Chereads / She's my Poser... / Chapter 16 - Chapter 16

Chapter 16 - Chapter 16

Jecho's POV

"Tell me who is that bitch huh?!" Maui asked habang ginagamot ang dumugong ilong ko saka bibig. Ang lakas parin talagang sumuntok ng babaeng yun. I deserve it though. Kaya di ko siya masisisi.

"She's nothing important," sabi ko nalang para matapos na siyang magtanong. Di ko alam pero di ko maramdaman ang kasiyahan pag kasama ko si Maui. She's sweet, yes. Pinagluluto niya ako, even offering to massage me pag ganong pagod ako,pero still parang may iba. Parang may hinahanap ako na di ko alam. I thought I love her kaya I give this relationship a chance to blossom instead na isiping pure business lang. But, I don't feel anything. I don't feel that tingling sensation na gaya ng nararamdaman ko sa tuwing kasama ko si Athena.

Athena. That hits me. Do I like her? But that's absurd. Naalala ko na naman ang kamay ni Angelo kanina na nakahawak sa bewang niya. I wanted to punch him that time, but I controlled myself kaya umalis nalang ako.

"...for us to go tonight? Hey are even you listening to me?" iritado niyang tanong. Napabalik naman ako sa realidad. Kanina pa pala ako nakatanga.

"I'm sorry what are you saying again?"

"You're spacing out. Is there something bothering you?" she held my face pero bahagya akong umiwas.

"Masama lang ang pakiramdam ko. Nakausap mo na ba ang kailangan mong kausapin dito? I want to rest already," pagdadahilan ko. Sinamaham ko kasi siya dito dahil sabi niya may kailangan siyang i meet pero mula nang suntukin ako ni Athena di na niya ako iniwang mag isa.

"I will just come next time. Let's go na lang para makapagpahinga ka. You don't look good eh," aniya naman kaya lumakad na kami paalis.

Madami pa siyang mga sinasabi habang papunta kaming parking lot pero puro tango na lang ang sagot ko.

---------------------------------

Athena's POV

Nakaharap ako sa aking cabinet ng ewan ko, tatlumpo't minuto? I don't really know what to wear. Di ko kasi alam kung anong magandang isuot sa isang formal party. Di kasi ako pumupunta except pag family gatherings. Pero di naman nila ako sinisita kahit ano pang klasemg damit ang isuot ko.

After a couple more minutes, napagdesisyunan ko na lang na magsuot ng red long gown. Mejo masikip na ito sakin kasi matagal na na tong nakatambak dito. Sinuot ko na mga ito and I noticed that it hugged my curves. Grabe akalain mo yun may curves din pala ako. Haha. Who you ngayon sakin ang higad na fiancee ni diyablo. Though di ko naman sila makikita dun kasi simple family party lang yun. Di naman kasi mahilig sa tao yung kapatid niya. May sa maligno eh. Inimbitahan lang ako ni Keiry kasi kaibigan niya ako.

I matched my gown with a bloody red lipstick. Pefect. I grinned as I looked at myself in the mirror.

Lumabas nako sa bahay. Sakto namang narinig ko na ang busina ng kotse ni Angelo. Lumabas siya at sinalubong ako. Sumipol pa ang gago. Inirapan ko nga siya. Di naman ako aso, duh?

"Let's go?" sabi niya at inalalayan ako papuntang driver's seat ng kotse niya. We drove to Keiry's house.

Nakita ko ang maliwanag na paligid ng mansion nila pagkarating namin. Makikita na talagang pinaghandaan nila ang occasion na ito.

"Let's go inside," aya ko kay Angelo na abala din sa pagtingin sa paligid. Iniangkla naman niya ang kamay ko sa braso niya at naglakad kami papunta sa loob.

Madami ng tao ang nasa loob. Nilibot ko ang paningin ko at nang makita ko ang kinaroroonan ni Keiry, agad kong hinila si Angelo papunta dun.

"Kei!!" sigaw ko kaya napatingin naman siya sakin. Ang ganda ni Keiry sa suot niyang white cocktail gown. Lumitaw pa lalo ang kimis ng kutis niya. She waves at me ng makita ako,  pero tumaas ang kilay niya ng makita si Angelo sa tabi ko.

