Athena's POV
Lakad balik ako sa kwarto ko habang inaantah ang tawag sakin na gising na si Jecho. Dalawang araw na kasi pero wala parin akong balita tungkol sakanya. Di ko naman siya madalaw kasi di ako pinapapasok ng mga guards niya. Family member lang daw ang pwedeng pumasok. Sobrang nag aalala na ako sakanya.
Bigla namang nagring ang phone ko kaya sinagot ko agad. "Yes?"
"Athena,gising na siya," sabi ni Angelo na nakapagpangiti sakin.
"Pupuntahan ko siya. Pupunta ako diyan."
"T-teka Athen---" binaba ko na ang tawag at dali daling nagbihis saka nagpuntaa ospital.
Mabuti naman at pinayagan na ako ng mga guards na pumasok kaya nakapasok ako. Nakita ko sa loob ng room ang umiiyal na mommy ni Jecho saka saka si Angelo. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang wala ang daddy niya. May takot kasi akong nararamdaman sa presensiya niya eh.
Pinihit ko ang pinto para buksan. Tumingin naman sila sakin. Nakita ko si Jecho na nakaupo ma at nakasandal sa headrest ng kama. Kinunutan niya ako ng noo.
"Jecho, how are you?" tanong ko at akmang hahawakan ang kamay niya pero pinatid niya yun. Nagulat naman ako sa ginawa niya.
"Who are you?" pagalit na tanong niya. Napanganga naman ako sa tanong niya. Taka akong tumingin kay Angelo at sa umiiyak na mommy niya.
"Nagka amnesia siya Athena. Pero ang nakalimutan niya lang ay yung mga taong huli niyang nakasama at kasama na dun si tita Ailee at...ikaw," malungkot na sambit ni Angelo. Napatulo naman ang luha ko. So, nakalimutan niya ako? Not only me, even his mom? Tinignan ko ulit siya. Wala akong makitamg emosyon sa mga mata niya. It was very cold. Parang nawala na bigla ang Jecho na nakilala ko. Parang napalitan ng isang taong di ko kilala. Bumigat naman ang paghinga ko. Ang sakit. Sobrang sakit sa dibdib. "D-di mo na ba talaga ako kilala?" tanong ko sakanya.
"Do I need to know you?" sambit niya. Tumingin ako sa taas para pigilin ang paghikbi ko. Bakit naman ganito Lord? Okay na eh. Okay na kami. Pero bakit naman ganito?
Hinawakan naman ni Angelo ang balikat ko. "Let's give him space kasama ang mommy niya. Maybe ipakilala mo nalang ng sarili mo next time?"
Mabigat ang loob kong tumango. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko. Inalalayan ako ni Angelk palabaa ng kwarto. Humihikbi ako habang lumalakad.
"Makikilala ka din niya. Don't worry too much," Angelo said pero di parin gumaan ang loob ko. How? How can he remember me?
----------------------
Three days had passed. Para akong robot na nagtatrabaho. I just did what I have to do pero ang puso ko wala sa mga ginagawa ko. Napabalita na din na nakalabas na si Jecho sa ospital at bumalim na sa trabaho. Tumulo na naman ang luha ko. What should I do?
Huminga akk ng malalim saka tumango. Tama, kung di niya ako kilala magpapakilala akk sakanya.
I decided to go to his company. Sakto namang nakita ko ang kotse niya na nasa harap ng opisina kaya kinatok ko ang bintana.
Binuksan naman ni Mr. Han ito. "Yes Miss Athena?"
"Mr. Han, pwede ko bang kausapin si Jecho?" sabi ko
"Ok." sabi ni Mr. Han.
"No." sabi naman ni Jecho. Ngumuso naman ako sa narinig ko.
Tinignan naman ni Mr. Han si Jecho. "Sir, ano...wala akong oras na idetalye lahat ng nangyari pero si Miss Athena ay...girlfriend mo," nagulat naman ako sa sinabi ni Mr. Han. Kumindat naman si Mr. Han sakin kaya napangiti ako.
Napansin ko ang pagtingin ni Jecho sakin. "Napakahalaga ni Miss Athena sayo Sir, kaya dapat na kausapin mo siya."
Seryoso namang tumingin sa harap si Jecho at di na ako tinignan. "Do as you like," aniya kaya pumasok na ako sa sasakyan. Nagsimula na din namang magpatakbo si Mr. Han.
