Athena's POV
Nagising ako dahil sa may nag doorbell dito sa condo ko. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Nasira tuloy ang tulog ko. Humanda ang kung sino man yan.
Pabalang kong binuksan ang pinto. "Ano bang kailangan---Jecho?" I blinked my eyes a few times para masigurong siya nga ito.
Nagulat man ako ng walang pakundangan siyang pumasok sa loob saka naupo sa sofa. Hinilig ko naman ang ulo ko habang pinagmamasdan siya.
"Bat ka nandito ka?" umupo naman ako sa harapan niya.
"Ako ang boyfriend mo bawal ba akong pumunta dito?" seryoso niyang sambit sakin. Boyfriend? E kahapon lang may pasabi sabi pa sakin ng 'From now on you're not my girlfriend anymore'. Di ko rin talaga maintindihan ang takbo ng isip niya. "So sabihin mo nga sakin pano kita pinakisamahan noon."
I furrows my eyebrows. "Hmmm...noon? Ahh, palagi mokong binibisita dito. Sinusundo moko sa kompanya saka moko sinusundo araw-araw. Tapos sa umaga dinadalhan moko ng bulaklak tapos sa gabi tini treat moko sa isang dinner date. Tinuturing mokong prinsesa. Sobrang mahal na mahal natin ang isa't isa at di tayo nag aaway," sabi ko. Alam ko na lahat yun ay kabaliktaran ng lahat ng nangyari sa amin. Walang ganong mga nangyari sa totoo lang pero sige sakyan ko nalang siya.
Tinitignan naman niya ako habang sinasabi ko yun. "Then do you know the reason why I like you so much?"
Ngumuso naman ako saka ngumiti. "Syempre alam ko. Kasi...maganda ako. Noon nga palagi mo akong tinitignan kahit pa isang buong araw," Okay masyadong OA yun pero mejo totoo naman na tinitignan niya ako pasulyap sulyap nga lang. "Sabi mo pa na isa akong mahinhing dalaga kaya gusto mo akong hawakan sa iyong kamay araw-araw. Sabi mo na aside sakin, wala ka ng ibang gustong babae sa buong buhay mo," at wala talaga siyang sinabing ganun sakin. Yun lang ang inaantay kong sabihin niya noon pero di niya sinabi. Hayss. "Talaga bang nakalimutan mo na yun lahat?" I asked him.
"Well, that's all in the past. Ngayon ayaw na kitang makasama," sabi niya. Ouch. Durog hanggang buto mga bes.
"B-bakit?" tanong ko.
"No reason. As long as you promise to break up with me, I can promise you anything."
Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Pinakitaan ko parin siya ng ngiti. "So...kahit na gusto mo ako noon, pag mabigyan ka ng pagkakataon, ayaw mo na talagang makasama ako?"
Tumango siya ng walang pagkundangan. "Pwede mong isiping ganun nga."
"So, eto pala yung totoong nararamdaman mo para sakin. So yung mga sinabi mo noon na gusto mo ako na antayin kita, wala lang yun sayo? Di yun totoo ganun ba?"
Tinignan niya ako ng seryoso. "What do you mean? Antayin mo ako? For what reason?"
"H-huh? Ah...wala..." lihim kong pinunas ang luha ko. Gusto ko kusa niyang maalala ang tungkol dun. At gagawin ko ang lahat para makaalala siya. Tumingin na naman ako sakanya. "Anyways, I don't agree to break up."
"And why is that? Di ka pa ba nag gi give up sakin?"
Umiling ako. "Gusto ko paring makasama ka. Wala namang masama dun kung gustuhin ko diba?"
Huminga siya ng malalim. "Miss Athena, ano ba talagang gusto mo ha? Alam ko namang mayaman ka kaya di mo na kailangan ng pera. Kung status naman alam kong successful ka na. Ano pa ba ang kailangan mo para mag give up ka na sakin? Ibibigay ko lahat wag mo lang ulit akong guluhin. Alam ko may gusto ka lang patunayan kaya palagi mo akong ginugulo."
Ngumiti ako ng mapait. Ganun pala talaga ang tingin niya sakin? Na ang paglapit ko sakanya may dahilan? Na may gusto akong kunin sakanya? "Alam mo ba, naisip ko na pareho ka lang din pala ng ibang lalake. You are selfish, wala kang pakialam sa nararamdaman ng iba. Pagkatapos mong mawalan mg memorya para na ding nawala yang puso mo. You became conceited, arrogant and very cold. Wala ka ng pakialam sa iisipin ng iba. Pero alam mo the more you behave like this, the more I want to be with you. Because you're obnoxious. The more obnoxious you are, the more I wanted to change you," usal ko na nakatingin ng diretso sakanya.
Tumayo siya na parang naiirita. "Look, Miss Athena, you really think highly of yourself, aren't you? Do you think I will change for someone like you?"
