Athena's POV
"Kimi he no omoi ga takanatte. Kagirinaki chikara umarenu. Motomwru naraba dokomade mo. Kawaranu kizuna furikazasou. We are hope."
Narinig ko ang ringing tone ng phone ko kaya nagising ako. That's a One Piece song. Sabado ngayon kaya gusto kong matulog ng matagal pero may lapastangang sumira sa maganda kong tulog.
With closed eyes, I answered the phone. "Mamatay ka na," I said in annoyance. Ayoko talaga ng may gumigising sakin eh.
I heard a soft chuckle sa kabilang linya. "Goodmorning to you too Miss Athena," I heard a man's voice. Teka sino to?
Nagmulat ako ng mata at tinignan kung sino ang caller pero di naman naka save ang name niya sakin. "Sino ka?" I asked.
"This is Angelo. You know the one who invited you on a date today?" he answered. Angelo? Kumunot bigla ang noo ko. Pano naman niya nakuha ang number ko?
"And how did you get my number Mr. Wang?" I asked again. Nakapag oo na pala ako sakanya sa isang date. Pero nabubwisit ako sakanya sa pag imbita kay Ethon sa DU eh. Muntik na akong mabuking dahil dun.
"Oh I'm sorry, I get it at the Dean's office. Nakiusap ako kay uncle to get your contact number since you are not replying to my message on your messenger," he said. Nag message pala siya sakin? Di ko naman inoopen ang account ko dahil sa sobrang boring naman ng account kong yun.
"Ah, okay," sabi ko na lamang. I decided to just go with the flow today since nasabi ko na din kina mama at papa na may lakad ako kaya di ako makakasama sa date kuno nila.
"So, where's your house? Sunduin nalang kita diyan," he said.
"No. I will just meet you at the plaza. 9 am," I said. Ayoko namang mag isip sina mama ng iba pag may sumundo sakin dito. Baka mas lalo nila akong di payagang umalis.
"Are you sure? Okay then, see you Athena," he said at binaba na ang tawag.
Pumunta na akong banyo para maligo. After a couple of minutes, lumabas nadin ako para magbihis. I wore a simple off shoulder gray top and jeans. I applied a simple make up para di rin nakakahiya kay Angelo. I grabbed my purse saka dumiretso sa baba.
Nakita ko naman si mama na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng newspaper. "I'll go now Ma," I said saka lalagpasan na sana siya.
"Be sure to go home early," she said without looking at me. I just nodded at her saka lumabas na. Pumasok ako sa kotse ko at nag drive papuntang plaza.
Pagdating ko dun, nakita ko na siya na nakasandal sakanyang kotse. Ngumiti siya sakin nang makita niya akong bumaba.
"Sorry, I'm late," I said nang sinalubomg niya ako. Gwapo din talaga ang isang to. Mestizo kasi siya at naka brush up pa ang buhok. Singkit ang mga mata nito at makapal ang kilay pero di naman nagmumukhang dugyot. Matangos at ilong at mapula ang labi. He's a definition of a cool guy.
"No, kadarating ko lang din," he said smiling at me. "So, let's go?" aya niya sakin at tumango naman ako.
Di ko alam ang mga ginagawa sa isang date kasi di naman ako nakikipag date. Susunod nalang ako kung saan man niya ako dalhin. Wag lang sa hotel siyempre. Haha.
"Kain muna tayo then we will go shopping. Gusto mo ba?" he asked me. Mahilig naman akong mag shopping kaya ok lang. Though di ako yung tipo na nakakagasto ng madami kasi needs ko lang din ang binibili ko. Tamang tama I need to buy gift for Keiry's brother. Sa susunod na Sabado na pala yun.
"Okay. Di pa nga rin ako nag breakfast eh," I said casually at him. Di naman siguro masama na kausapin siya ng komportable diba? Though badtrip parin ako sa ginawa niya kahapon. Talaga kasing sinusubukan niya akong bukingin.
We went inside an exclusive restaurant. Maliit palang ang tao dito kasi maaga pa naman. We sat at a table for two.
