Chereads / She's my Poser... / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

Athena's POV

Nagising ako na sa isang hindi pamilyar na silid. Luminga linga ako at napagtantong nasa condo parin pala ako ni Jecho. Pero nasan kaya siya?

Bumaba ako sa kama at nagtungo sa kusina. Nakita ko naman siyang nagluluto. Naramdaman ko na naman ang paglundag ng puso ko pagkakita sakanya. This is really not right. I shouldn't feel this way.

"Gising ka na pala. Halika kain ka muna," he said pero wala na akong balak magtagal pa dito. This is not right lalo ikakasal na siya.

"No. Sa bahay na ako kakain. Aalis na ako," I said. Nakitaan ko naman siya ng saglit na kalungkutan sa mukha niya pero naglaho din yun at napalitan ng malamig na aura.

"Okay then. Do you want me to bring you home?"

"Thanks but no thanks. I can handle myself," bawi ko sakanya at tumalikod na. Nasa may pintuan na ako nang may maalala. Marahan kong piniling ang ulo ko para lingunin siya. "Before I forgot, remember don't drink too much if you can't handle yourself. You're such a mess," sabi ko at nagtuluy-tuloy na sa labas.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Ewan ko pero lagi nalang ganito ang reaksiyon ng puso ko pag nasa malapit siya. I know dapat ko ng ibasura anuman ang nararamdaman ko for him. This is just a puppy love I guess kaya madali pang mawala. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensiyon ko.

--------------------------------

Three weeks had passed at unti-unti nakong nasasanay sa bago kong buhay. I am now the current CEO of our company. The last three weeks have been a hell-out busy weeks for me dahil sa training na pinagdaanan ko. Dagdag pa ang mga school modules ko na ginagawa. Madalas ako na andito sa opisina dito sa 39th floor ng kumpanya namin because of the many things I have to take care of.

"Ma'am here is your coffee," my assistant Ashlie said.

"Just put it down, thanks," I said ng di tumitingin sakanya. Kailangan ko kasing pag aralan ang mga susunod na projects ng kumpanya. Madami kasing mga long term projects na di pa natatapos hanggang ngayon. Isa na ito yung bagong product ng kumpanya na Three-minute love perfume. I want to finish it as soon as possible para di ako mapahiya sa board. I know they don't still trust me fully.

"By the way Ma'am your Mom called. She said she will be coming by today." Napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa narinig ko. Nawalan na din pala ako ng time for my Mom. Dahil sa sobrang busy ay di na halos ako umuuwi sa bahay. May condo na din kasi ako malapit dito sa kumpanya kaya di na ako nakakauwi.

"Okay. Thanks. You may go," I smiled at my assistant saka nag unat. Bahagya kong tinignan ang itsura ko sa salamin malapit sa upuan ko. Grabe, parang nakalimutan ko na din kung anong itsura ko dahil di na ako nakakatingin sa salamin.

Maya-maya lang ay kumatok na naman si Ashlie sa pintuan ko. "Ma'am nandito na po si Ma'am Keithlyn."

"Papasukin mo," sabi ko nalang saka sumandal sa upuan ko. Nakita ko naman amg pagpasok ni Mama sa loob. Napangiti naman ako dahil miss ko siya. Tumayo ako para salubungin siya.

"Ma, it's been so long," sabi ko at niyakap siya. Niyakap naman din niya ako ng mahigpit.

"I missed you princess. Kumusta ka dito? Di ka naman ba nahihirapan?" bahagya siyang kumalas sa yakap at hinawakan ang pisngi ko. "Ang payat mo na."

"I'm okay Ma. Saka para naman sa kumpanya ito. And Dad is helping me naman," I said saka pinaupo siya sa sofa. Naging close na din naman kami ni Papa kahit papaano though pure business lang ang pinag uusapan namin pag nagkikita.

"Speaking of your Dad, kilala ko na kung sino ang babae niya," she said suddenly. So, all this time she is investigating about it huh? Kumakawala na kaya siya sa fans club ng GOMBURZA?

