Athena's POV
"Omg Ethon!!! Anong nangyari sayo?!" puno ako ng pag aalala na tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Malalim ang hininga niya at nakapikit ang mga mata. Buong lakas ko siyang tinayo at kahit sobrang bigat niya pinilit ko siyang iakyat sa kwartomg pinagdalhan niya sakin.
Inihiga ko siya sa kama saka patakbong naghanap ng first aid kit. Nang may mahanap ako, patakbo din akong pumasok muli sa kinaroroonan niya. Umupo ako sa kama saka ko sinimulang gamutin ang mga sugat niya.
Bahagya naman siyang gumagalaw pag dumadampi ang alcohol sa mga sugat niya. "Ano bang nangyari sayo ha? Wag mong sabihing gangster ka din? O dikaya miyembro ng mafia?" pagkausap ko sakanya. Diko alam kung naririnig niya ako kasi bahagya namang kumikibot ang mga labi niya.
Tinuloy ko lang ang paggamot sa sugat niya pagkatapos ay pumunta ako sa harap ng cabinet at tumingin ng damit na pwede niyang isuot. May nakita naman akong malaki laking tshirt kaya yun ang kinuha ko.
Lumapit ako sakanya at tinignan ang damit niyang puno ng dugo. "E-ethon," sinundot ko ang tagiliran niya. Walang reaksiyon. "B-bibihisan kita ah? Promise walang malisiya to. Trabaho lang walang personalan," sabi ko pero still walang reaksiyon.
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagsimulang tanggalin ang tshirt niya. Tinaas ko ang mga kamay niya para matanggal ko ito. Bahagya akong pumipikit para di ko makita ang katawan niya pero sadyang malaswa ang aking mga mata dahil bumaba ang tingin nito sa mga muscles niya sa dibdib hanggang sa abs nito. Binilang ng utak ko kung ilan ito at walo ang nabilang ko. Napalunok ako sa magandang tanawin na aking nakikita.
Halos lumundag naman ako nang bigla siyang gumalaw. Mabuti nalang di siya nagising. Maingat ko namang sinuot sakanya ang tshirt saka maluwag na nakahinga nang maisuot ko ito ng maayos.
"So, saan ako matutulog niyan?" pagkausap ko na naman sa sarili ko. Napagdesisyunan ko na lang na matulog sa ibaba ng kama. Maluwang naman ang kama pero kasi ayoko ngang tumabi sakanya noh? Dalagang Pilipina ako pero alam niyo na minsan marupok din. Haha. Kaya dito nalang ako sa baba baka kung ano pang magawa ko. Malaking temptation pa naman siya.
Naglatag ako ng comforter saka kumuha ng unan. Humiga na nga ako saka bahagya siyang tinignan. Tahimik na itong natutulog. Ano nga kayang nangyari sakanya?
Jecho's POV
Nagising ako na masakit ang katawan. "Ack..." hinawakan ko ang bewang ko. Saka ko lang napansin ang damit ko. Saka ang mga sugat ko sa braso. Saka ko lang naalala ang nangyari kahapon.
Palabas nako nun sa bahay para tawagan si Michael nang makita ko ang ilang lalakeng pumasok sa compound. Kilala ko ang mga yun dahil minsan ko na silang nakita sa bahay. Mga tauhan yun ni daddy. Di ko alam pano nila kami natunton dito pero isa lang ang nasisiguro ko, pinamamanmanan ni daddy ang mga galaw ko.
Di ko na dapat sila pakialaman tutal wala naman silang ginagawa pero nung makita ko silang tinitignan at kinukuhanan ng picture si Athena na naliligo sa dagat biglang nagdilim ang paningin ko at pinagsusuntok sila. Pero sadyang magaling sila sa pakikipaglaban because they are trained to do so. They are very skilled at di nila ako pinalagpas kahit alam nilang anak ako ng amo nila.
Mabuti na lang at dumating si Angelo kasi nag usap kami na magkikita dito para mag usap kaya umalis sila.
Luminga ako sa paligid at napagtantong nasa silid ako na pinagdalhan ko kay Athena kahapon. Dun ko siya nakita na natutulog sa baba ng kama. So siya pala ang gumamot sa mga sugat ko and even change my clothes huh? I smiled at the thought.
Bumaba ako ng kama at dahan dahan siyang binuhat papunta sa kama. Di naman siya nagising pagkahiga ko sakanya. I decided to cook for breakfast para makakain kami bago umuwi.
Pumunta akong kusina at nagsimulang magluto. Maya-maya lamang ay nakita ko siyang pupungas pungas na bumaba sa hagdan. She's really cute.
"Goodmorning," bati ko sakanya pagkarating niya sa kinaroroonan ko.
"Morning. Ok ka na ba? Masakit pa ba ang mga sugat mo?" tanong niya sakin.
I nodded in response. "Yes. Thank you for taking care of me last night," I smiled at her. Nakita ko namang namula ang pisngi niya. Cute.
"W-wala yun. Alangan namang pabayaan kitang mamatay nalang noh?" she said saka tinignan ang niluluto ko. I am frying egg saka nagluto ako ng noodles since ito naman ang madaling lutuin.
"Gutom ka na ba? Umupo ka na diyan at kumain na tayo," I said saka pinaghanda siya ng plato at nilagyan ng pagkain.
She started eating. "So, anong pangalan mg mafia group mo?" kapagkuan ay tanong niya sakin. Tumaas naman ang isang kilay ko. Mafia? "Di ka naman mukhang gangster kasi di ka naman maangas. Kaya naisip ko na miyembro ka ng Mafia," dagdag pa niyang sabi kahit may laman pang pagkain ang bibig niya.
