Jecho's POV
Nakaupo ako sa harapan ni Dad dito sa meeting room niya sa mansion. "What is this meeting about Dad?" I said as I look at his serios face.
"How is your mission at the Chua's?" kapagkuan ay tanong niya sakin. So this is all about my mission huh?
"Its ok dad. Everything is under my control," I said. Totoo naman. Alam kong malapit na. Konting push pa at makukuha ko na ang tiwala ni Athena. Di ko man maipagkakailang nagkakaroon na siya ng epekto sakin, pero di ako dapat magpaapekto sa nararamdaman ko. Pamilya namin at business ang nakasalalay dito.
"Good. May nakapagsabi sakin na hawak daw ng anak nila ang isang chip. Ang chip na yun ang naglalaman lahat ng tungkol sa business ng mga Chua. And if I say all, lahat pati baho nila. I want you to get it as soon as possible," he said and sips his coffee.
Chip? Di ko akalaing mayroon palang ganun. "Okay, I'll find it. Don't worry Dad," I said.
"Remember, she is your mission. Kung hindi mo yun makukuha, I will definitely get it, whatever means I can. Even if i needed to kill her," sabi niya na nakapagpakuyom ng kamao ko. Alam kong mahal ni Dad ang kumpanya pero di ko alam na kaya pala niyang pumatay para dito.
Di ako sang ayon sa plano niya. Dapat kong makuha yun bago siya makapag isip ng ibang gagawin kontra kay Athena. "I will be going Dad. Kailangan ko pang itutor si Athena," sabi ko at tumayo na. I needed to make my move.
He just nodded kaya lumabas na ako ng kwarto. I get my phone from my pocket and dialled Michael, my private investigator and IT analyst. "I want you to track Hera Athena's every move. I don't care whatever means you will do. Basta gusto ko lahat ng galaw niya at lahat ng pupuntahan niya alam ko," I said at binaba na ang tawag.
Kailangan ko siyang i monitor. That way maybe I can get ideas where is the chip.
Or you just wanted to ensure her safety? Sabi ng kabilang parte ng utak ko. Well, we can say that. Ayoko din na may mangyaring masama sakanya. She's innocent to all of this. Though she's involved. But I need to protect her from my Dad.
Dumiretso ako sa bahay ng mga Chua. Nakita ko naman si Athena sa kusina na mag isang kumakain.
"Where's your mom? Bat mag isa ka?" I asked her saka lumapit sa kinaroroonan niya. I sat infront of her.
"Work, maybe?" she shrugged at tinuloy ang pagkain. Minsan naaawa din ako sakanya. Kinakaya niya lahat mag isa. From the very start I though she is pampered with love and attention since she's their only princess. Pero kabaliktaran pala nun ang katotohanan. I admire her strong will.
I decided to join her. Kumuha ako ng plato saka ako naglagay ng kanin. She is looking at me hanggang sa magsimula akong kumain. "What?" I asked.
She just shakes her head and smiled at me. Natameme naman ako sa ngiti niya. That was a real smile. A genuine one. First time kong makitaan siya ng ganong ngiti since nagkakilala kami.
"Ano? Inlove ka na ba sakin? Sorry ka di kita type," she said at uminom ng tubig.
"No way. Di ka naman chix," pang aasar ko sakanya sabay ngisi.
"Di ka rin naman hunk. Baka nga maliit din yang pututoy mo eh," she said na nakapagpasamid sakin. What the hell??
"Wanna see? Baka pagsisihan mo yang sinabi mo," I said na nakapagpalaki ng mata niya. Haha. Sabi na nga ba pikon to eh.
"Pervert!!!" padabog siyang tumayo at sinipa pa ang table kaya natapon ang baso ng tubig sa damit ko. Sa kabrutalan talaga siya magaling.
I immediately stands up ng maramdaman ang malamig na tubig sa damit ko. Bwisit talagang babae to.
Athena's POV
I am laughing hard habang papasok ako sa study room ko. There's no way he can beat me. I am Athena and I don't accept defeat.
I grinned as I saw him walks to the room. Nakapagpalit na siya ng damit. Masama parin na tingin ang pinupukol niya sakin.
"Let's start," he said coldly saka nagsimulang buklatin ang libro. He is explaining about advanced arithmetic sakin. Alam ko na to kasi katatapos lang namin i discuss pero bagsak parin ako sa quiz namin. Di naman bagsak baka 1 point nalang bago mabagsak. Haha. Kaya my professor told me to have a special quiz para tumaas ng score ko. Kinausap ata siya kasi ni Mama na pagbigyan pako ng isa pang pagkakataon. Perks of having a well known mother.
So back to reality, nakatingin ako ngayon sa lalakeng busy sa pagsasalita sa harap ko. Tinukod ko ang braso ko sa table at minasdan siya. He has this tantalizing eyes that can capture anyone's attention. Mahaba ang pilikmata niya saka matangos ang ilong. I look at his lips na nagbubukas sara dahil sa pagsasalita. He has naturally red lips. Napaka kissable. I absent-mindedly wets my lips with my tongue.
"Ayy lips!!" naisigaw ko sa gulat ng marinig ko ang pagkatok ng kamay niya sa table.
"Are you even listening to me?" he said na nakatingin na pala sakin.