"Hmm, who is she? Kakalbuhin ko," I said jokingly kaya napatawa siya. Sa tagal na din naman ng panahon unti-unti ko na ding natatanggap ang estado ng pamilya namin. But I'm still hoping na bumalik si Dad samin. Kung may paraan pa para mangyari yun gagawin ko lahat.

"I'm telling you magugulat ka. You know Jechoniah Brylle's mother Ailee Kang? She is your father's girl." Bahagyang umawang ang labi ko sa narinig ko. Jecho's mom and my dad? Really huh? What a complicated trick of fate we have. Is that his reason kaya niloko niya ako dati? To get his revenge? Now I can say I can relate to his life. We have the same fate after all.

"That's so...what can I say, really shocking Ma. Di ko alam na broken family din siya. And si Papa pa talaga na kakumpitensiya ng kumoanya nila. But why? I mean...how did they meet?"

My mom shooks her head. Nararamdaman kong nasasaktan siya. Who wouldn't right? The one you love left you for somebody else. Now I get why the Villas Group of Companies really hate us. They have all the reason to. Same as us. We have all the reason to hate them too. Niyakap ko siya. "I will do everything para bumalik si Dad satin. Don't be sad now Ma," pampalubag ko ng loob niya eventhough I don't know if I can even do anything for him to love my Mom back.

----------------------------------------

Jecho's POV

Kasalukuyan akong nandito sa opisina ko. Katatapos lang kasi ng conference namin kasama ang board. Sobrang sakit na naman ng ulo ko. Kulang na kulang ako sa tulog. It's been what? Three weeks? Three weeks na nung last na umuwi ako sa bahay. Dun na kasi halos umuuwi si Maui at di ako komportable talaga lalo na gusto niya magtabi pa kami matulog. She's becoming aggresive at di ko yun kinakaya. Kaya umiiwas ako. I always wanted to cancel the wedding kasi alam ko sa sarili ko na wala na kahit konting pagtingin ang puso ko para sakanya. But do I have a choice? Makakaya ko bang iangat ang credibility ng kumpanya namin even without the wedding?

Napabalita na din ang pagkaupo ni Athena as the CEO of Chua Industries at talaga namang umaani siya ng papuri mula sa mga regents. Napakasipag at galing niya. She even tried to complete their new product which is the Thee-Minute Love perfume. Napakaganda ng product though di pa tapos, I know she can do it. Alam ko na she is treating me as her enemy still, pero ako? Wala na akong ibang gusto kundi ang maging okay siya. Ang maging safe siya. Ang maging successfull siya. I am contended looking at her from afar dahil ayaw ko siyang idamay sa problema ng buhay ko. Mabuti at di na binabanggit ni Dad ang tungkol sa chip.

Oo alam ko na kung nasan yun. It was on her necklace. Nakapaloob dun ang chip na hinahanap ni Dad. Pano ko nalaman? Nung time na nagising ako katabi siya last time I was drunk at siya ang nag alaga sakin, nakita ko ang kwintas niya. Balewala sana sakin yun but then nahagip ng mata ko ang isang maliit na butas sa likod nun. I hold it in my hands at dun ko nakumpirma na sa likod nun may isang nakapaloob na maliit na parang memory card. Kaya dun ko naisip ang chip. May pagkakataon na ako nung kunin yun. Pero I didn't do. I wanted to prove our company's worth without using something that can destroy someone's life.

"Mr. Kang, nandoon po sa conference room si Miss Maui. She's looking for you. She wanted badly to come here at your office pero I said na antayin ka niya sa conference room," Mr. Han, my secretary, said. Kung meron man akong pinakapinagkakatiwalaan dito, siya yun.

I sighed saka tumango pero nakapikit parin ang mata ko. Bahagya ko pang hinihilot ang aking ulo. "I will go later, tell her to wait for me."

Alam ko wala akong kawala kay Maui kaya pasasaan ba't kailangan ko parin siyang kausapin. After a few more minutes ay tumayo na ako. Tumango ako kay Mr. Han na andito parin saka siya lumabas ng office.

