Jecho's POV
"Dad, andito na ako," I said as I sat infront of him. Nandito kami ngayon sa isang restaurant kung saan pinapunta niya ako because of some important matters daw to tackle. Minsan lang ako ipatawag ng daddy ko at ang mga times na yun asahan mo nang may pasabog na naman siyang sasabihin.
Tinupi niya ang binabasang magazine saka tumingin sakin. "Pinatawag kita because I have an announcement to make," panimula niya.
"I'm all ears dad."
"I want you to abort your mission at the Chua's," he said kaya napatigil naman ako.
"Why dad? I thought we need something from them?" I asked. Naguguluhan ako sa takbo ng isip ng aking ama.
"I have a bigger plan so that we can equally compete with them and that we can gain the 1st spot again. But still, we need that chip. Di ako papayag na hindi nakakapaghiganti. I will deal with that child. I will get the chip from her," he said. Bigla namang nag igting ang panga ko. I knew it, he is planning something more cruel. This is getting out of hand.
"But dad, I told you that I can get the chip,right?just give me enough time. Malapit na din akong magtagumpay," I said. Di ako papayag na may madamay na inosenteng tao dahil dito. Oo nga at galit ako sa mga Chua. I want to have my revenge to them pero ayoko din na manakit ng ibang tao sa pisikal na paraan. Specially with Athena. She's too innocent to be involved in our family feud. Gaya ko nadamay rin lang siya sa problema ng pamilya namin.
"May iba ka nang dapat pagkaabalahan Jecho. The daughter of Mr. and Mrs. Sy came back from Paris yesterday. Napag usapan na din naman ang kasal niyo. It will be a great opportunity for us to merge with their company. In that way we can defeat the Chua's. We can be on top again." What?! He is planning to tie me up in a business marriage? This is insane!
I grips my hair in annoyance. "Look, dad, I am not into marriage yet. Saka what kind of plan is that? You want me to marry someone I don't even know? No, I will not do it," I said at akmang tatayo na.
"Sit down Jechoniah Brylle. Darating siya ngayon. You will meet her in a while. And diba ito naman ang gusto mo? Ang makawala na sa bahay ng mga Chua? You will not be involved in their life again. Ang gawin mo nalang ay pamahalaan ang kumpanya natin. The merge is our only hope."
Napahinga ako ng malalim saka umupo ulit. Sa mga pagkakataong to ako mas nagsisisi na naging miyembro ng pamilyang to. Wala na silang alam kundi ang business. Di na nila naisip ang mga taong pwedeng maagrabyado para lang sa karangyaan at katanyagan.
"Ok then, I will marry whoever she is. But then can you promise me to let Athena alone? Wag na natin siyang idamay dito pwede?"
Tinignan naman ako ng ama ko ng seryoso. "You know I need the chip from her, right?"
"Let me handle it. I have my ways to get it but please, don't hurt her in any way. I promise I will help you in making the merge possible," sabi ko. Alam kong wala na din akong kawala dito. But I have to make the right move.
"Don't tell me napapalapit na ang loob mo sa batang yun? You know you can't do that. Anak siya ng sumira sa pamilya natin. Ke inosente siya o hindi she is still an enemy. I don't think you forgot about it Jecho."
"Just...just this once please, Dad? I am doing everything I can for the company. For our family. So, can you atleast do this for me?" pakiusap ko sakanya. Di ko alam bakit ayokong mapahamak si Athena. What I know is that I wanted to ptotect her. Even when it means I have to be away from her.
He sighed in defeat. "Okay then, that's a deal. Just be sure you will make the merge possible," he said na tinanguan ko lang. This is it. Wala ng bawian. I have to face a different path from now on.
"Oh, here she is," kapagkuan ay sabi ni dad saka tumayo. Sinalubong niya ang babaeng kadarating lamang. Napako naman ako sa kinatatayuan ko oras na nagtagpo ang aming mga mata. Those twinkling eyes, and sweet smile. That angelic face. Kilalang kilala ko.
"Jecho, I missed you," she said at naglakad papunta sakin. Di ako makapagsalita. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Gano ko nga ba hinangad na mayakap siya? Gano katagal ko nga bang hinintay na makita siya ulit?
"Maui," bigkas ko sa pangalan niya. Nakangiti naman niya akong tinignan. Ilang taon na ba ang lumipas nung huli kong makita ang mga ngiting yan? Siya lang naman ang babaeng una kong nakaramdaman ng pagmamahal. Pero di ko manlang naiparamdam yun. She left me the time I am ready to be in a relationship with her.
"I thought nakalimutan mo na ako," she chuckles and ruffles my hair. "Still cute as ever huh?"
"So you knew each other already? That's great para di na kayo mahirapan pang pakitunguhan ang isa't isa," my dad said. "Let's eat. C'mon have a seat Maui, iha."