"H-ha? O-oo. Hehe. Nakikinig kaya ako sayo," I smiled sheepishly saka kinaltutan amg sarili ko sa pag iisip ng kung anu-ano.
"Okay then. Answer these questions. Be sure makuha mo lahat yan para pagdating ng special quiz mo makapasa ka na," he said and handed me the notebook with 10 questions in it.
I blinked as I saw the questions. Ang hihirap naman neto. Kailangan ko pang humugot ng malalim lalim na kasipagan para sagutan ang mga ito.
Napasimangot ako. "Ang hirap naman ng mga ito!" reklamo ko saka kinuha ang ballpen ko.
"Madali lang yan. Kung nakinig ka sakin masasagot mo yan," aniya saka sumandal na sa upuan at humalukipkip na tumingin sakin.
Pano ako makikinig e busy ang mga makasalanan kong mata sa pagtitig sayo? Anang isip ko kaya ako napangisi. Tumingin ako sakanya na ngayon ay busy sa pagtipa ng phone niya.
Di ko na naman matanggal ang mga mata ko sakanya. Bakit kaya ganito ang epekto niya sakin? Di pa kami ganun katagal magkakilala pero parang ang lakas na ng hatak niya sa nararamdaman ko. Di ko maitatangging crush ko siya. He is so handsome kasi. Napakaputi at kinis pa ng balat niya.
Pero on the other side, di ako pwedeng magkagusto sakanya. Bukod kasi sa ayaw ko ng complications sa buhay ko, ayoko ding matulad kay Mama na dahil sa pagmamahal di na niya makita ang mali. Ayokong maging tanga dahil sa pag-ibig. Love is just like a poison. Pag nahulog ka na dun, yun na ang unti-unting papatay sayo.
I sighed saka tinutok nalang ang mata ko sa sinasagutan ko.
"Tapos mo na ba?" kapagkuan ay sabi niya sakin. Mag iisang oras na pala akong nagsasagot. Nangangawit na rin ang kamay ko sa pagsusulat. Tinignan ko ang sinasagutan ko at nasa number 5 palang ako.
"E sa dami ba naman ng tanong mo matatagalan talaga ako," nakasimangot kong sabi. Di ko kasi maintindihan bat may Math pang subject e di naman kailangan yun pag naging newscaster nako. Di naman nagsasagot ng arithmetic si Mama eh. Bunganga naman ang puhunan niya at di ang mag isip ng mga formulas. Para sakin ok lang mababa ang grades ko sa minor subjects basta mataas sa majors ko. Binaba ko ang ballpen saka ako nag inat. "Pwede bang bukas na lang yung iba?"
Kinuha naman niya ang notebook at tinignan ang mga sagot ko. "Lahat to naexplain ko kanina pero sa limang nasagutan mo dalawa lang ang nakuha mo na tamang sagot," he said. E sa nakakatamad talagang mag isip eh. Kung sana may inspiration ako para mag isip ng mabuti. I grinned ng may naisip ako.
"Sasagutan ko yan lahat at sisiguraduhin kong tama pero sa isang kondisiyon," I said saka nakangiting tumingin sakanya.
"Yan ka na naman sa kondisiyon mo. Di ka ba talaga makakasagot ng mabuti ng walang mga kabaliwang naiisip?" sabi niya.
"E sa kailangan ko ng reward eh. Di mo ba alam ang salitang positive reinforcement? Kailangan yun para yung estudyante mo mas ma motivate na magsagot," taas noo kong sabi sakanya.
"E di sana nag teacher ka at di nag mass com. Baliw," anito na nakapagpabusangot na naman sakin. "O sige ano bang kondisiyon ang kailangan mo para mawala yang busangot mo? Nagmumukha ka na namang chimpanzee eh," kapagkuan ay sabi niya.
I grinned at my success. "I want you to give me pictures of yours," sabi ko na nakapagpalukot ng mukha niya.
"Pinagpapantasiyahan mo ba talaga ako?" nakangiwing sabi niya.
"No way! Kailangan ko lang yun sa major subject ko! Sige na, I promise makakapasa ako sa special quiz ko," tumango tango pako sakanya.
Tinignan niya ako na parang pinag aaralan ang mukha ko then sighed. "Ano bang klaseng picture ang need mo?"
"Kahit ano ok lang. Pero kung may picture kang naka boxers, mas ok pa," I grinned.
Tinuktukan niya ang ulo ko ng ballpen. "You have dirty mind there, huh?" he said saka binigay ang phone niya sakin. Napaawang naman ang labi ko. Really? He is giving me access to his phone? "Wala akong nude photos diyan. Wag kang umasa," he grinned at ako naman ang nalukot ang mukha. Like ewww naman to. Kala mo naman gustung gusto kong makita. Slight lang naman. Hahaha.
I get his phone at dumiretso sakanyang gallery. Dalawa lang ang album na nandito. Isa is Only Me at isa ay Me and My Special Girl. Napakunot ang noo ko ng mabasa yun. So may gf siya? Sinubukan kong i open yun pero it requires password. Di ko alam pero parang may konting kurot sa dibdib ko. I sighed saka dumiretso nalang sa Only Me album niya. Ang dami niyang pictures dito. Bat kaya di niya pino post sa fb niya? Nagsimula na akong mag pasa sakin.
Nung natapos ko binigay ko na sakanya ang phone niya. Di parin mawala sakin ang album na nakita ko. Sino kaya yung gf niya?