Chereads / She's my Poser... / Chapter 21 - Chapter 21

Chapter 21 - Chapter 21

Athena's POV

"Come in. Pasensya na kayo mejo magulo ang bahay," sabi ng perfumer. Oo nakita na namin ang bahay niya at dahil sa may bagyo nga, dito na namin balak magpalipas ng gabi. "May isa lang kaming guestroom," sabi pa niya at tumingin sakin. "Miss kung gusto mo doon ka nalang sa tabi ng anak kong babae matulog."

Umiling ako at tumingin kay Jecho saka nag iba ng tingin. "I'm sleeping with them," I said na kinalaki ng mata ni Angelo at pinanliitan naman ako ng mata ni Jecho. Bakit? Ayoko ngang matulog kasama ang taong di ko kilala noh? Mas mabuting sila nalang kasama ko matulog kesa sa ibang tao.

Nauna akong pumasok sa kwarto. May tatlong nakalatag na magkakatabing mattress. Pumunta ako sa gitna at dun nahiga. Nakita ko naman si Jecho na pumasok na sa kwarto. Naalala ko na naman ang paghalik na ginawa niya sakin kanina. Uminit naman bigla ang pisngi ko saka nahihiyang ngumiti sakanya. "M-matutulog ka na?" I asked ngunit di niya ako sinagot. Lumapit siya sakin at sinipa ako papunta doon sa ikatlong mattress at humiga siya sa gitna. "Ouch ano bang ginagawa mo?!"

"Diyan ka," sabi pa niya at nilagay ang kamay sa ilalim ng ulo niya saka pumikit. Ano bang problema ng isang to? Psh.

Sunod namang pumasok si Angelo at nakita na magkatabi kami ni Jecho. Tumaas ang kilay niya saka pumunta doon sa unang mattress kung saan katabi niya si Jecho. Bale pinapagitnaan namin si Jecho.

Matiwasay naman kaming nakapagpahinga ng magdamag. I am thankful na di ko ginapang si Jecho kagabi kahit na halos matunaw na siya sa pagtitig ko sakanya. Nung time na narealize ko kasing gusto ko siya naisip ko nang I want to try my luck. Alam ko namang mahirap niya akong magustuhan pero alam ko ding may pag asa ako. Di naman niya ako hahalikan kung wala diba? Ok naman na ang pamilya ko. Ok na ang kumpanya. Yung galit ko sakanya nun nawala na din at napalitan nalang ng paghanga. I realized din kasi na he is a responsible man. Di lang siya gwapo pero may paninindigan din siya. Sa age niyang yan successful na siya at ginagawa niya ang lahat may mapatunayan lang. Kahanga hanga siya kaya siguro mas nadagdagan ang pagkagusto ko sakanya.

I will just try to make him mine. Di man ako tulad ng ibang babae na landakan ang pagsasabi ng nararamdaman sa lalake pero I will do it the Hera Athena's way. Sa paglapit lapit ko sakanya kahit bwisit siya sakin, alam ko darating ang panahon na mapapansin din niya yung nararamdaman ko. Kung hindi man ako magtagumpay e di move on. Pero gaya nga ng lagi kong sinasabi sa sarili ko, I will not give up without a fight. Saka we are in a modern society naman wherein equal rights are observed. Wala namang mawawala sakin pag sinubukan ko diba?

Pagkatapos kong makuha ang opinion ng perfumer ay nagpasiya na kaming umalis. Sa sasakyan ni Angelo ako sumakay kahit na pinagpilitan ni Jecho na sakanya ako sumakay. Bakit nga ba di ako sakanya sumakay? Una, si Angelo ang kasama kong pumunta dito kaya dapat lang na siya din ang maghatid sakin pauwi. Pangalawa, gusto ko lang din siyang pagselosin ng konti noh? Though di ko naman siya nakitaan ng selos kanina. Iritasiyon siguro,oo. Pero ok lang, nagsisimula palang naman ako.

Alas 10 ng umaga nang makarating kami sa city proper. Nagpadiretso na din ako sa kumpanya dahil may conference meeting ako ngayon.

"Sunduin kita mamayang alas 3, okay?" ani Angelo. Napag usapan din kasi naming magkikita ngayon dahil gusto daw niyang mag relax. Madami daw kasi problema sa agency nila. Ngayon ko lang din kasi nalaman na sila pala ang may ari ng JNP Ent. na isang sikat na entertainment agency sa buong Asia.

"Okay. Tawagan mo nalang ako pag nandito ka na para makababa ako. Una na ako, bye," sabi ko at tumalikod na. Naging kaibigan ko na din naman si Angelo. At dahil malaki ang utang na loob ko sakanya dahil sa pagtulong niya sakin sa paghanap ng perfumer, gusto ko ding bumawi sakanya.

