Chereads / She's my Poser... / Chapter 20 - Chapter 20

Chapter 20 - Chapter 20

Jecho's POV

Nagising ako na para bang may kumikiliti sa pisngi ko. Di ako nagmulat pero ginalaw ko ang ulo ko para iwasan yun. Ngayon nga lang ako nakatulog ng mabuti masisira pa. Maya-maya lang ay meron na naman. Ngayon naman ay parang sinisipa yung panga ko. Hinuli ko ang kung ano man yun saka ako nagmulat at tinignan yung hinahawakan ko. Paa. Paa?  Tinignan ko ang nasa baba ko nandun si Athena na yakap yakap pa ang paa ko. Teka pano nakarating ang babaeng to dito?

Bigla naman niya akong sinipa kaya nahulog ako sa kama at napaupo sa sahig.

Para naman siyang nagulat kaya napaupo. "Sino? Sino yan? T-teka bat ako andito sa kama?" Nahagip naman ako ng paningin niya. "At bat ka andiyan sa baba ng kama?"

Sinamaan ko siya ng tingin saka tumayo at binato sakanya ang kumot ko. "I should be the one asking that question! Why are you sleeping on my bed?"

Nagkamot naman siya ng ulo saka awkward na tumingin sakin. "D-di ko rin alam eh..." Hinawakan niya ang katawan niya na para bang may nangyaring masama sakanya. Nang makita niyang wala kaya siya nakahinga ng maluwag. "I...I'm glad that didn't happen."

"You thought I'd do something to you?" taas kilay kong tanong sakanya.

Umiling naman siya at ngumiti ng nakakaloko. "Na, uhh. You should worry about what I'd do to you, yoh know that," aniya. Teka, kelan pa siya naging malandi? She's getting creepier each day.

Umiling iling naman ako sa inaakto niya. "Umuwi ka na. Baka hinahanap ka na sainyo."

Bumangon naman siya at inayos ang higaan. "Siguradong okay ka na ah? Baka mamaya ichismis mo na nilason kita or something."

"I'm not as low as what you think. I won't  so that don't worry."

Napahinga naman siya ng maluwag saka tumango. "Okay, uuwi na ako. Dadalhan kita ng makakain mamay---"

"No need," pagtapos ko sa sasabihin niya. "I mean...kakain na ako ok? Wag mo na akong dalhan ng pagkain." Mahirap na baka kung anong pagkain na naman ang dalhin niya. Di lang naman ako nakatangging kumain kahapon kasi sinubuan niya ako. Ni di ko nga nalasahan na seafood yun eh. I think that's the most delicious meal I ever had.

Ngumuso siya saka binuhat na ang mattress na dala dala niya kagabi. "Sige. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Bye," aniya saka lumabas ng kwarto.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang wala na siya sa paningin ko. Di ko alam ba't bigla siyang lumalapit sakin pero di ko mapigilang mapangiti. Though di pa pwede. We can't still be together unless naaayos ko na ng mabuti ang kumpanya at nagiging ok na ang relasyon namin ni dad. Hanggang ngayon kasi eh di parin kami nagkakaayos. I need to distance myself from Athena for her safety.

Bumukas naman ang pinto at niluwa niya si Angelo. "Oh, gising ka na pala. Umuwi na si Athena?"

Tumango naman ako saka umupo ulit sa kama. "May alam ka ba kung bakit biglang lumalapit si Athena sakin? I mean...gusto ko naman kaya lang di naman niya ugaling lumapit kung walang dahilan."

Umupo siya sa sofa malapit sa bed ko. "I don't know. Maybe she really cares about you."

"That's absurd. The last time we talked halos ayaw na niya akong makita eh." I sighed.

"Just look at it as a brighter perspective. Malay mo eto na yung pagkakataon mong iparamdam sakanya ang nararamdaman mo," he winked at me as though he knows ecactly what I'm feeling.

"No. Not yet. Di ko pa naaayos ang lahat. Kaya may ipapakiusap sana ako sayo," I looker at him na kinunutan naman ako ng noo. "Please look after her for me. Di ko pa nasisiguro ang safety niya lalo di ko alam anong iniisip ni Dad. I can't do that now. Baka pag nalaman niyang nagkikita kami ni Athena baka kung ano na namang maisip niyang gawin."