Tumayo din ako. Sa tingin mo papatalo ako? "Just c'mon Jecho. Pwede nating i try ulit."
"Di ako nagpunta dito para makipagtalo sayo. Just think about my suggestion. After 3 days, gusto kong marinig ang positive response galing sayo," sabi niya at tumalikod na para tunguhin ang pinto.
Naiwan akong mag isa sa loob. Napaupo nalang ako sa sofa at dun binuhos ang luha ko. Alam ko namang wala siyang maalala. Na di niya ako naaalala. Na kailangan ko siyang intindihin kasi di siya yun. Di siya ang Jecho na nakilala ko. Pero bakit ang sakit sakit parin? Bakit sobrang sumisikip ang dibdib ko? Pinangako ko sa sarili kong di ako susuko. Pero ang hirap naman. Di ko alam kung kakayanin ko pa.
--------------------
Morning came at nabuhayan na naman ako ng loob. Tama, wala nga pala sa bokabularyo ko ang sumuko. Sinuot ko ang damit na sinuot ko nung dinalhan ko siya ng pagkain sa opisina niya at nagpunta ako sa kompanya niya. Ipapaalala ko sakanya ang lahat.
Inagahan ko para saktong oras ng pagpasok niya. At tama nga ako kasi papunta na dito ang sasakyan niya. Tumigil ito sa harapan ko.
"Jecho! Jecho! Dinalhan kita ng breakfast oh," sabi ko at pinakita sakanya ang lunch box kong dala. Kapareho din yun ng lunch box na ginamit ko noong dinalhan ko siya ng lunch dito.
Tumingin naman siya sakin saka sa mga guard. "Handle it," aniya at naglakad na papasok.
"T-teka Jecho!" akma akong hahabulin siya pero pinigilan ako ng mga guardiya. "Jecho! Tignan mo naman ako!" sigaw ko na kinatigil naman niya. "Tignan mo ang damit ko, ang lunch box na dala ko, wala ka ba talagang naaalala?!"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Ano na naman bang pakulo ang ginagawa mo?" sabi niya.
"T-teka. Eto," pinakita ko sakanya ang seafood na pinakain ko sakanya nun na sanhi ng allergy niya. "Pinakain kita noon ng seafood, naaalala mo ba?"
"Ano ba talagang kailangan kong gawin para layuan mo na ako ha?! Sabi ko naman na ayaw na kitang makita diba?"
"Y-you... Wala ka na ba talagang...nararamdaman para sakin? " napakagat ako sa labi ko sa mga sinabi niya. Nasasaktan ako. Parang pinupunit ang puso ko sa mga sinasabi niya.
"Take her away," aniya at nagtuluy tuloy na.
"Teka Jecho! Jecho!" di na niya ako pinansin. "Teka lang muna Jecho!"
"Umalis ka na po Miss Athena. Ginugulo mo na po ng husto ang boss namin. Please go back po," the guard said at talagang sinara nila ang braso nila para di ako makapasok sa loob.
Kailangan kong makaisip ng iba pang paraan para mapalapit kay Jecho. Nagpasya akong pumuntang condo niya. Inantay ko munang mag hapon para siguradong nasa condo na siya ng ganong oras. Tagumpay naman akong nakapasok sa loob. Dumiretso ako sa kwarto niya. Pinihit ko unti-unti ang pintuan at dahan-dahang pumasok sa loob. Luminga linga ako. Wala siya sa loob ng kwarto. Nilabas ko sa bag ko ang eye mask, malaking panyo at packing tape. Kung di kita makuha sa santong usapan idadaan kita sa santong paspasan Jecho. Bwahahahaha. Nilagay ko sa braso ko ang eye mask at pumunit ng malaking piece ng packing tape. Narinig ko namang parang may kalabog sa labas ng pinto kaya naghanap ako ng pagtataguan. Nakita ko ang kurtina. Dun ako pumunta at tinago ang sarili ko sa likod ng kurtina. Narinig ko na ang pagbukas ng pintuan. Andiyan na siya. It's showtime. Woohh kinakabahan ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Feeling ko isa akong magnanakaw. Oo, isa akong magnanakaw. At nanakawin ko ang puso ni Jecho.
Bahagya ko siyang sinilip at nakita kong tinatanggal niya ang necktie niya. Nabitawan ko naman bigla ang packing tape kaya nag cause siya ng ingay. Oh, no...
Lumunok ako ng madaming beses. Ayan na. Lumalakad na siya papunta dito sa direksiyon ko. Nang makita kong nakatalikod siya sa direksiyon ko dali-dali ko siyang tinali sa kamay gamit ang mahabang panyo.
"H-hey," gulat niyang sambit. "What are you doing!!"
"Wag kang gumalaw!!" balik sigaw ko sakanya. "Akong bahala sayo, ok? Ibabalik ko ang alaala mo." Natapos kong tinali ang kamay niya.