"Goodmorning Miss Athena," narinig kong sabi ng mga empleyado sakin habang naglalakad ako papuntang elevator. Tumango lang ako at tumungo sa opisina ko.

"Ma'am, the conference is about to start," Ashlie said pagkarating ko sa opisina.

"Okay. Thank you," naglakad na ako papunta sa conference room.

-----------------------

"Congratulations Miss Athena. Ang ganda ng presentation mo. We are looking forward to the finished product of your project," sabi ng isang member of the board. Napangiti naman ako kasi puros magaganda ang feedback na narinig ko galing sakanila.

"Thanks," sabi ko at nakipagkamay sakanilang lahat. I looked at my father na nakangiting nakatingin. sakin.

"I'm so proud of you my princess," sabi niya at pinatong ang kamay sa ulo ko.

"Salamat Papa. Napakalaking project nito kaya I will definitely finish this," I said.

"I know you can do it. You are my daughter after all," nakangiting sambit niya na nakapagpaangat naman ng confidence ko. Wala talagang papantay sa kasiyahan kapag pinagkakatiwalaan ka ng pamilya mo.

I went straight to my office pagkatapos ng conference. Umupo ako sa swivel chair ko at binuksan ang laptop ko. Matagal na din akong di nakakapag facebook. I decided to open my fb account. Ayoko na ding i open yung account ni Prince Zachary kasi buking na yun. Kaya ang personal fb accnt ko nalang din ang binuksan ko.

Dumami na ang followers ko mula nung naging part ako ng CI (Chua Industries). Mostly ay mga clients at mga empleyado ko ang nag follow sakin. Di ko alam bat mas bet ko ang fb kesa Instagram o iba pang social media sites. Siguro dahil ito ang unag social media na nalaman ko.

I checked my messages at nakita ko na may mga message requests ako. Mostly naman ay nagpapa accept daw ng fr nila. Di na kasi ako nakakapag accept ng FR's eh.

I clicked the search button then typed Jechoniah Brylle Kang's facebook. Nakita ko naman agad ito. I clicked his profile. Wala paring pinagbago since the last time I stalked his profile. Di man lang ba talaga to mahilig mag post? Sabihin ko nga sakanyang ibigay sakin ang email at password niya para ako na mag update. Sayang eh madami pa namang followers.

Nanatili ako sa harap ng laptop ko ng ilang oras nang mag ring ang phone ko. "Hello?" sagot ko pero nasa laptop parin ang tingin.

"Andito na ako sa labas. Baba ka na," boses ni Angelo yun. Tinignan ko ang oras at quarter to 3 na pala. Napaaga ata ang pagdating niya.

"Okay antayin mo ako diyan."

Bumaba na nga ako at sakto namang nakita ko siyang nakasandal sa kotse niya. Bahagya naman siyang kumaway sakin ng makita ako.

"Maaga ka ata," sabi ko at sumakay na sa loob ng kotse niya. "Sakto naman din kasi gutom na ako. Di na ako nakapag lunch eh."

Inistart na niya ang kotse at nagsimulang mag drive. "Saan mo ba gustong kumain?" tanong niya kapagkuan.

"Gusto ko sanang kumain ng dessert. Mejo I'm craving something sweet these days," I said. Di naman kasi sweet si Jecho eh. Sobrang cold niya. Hmp!

"Sakto may alam akong tea shop na masarap ang desserts," sabi niya at dun nga ang pinuntahan namin.

I saw the name of the tea shop pagkababa namin. It's called the Destiny's Tea. Maganda ang design ng lugar at masyadong maaliwalas ang paligid. Nakakarekax din ang simoy ng hangin.

Pumasok kami sa loob at nung nasa bukana na kami ng pintuan papasok, may nakangiting waitress ang sumalubong samin.

"Good afteenoon. You must be a couple," masigla niyang sambit.

"Huh? Oh, no, no, no," agad ko namang tanggi. Pero mas lumuwang ang ngiti ng waitress.

"Actually, we have a special gift for couples today. Our manager is making a secret dessert. I assure you it's super delicious," sabi pa niya na nakapagpangiti sakin. I'm really craving for sweet delicious dessert kaya go ako dito.

"Really? Let's try it!" hinila ko si Angelo sa loob at umupo na sa isang bakanteng upuan. Sumunod naman ang waitress sa amin.

"Kailangan niyo lang isulat ang pangalan niyo sa aming wall of destiny at may matatanggap kayong free gift galing samin."

"Yun lang pala eh! Sige na akin na ang papel at magsusulat na ako," excited kong tugon. Di naman ako ganun kahilig sa mga corny na bagay pero dahil sa gusto kong matikman ang dessert nila ay kailangan kong makisama.

Binigay naman ng waitress ang isang sticky note at ballpen. Nag draw ako ng heart saka sinulat ang pangalan ko. Binigay ko naman kay Angelo yun pagkatapos. "Oh magsulat ka na."

