Chereads / She's my Poser... / Chapter 22 - Chapter 22

Chapter 22 - Chapter 22

Athena's POV

"Jecho, gusto kita." Umiling ako at tumikhim ulit. Ngumiti ako ng nakakaakit, "Gusto mo ba ako? Kasi ako gusto kita." Inirapan ko ang sarili ko sa salamin. Masyadong malaswa. Kasalukuyan kasi akong andito sa banyo ng condo ni Jecho. He is making a dessert for me. At ako? Nagpa practice ng seduction tactics ko. "Ugh, pano ba ang mang akit?" Kinuha ko ang phone ko at nag search ng flirting words. Tumikhim ulit ako at tinignan ang salamin habang sinusulyapan ang binabasa ko. "Pag ba nahulog ako, sasaluhin moko?" Ngumiwi ako sa ka cornihan. Nag swipe ulit ako. "Wala na bang iba? Aish, pano ba gagawin ko?"

Tumikhim ako at ngumiti ulit sa salamin. Pinatong ko pa ang kamay ko sa ulo ng gripo. "Jecho, wala ka ng kawala saki---" napatalon naman ako gulat ng may kumatok sa pinto.

"Matagal ka pa ba diyan? Ready na ang dessert mo," narinig kong sabi ni Jecho. Huminga ako ng malalim saka prinactice ang nakakaakit kong ngiti.

"Smile Athena. Smile. Ipakita mo ang nakakaakit mong ngiti," ngumiti nga ako saka binuksan ang pinto. Kumunot naman ang noo niya ng makita ang malagkit kong ngiti sakanya.

"Tara na," sabi lang niya at umalis na. Okay? Di yun effective. Don't tell me di siya naaakit sakin? Bakla kaya siya?

Sinundan ko naman siya papuntang kusina. Nakita ko ang masasarap na desserts na ginawa niya. "Wow! Ang galing naman! Anong name ng mga to?" tanong ko at tinikman ang isang mukhang lasagna pero matamis.

"That's Samoa Lasagna Dessert. Yung isa naman it's Oreo Truffles," sabi niya na tinuro ang dessert na may oreo, cream cheese at may chocolate chips.

Tumango tango naman ako saka tinikman din yun isa. Ang sarap! Tamang tama ang tamis at di nakakaumay. "San mo natutunang gumawa nito?"

"Back when I was in LA. I took up some units in baking. Basic lang yan kaya yan lang ang nagawa ko," he said. Ito? Basic? Ni gumawa nga ng ice candy di ko alam tapos ito basic lang sakanya? Sige na nga plus points na naman to sakin.

He looks at me while eating. Maya-maya naramdaman ko ang paglapat ng daliri niya sa side ng bibig ko upang linisin ang nagmarkang chocolate icing dito. Kumabog na naman ang dibdib ko. Umawang ng bahagya ang labi ko nang makita ang mga mapupula niyang labi.

"Hey, you're drooling," he said sudddenly. Bigla ko namang pinunas ang mga labi ko only to find out na di naman pala yun totoo. Narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa.

Inirapan ko nga siya saka tinuloy ang pagkain. Grrr, wala talagang modo ang lalakeng to. Bat ko nga ba siya nagustuhan? "Hambog ka parin talaga."

He smiles at me saka ginulo ang buhok ko. Bigla ko namang nabitawan ang kutsara sa mga ngiti niya. Kelan nga ba nung huli kong makita ang mga ngiti niya? It's been a while.

"I missed it," bigla ko namang sabi na nakapagpataas ng kilay niya.

"What?"

"Your smile. I missed it," sabi ko saka siya nginitian.

Bigla naman siyang sumeryoso saka naglakad papunta sa sofa. "Come here," sabi niya at pinagpagan ang tabi niya na sinasabing umupo ako dun.

Para naman akong nahipnotismo kaya napasunod ako sa gusto niya. Umupo ako sa tabi niya. Bigla naman niya akong kinabig upang yakapin. "J-jecho..." usal ko.

"Athena...you don't have to do this," sabi niya habang yakap yakap parin ko.

"W-what?" bahagya akong tumingin sakanya.

"Narinig ko ang mga sinasabi mo sa banyo. You are trying to seduce me?" he said grinning na nakapagpapula ng mukha ko. Tumungo ako para itago ang hiya ko. Narinig niya pala ako. Nakakahiya!

He laughs saka hinawakan ang mga kamay ko. "Listen. As I've said, you dont have to do this. Or anything," nakatingin lang siya sakin ng nakangiti. "I also like you, you know. I do, so much. But..." he pauses at huminga ng malalim.

"But?" I asked na nakatingin sakanya. Inaantay ang susunod niyang sasabihin.

"We can't be together yet. Madami pa akong kailangang gawin. Gusto ko pang patunayan ang sarili ko sa Dad ko. I want everything to be in place bago ko isipin yung tayo," he slids some strands of my hair to my ears. "Can you wait for me?"

Bigla namang tumulo ang mga luha ko. He said he likes me. He told me to wait for him. That'ts so much to hear. Tumango ako saka yumakap sakanya. "Ofcourse I will. Kaya kitang antayin Jecho."

Yumakap naman siya sakin at hinalikan ang noo ko. "Take care of yourself always ok? I promise you that you will not wait long."

Tumingin ulit ako sakanya saka dinampian siya ng mabilis na halik sa labi. "You too. Promise me that you will come to me okay?"

