Chereads / She's my Poser... / Chapter 19 - Chapter 19

Chapter 19 - Chapter 19

Athena's POV

"What should I do first Kei?" I asked Keiry over the phone. Di ko kasi alam kung ano ang una kong gagawin para i approach si Jecho. Ofcourse kailangan ko yung paghandaan noh? Matagal na din yung last na nagkita kami. I need to do my part of the bargain. I need to make sure that he is not stressing himself as what his mom told me. Bumalik na din kasi si Papa sa bahay kaya sobrang masaya ako. Bumalik na yung dating sigla ng bahay namin. Si Mama naman pumayag nang i announce ang good sides ng Villas Group of Companies. Ngayon nga ay gumaganda na ang tingin ng tao sakanila.

"Why don't you cook at dalhan siya ng pagkain sa office niya? Tutal sabi mo nga na di siya ganun nakakakain so why try to bring him food?"

"But I don't know how to cook!" reklamo ko. Maliban kasi sa noodlea wala na akong ibang alam lutuin. I can't even fry a simple egg.

"Madaming cooking books sa bookstore. Try mo kaya magbasa ng ganun. Or just order something and dalhin mo dun kung umubra na naman yang katamaran mo," she said na nakapagpairap sakin kahit di niya ako nakikita.

"Okay, okay. Thanks Kei. Talk to you again," I said at binaba na ang tawag. Ginawa ko nga ang sinabi niya. I ordered food from my favorite seefood restaurant. Yes, 'ordered'. Masyado akong busy kaya to cook noh, duh?

So yun nga, I ordered food then drives my car to their company.

-----------------------------

Nang nakarating ako sa kumpanya nila madami na agad guards ang pumigil sa pagpasok ko. Tinaasan ko naman sila ng kilay. Di ba ko kilala ng mga ito?

"Ma'am pasensiya na po di po kayo puwede pumasok kung wala kayong scheduled appointment," sabi nung isang guard. Nawiwindang na ako dito. Ilang minuto na ako dito pero di parin nila ako pinapapasok.

"Look, I have something to tell your boss,ok? And don't you know me? I am the CEO of Chua Industries! Isn't that enough reason for you to let me in?!" Ayan pinakilala ko na ang sarili ko. Wala sana akong balak magpakilala eh pero nabubwisit na ako. Ang init init dito sa labas tapos di nila ako gustong papasukin.

Natigilan naman sila pagkarinig ng Chua Industries. Bahagya pa silang nagbulungan kung pwede ba daw ako papasukin or hindi. Sinamantala ko naman ang pagkakataong yun para pumasok sa loob. Hinabol pa nila ako pero sorry sila mas mabilis akong nakalakad. Mabuti at nakabukas ang elevator ng panahong yun kaya nakapasok ako kaagad.

Alam ko naman ang office floor ni Jecho because I researched it also. Duh, di kaya ako pupunta dito ng walang alam noh? Pagkarating ko sa 15th floor, dirediretso ako papuntang office niya.

"H-hello Ma'am what can I d--"

Di ko pinansin ang pagsasalita ng sscretary niya at binuksan na ang pintuan ng opisina niya. Nakita ko naman siyang nakaupo patalikod sakin. Nakaharap siya sa laptop niya at kasalukuyan ata siyang nakikipag video conference.

"What about business department? What's the starting date of your respective projects? And how about the ending date? How's the project progressing now? Who is incharge of exporting? Tell me!"

Kumunot naman ang noo ko sa pagsigaw niya. Lumapit naman ako sa kinaroroonan niya at nilapag ang box ng pagkain sa mesa niya.

"Lunch time, here's your lunch," sabi ko pero di niya ako tinignan. He even waves his hand as if telling me to just put it there and leave. Nakikinig lang siya sa reports na sinasabi ng ka video conference niya.

Di naman ako umalis. "I said it's time to eat," irirable ko ng tugon. Di kasi niya ako pinapansin eh.

"Are your eyes for excretion? Don't you see I'm work---" nabigla naman siya ng tumingin siya sakin at napagtantong ako ang nasa harapan niya. "What are you doing here?"

"Bringing you lunch, I guess?" I shrugged at binuksan ang lunch box. "You need to eat f---"

"Leave. I'm still working," sabi niya at tumalikod na naman ako. Grrr. Talagang sinusubukan ng kulukong to ang patience ko. Pumunta ako sa tabi niya at pinaharap siya sakin.

"What do you think you're---" di na siya nakapagsalita nang isubo ko sa bunganga niya ang isang kutsarang pagkain. Napilitan naman siyang ngumuya. Unti-unti naman niyang iclinose ang laptop niya para di makita ng mga ka video con niya ang ginagawa namin.

"Alam mo you need to eat. Hindi mo naman ikakahirap ang pagkain," sabi ko at sinubuan na naman siya. Di naman siya nagsasalita nagkus ay nakatitig lang siya sakin habang ngumunguya. Lumakas na naman ang tibok mg puso ko sa klase ng titig niya sakin. It's been a while since we saw each other pero ganito parin ang epekto ng mga titig niya sakin.