"Anong gusto mong kainin Athena?" he asked me habang hawak hawak ang menu. Nakapunta naman na ko dito kaya mejo alam ko na ang mga pagkaing sine serve nila.
"Anything. Di naman ako mapili sa pagkain eh," I said. Nag order na nga siya. Pagkaalis ng waitress, tumingin siya sakin.
"I heard Je-I mean Ethon is tutoring you?" he asked me.
"Yes. Bagsak kasi ako sa Math kaya my mom hired him," I answered him. Tumango tango naman siya.
"Is he... Living in your house?" tanong na naman niya. Bat parang interview ang peg ng lalakeng to?
"Bat interesado ka?" I asked back. I was annoyed the way he asked questions eh. Parang may hinuhuli siya sakin. Di moko madadaan sa mga ganyan mo noh? Tss.
Natahimik naman siya kapagkuan ay ngumiti. "Oh, Im sorry. It's just that di naman kasi nagkukwento minsan sakin yun," he said. Dumating na ang pagkain namin kaya nagsimula na din kaming kumain.
After eating we went straight to the mall. Dumiretso naman ako sa men's section. Di ko alam kung anong gusto ni Kuya Kevin pero I decided to get him a necktie since he is a businessman.
"Is that a gift for someone?" Angelo asked habang sumusunod sakin.
"Yes. Birthday kasi ng kuya ng kaibigan ko sa susunod na Sabado kaya I'm buying him a gift," I said at hinawakan ang isang gray necktie. "Do you think magugustuhan niya to?" I asked Angelo his opinion.
"Hmm..." he said na hinimas ang baba niya. "What kind of person is he ba? I mean, you know minsan the way men carried themselves portrays what kind of person they are," he added.
"Well, he is a sociopath kind of person. Yun bang pinaglihi sa sama ng loob na peg," I said na nakapagpatawa sakanya.
"Kung ganun naman pala tama ang kinuha mong tie. Pag kasi mga masayahin na tao, they mostly prefer mga light colors din," eksplika niya sakin. Tumango tango naman ako.
"Okay, I will get this," I said saka dumiretso sa counter. Magbabayad na sana ako nang maunang ibigay ni Angelo ang card niya sa sales lady.
"Ako na," he said. Wala na akong nagawa. Gift ko to pero di ako ang nagbayad. I just smiled at the thought.
"Wala ka na bang bibilhin? You can buy whatever you want. My treat," he said.
"No, wala na. Saka if meron man, kaya ko namang bilhin yun with my own money," I said saka nauna ng naglakad sakanya.
Hinabol niya ako at akmang hahawakan ang braso ko nang may ibang kamay ang humigit sakin.
"So, you are having a date huh?" may diim na sabi ni Ethon habang nakatingin sakin. Walang emosyon ang mga mata niya kaya diko mabasa ang eksaktong nararamdaman niya. Matalim naman na tingin ang pinukol niya kay Angelo.
"Get your hand off me Roxas," I said pero mas hinigpitan lamang niya ang hawak dito.
"C'mon dude nasasaktan na siya. Saka we are just having a friendly date. Don't overreact," Angelo said. Lumuwang naman ang hawak niya sa kamay ko pero di parin niya binibitawan ito.
"Let's go," sabi ni Ethon at kinaladkad ako palayo kay Angelo.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako! Kaya ko namang maglakad ng mag isa!" sigaw ko pero di niya ako pinansin. Pinasok niya ako sa loob ng kotse niya saka siya naglakad papuntang driver's seat.
"Teka may kotse akong dala!" sigaw ko at akmang bubuksan ang pinto pero naka automatic lock na ito. Tinignan ko siya mg masama. "Ano bang ginagawa mo ha? Bigla bigla kang nangkakaladkad. Di ka na nahiya sa kaibigan mo."
"So, you are indeed enjoying yourself with his company, " aniya pa na tumango tango. Bat ba ganito umasta to? Nakakabwisit eh.
"E ano naman ngayon sayo? Tutor ka lang naman diba? I am not entitled to give you every details of my life," I said at sumandal sa upuan.