"So pinapaubaya mo na siya sakin?" he is eyeing me seriously. "Look dude, Athena is a great girl. Nagka crush nga ako sakanya the first time I saw her eh. She is a girl anyone could like. Dumistansiya ako sakanya because I know you like her. Di mo man sinasabi sakin but as a man naramdaman ko yun. And now you want me to take care of her? Fuck, you can do it yourself dude. Be a fucking man."

"I can't okay? I mean not now. Di pa maayos ang buhay ko Angelo. Ayokong isali siya sa magulong buhay ko. I like her yes. But I want her to be safe more than the urge of me to be with her. You're the only person I know she can be safe with. " I know I'm being coward pero this is my way of protecting her.

He sighed then nods. "Just be sure you won't regret your decision. Because the time that I can see that I have a little chance on her I won't back out. Even if you're a friend." Tumayo na siya at lumabas ng kwarto.

Napahilamos naman ako sa mukha ko. Just wait for me Athena. Just a little bit more time. I will come to you. I definitely will.

Narinig ko naman ang pag ring ng phone ko. "Hello, Mr. Han," pagsagot ko.

"Sir, Miss Maui sets a date with you. She said she has something to discuss about business."

"Okay. Tell me the location and time."

----------------------------

Umupo ako sa harap ni Maui na seryosong nakatingin sakin.

"I heard from Mr. Han that you want to talk with me about business?" I asked her.

She pushed the glass of milktea that she ordered infront of me. "If I don't use business as a cover, pupuntahan mo kaya ako dito?"

I looked at her pero di ako nagsalita. I admit na pagkatapos ma cancel ang wedding namin di na kami nagkita. Rather, iniwasan ko na siya.

"I have heard of what happened to you. I wanted to visit you at the hospital, but I don't have the courage. Alam ko iniiwasan moko. Are you okay now? How are you feel---"

"If you just want to have a chat, maybe I don't have so much time Maui." I don't intend to be rude at her pero I have a lot of things to do at the company. I don't have time for her whims.

She chuckled lightly. "Isn't it normal for friends to have a chat when a friend got sick? Don't tell me you even  don't have time to be sick."

"Are we so close?" naiinis na ako sa inaasta ni Maui. She knows that I'm so busy tapos kung anu-ano pang mga sinasabi niya.

"Then do you have any close friends aside from Angelo?" nilaro niya ang tangkay ng baso na kinalalagyan ng milktea. "Pareho lang tayo Jecho. From childhood to adulthood we were the best students, but we don't have a lot of friends. When we finally graduated and went to work, we still don't know how to get along with others. Everytime when I feel tired or down, I will think kung meron sana akong kaibigang pwedeng makausap. Kaya nung nalaman kong nagkasakit ka, gusto kong kumustahin ka. Masama na bang gawin yun Jecho?" puno ng hinanakit niyang sabi.

Humugot ako ng malalim na hininga saka tumingin sakanya. "I'm sorry. I didn't mean to hurt you. Tama ka nga, we are likely the same. Background, experience, even taste. Thank you for worrying about me," I sincerely smiled at her.

"That's nothing. So, I'll go now. I hope when the time comes that I need someone to talk to, I can call you up," she smiled saka tumayo.

Tumayo na din ako at hinatid siya sa labas kung saan nakapark ang kotse niya. "Take care, Maui."

She just nodded saka pinaandar na ang kotse niya paalis. Sakto namang dumating ang sasakyan ko with Mr. Han as a driver. Hinatid niya din kasi ako dito kanina.

He opened the back seat door for me kaya pumasok ako sa loob. Nagsimula na niyang paandarin ang kotse.

"By the way Sir, Mr. Angelo called me a while back kasi di daw niya makontak phone mo."

Napatingin naman ako sa kaniya. "What did he say?"