Nilagyan ko ng tubig ang baso saka pinatong sa harapan niya. "I'm not into mafia thing. Wag kang mag isip ng kung anu-ano diyan," I said at tinuloy ang pagkain.
"E bat ka nakipag away? Wag mong sabihing napagtripan ka lang ng mga tambay sa kanto? Ang weak mo naman kung ganun," anas niya saka uminom ng tubig. Napailing naman ako sa sinabi niya saka ngumiti.
"Nag-aalala ka ba sakin? So crush moko?" biro ko sakanya na nagdulot ng pagkabuga niya ng tubig na iniinom niya.
"E-excuse me! Sinong may crush sayo ha? Di kaya kita type noh?" sabi niya saka inirapan ako.
"Pero binihisan moko kagabi so ibig sabihin nakita mo na ang katawan ko?" nakangisi kong sabi sakanya na nakapagpapula na naman ng kanyang mukha. Haha. Ang dali niya talagang basahin.
"O-ofcourse not! Di kaya ako tumingin noh? P-pumikit ako wag kang ano diyan!" sabi pa niya at tumingin sa ibang direksiyon. May binubulong bulong pa siya sa hangin na di ko na narinig saka siya tumayo. "Maliligo nako para makauwi na tayo," sabi niya saka nagmadaling pumasok sa kwarto niya.
Natatawa naman ako sa reaksiyon niya. She's really innocent. That's why I have this urge to protect her. Wala pa akong kaide ideya kung nasan ang chip na sinasabi ni dad. Wala pa naman akong nakita sa mga nakaraang araw. I am currently monitorimg her kaya na track ko siya na nasa mall kahapon at kasama pa niya si Angelo.
One reason kaya gusto ko siyang kausapin is to ask bakit niya nilalapitan so Athena. For all I know di naman siya lumalapit ng ganun ganon lang sa mga babaeng kakakilala lang niya.
I washed the dishes saka pumunta na rin sa kwarto ko upang magbihis. Naalala ko naman ang sinabi ni Athena kahapon tungkol sa iniisip niyang girlfriend ko. Well, I have this special girl. I did love her pero hindi naging kami. Bago pa kasi ako magtapat ng nararamdaman ko sakanya nun eh umalis na siya papuntang Paris to reach her dreams of becomming a model. Natupad naman yun dahil nakita ko ang mga magazines na andun siya. Napanood ko din siya minsan sa isang broadway walk.
I just sighed as I remember the old times. I realized that sometimes you need to let go of the person you love to give her chance to be happy.
Naligo na ako at nagbihis saka ako lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Athena na kakalabas din lang sa kwarto niya.
"Let's go?" I said saka naglakad papuntang sasakyan. We drove silently to Chua's mansion.
"Pumasok ka na. May pupuntahan pa kasi ako," sabi ko pagkarating namin sa bahay nila. Tumango naman siya at pumasok na sa loob.
I drove again to Wang's residence. I want to talk to him about something. Pagkapark ko ng sasakyan ko, pumunta na ako sa loob mg bahay nila. May mga guards na andito pero dahil kilala na maman nila ako pinayagan akong pumasok.
Walang katao tao sa bahay nila since he is living alone here. His family is living at London kaya mag isa siya dito. Mga katulong at guards niya ang kasama niya dito. Tinungo ko ang secret room niya kung saan siya naglalagi lagi.
Pagkapasok ko sa loob nakita ko siyang nagtitipa sakanyang laptop. "Hey," I said to catch his attention.
Tumingin naman siya sakin saka ngumiti. "Andiyan ka na pala. Upo ka," he said na siyang ginawa ko. "So, how is your one day vacation with Athena?" he asked. Alam naman na din niya ang tungkol sa mission ko sa mga Chua. Di siya sang ayon dito dahil nandadamay daw ako ng inosenteng tao. But, I have to do this once and for all, at alam niya yun.
"Why are you with her yesterday?" I askee back that made him chuckle.
"Wala naman. As I've said its nust a friendly date. Anyways, I have something to show you," kapagkuan ay sabi niya.
He showed me his laptop at nakita ko ang isang fb account where I saw all my pictures there. Pero ang name ay iba. It's Prince Zachary Kang. Kumunot amg noo ko. "What's this all about? Why are my pictures there?"
"That's the reason why I want to talk to you. Someone is stealing your pictures and posting it to this fb account. So naturally yung mga followers ng taong to,they thought this face is Prince Zachary," he said. Napaisip ako. Kaya pala nung pumunta ako sa DU sinabi nilang ako si Prince Zachary.
"Who the hell would do this thing? I can sue this person whoever is he," I said na nakapagpatigil sakanya. "Do you know already who is this person who is stealing my pictures?"
"Do you really want to know?" he said.
"Ofcourse. Who is he?"
Pinakita niya sakin ang picture ko na may hawak hawak na notebook na may pangalang Trishia. Wait, this is... Don't tell me...
"You wrote this yourself, right? Whoever took this picture of you most probably is the culprit," he said na nakapagpatanga sakin.
It's Athena. Kaya pala humihingi siya ng mga pictures sakin. So this is what she's doing all along.
Tumayo na ako at akmang aalis nang pigilan ako ni Angelo. "Don't do anything stupid. Just talk to her. Listen to her side," he said. Tinanggal ko ang kamay niyang humahawak sa braso ko at nagtuloy tuloy na sa labasan. I drove my car to Chua's mansion. Magtutuos kami ni Hera Athena.