Chereads / She's my Poser... / Chapter 13 - Chapter 13

Chapter 13 - Chapter 13

Athena's POV

"So, ano nga? What will you do if ever malaman ni Ethon na pino poser mo siya? You know that's very possible since sabi mo nga magkaibigan yung Angelo and si Ethon," Keiry said while eating chips. Nandito kasi kami ngayon sa kwarto ko and she's here to have a chit-chat with me since matagal din kaming hindi nagkausap dahil sa mga unexpected situations.

"I don't know. Di ko pa naisip yan eh. Maybe I'll just use my charms at him nalang din," I said then shrugged. Truth be told, di ko talaga alam pano mag re react pag nangyari na nga iyon.

"That's unlikely possible though. Because first, di ka naman charming, second, may girlfriend na siya as what you told me."

Binato ko siya ng chips sa mukha. Psh. Wala man lang ka support suppory sakin. "Don't ever doubt my charms becau---"

Di ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Ethon na madilim ang mukha. Yun bang parang napapaligiran siya ng itim na aura? Gahh, so creepy.

"Let's talk. Privately," sabi niya kaya napatingin si Keiry sakin. Tumango na lang ako kaya lumabas na siya.

Lumapit naman si Ethon sakin ng unti-unti. "The reason why you wanted my pictures so much, that is to post it in your fake account, Prince Zachary Kang, right?" sabi niya na nakapagpanganga sakin. So alam na niya? Sinabi na ba ni Angelo sakanya? Nalaman na nilang ako yun? Omg ito na nga ba ang sinasabi ko. Di ko to napaghandaan. Mukhang di rin gagana ang charms ko ngayon sakanya kasi sa mukha niya palang baka imbis mahulog siya sa bitag ko eh ako ang mahulog kay kamatayan.

"T-teka. L-let me explain. You know k-kasi---"

Napaigtad ako ng malakas niyang kinalampag ang mesa sa harapan ko. "Do you know that I can sue you for this? You're stealing my pictures and posting it using a fake name?! Kaya ganon na lang ang reaction ng mga tao sa school mo because of this!" sigaw pa niya sakin. Napatungo na lang ako.

"I'm sor---"

"You're unbelievable. I know that you are childish but I didn't expect that you can be this pathetic to do this kind of act Athena," napakagat ako sa labi ko para pigilan ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Nasaktan ako sa mga salita niya. I didn't expect that I can hear such cruel words comming from a person not even related to me.

"G-gusto ko lang namang may mapaglipasan ng panahon eh. D-di ko naman sinadya na ang picture mo ang---"

"So, you are doing this for a long time now huh? Not even my pictures, you did use other pictures aside from mine," he said and messes his hair in frustration. "Deactivate that account now."

"D-deactivate? Ngayon na? P-pwede bang bukas na la---"

"Now," he said with finality. Hayss, sayang ang account na yun. Ang dami ko ng followers dun eh. Nakabusangot akong binuksan ang laptop ko. Sakto namang ang account ni Prince Zachary ang nakaopen. Naramdaman ko namang nasa tabi ko na si Ethon at tinitignan ang account kong fake. "Do it. Now," he said again.

Wala na akong nagawa kaya pinindot ko na ang Deactivate. Wala na yung madaming followers ko. Wala na yung madaming likes at comments. Huhuhu.

"O ayan na wala na," sabi ko na nakabusangot parin ang mukha.

"Look, do you know what you're doing? This is a crime Athena! You can be put to prison for this. Pano kung hindi pictures ko ang ginamit mo? Pano kung yung iba yun at nalaman ang ginagawa mo? Are you even thinking?" sermon pa niya sakin. Wala na bang katapusan ang panenermon niya?

"D-di lang naman ako ah! At saka... May iba pang gumagamit ng pictures mo!" sabi ko nang maalala si Jechoniah Brylle. Sakanya ko naman kinuha mga pictures niya eh.

"And who is that?" kunot noo niyang tanong sakin.

"Si Jechoniah Brylle Kang. Sakanya ko kinuha mga pictures mo. Siya yung naunang mag poser sayo kaya," sagot ko. Tama naman eh sakanya ko nakuha mga yun kaya siya dapat ang masisi dito.

Naramdaman ko namang napatigil siya sa sinabi ko. "What did you say?" he asked me.

"Totoo nga! Sakanya ko kinuha mga pictures mo! I check pa natin account niya!"

Napaigting ang paa niya saka umiling. "Don't mind. Don't ever do this kind of thing again," he said saka lumabas na.

"Psh, ano kaya yun," bulong ko saka umupo sa kama ko. Wala na ang account ni Prince Zachary. Hayss.

---------------------

Maaga akong nagising ngayon kasi start of the week again. I did my morning routine saka lumabas ng kwarto para kumain. Mag isa na naman ako ngayon kasi maaga si mama umalis at wala si Ethon sa di malamang dahilan.

