Chereads / She's my Poser... / Chapter 15 - Chapter 15

Chapter 15 - Chapter 15

Athena's POV

Kasalukuyan akong nandito sa bar to drink. Nakaupo ako dito sa bar counter habang hawak hawak ang baso ng tequila. At dahil busy si Keiry ngayon because mamayang gabi na ang birthday party ng kanyang kuya, mag isa ako ngayon.

Nilagok ko ang nasa baso ko saka nagsalin na naman ng panibago. It's still 10 am in the morning kaya wala pa masyadong tao dito. Maya-maya lang ay may naramdaman akong umupo sa kalapit na upuan malapit sakin. Umorder din siya ng alak kaya napagsino ko kung sino siya.

"Oh, you're here," I said saka nilagok na naman ang alak sa baso ko. Mejo nahihilo na din ako pero di parin ako tumigil. Masyadong magulo ang utak ko ngayon kaya gusto kong magpakalunod sa alak.

"Why are you here at this early? May problema?" anito. Yes, I'm with Angelo today. Di ko alam pero dahil siguro sa kagustuhan kong may makasama ngayon ay nakalimutan kong kaibigan siya ng lalakeng yun. Ayaw ko na lamang ding pangalanan baka mas masisira lang ang araw ko.

"Do you know it too?" I asked him.

"About what?" he asked back innocently. Inisang lagok niya ang alak sa baso niya saka nagsalin ulit. Di ko naman alam kung talagang di niya alam o nagmamaaang maangan lang siya.

"About that Ethon. Or can I say Jechoniah Brylle?" I chuckled with full of disgust. "Ganun ba talaga sila maglaro? Just because they want to destroy us gagamit sila ng ibang tao? Manloloko sila for the sake of what they wanted," umiling iling ako saka ibinuhos ang natitirang laman ng bote sa baso ko.

"Actually, di ko alam at first. Pero kalaunan naman ay sinabi niya. But, believe me, he is not as bad as what you think," aniya na mas nakapagpagalit sakin. Not as bad as what I think huh? What a joke! Tumayo na ako para umalis sa lugar na yun pero dahil sa hilo ko muntik na akong matumba. Mabuti nalang at nasalo ako ni Angelo bago man ako bumagsak.

"Lasing ka na. Maybe, I'll bring you home," sabi niya habang akay akay ako.

Magpoprotesta pa sana ako pero napatigil ako nang makita ko ang kahuli hulihang tao na gusto kong makita ngayon. He is standing infront of us. Katabi niya ang babaeng papakasalan niya. Nakaangkas pa ang kamay ng babae sa braso niya. What a sweet scene we have here! Remind me to puke later.

"I saw her here. Iuuwi ko na siya," I heard Angelo said. Nakita kong napatingin naman si diyablo sa kamay ni Angelo na nakahawak sa bewang ko para alalayan ang bigat ko. But he didn't comment. Instead he just ignored us and walks past us kasama ang higad na nakaangkla sa braso niya.

So ganun lang yun? Pagkatapos niya akong pinagmukhang tanga, iiwasan niya ako? Magpapanggap na parang walang nangyari? Ha! I won't ler him!

Tinanggal ko ang kamay ni Angelo na nakahawak sa bewang ko saka ako naglakad papunta sa table kung saan sila nakaupo. Nagulat naman sila sa paglapit ko. Tinaasan pako ng kilay ng higad pero di ko pinansin.

Kinuwelyuhan ko si Jecho saka malakas na sinuntok sa mukha. Bigla namang napatayo ang higad.

"What do you think you're doing bitch?!" aniya saka akmang sasampalin ako pero napigilan ko ang kamay niya. Buong lakas ko siyang tinulak kaya napaupo siya sa sahig.

"Athena stop it will you!!" sigaw ni diyablo saka madali niyang inalalayan si higad patayo.

"You are distgustful don't you know it Ethon? Ahh, di nga pala yun ang pangalan mo. Jechoniah Brylle pala," sabi ko at pumalakpak pa. "Ang galing. Sobrang galing naman ng plano mo. So, may nakuha ka bang magpapabagsak samin huh? I'm sorry to tell you but you can't destroy us. I will not let you. And for your information, I am not backing out without a fight. Kahit anong gawin mo lalabanan kita. I will make sure you will fall in the ground ten times more," tinignan ko ng pataas baba ang babaeng kasama niya na akala mo naman katapusan na ng mundo kung makakapit kay Jecho saka tumalikod. Nag aantay naman si Angelo sakin. Mabuti naman at di siya nakialam baka siya pa ang pagbalingan ko ng galit ko.