"Talagang gagawin mo lahat para sa pagkain ah," he chuckles saka niya sinulat ang pangalan niya.

Kinuha naman ng waittress yun at dinikit sa wall of destiny. Madami na ding nakadikit dun. Ofcourse may mga messages pa na kung isang bitter ang makakabasa ay masusuka lang. Pero syempre dahil di naman ako bitter, kinikilig ako.

"Pakiantay na lang po. Darating na yung dessert niyo," sabi ng waitress at umalis na.

"Di ata maganda na dessert lang ang kakainin mo. May alam akong nagbebenta ng take out food dito. Antayin moko bibili lang ako," sabi ni Angelo.

"Sige," sagot ko saka ako luminga linga. Ilang minuto pa ang lumipas pero di pa dumating si Angelo. Nagpasiya akong lumabas muna para tawagan siya. "Oy, nasan ka na?"

"Andito pa ako. Ang haba ng pila eh. Pero malapit naman na ako. Antayin moko."

"Dalian mo ah. Ok naman na sakin kahit dessert lang eh. Bumalik ka nalang ka---" halos mapatalon naman ako ng makita ko sa likod ko si Jecho. Binaba ko ang phone at alanganing tumingin sakanya. "J-Jecho..."

"Iniwan ka na naman ba ni Angelo?" seryoso siyang nakatingin sakin.

"H-ha? Hindi. Pumunta lang siya sa..." luminga linga ko baka sakaling makita ko si Angelo. "Sa... Ano... Sa... Teka san ka pupunta?!" bigla bang pumasok sa loob si Jecho. Mabilis ko siyang sinundan at nagulat ako nang biglang may magpaputok ng confetti sa amin.

"Congratulations. You are the 9999th couple guest of our shop. We have a gift for you---Eh? Miss, diba pumasok ka kanina na iba ang kasama mong lalake? Sino ba talaga sakanila ang boyfriend mo?" takang tanong ng waitress samin.

Awakward naman akong ngumiti sakanya. "Ahh... Ehhh. Hindi, that was just a misunderstanding. Eto talaga yung real boyfriend ko," ngumiti ako ng malapad at niyakap ang braso ni Jecho. Naramdaman ko namang napatigil siya ng konti pero di naman siya nagsalita.

"Talaga Miss? O sige pasok na kayo sa loob. Ready na ang dessert niyo," nakangiti paring sambit niya.

Hinila ko naman si Jecho papunta sa upuan ko kanina. Tumabi siya sakin pero di ko magawang magsalita. Sumusulyap ako sakanya pero seryoso lang siyang nakatingin sa likod. Doon sa wall of destiny.

"Explain," kapagkuan ay sambit niya.

"H-huh? Explain what?" takang tanong ko.

Ngumuso siya para ituro ang pangalan namin ni Angelo na nakadikit doon sa wall. Patay. Baka akala niya gusto ko si Angelo.

"Hindi...ano kasi...sabi kasi nung waittress na kailangan naming isulat ang name namin diyan para sa dessert," sabi ko pero kinunutan niya lang niya ako ng noo. "Totoo! Walang ibig sabihin niyan promise!" tinaas ko ang kanang kamay ko sa ayos ng panunumpa.

Bigla namang dumating ang waittress dala dala ang dessert at isang paperbag. "These are your free gift po. A couple of electromic watches."

Tinignan ko ang laman ng paperbag pero bago ko pa makita ang nasa loob hinablot na ito ni Jecho at binigay ulit sa waittress.

"We don't want them," aniya saka tinanggal ang nakadikit na pangalan namin ni Angelo sa wall. Nilukot niya ito saka tinapon sa kung saan. Hinila naman niya ako palabas sa teashop.

"Teka! Pano yung dessert ko?! Di ko pa yun natitikman oh!!" reklamo ko habang hila hila niya.

"I can make dessert for you. You don't have to do those corny things," sabi niya at inalalayan niya ako papasok sa kotse niya.

"Then make me one! Gutom na gutom na ako kaya," I pouted saka hinimas ang tiyan ko.

"Then you should have called me idiot," sabi niya saka nagdrive paalis. Sinulyapan ko naman siya. I grinned as I realized something.

"Are you jealous?" I wiggled my eyebrows saka pilit tinitignan ang mukha niya.

"Being jealous is not my thing. Don't overthink," aniya na di tumitingin sakin. Psh, kunwari pa to. Hinimas ko naman ang baba ko. Pano nga kaya gagawin ko para magustuhan niya ako? Tumingin ako sa taas na para bang andun yun sagot sa tanong ko. Ano kaya kung akitin ko siya? I grinned at the thought, pero bigla din akong napasimangot nang mapagtantong di ko din alam pano mang akit. Hays bahala na, tanong ko nalang kay google mamaya kung pano.