After I ate, lumabas nako at pumasok sa kotse ko. I start ko na sana ang kotse nang mag ring ang phone ko. I connected my call to my earpods sa sinagot ang tawag.

"Hello?" pagsagot ko at inistart na nga ang sasakyan ko.

"Wag ka munang pumasok ngayon," sabi ni Keiry habang halata ang paghingal niya.

"Huh? Bakit?" taka kong tanong.

"Alam na ng buong university na poser si Prince Zachary at ikaw ang nagpoposer! Nagkakagulo ngayon dito saka nagwawala si Trishia," sabi niya kaya bigla akong napapreno.

"What?! T-teka pano nangyari yun? Sinong nagsabi ng mga ganun?" malakas ang kabog ng dibdib ko. Its my first time na mabuking ng ganito kalala.

"Di ko alam! Basta wag ka munang pumasok ngayon ok? "

Huminga ako ng malalim. Hindi. Di ko tatakasan to. Di ako magpapatalo sa kahit sino man sakanila. Ako ata si Hera Athena Chua.

"No. I'm going to face them all," I said at pinatay na ang tawag then drives to DU.

Kahit malakas ang kabog ng dibdib ko, di ako tumigil. I went out my car then walks towards the gate. Madaming mga babae ang nandun. Halos mapuno na nila ang buong entrance. Huminga ako ng malalim saka lumakad ng taas noo.

"So here comes the bitch," may narinig akong nagsalita pero di ko pinansin. Di naman ako bitch eh.

"Ang kapal din talaga ng mukha niyang magpakita dito pagkatapos ng panloloko niya? How pathetic."

"You're right. Nakakahiya. Isa pa namang newscaster ang mama niyan tapos ganyan siya. Like eww, she's a freak. "

I gritted my teeth and looks at them. Pinukol ko sila ng masamang tingin pero di sila nag iwas ng tingin sakin. May isa pa ngang nag dirty finger sakin and mouthed 'bitch' at me. Lumapit ako sakanya at akma ko na siyang suntukin sa mukha nang may isang kamay na humawak sa kamay ko. Bahagya pa niyang pinisil ito.

I looked at him and I saw his serious face. "E-ethon," mahina kong sambit.

"Let's go," he said at bahagya niyang hinila ang kamay ko. Nagpatianod nalang ako sakanya. Di ko alam pero naiiyak ako ngayon. Ako kasi ang may kasalanan ng lahat pero eto siya at tinutulungan ako.

Nakatungo ang ulo ko habang sumusunod sakanya. Umakyat kami sa hagdan papuntang rooftop. Nang marating namin ang rooftop ng university, binitawan na niya ang kamay ko.

"S-sorry," kapagkuan ay sabi ko sakanya. Di siya nagsalita pero tumitingin siya sakin. "S-saka thank you."

"Are you okay?" tanong niya na nakalapit na pala sakin. Bahagya niyang pinunasan ang pisngi ko. Tumulo na pala talaga ang mga luha ko. I didn't intend to be weak. It's just that I felt guilty. Siya yung unang tao na dapat magalit sakin pero heto siya at dinadamayan ako sa sitwasyong bunga ng kalokohan ko.

"N-no, I'm not. I-i just... Feel guilty. I didn't know na ganito pala kalala ang resulta ng kalokohan ko. Di ko to inasahan," pag amin ko.

He sighed and taps my shoulders. "Don't worry I'm not mad at you anymore. Saka I am already doing something para matigil ang mga chismis about you. Just promise me one thing," he said and looks at me in the eye. "Don't do this kind of things again. Hindi to maganda, especially you are a future announcer of truth. And a media person shouldn't mess her name," dagdag pa niya saka ngumiti.

I just nodded. "P-pero sino ang nagpakalat ng about dito?" tanong ko. Isa lang ang alam ko at si Angelo yun since siya din ang nagsabi kay Ethon. Pero magagawa nga kaya niya to?

"Angelo said someone hacked your account and get the IP address. We are still tracing kung sino yun but still of no avail. We suspect that he is studying here too since mostly if not all na followers ng account mo na yun is nag aaral dito," paliwanag niya. So, di pala si Angelo yun. Kung hindi siya, sino?

"I want to know whoever he is. Sa tagal ko na sa larangamg ito ngayon lang ako napahiya ng ganito. I won't back out. Ako ata si Hera Athena Chua," puno ng kumpiyansa kong sabi.

"Don't ever try to do so something stupid. I'm telling you Athena," banta naman ni Ethon sakin but that made me smile more. Why do I feel that he cared for me? And why do I feel that I'm starting to like him more? Should I entertain this foreign feelings? Or should I cast it away?