"Hi? Nice to see you again," ani Angelo kay Keiry na tinanguan lang ng isa. Di talaga kayang maging kumportable ni Keiry sa mga lalake. Kaya naiisip ko baka tomboy siya eh at ako ang crush. Hahaha.

"Mabuti naman at nakapunta ka. I thought you can't come after, you know what happened," sabi niya. Nakuwento ko na rin naman sakanya yung nangyari.

"You know naman na every year akong uma attend ng party ng kuya mo. Anyways, nasan siya? I want to give him my gift," I said and showed her the paper bag I'm holding.

"Oh, andun siya," nginuso niya ang madilim na parte ng bahay nila. "Ayaw niya maki party dito. You know, he prefers to be alone with peaceful environment."

I just nodded saka bumaling kay Angelo. "Antayin moko dito ah? Or you can find girls there. I bet madami kang mabibingwit dito," sabi ko.

"Nahh, you are enough for me," sagot niya sakin na may pakindat pa. Galawang playboy talaga eh.

Pinakita ko ang nguso ng kamao ko sakanya pero tumawa lang siya. Iniwan ko nga siya dun at lumakad papunta sa parte kung saan naandun si Kuya Kevin. Actually apat na taon ang agwat ng age nila ni Keiry. Pareho sila ni Jecho ng age. Umiling iling naman ako nang maalala na naman ang diyablo na yun.

Mejo madilim na sa parteng ito ng bahay kaya mahirap nang maaninag ang paligid. Luminga linga ako at saktong nakita ko siyang nakatayo at nakatanaw sa labas ng bintana.

Tumikhim ako pagkalapit ko sakanya para kunin ang atensyon niya. Tumingin nga siya sakin with those cold eyes. Para bang matutunaw ka nalang sa lamig ng mga titig niya. Kung di lang siya kapatid ni Keiry aakalalin kong halimaw to eh. Pero di naman maipagkakailang gwapo siya. Sobrang gwapo to be exact. Siya nga kaya ang isusunod kong iposer?  Haha.

"Why are you here?" malamig niyang tugon kaya napapitlag ako. Nanigas ang aking katawan ng masalo ko ang brownish cold eyes niya.Nakakatakot talaga amg presensya niya. Sino bang hindi? Parang there's something about him na nakakangilag, nakakailang o nakakatakot.

"A-ahh...ehh...h-here. My gift for you. Happy birthday," nakagat ko pa ang ibabang labi ko ng tanggapin niya ang paper bag na bigay ko.

"Thanks," aniya na bahagyang yumuko upang magpantay ang aming mga mukha. Inaaninag siguro niya ang mukha ko. Ang kamay niya ay nanatiling nasa kanyang bulsa. Pano ba naman hanggang ilalim lang ako ng baba niya dahil sa sobrang tangkad niya. Imagine, naka heels nako sa lagay na to ah?

"I'm...Athena. K-keiry's friend," pagpapakilala ko baka nakalimutan na niya ako. Wengya, kelan pa ko kinabahan ng ganito?

Tumayo na siya ng maayos nang mapagtanto niya kung sino ako. "You can leave," sabi niya na binalik na naman ang tingin sa bintana.

Pero di pa ako umalis. Tumayo din ako paharap sa bintana. Tanaw na tanaw dito ang buong city. Napakaganda. Nakakarelax ang ambiance. I stayed there for a couple of minutes. Di din naman nagsasalita si Kuya Kevin eh.

Pagkuan ay tumingin ako sakanya. Ang tingin niya ay nanatiling nasa labas ng bintana. "I hope you can enjoy your day. I don't know what life you have behind that poker face, but believe me, if you just learn to appreciate the life you have and those people who loves you, you can be better. You can feel better," sabi ko. Ewan ko kung saan ko hinugot ang lakas ng loob upang sabihin ang mga salitang yun pero sige, bahala na. Basta nasabi ko ang gusto kong sabihin sakanya.

He just looked at me as though I'm the most annoying person na nakilala niya. "Leave," aniya kaya napalakad ako patalikod.

