So anong ginagawa ng dakilang CEO ng VGC dito sa CI?" taaa kilay kong sabi.
"Ano ba talaga ang kailangan mo? You want to threaten me with this huh?"
Kumunot naman ang noo ko. Ano bang pinagsasasabi niya? "Threaten? What do you mean?"
Lumapit siya sa kinatatayuan ko. "Diba ikaw ang nagpakalat ng nagkng relasyon kuno natin at hiwalayan? Alam kong wala kayong magiging problema kahit anong scandal ang kaharapin niyo kaya tinitira mo ang kumpanya ko."
Napalaki amg mata ko. "T-teka ano bang pinagsasasabi mo diyan? Wala akong pinapakalat na anuman! Kahit naman palagi kitang ginugulo di ako gagawa ng kahit anong ikasisira mo! Ano bang klaseng tao ang tingin mo sakin?"
"Sa tingin mo ba papaniwalaan pa kita?" Naiinis na talaga ako sakanya. Di mo na siya masikmura eh.
"Di ko nga ginawa yun bat ba ayaw mong maniwala sakin?"
"Listen," lumapit pa siya ng isang dangkal sakin kaya lumayo ako ng konti. "From now on, don't tell anyone anything about me. Understand?" sabi niya na nakipagsukatan ng tingin sakin saka tumalikod na.
Ha! Sobrang sobra na talaga siya. Talagang ako pa sinisisi niya?! Binuksan ko naman ang laptop ko para basahin kung anong sinasabi niyang pinapakalat ko at nagulat ako sa nabasa ko.. Bigla kong dinial si Mama para itanong ang tungkol dito.
"Mama ano to? Anong klaseng balita ang kumakalat?"
"Di ko nga din alam anak. I don't k kw where did they get these kind of information. But don't worry, I will try to do something about this, ok?"
"Please do so Ma,salamat," sabi ko at binaba na ang tawag. Napaupo naman ako sa swivel chair ko at dinukdok ang ulo sa table ko. Di na ba matatapos tong lahat?
---------------------
Jecho's POV
Pagkadating ko sa kumpanya kinausap ko na agad si Mr. Han. Kailangan kong ayusin to sa madaling panahon. "May public activities ba ako sa mga susunod na araw?" tanong ko sakanya.
"Wala po Sir," sagot niya. "Mag a-arrange ba ako Sir?"
"Do it as soon aa possible. Bago pa mas palalain ng media ang issue, kailangan ko ng i clarify ang lahat. "
"Okay then Sir."
------------------------
Athena's POV
Nakita ko si Kei na nakaupo sa sofa dito sa condo ko pagkauwi ko.
"Kei," dali-dali akong lumapit sakanya at niyakap siya ng mahigpit.
She taps my head saka tinuro ang pinapanood niyang news. "Panoorin mo yang news ngayon."
"Pagod ako. Ayoko ng manood," sabi ko at tinago ang ulo ko sa balikat niya.
"Nahh, tignan mo dali. Tungkol kay Jecho mo," pinilit niya akong tumingin sa tv kaya napilitan akong manood.
"Ang CEO ng Villas Group of Companies ay nagkaroon diumano ng secret affair sa CEO ng Chua Industries na si Miss Hera Athena Chua na kalaban nila sa business world. Napag-alaman din na dahil sa pagkaka aksidente ni Mr. Kang ay naghiwalay na diumano ang dalawa..."
"Sikat ka na," pang aasar pa ni Kei sakin. "Grabe naman mga reporters ngayon. They can turn fake reports into real one."
"Napag alaman di na aattend ng charitable banquet si Mr. Kang bukas para linawin ang balita."
I sighed saka kinuha ang remote at pinatay na ang tv. "Sumasakit ang ulo ko sa sunud sunod na problema." Nahiga na ako sa sofa ng nakadapa.
"Maligo ka muna bago matulog. Amoy Jecho ka pa," sabi ni Kei kaya sinipa ko siya ng bahagya sa paa. "So anong plano mo?"
I groaned. "Ano pa ba e di pupunta bukas sa banquet para tulungan siyang linawin ang issue." Oo pupunta ako bukas at sasabihing walang katotohanan ang issue. Na hindi naging kami.