"Pupunta daw sila ni Miss Athena sa isang perfumer sa Dickins. Mejo malayo yun Sir kasi tabi yun ng dagat saka malapit din yung bahay ng taong yun sa forest area."

Napalunok ako saka tumingin sa ibang direksiyon. "They are just going to visit. They can take care of themselves," pagsasawalang bahala ko sa sinabi niya. Sinabi ko na namang alagaan ni Angelo si Athena, I shouldn't bother them.

"But Sir, I just received a message that a typhoon has made a landfall sa isang place sa kabilang city at kasali ang Dickins sa apektado. There might be barring accidents, kaya lahat din ng barko doon sa Dickins may have stopped."

Bigla naman akong kinabahan sa narinig ko. "Stop the car," I said na sinunod naman niya. "Get off. Call the wharf to prepare a boat in case something happens. I'm going to pick them up."

"But sir, delikado na ang pagpunta doo---"

"I won't let Athena be in danger! Just fucking do what I said!" dali-dali naman siyang lumabas kaya pumunta akong driver's seat at pinaharurot ang kotse.

I tried calling Athena's phone pero out of coverage area ito. I tracked her phone pero still di ko siya ma track. I called Mr. Ham na sinagot naman niya agad. "Mr. Han, why does her location dissappear?"

"Maybe because of the weather Sir. The Technical Department is dealing with it."

Fuck. This is bad. I tried calling Angelo. "Pick up the phone," alala kong sabi pero wala paring sagot. I can't contact them. Mas pinabilis ko pa ang pagpapatakbo.

-------------------------

Athena's POV

3 hours ago.

"We still have to ask opinion of another perfumer bago isalang sa final testing ang perfume product mo Miss Athena," a member of the board said na nakapagpalukot ng mukha ko. Akala ko okay na ang lahat pero ang dami pang sinasabi. Di naman ako makapagreklamo dahil ayokong mag iwan ng bad impression sa mga members ng board lalo bago lang akong naupo as the CEO. Kailangan ko pang magpalakas para makuha ng tuluyan ang tiwala nila.

Kaya yun, namomroblema ako ngayon kung saang perfumer na naman ako pupunta. Napasabunot ako sa ulo ko. What should I do?

"Hey, okay ka lang?" isang boses ang narinig ko kaya napataas ako ng ulo. Nakita ko naman si Angelo na nakatayo sa harap ko.

"No, I'm not! Namomroblema ako ngayon," sabi ko at napanguso. Wala na akong kilalang perfumer na pwedeng hingan ng opinion.

"Why? I might can help," aniya at naupo sa upuan sa harap ng table ko.

"I need to ask for a perfumer's opinion again para sa pagka approve ng perfume product ko. But I don't know any perfumer anymore. What should I do?"

"Perfumer ba kamo? I know someone," bigla niyang sabi kaya napatingin naman ako bigla sakanya.

"Nasaan? Puntahan na natin ngayon din!" excited kong sabi na. Tumayo na ako saka kinuha ang jacket ko.

"Di ka naman excited masyado noh?" he chuckled pero tumayo na din naman at naglakad kami papuntang elevator.

"This is a matter of life and death you know. Kailangan kong tapusin ang product ko," I said. Nang marating namin ang ground floor naglakad kami papuntang parking lot. He started driving the car as soon as we got inside.

"Di ko na sigurado kung saang parte ang bahay niya pero let's just trust our luck," he said na tinanguan ko. Wala na akong pakialam saang lupalop pa ng mundo ang bahay ng perfumer na yun basta kailangan namin siyang mahanap.

Makalipas ang ilang oras na biyahe nakarating kami sa isang... "Gubat? S-sigurado ka bang andito ang bahay niya?" Luminga linga ako sa paligid. Bigla pang humangin ng malakas kaya napayakap ako sa sarili ko.

"Nadalaw ko lang siya dito noon pero matagal na yun. Mahilig din kasi si Mommy ng perfume. Pero di ko na maalala talaga saang parte ang bahay niya dito," aniya. Brrr, ang lamig na talaga. Tapos wala pang kahit isang bahay na pwede naming pagtanungan.