"Thanks po tito," aniya na saka umupo sa tabi ko. Nanatili lang akong tahimik since di ko parin magrasp ng mabuti ang mga bagay-bagay. Yung pangarap ko dati na magpakasal sakanya. Na sakanya ko nakita ang future na inaasam ko. Ngayon mangyayari na. I will be marrying her. Dapat na ba akong maging masaya?
"Napag usapan na namin ng parents mo iha yung tungkol sa kasal niyo. I know nasabi na nila sayo yun. We will be officially announcing the date of the wedding as early as this week," dad said.
"Really tito? That would be great since magkakilala naman na kami ni Jecho. I am not new to this kind of scenario pero laking pasasalamat ko na ang bagsak ko ay sa lalakeng alam kong aalagaam ako. Right Jecho?" she asked me kaya napatingin ako sakanya.
"H-ha? Ah... Yeah, I guess," yun nalang ang nasabi ko since I really don't understand how I feel. Maybe, this is for the better then. This way we can be on top again. Eto naman ang gusto ko from the start eh. I have to make this merge possible. This is the only possible thing I can do to protect Athena.
--------------------------------
Athena's POV
Three days had passed at naging matiwasay na ang lahat sa DU. Wala nang nagmumura sakin. Wala nang mapanuring tinging pinupukol sakin. Wala nang bumanggit tungkol kay Prince Zachary. At wala na ring Ethon na nagpakita sakin. Sabi ni Mama nag resign na daw siyang tutor ko. She even said that there are rumors about him kaya wag ko na daw siyang hanapin. Di ko alam anong nangyari. I tried contacting him pero di niya sinasagot.
I sighed. Sabado ngayon, but I don't feel happy at all. I feel so alone. I went to the kitchen and gets myself something to drink saka ako pumuntang sala. I opened the tv at saktong nakita ko si Mama na nag ca cover ng news. Nilakasan ko ang volume para marinig ko ang sinasabi niya.
"Kinumpirma ng Chairman ng Villas Group of Companies na si Mr. Garry Villas ang pagpapakasal ng kaisa isa niyang anak na si Jechoniah Brylle Kang-Villas kay Mauu Laveign Sy, ang anak ng sikat na businessman ng Asia na sina Mr. And Mrs. Johnson Sy. Napag-alaman din na si Jechoniah Brylle ay lihim na CEO ng kumpanya nila ngunit hindi siya naipakilala..."
Nabitawan ko ang hawak kong baso nang makita ang larawan ni Ethon at ang isang sopistikadang babaeng di maikakailang napakaganda. Magkahawak kamay pa sila habang ngumingiti sa camera. Nanginginig ang mga kamay ko at umiinit ang sulok ng mata ko. What's this all about? Ibig sabihin hind Ethon ang pangalan niya? Kung ganun... Niloko niya ako. Niloko niya kami. Siya pala talaga si Jechoniah Brylle. Yun pala ang totoo niyang pangalan. Alam ko na ang Villas Group of Companies ay kalaban ng kumpanya ni Papa. Noon pa lang pinapaalalahanan na ako nila ukol sa mahigpit nilang labanan sa pagiging numero uno sa larangan ng business.
Ang ibig sabihin nagpanggap lang siya. He did this to gain something. Para mag espiya sa amin. Lahat ng pinakita niya sakin di totoo. The care he showed me. Yung mga ngiti niya sakin. Though di naging maganda ang simula namin pero naging mabuti siya sakin. Pero lahat pala yun hindi totoo. Lahat yun parte ng plano niya.
Napakuyom ang kamao ko. He is a devil. He is a total jerk. Di ko siya mapapatawad sa ginawa niya samin. I will definitely destroy them. Pinunas ko ang tumulong luha sa aking mga mata. No, he doesn't deserve any ounce of my tears. Tapos naisip ko pang gusto ko siya? The heck.
I dialled my dad's number. Sinagot naman niya in one ring.
"Hello, princess, bakit ka napataw---"
"Pumapayag na ako sa gusto mo. Give me any position in the company," I said. Matagal na niya akong kinukumbinsi na mag trabaho sa kumpanya. He said I can be the CEO pero dahil bata pa ako being a Director is a good starting point. Ako lang ang inaasahan niya kasi wala naman siyang anak na lalake but I turned him down many times. I'm not into business. I don't want to involve myself in such messy place. Pero this time, I have to play the game. Pamilya ko na ang kinanti. Magkamatayan na pero I will not let them destroy my family.
"Are you sure anak? How about your studies?"
"I can enrol into open university and just do modules. Di naman yan problema. Just give me the position," I answered. Buo na ang pasya ko. This is war.
"Ok, ok. But you will undergo training . The board is asking for a new CEO since I am not getting younger. Ikaw ang sole heiress ko kaya sayo ko lang dapat iwan ang kumpanya. I will just stay as the Chairman and will guide you all throughout," anito. Mas mabuti yun. Mas maaga akong magiging CEO mas marami akong mapag aaralan about sa kumpanya.
"Ok. Give me that position then Pa," I said at binaba na ang tawag. I dialled Keiry next. I wanted to drink today.