Sinusulyapan ko siya habang nasa daan kami. Di man lang niya ako tinatapunan ng tingin. Sinubukan kong lumapit sakanya. "Ang luwang naman ng space dito. Komportable ka ba dito?" sabi ko at lumapit pa ng husto sakanya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "Parang mas komportable naman sa tabi mo," sabi ko pa at niyakap ang braso niya.
"What are you doing?" malamig naman niyang tugon.
"Dont misunderstand. Di ko kaya gustong hawakan ka noh? Gusto ko lang---"
Tinulak niya ako palayo sakanya kaya muntik na akong mauntog sa bintana. Matalim ko siyang tinignan. Grrrr.
"This...Look Miss. I know that we are in a relationship. But please mind your behavior. I don't like easy women," usal niya.
"You can criticize me. Pero bakit mo naman ako tinatawag na Miss huh? May pangalan ako,duh? Kung di lang kita gusto nakatikim ka na sakin," bulong ko.
"Ano sabi mo?" angil niya na tinignan ako ng masama.
"Wala ang sabi ko namiss na kita," lumapit na naman ako sakanya at hinawakan ang jacket niya. "Kaya---ah, ahhh!!" bigla niyang tinanggal ang jacket niya at binato sakin. "Uck, Jecho naman, di namam damit mo ang gusto ko, pero yung katawan mo," malandi kong sabi at akmang hahawakan na naman siya.
"Stop the car!" bigla niyang sabi. Tinigil nga ni Mr. Han ang sasakyan.
"Sir, nagbibiro lang si Miss Athena. Wag ka ng magalit," sambit ni Mr. Han. Mabuti pa siya naiintindihan ang feelings ko pero etong lalakeng katabi ko? Psh. "I eexplain ko sayo pagdating natin sa condo mo Sir."
Tinignan ko naman si Jecho pero nakahalukipkip lamang siya na nakatingin sa harapan. "Bumama ka na," sabi niya na ang tinutukoy ay ako.
Tumingin naman ako sa labas. Di ko alam kung nasan kami. Talaga bang pabababain niya ako? "P-pero..." I pulled his shirt gently baka magbago pa ang isip niya pero mas nagalit ata siya.
"From now on you are not my girlfriend anymore," sabi niya na nakapagpalukot ng mukha ko. Wala na ba talagang pag-asa Jecho?
Pero di ako titigil. Maaalala mo din ako. Bumaba nga ako ng sasakyan. Bahala na.
----------------
Jecho's POV
"Sir, malayo tong lugar na to sa bahay nila. Di magandang iwan siya dito," narimig kong usal ni Mr. Han sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Kelan mo pa natutunang sabihan ako ng dapat kong gawin?"
"I... S-sorry," kapagkuan ay sabi niya. Sino ba kasi ang babaeng yun at ginugulo niya ang araw ko? Kahit na anong alala ko diko siya maalala. Maybe I didn't love her at all.
Nag drive na nga si Mr. Han pauwi. I need to rest.
Pagkadating naman namin sa babay pinakita sakin ni Mr. Han kasama ni Angelo ang mga larawan ng babaeng kung tawagin niya ay Athena.
"Tignan mong mabuti dude, talaga bang di mo siya naaalala?" tanong ni Angelo sakin.
Tinignan ko nga ang larawan niya. Umiling naman ako. "Di ko nga siya naaalala."
Napahilamos naman ng mukha si Angelo at napatungo si Mr. Han. Tinignan ko naman silang dalawa. Ano bang nangyayari sakanila? "Diba isa lang siyang ex-girlfriend ko? Importante ba talaga siya sakin?"
"Alam mo kasi dude, siya yung babaeng gusto mo. Sinabi mo yun mismo sakin. How come nakalimutan mo siya? "
Ininom ko naman ang alak na nasa baso ko.
"Ano kaya kung...imbitahin natin si Athena dito. Baka mas maalala mo siya pag makasama mo siya," tumango tango naman silang dalawa. Di ako payag sa gusto nila.
"No way. Wala akong pakialam gaano man siya kaimportante sakin noon, saka ayoko siya na patuloy akong guluhin," sambit ko sakanila. Masyado siyang makulit. Kung makahawak siya sakin para siyang...umiling ako nang maalala na naman ang ginawa niya sakin sa sasakyan. "Wala akong nararamdaman sakanya maliban sa pagka bwusit. So ngayon gusto niyo paring tulungam niya ako para makaalala?"