"Ano ng gagawin natin? Don't tell me hahalungkagin natin ang buong kagubatan para hanapin ang bahay niya? Ang lamig na. Bigla bigla pang humahangin ng malakas. Parang may darating pang bagyo. "

"Maganda naman ang panahon kanina ah bakit biglang humangin naman ng ganito," pati siya ay nilalamig na din. "Ang mabuti pa ay antayin moko dun sa ilalaim ng puno na yun at hahanapin ko siya. I will pick you up later," sabi niya kaya tumango naman ako.

"Mag ingat ka ah?" sabi ko at tumakbo na sa ilalim ng puno. Umalis na din si Angelo kaya mag isa na lang ako dito. Nilalamig na talaga ako.

Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa si Angelo. "Bat kaya wala pa siya? Ang lamig lamig na talaga dito," napaupo na lang ako na yakap yakap ang mga braso ko. Nanginginig na din ang mga kamay ko. Tinignan ko ang phone ko pero walang signal. "Bakit wala pang signal dito? Ano bang klaseng lugar to?" Tumayo ako para itaas ang phone ko sa pagbabakasaling magkaka signal pero dahil nanginginig ang kamay ko nabitawan ko yung phone ko. "Ano ba yan!" Tumatalon talon ako para maibsan ang lamig pero wala padin. Sinubukan ko ding kunin ang phone ko pero di ko magawa kasi parang namamanhid na ang kamay ko.

Maya-maya lang ay may namataan akong kotse na paparating. Tumigil siya malapit sa kinaroroonan ko at niluwa nun si Jecho. Tumakbo siya papunta sakin. Parang nag slow motion na naman ang lahat habang tumatakbo siya. Di ko na din halos maramdaman ang lamig dahil sakanya nalang ako nakatingin.

Tinanggal niya ang jacket niya at sinuot yun sa balikat ko. "Are you cold?" tanong niya na tinanguan ko lang. Di ko matanggal ang tingin ko sakanya. "Give me your hands," aniya pa at kinuha ang mga kamay ko at nilagay niya sa bibig niya. He gently blows air to it kaya mejo nakaramdam ako ng ginhawa.

"Bakit ka nandito? No. Bakit ka pumunta dito para sakin? Malamig dito saka remote area na dito," takhang tanong ko sakanya. Hawak hawak parin niya ang kamay ko at sobrang lapit lang ng katawan niya sakin.

"Because I'm damn worried about you! Why can't you even take care of yourself huh? Pumunta ka pa talaga dito! Why can't you make me give you up? Why do you always make mistakes huh? Why do I have to worry about you every moment?" napabuka naman ako ng bibig sa mga sinasabi niya. Di ko maintindihan kung ano ang pinupunto niya pero ewan ko parang musika ang tinig niya sa tenga ko. Just his presence makes me feel safe and secure. "Gusto kitang iwasan, gusto kitang lumayo sakin, but without you I can't even breath," sabi pa niya.

Di ko na alam ang mga sumunod niyang sinabi dahil naramdaman ko nalang ang mainit na pagdampi ng labi niya sa labi ko. Di ako nakagalaw. Nanatiling bukas ang mata ko at ina analyze kung anong nangyayari hanggang sa kusang pumikit ang mga mata ko at ninamnam ang tamis ng labi niya. Para namang nawala ang lahat ng lamig sa katawan ko at napalitan ng init ng hapitin niya ako papalapit sakanya at mas nilaliman ang halik niya sakin. I tried to respond to his kiss. Napatihaya ako at napayakap sa leeg niya kasi sobrang nanghihina ang tuhod ko sa di malamang dahilan. I knew it. I like this man. Di ko na maitatangging nasakop na niya ang puso ko na matagal kong prinotektahan sa kahit na sinong lalake.

Bigla naman kaming naghiwalay nang makarinig kami ng busina galing sa kotse ni Angelo.

"Hey! Anong ginagawa niyo? Tara na" sigaw ni Angelo kaya napatakbo naman kami sa kotse. Sa kotse sana ako ni Angelo sasakay pero hinila ako ni Jecho papunta sa kotse niya.

Uh... Oh... Awkward is real.