Aakayin niya ulit sana ako pero I didn't let him. Nag lakad ako papunta sa parking lot. Nakasunod naman siya sakin. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan pero pinigilan niya ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa shotgun seat. Saka siya dumiretso sa driver's seat.

"You're drunk. Sa tingin mo ba papayagan kitang mag drive?" anito kaya huminga nalang ako ng malalim at sinuot ko ang seatbelt ko. "Do you like him?" he suddenly asked.

"What are you saying? Who likes who?" pabalang kong sambit sakanya.

"Jecho?" he shrugged saka tumingin sakin.

Pinakita ko sakanya ang kamao ko. "Gusto mo din bang matikman to?" sabi ko na nakapagpatawa sakanya.

"Ok, ok calm your shits down," he said saka nagsimulang mag drive. Nanatili na akong tahimik hanggang sa nakarating kami sa bahay. Bigla ko namang naalala ang birthday ni Kuya Kevin tonight.

"Hey," pagtawag ko kay Angelo na pinark ang kotse sa garage namin.

"Hmm?" he asked saka tumingin sakin.

"Be my date tonight."

Nanatili naman siyang tahimik ng ilang minuto saka ngumiti sakin. "Don't tell me you're using me to move on over Je---awww," aniya pagkatapos ko siyang sipain sa paa. "I'm just joking. Masyado kang highblood. Haha. Ok, ok, saan ba tayo magde date?"

"Remember the birthday of my friend that I told told you about last time? Ngayong gabi yun. Sunduin moko dito at 8 pm," I said saka bumaba na ng kotse. Lumabas din naman siya at binigay sakin ang susi ng sasakyan.

"Copy. See you later then," he winked saka naglakad na. Oo nga pala wala siyang sasakyan pauwi.

"Ingat ka!" pahabol kong sabi pero kaway lang ang sagot niya pero di na siya tumingin pa sakin.

Pumasok na nga ako sa loob at nakita dun si Mama na nakaupo habang may hawak na baso ng kape.

"Ma," I said kaya napatingin siya sakin.

"Nasabi sakin ng Papa mo ang tungkol sa pagpayag mong patakbuhin ang kumpanya. Is this because of that Jecho?" she asked me. Pinatong niya ang baso ng kape sa table at tumingin sakin ng diretso.

"Yes, I guess so Ma. Di ako papayag na mangyari ang gusto nila. This is about our family. I don't intend to just sit and watch what'll happen."

She nodded then smiled. Tumayo siya at lumapit sakin. Bigla niya akong niyakap. "I didn't think that you can be this mature. Tama nga ang desisyon ko," she said.

"What decision Ma?"

"Actually, alam ko na nung una ang pagkatao ni Jecho, thanks to my line of work, ofcourse. Pero I let him make his move. Alam ko namang pasasaan ba't malalaman mo din ang totoo. And I know the time you'll know it you will decide better for this family and our business, ofcourse," aniya. So, part din pala to ng plan ni Mama? It means isa akong accessory ng plano nila. Akala ko pa naman totoong nag aalala sila sakin at gusto nilang mapabuti ang pamilya namin. But then this is all about business.

Di nalang ako nagsalita at nag bow nalang sakanya saka naglakad papuntang kwarto ko. Naupo ako sa kama saka nagsimulang umiyak. Why is my life so complicated? Why do I need to be born with a silver spoon kung ganito din lang pala? Anak ba talaga ang turing nila sakin or just an investment?

Bigla ko namang hinawakan ang kwintas ko. I miss the old times. Nung dito pa umuuwi si Papa. We were so happy back then. What happened to our family? Di ko napigilang mapahikbi as I reminisce the times na magkakasama pa kaming kumain. The times when my parents will visit me in my room and have a late night chit chat with me. The times when we are still so happy. But now, I guess nawala na yun. Dahil sa kagustuhan nilang umangat, nakalimutan na nilang may anak sila.

Pinunasan ko ang luha ko saka humiga sa kama. I know I need to be strong. I have to. This is my life and I need to accept it whatever happens.