"Sir, alam kong mahirap sayong mag adjust sa emosyong meron ka bago nawala ang memorya mo. Pero siya lang ang makakatulong sayo kasi isa siya sa nakalimutan mo. Mabuti ang mommy mo palagi mong nakakasama kaya madali lang mag adjust sakanya. Wag mong i give up ang pag alala sa nawala mong memorya Sir dahil lang sa nabubuwisit ka kay Miss Athena."
Nahilamos ko ang mukha ko. "Alam niyo ba ang ginawa niya? She kept on touching me! Wala siyang sense of dignity. She is such a woman lacking of self-cultivation. Do you think I will let her help me?"
Natahimik naman silang dalawa sa sinabi ko.
"Di ako makapaniwala na nung isang araw lang gustung gusto mo siya ngayon naman ay galit na galit ka sakanya. Di kaya..."
"Anong gusto mong sabihin?" taas kilay kong tanong kay Angelo.
"Ah...ganito. Assumption lang pero siguro andun na ang feeling mo pero di mo lang marealize pa. Isipin mo bago ka maaksidente gustung gusto mo siya, tapos nung naaksidente ka at nawala ang memorya mo, galit na galit ka na sakanya. Sa perspective ng psychology," tumingin pa siya sa taas na animo napaka expert niya sa Psychology. "Tinatawag yung the subconsciousness of self-protection." Tumango tango pa siya. What is this psycho saying? "Alam mo yung feeling na takot kang mahalin siya kasi may mga dagok ka pang pinagdadaanan kaya you forgot her on purpose."
Tinignan ko naman siya ng seryoso. "Angelo,"
"Yes?" nakangiti naman niyang sambit sakin.
"Are you kidding me?"
"A-ang sinasabi ko assumption lang. Nag iisip lang ako ng tamang explanation sa kalagayan mo. Saka ang kailangan nating gawin. Dapat step by step nating---"
"Stop it," napatingin naman silang dalawa sakin. "Makakaalis na kayong dalawa dito."
Nagkatinginan naman silang dalawa saka tumayl na para umalis.
--------------------
Athena's POV
"Psh. Talagang iniwan ako dito," luminga limga ako sa paligid. "Wahhh, saang lugar ba to? Ang sama talaga ng lalakeng yun. Kung di lang talaga kita gustong hambog ka naku!"
Tinawagan ko nalang ang driver ko saka akk nag antay sa isang sulok. Ilang minuto naman ang lumipas bago siya dumating. Nagpadiretso na ako sa kumpanya. Hayss, what a day.
--------------------
"Ma'am nandito po si Sir Angelo," narinig kong sambit ni Ashlie sakin. Napatingin naman ako sa naglalakad na si Angelo na akala mo sinong businesan na nakasuit pa talagang nagpunta dito.
"O, Angelo,bat ka andito?" takang tanong ko.
"Nabalitaan ko na inabandona ka ni Jecho sa pag uwi kanina," he said. Pinaalala pa talaga niya.
"Nagkita ba kayo ni Jecho kanina?" tanong ko at tumango naman siya. "Ang hambog na yun talagang iniwan ako sa gitna ng daan." Naputol ang lapis na hinahawakan ko sa higpit ng paglakahawak ko.
"Alam mo malaki ang problema ni Jecho. Pano ko mga ba ie-explain sayo..." hinimas himas niya ang baba niya para mag isip ng sasabihin. "Alam ko na mahalaga siya sayo at may pinagsamahan kayo kaya kailangan mo siyang tulungan na alalahanin ka. Isipin mo nalang pano pag tuluyan ka niyang makalimutan? Pano na ang Jethena fansclub? Pano na yung mga masasaya niyong alaala. Pano na yung---"
"Teka,teka nga, sino bang nagsabi sayong sumusuko na ako? Di mo ba ako kilala? Wala sa bokabularyo ko ang sumuko kaya umalis ka na. Shoo," pagtataboy ko sakanya.
"Kung ano, kailangan mo ng tulong andito lang ako. You can use me whatever, whenevee and however," he winked at me. Binato ko nga siya ng notebook.
"Alis. Buwisit ako ngayon wag ka ng dumagdag." Tatawa tawa naman siyang lumabas.