"Here, last one," I said ng maubos na ang laman ng lunch box. Sinubo ko yun sakin pagkatapos ay sinara na ito. Di parin siya nagrereact. "Okay, so napakain na kita ngayon, so my duty for today is done," I said saka dali-daling lumabas. Para akong maso suffocate sa loob eh. Yung klase ng titig niya kasi parang nakakatunaw ng puso. Saka...ang gwapo parin niya eh.

SNAP IT OUT ATHENA! You're here for a mission. Umiling iling ako dahil lumalandi na naman ang isip ko.

Nasa labas na ako nang mapansing wala na yung hawak kong bag. Naiwan ko pala sa loob yung bag ko! Andun pa naman yung susi ng kotse ko saka phone ko. Putragis namang buhay oo!

Dali-dali na naman akong bumalim dun sa opisina niya at nang makapasok ako nagulat ako nang makitang namumutla si Jecho habang hilot hilot ang tiyan.

"What happened to you?!" I said. Dali-dali akong tumakbo sa kinaroroonan niya tapos inalalayan siyang tumayo. "D-dadalhin kita sa ospital!" Sabi ko at kinuha ang bag ko na nasa table. Sakto naman ang dating ng secretary niya kaya pinagtulungan namin siyang isakay sa kotse ko. "Ako na ang magdadala sakanta sa ospital. Just call his family," I said saka pinaharurot ang kotse. Tinignan ko siya at pinagpapawisan na siya. "Hold on Jecho. Malapit na tayo," I said. Ano kayang nangyari? Dahol kaya sa kinain niya? Wahhh parang kasalanan ko pa ata to.

Kinakabahan ako nang marating namin ang ospital. Nilagay siya sa isang stretcher at tinakbo papuntang emergency room. Pabalik balik naman ako ng lakas habang inaantay ang resulta.

Maya-maya lamang ay lumabas na ang doktor na tumingin sakanya. "Doc, how is he? Ano pong nangyari sakanya?"

"It's a food allergy. May kinain ba siyang allergy niya?" the doctor asked. Ano nga bang pinakain ko sakanya? Seafood? So allergic siya sa seafood?!

"I--I didn't know na allergic pala siya sa seafood," nakatungong sabi mo sa doctor. Kasalanan ko di ako nagtanong sa mommy niya.

"It's ok. He's stable now. Pwede mo na siyang makita," he said at lumabas na.

Nagdadalawang isio naman ako kung papasok ako o hindi. Sinilil ko siya sa loob at nakita kong natutulog na siya. "I'm sorry," usal ko kahit di niya ako naririnig.

Maya-maya lamang ay dumating na ang magulang niya. Nag sorry ako sa Mommy niya kasi di ko alam na allergy niya yun at di naman siya nagalit. Though nakakatakot ang dad niya.

Nagdecide nalang akong umalis para bigyan ang parents niya ng space with him. Umuwi akong mabigat ang pakiramdam. Ano ba tong ginawa ko?

Pagkauwi ko nakwento ko kay Mama ang nangyari. Sinabi naman niya na dalawin ko siya. Baka daw sabihin pa ng pamilya niya na sinadya ko yung nangyari. Sabi pa ni Mama na samahan ko siya doon sa ospital ngayong gabi. Inihanda pa niya ang mattress na gagamitin ko daw sa pagtulog doon. O diba ang galing? Para pang binubugaw ako ng sarili kong ina.

Dinalaw ko nga siya sa ospital kinahapunan. Laking pasalamat ko naman at di ko nadatnan doon ang magulang niya. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya at nakita ko siyang hindi mapakali sa higaan niya.

"Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?" alala kong tanong sakanya. "Sorry talaga ah? Diko naman alam na allergy mo yun eh. Kaya ako nandito ngayon babawi ako sayo."

"Oo, ok lang," aniya na parang may inaabot sa likod niya. Bahagya pa niyang binuksan ang butones ng hospital gown niya. Kita na tuloy ang mga muscles niya sa dibdib. Shocks, muscles! Imbis na pumikit ay dilat na dilat pa ang makasalanan kong mga mata sa nakikita ko.

"A...anong ginagawa mo?" bahagya kong tanong pero sa mga muscles niya sa dibdib ako nakatingin.

"If you really want to make it up... " he paused. Mukha parin siyang di mapakali sa bed niya.

Lumaki ang mata ko. D-don't tell me na yun amg gusto niyang pambawi ko sa kasalanan ko!!! O to the M to the G naman Jecho!!  "W-what do you...want? Y-you know this is quite...you know inapppripriate. Andito tayo sa hosp---"

"What inappropriate? I want you to scratch my itch," aniya kapagkuan. Para naman akong nasamid sa sarili kong laway. What? Scratch itch? Yun lang pala. Hehe.

"Oh... Scratch itch. Okay,. Akala ko naman kung ano na eh. Psh," sabi ko. Pero teka naisip ko pag iniscratch ko ang likod niya mahahawakan ko ang balat niya. No, no, no, di yun magandang tignan. Dalagang Pilipina ako noh?

Kaya ang ginawa ko humjram ako ng pagkamot ng likod sa mga nurse at yun ang ginamit ko.