He chuckles then nods. "Wait, I have something to give you." Tumayo siya at naglakad papuntang kwarto niya. Maya maya lang ay bumalik siya at naupo ulit sa tabi ko. "Tumalikod ka," he said kaya tumalikod naman ako. Naramdaman ko ang pagsuot niya sakin ng isang kwintas. Tinignan ko ito at hinawakan. It's a heart shaped diamond necklace.

"Ang ganda. Para sakin ba talaga to?" sabi ko at bahagya siyang tinignan. Tumango naman siya at niyakap ako patalikod.

"Whatever happens always remember that my heart is always yours, okay?"

Wahhhh kinikilig lahat ng cells ko! Di ko alam na ganito pala ka sweet ang isang Jechoniah Brylle. This is definitely the greatest day of my life.

--------------------------

"Kei!!! Ang saya saya ko talaga!!!" kinikilig kong sambit kay Keiry habang kinukwento ang nangyaring aminan sa amin ni Jecho kahapon.

"Halata nga eh. Kanina ka pa kaya hampas ng hampas sakin. Tsk, dun ka nga," sinipa naman niya ako palayo sakanya at nagbasa na naman ng libro. Ang bitter talaga ng isang to. Psh.

"Humanap ka na kasi ng lalakeng mamahalin Kei para di ka na maging bitter. Nagmumukha ka ng ampalaya oh, duh?" I rolled eyes on her.

"Busy ako. No time for such nonsense," she said.

"Don't tell me tomboy ka talaga Kei?!" gulat kong sambit at niyakap pa ang sarili ko. Wahhhh pano pag totoong ako pala talaga ang gusto ni Kei? No way!

Pinalo naman niya ang ulo ko ng libro. "Ouch naman Kei!" angil ko sakanya.

"Kahit tomboy man ako di kita pag aaksayahan ng oras noh? Mas maganda pako sayo." Grrr. Tinignan ko nga siya ng matalim.

Bigla namang nag ring ng phone ko. Tumayo ako para kunin yun. Number ni Angelo ang tumatawag. "Yes Angelo?"

"Athena..." kinabahan naman bigla ako sa tono ng boses niya. Para siyang kinakabahan na di ko mawari.

"Bakit? May nangyari ba?" pinilit kong pakalmahin ang boses ko.

"Si Jecho...nadisgrasya. Andito kami ngayon sa hospital. Hanggang ngayon di pa siya nagigising..." Di ko na narinig ang ibang sinasabi niya kasi nabitawan ko ang phone ko. Nag unahan naman ang pagtulo ng mga luha ko.

"Athena? What happened?" naramdamam ko ang paglapit ni Kei pero parang namanhid ang buo kong katawan. Nanginginig ang mga paa ko pero pinilit ko iyong ihakbang. Tuluy tuloy ako sa paglakad. Nakasunod naman si Kei sakin. "Oy ano ba? Athena! What happened?!" pinilit niya akong iharap sakanya.

"Kei...si Jecho. N-nadisgrasya," humagulgol na ako sa harapan niya. Niyakap naman niya ako. Di ko alam ang gagawin ko. "Kei, ayaw ko siyang mawala sakin. Ayaw ko siyang mawala." Tuluy tuloy lang ako sa pag iyak.

"Shhh. He will be fine. C'mon puntahan natin siya sa hospital." Tumango ako at pumunta nga kaming ospital.

Pagkarating namin dali dali kaming nagpunta sa emergency room. Sakto namang nakita namin doon si Angelo kasama ang Mommy at Daddy niya. Pilit kong hinakbang ang mga paa ko papunta sa kinaroroonan nila.

"H-how is he?" garalgal ang boses na tanong ko. Lumapit naman sakin si Angelo at inalalayan ako. "Angelo how is he?" ulit kong tanong.

"He's ok now. Naging ok ang operation niya. Mabuti at di naman naging malala ang mga sugat niya. Though he will undergo CT scan pa kasi ulo niya ang pinakapinuruhan."

"A-ano ba kasing nangyari? Why did he fall into an accident?"

"May biglang bumangga sa sasakyan niya. Nahuli na din ng driver nun kaya wag ka ng mag alala," he said. Nakita kong tumingin sa akin ang dad ni Jecho. Di ko alam kung galit ba ang nakita ko sa mga mata niya o ano pero di naman siya nagsalita. Iyak naman ng iyak ang mommy niya. Nilapitan ko siya at hinaplos ang likod.

"My son," usal niya na umiiyak. Naiyak na naman ulit ako kaya niyakap ko siya. Maya-maya lang ay lumabas na ang doctor na tumaning sakanya. Napatayo naman kami.

"How is my son?" tanong ng daddy ni Jecho sa doctor.

"He's okay now. Itatransfer na namin siya sa room niya. Antayin niyo na lang na gumising siya," he said at umalis na.

Nakita naman namin ang mga nurse na tinutulak ang stretcher papunta sa room na kalalagyan niya. Nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang ok na siya.

Pumasok kami sa room niya at nakita ko ang mga galos niya sa braso at mukha. Naiiyak na naman ako. How could something like this happen to him?

"Umuwi ka na muna iha. Tatawagan ka nalang namin once na magising siya," his mom said. Napatango na lang ako. Alam ko na mas kailangan niyang kasama ang magulang niya kaya tumalikod na ako. Ang importante ngayon ay okay na siya. Yes, that's the most important.