I bowed at him saka nagmadaling bumalik sa party. Wooh! Nakahinga ako ng maluwag nang nawala na siya sa paningin ko.

"Oh, okay ka lang? Bat namumutla ka?" tanong ni Angelo na andito na pala sa harap ko. May hawak hawak pa siyang bote ng alak at bahagyang sumasayaw.

"Teka, lasing ka ba?" tanong ko sakanya pero umiling lang siya.

"Nope. Pero may kilala akong sobrang lasing na," may patawa tawa pang sabi niya.

"Huh? Sino?" takang tanong ko. Tinuro naman niya ang lalake na nakaupo habang nakapikit ang mata at gumegewang ang katawan sa musika. "T-teka, Ethon?! I mean Jecho? Bat nandito yan? Saka bat lasing na lasing siya?" gulat kong tanong.

"Pumunta siya dito nang lasing na. Kaya ayan," kibit balikat namang turan ni Angelo. "Hinahanap kita kanina pero wala ka kaya diko masabi sayo. Saka magpapaalam din sana ako sayo na mauuna na ako kasi dumating daw si Mommy kanina. I need to go home."

"Wait, e pano yan?!" angal ko saka tinignan na naman si Jecho na ngayon ay nakapatong na ang ulo sa lamesa.

"May kinuha na akong taxi. Ipapakiusap ko nalang din sana siya sayo na ikaw na ang mag uwi," sabi pa niya na nakapagpagimbal ng mundo ko.

"Wait,what?? You want me to take that douchebag home? Are you even serious?!"

"Yes, I mean, di naman sana kaya lang wala naman akong choice. I need to go home Athena. Please? Just this once, please?"

Nagpameywang ako saka matalim na tinignan si Angelo. "Take him inside the taxi then. Magpapaalam lang ako, " sabi ko na lang. Pinuntahan ko si Keiry at nagpaalam na.

I went inside the taxi. Nasa loob na din ang lasing na diyablo. Nagpatakbo ang driver at tinigil niya sa harap ng isang condo. This might be his condo.

Tinulungan naman ako ng driver hanggang sa maipasok sa loob si Jecho. Binigay naman din ni Angelo ang passcode ng bahay kaya nabuksan ko.

Akay akay ko siya nang bigla siyang natumba kaya napasigaw ako. Heto na naman ang eratikong tibok ng puso ko nang magdikit ang aming katawan. Yun bang parang may kumililiti sa aking kalamnan? This is a foreign feeling for me na pilit kong isinasantabi.

Buong lakas akong sumubok tumayo at sa wakas naitihaya ko na din siya. Hiniga ko siya sa kama. Mabuti naman at naihiga ko na siya. Di ko naman maiwasang pagmasadan siya. Napakaamo ng mukha niya pag tulog. Oo pag tulog lang kasi mukha na siyang demonyo sa paningin mo pag gising siya.

Pero di ko maikukubling namiss ko ang presensiya niya. Namiss ko ang tawa niya, ang ngiti niya, ang boses niya. Alam ko na magbabago na ang lahat pagkatapos nito. Magiging magkalaban na kami.

Naramdaman ko naman ang pagkilos niya na tila ba naiinitan siya sa suot niyang damit. Lumapit naman ako sakanya para tanggalin ang suot niyang damit para mapreskuhan siya. This is just like a dejavu. Nangyari na din to nang makita ko siyang puro sugat ang katawan. Bigla ko namang naamoy ang pabango niya. Ambango din talaga ng kulugo. Kahit na may naaamoy na alak sa hininga niya pero di rin matatanggal ang panlalakeng amoy niya.

Binihisan ko siya saka ako tumayo para umalis na. Tatalikod na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. "Dont go. Stay with me," aniya kaya napatingin ako sakanya. Nakapikit parin siya.

I sighed saka umupo ulit sa kama niya. Ano nga kayang nangyari at naglasing siya? Nag away kaya sila ng fiancee niya? Bigla naman akong nabahala ng maisip yun baka bigla siyang pumunta dito. Pero ayoko din namang iwan siyang mag isa.

Nagdesisyon nga akong mag stay nalang muna dito. I stayed by his side the whole night not minding what kind of relationship we have right now. I just want to be with him. Even for the last time.