"Do you really have to to it with this old-man's stuff?" he said. Nakaupo ako sa kama miya at nakatalikod ang ulo ko para di makita ang katawan niya habang nginungudngod ang pagkamot sa likod niya.

"Oo naman noh! Don't you know that a male and a female specie should't be overly intimate? It's not proper to touch your body you know. I'd better be careful," usal ko. Ha! Kala mo Ah! Di lang kalandian ang alam ko noh?

Patuloy ko parin siyang kinakamot gamit yung pagkamot ng likod. Di ko na nga alam kung likod pa ba niya ang kinakamot ko basta di ako tumitingin sakanya.

"Why do you have to turn your head like that then?" tanong ulit niya.

"W-wala lang. Ayoko ngang tumingin sayo noh? Psh."

"There it is. Left a bit," he said. Bahagya ko namang tinagilid ang pagkamot. "Teka, that's my head!" patuloy ko lang nginungudngod ang pagkamot. Di ko na alam kung saang parte ng katawan niya ang nakakamot ko.

"Diyan ba?" tanong ko.

"Back! Back! At my back di na likod ko kinakamot mo!" sigaw niya. E sa di ko namam nakikita ehh. Tinuloy ko lang ang pagkamot.

"D-diba ito ang likod mo? N-nasan ba?"

"Back is in my back youl fool," he said at hinablot ang pagkamot sa kamay ko kaya napasunod ang katawan ko kaya napalapit ang katawan ko sakanya. Napahawak ang kamay ko sa dibdib niya at naramdaman ko ang tibok ng puso nito. Bahagyang nagtama ang aming mga mata. Our faces are inches away. Naaamoy ko na ang amoy mint gel niyang hininga.

"Oh fuck, this is a rated SPG scene!" napatayo naman kaming dalawa ng marinig namin ang boses ni Angelo na ngayon ay nakapasok na pala sa loob ng kwarto.

"What are you doing here?" iritableng sambit ni Jecho kay Angelo. Lumayo naman ako ng konti sakanila baka marinig nila ang malakas na pagtibok ng puso ko.

"Bakit bawal bang dalawin ang may sakit? Or...am I missing something here?" sabi niya na tumingin sa amin ng nakakaloko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Ok na ako makakaalis na kayong dalawa," aniya pa at humiga na ulit sa kama.

Lumapit naman si Angelo sa kama at pinatong ang mga dalang prutas sa side table. "Kumain ka ng madami. Sabi ng mommy mo di ka na daw kumakain. Kung gusto mo lang din palang magpakamatay magbigti ka nalang atleast gwapo ka parin pagkamatay mo kesa sa pagpapagutom mo diyan magmumukha ka lang zombie. Wala ng sisilip sa kabaong mo."

"Gago," binato ni Jecho si Angelo ng mansanas na nasalo naman ng huli saka niya ito kinagatan. Baliw talaga ang dalawang to. Nangingiti naman ako habang pinapanood sila.

"So, Athena, nakapagdesisyon ka na ba?" kapagkuan ay tanong ni Angelo sakin.

"Anong desisyon?" tanong ko pabalik.

"Kung sino ang pipiliin mo sa aming dalawa," sabi niya na nakapagpaawang naman ng bibig ko. Ano bang sinasabi ng isang to?

He chuckled afterwards. "Just kidding. Syado ka namang seryoso. O sige na nga iiwan ko na kayo dito. Mukhang may gustong maka score eh," tatawa tawa pa siyang kumaway samin saka lumabas na.

At ngayon nga ay dalawa na naman kaming naiwan dito. Naging awkward naman bigla ang sitwasyon kaya tumingin nalang ako sa ibang direksiyon.

"Di ka pa ba aalis?" kapagkuan ay tanong niya sakin.

"Nope. Matutulog ako dito. Sasamahan kita," sabi ko naman.

"Bakit kailangan mo akong samahan?"

"K-kasi...ako ang may kasalanan ng nangyari sayo? Alam mo na baka bigla mong ipagkalat na may binalak akong masama sayo kaya kailangan kong bumawi sayo. Saka nakaka guilty parin."

"You don't have to. You helped me today so I will not bring you trouble. So now you can go back," aniya na talagang pinagpipilitan ang pag alis ko. Psh, kung di ka lang talaga gwapo iniwan na talaga kita.

"Gabi na kaya oh. Letting a girl go home alone at night is not safe," drama ko sakanya. Sinamahan ko pa ng pouty lips para mas may effect.

"But if you stay here is not safe to me too," sabi naman niya.

"Don't worry, even if may intensiyon akong masama sayo, di ko gagawin. Ikaw ah kung sobrang nagagandahan ka sakin at bigla kang di makapagpigil---"

"I won't dare," pigil naman niya sa sasabihin ko. Naku kung alam ko lang baka sobra ka ng nahuhumaling sa angkin kong karikitan eh.

"Nagdala ako ng mattress ko kaya wag kang mag alala," sabi ko pa. Di na nga siya nakatanggi kaya pumayag nalang siya.

At nangyari na nga, I will sleep with my greatest temptation tonight.