Di naman siya nagsalita pero nakita ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao niya. Bigla niyang inistart ang kotse saka pinaharurot ito.
"Ano ba!!! Dahan dahan naman! Kung gusto mong mamatay ibaba mo nalang ako!!" sigaw ko at napahawak ng mahigpit sa seatbelt ko.
Di parin siya nagsalita pero mas binagalan naman ang pag drive niya. Tumingin nalang ako sa labas. Di ako pamilyar sa daang tinatahak namin at di ko alam kung saang lugar niya ako dadalhin pero di nalang din ako nagsalita.
Maya maya ay tinigil niya ang sasakyan sa isang compound. Puno ng halaman ang paligid nito at sa likod ng bahay ay tanaw ang malawak na maragatan. Para itong resort type pero kami lang ata ang nandito.
"Where are we?" I asked him habang sinusundan siya na naglalakad papuntang loob ng bahay.
"My place," he said. His place? Ibig sabihin may kaya din siya sa buhay? Sumusunod lang ako sakanya hanggang sa tumigil siya sa isang kwarto. "Magbihis ka muna. May mga damit diyan na pwede mong gamitin. Then we can talk afterwards," aniya saka naglakad na papalayo.
Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita ko ang maaliwalas na paligid. Malawak ang kwarto. May glass door siya na papunta sa balcony kung saan tanaw ang karagatan. Its very peaceful here. Dumiretso naman ako sa cabinet at nakita doon ang ibat ibang klaseng damit ng babae. Pinaghandaan ba niya ito or is this the room of her gf? Kung ganun bat niya ako dinala dito?
Kumuha ako ng isang simple white shirt saka black shorts at pumasok sa banyo. Nagbihis ako saka lumabas ng kwarto. Nakita ko naman siya na nakatayo sa harap ng malaking bintana ng patio at nakatanaw siya sa dagat. Nilapitan ko siya at tumayo sa tabi niya.
"Now, tell me why did you bring me here?" I asked him. Tinignan naman niya ako.
"I want you to relax. Alam kong madami kang mga iniisip pag nasa bahay ka. You can relax your mind here. Walang iistorbo sayo," he said and smiled at me.
"E bat dito? Parang place niyo to ng girlfriend mo eh. Baka magselos siya pag nalaman niya na dinala moko dito," sabi ko. Tama naman eh baka makagulo ako sa relasyon nila.
"Girlfriend?" tanong niya habang nakakunot ang noo. Kapagkuan ay ngumiti ito ng malawak sakin. "You think I have a girlfriend?"
"Bakit hindi ba? May album kayo sa phone mo saka may mga damit siya sa room na pinagdalhan mo sakin, like duh? Ayoko kayang makagulo sa relasyon noh?" I rolled eyes at him.
He chuckled and ruffles my hair. Napabusangot naman ako sa ginawa niya. "You can swim sa dagat kung gusto mo. Bukas pa naman ng umaga ang uwi natin so just enjoy the day."
"Okay," sabi ko. Matagal na din nung last na nakapag swimming ako eh.
At yun nga ang ginawa ko. I spent the day swimming. Di naman ako pinakialaman ni Ethon kaya I enjoyed myself sa place niya.
Pagkatapos kong maligo ay pumasok na ako sa bahay para makapagbihis. Ethon is not around. "Psh, dinala niya ako dito tapos iiwan din pala ako," pagkausap ko sa sarili ko at pumasok na sa kwarto ko. Nagbihis ako saka umupo sa kama.
Maya-maya lang ay may naramdaman akong kalabog sa labas. Bigla naman akong kinabahan kaya dahan-dahan kong pinihit ang pintuan saka sumilip sa labas. Madilim na din kasi alas siyete na ng gabi. Napatagal din kasi ako sa pagligo sa dagat.
Tahimik akong naglakad papuntang sala. Malakas ang kabog ng dibdib ko pero tinapangan ko ang sarili ko.
Pagkatapak ko sa sala tumingin ako sa paligid. Napako naman ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Ethon na nakahandusay sa sahig na puno ng galos at dugo sa buong katawan.