"Help me?! What are you helping me at?" Pinaupo ko siya a kama. "What do you want to do?" Grr masyado siyang maingay. Nilagyan ko ng packing tape ang bunganga niya at pinahiga siya.
"Mmm...mmmm," pilit siyang nagsasalita. Kinuha ko ang eye mask saka ko siya piniringan.
"Come on. Ilagay mo ito," sabi ko at tagumpay ko ngang nailagay ang eye mask sa mata niya.
Nilabas ko naman ang libro ko. Sabi nung nakausap kong matanda dapat ko daw siyang usalan ng dasal para bumalik siya sa dati. Epektibo daw ito para gamutin ang sakit sa utak ng mga tao.
Pumikit nga ako at simulang basahin ang dasal na nasa libro ko. Nilagay ko pa ang kamay ko sa ulo niya.
"Mmm..!!!" patuloy siya sa pagwawala pero di ko siya pinansin. Tinuloy ko lang ang ginagawa ko. Alam kong naririnig niya ang mga dasal ko kaya tahimik siya. Bigla kong pinalo ang noo niya at bigla naman siyang di gumalaw na.
"H-huh? T-teka, Jecho! Okay ka lang ba?! Jecho! Gising! Gising!" niyugyog ko ang katawan niya. "Jecho, Jecho! Omg, ano kayang nangyari? Anong ginawa ko?!" tinanggal ko ang busal niya sa bibig at eye mask niya. "Jecho, g-gusto ko lang tulungan ka." Bahagya ko siyang tinalikod para matanggal ang tali niya sa kamay. "Jecho! Jecho! P-patay ka na ba?!" niyugyog ko siya ulit. "Jecho!" Nilapit ko ang mukha ko sakanya para maramdaman ang hininga niya. "Wake up!" sabi ko pero nagulat ako nang bigla niya akong hapitin at ipahiga sa kama. Hawak hawak niya ang dalawa kong pulso. Siya na ngayon ang nasa itaas ko. Lumakas naman bigla ang tibok ng puso ko. Tinitigan niya ang mga mata ko. "Y-you are fine," kinakabahan kong sambit.
"What are you doing a while ago?"
"I...I..." diko tinatanggal ang titig ko sakanya. "Alam ko na nawala ang memorya mo. Gusto kitang tulungang makaalala. Saka...kahit na di naging tay--I mean--"
"What do you mean? Tell me the truth, are you really my girlfriend?" aniya. Wahhh, nahuli na ako! Walangyang bibig naman kasi ito! "Answer me! Nainlove ba talaga ako sayo o hindi?!"
Pumikit ako saka dumilat ulit. "Oo, di naging tayo. Di totoo na hinahatid moko araw araw. Di totoo na sinasabi mong maganda ako. Di totoong sinabi mo na gusto mong hawakan ang kamay ko. Di totoong dinadalhan moko ng bulaklak sa umaga at pinapakain sa gabi. Pero sabi mo sakin na gusto mo ako. Sabi mo na antayin kita kasi kailangan mo pang ayusin ang relasyon niyo ng dad mo. At handa akong antayin ka. Handa akong mag antay kasi gusto kita!" tuluyan ng tumulo ang luha ko. "Kahit naman malakas ako sa paningin mo pero nasasaktan na ako. Sobrang sakit na Jecho." Tuloy lang ang pagragasa ng mga luha ko. "Pero sa nakikita ko. Sa pinapakita mo sakin parang wala kang naramdaman kahit konti para sakin."
"So nagsinungaling ka sakin. I should have known earlier that you are such a liar." Binitawan niya ang kamay ko at tumayo.
Tumayo din ako at hinarap siya. "So ganun na lang yun? Dahil nalaman mong hindi mo ako girlfriend di mo na ako---"
"For the sake of everything we had before, I will let this slide. Get out." So desidido na siyang layuan ko siya?
"Kung sa tingin mo ganun ganon ako susuko Jecho, nagkakamali ka," hinarap ko siya. "Alam ko na diyan sa puso mo andiyan parin ako kaya---" bigla akong tumingin sa mga mata niya at nagtagpo ang mga mata namin. Tinitigan din niya ako. Alam ko may pag-asa pa. May pag-asa pa diba Jecho?
"I don't know what has ever happened to us. But now, mas gusto ko pang wala nalang akong alaala tungkol sayo. Get out," he said at parang nag slow motion ang pagtalikod niya sakin. Napako ako sa kinatatayuan ko. Sobrang sakit ng dibdib ko. Tumango ako saka tinignan pa siya muli bago nagdesisyong umalis. Di ko alam pano ko pa hinakbang ang mga paa ko palabas ng bahay niya pero nakita ko nalang ang sarili ko na nasa labas na. Pinunas ko ang mga luha kong pumapatak sa mga mata ko. No Athena, simula palang ito. Matatag ka diba? Malakas ka eh. Di lang ito ang magiging dahilan ng pagsuko mo. May pag-asa pa. May pag-asa pa nga ba?