Naglakad ako papuntang conference room. Pagkapasok ko dun nakita ko siyang nakaupo at nakahalulipkip. Tumayo naman siya at lumapit sakin ng nakangiti nang makita ako.

"I thought wala ka ng balak kausapin ako. Di ka na umuuwi sa bahay. Don't you know how I miss you?" malungkot na sabi niya. Mejo na guilty din naman ako. She is still my fiancee kaya may karapatan siyang magreklamo sa mga pinaggagagawa ko.

"I'm sorry Maui. Naging busy lang ako these days," I said para palubagin ang loob niya.

"I understand. But, I hope you can take care of yourself too. Ayokong may manyaring masama sayo," she caressed my face na hinayaan ko lang. She's been very understanding kaya mas naguilty naman ako. "By the way, may dinner tayo today kasama ang parents ko and yours. Pag uusapan na natin ang date mg wedding."

Umawang naman ng bahagya ang labi ko pero tumango naman ako kapagkuan. "Okay then. See you tonight." I think this is really my fate, to be married for the sake of the company.

Dumating ang tinakdang oras ng family dinner namin. I wasn't expecting my Mom to come, pero nagulat ako nang makita siya na nakaupo katabi ni Dad. She was not smiling at all. Para bang napaka unimportant sakanya ng dinner na ito at di niya magawang magsaya. Ako din naman. Di ko magawang magsaya. Well, totoo namang maganda si Maui, understanding, sweet, maalaga, lahat na ng gusto ng isang lalake sa babae nasa kanya na. But then, di ko na kayang ibalik ang matagal ng nakabaong pag ibig ko sakanya. She is just a sister to me now. Pero ngayon kailangan ko siyang pakasalan. Kung ako pa din siguro ang Jecho noon baka nagtatatalon na ako sa saya. Pero years passed. Feelings changes. And this is my new reality.

Lumapit ako sakanila. They are all smiling at me except for my Mom. Instead of happiness, may ibang emotion akong nakikita sakanya na diko mawari.

Tumabi ako kay Maui na hinalikan naman ako sa pisngi pagkaupo ko.

"So, let's eat na while talking. I know this couple here is excited to know the date of the wedding," Mrs. Sy said. Ngiting ngiti naman si Dad.

"Actually we planned to make the wedding by December. It will be two months from now. Para mas mahaba ang preparation. I am planning kasi to make the wedding public," my dad said na tinanguan naman ni Mr. Sy.

"Yes, that's quite plausible. I wanted the marriage to be televised. This will be the biggest wedding of the country, dont you think that's great my princess? " sagot naman ni Mr. Sy na tumingin kay Maui na halatang sobramg excited sa kasalang magaganap.

"I agree Dad. Di na nga kami makapag antay ni Jecho eh, right Honey?" she asked me na puno ng kasiyahan ang mata. Sasagot na sana ako pero biglang binagsak ni Mom ang kutsara niya sa plato. Napatingin naman kaming lahat sakanya.

"I'm sorry to dissapoint you Mr. And Mrs. Sy but my son here will not marry your daughter. I will not let him marry someone he doesn't even love," kapagkuan ay sabi niya. Nagulat naman si Dad sa inasal ni Mom.

"What are you saying Ailee?! This marriage has been planned long time ago!" pasigaw din na sambit ni Dad.

"Mom," I said para pakalmahin siya. Nakita ko na kasing nangingilid ang luha niya.

"T-tita, what are you saying? Jecho loves me, isn't it Honey? You love me right?" Maui is pleading me to say that I love her. Ano nga bang sasabihin ko? They are all waiting for me to answer. Tumingin ako kay Mom na tinanguan ako na para bang sinasabi na magpakatotoo ako. Tinignan ko si Dad na seryosong nakatingin sakin. As if he's telling me to choose wisely. That this marriage is for the company.

"I..." napahilamos ako ng mukha saka umiling iling. "I-I'm sorry," yun nalang ang nasabi ko saka tumayo na at dali-daling lumabas sa lugar na yun.