Chereads / She's my Poser... / Chapter 9 - Chapter 9

Chapter 9 - Chapter 9

Athena's POV

Gising na ako pero di parin ako nagmulat. Ang lambot kasi ng nahahawakan kong unan. Nakangiti ako habang hinahawakan yun. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito kasarap na tulog kaya nanamnamin ko muna. Hinimas himas ko ang malambot na unan ko nang bigla itong gumalaw.

T-teka... Gumalaw? Gumalaw ang unan ko?  Takang nagmulat ako ng mata at unti unti kong nakita ang hinahawakan ko. D-dibdib? Dibdib... Matagal na nagproseso ang isip ko pagkatapos ay napalaki ang mata ko ng marealize ang sitwasyon ko.

"Ahhhhhhh!!!!!!!" napasigaw ako at sa gulat ay nasipa ko ang lapastangan pababa sa kama ko kaya nahulog ito.

"Fuck," I heard him utter. Unti-unti kong sinilip ito sa baba ng kama at nakita siya habang himas himas ang bewang niya.

"A-anong ginagawa mo dito??? Lapastangan!!! Rapist!!!!" sigaw ko pa at tinignan ang katawan ko sa ilalim ng kumot. May damit naman ako.

Bumangon ang hambog at pinukol ako ng masamang tingin. "Anong pinagsasasabi mo jan? Ikaw kaya tong sobra kung makahawak sa dibdib ko. Nananamantala ka," sabi niya at tumayo na habang hawak parin ang bewang.

"Anong hinahawakan ah??? Ang kapal mong hambog ka!!!" sabi ko at binato siya ng unan.  Inilingan niya lang ako saka akmang lalabas na. "T-teka... anong nangyari kahapon? Pano ako nakauwi?" inihilig ko ang ulo ko habang inaalala ang nangyari kahapon. Bukod kasi sa pag silong ko sa waiting shed nung umulan e wala na akong maalala.

"Wala ka ba talagang naaalala?" sabi niya na nakatingin sakin ng seryoso. Umiling naman ako bilang sagot.

"Wala. Kalimutan mo na yun," sagot niya at nagtuluy tuloy na sa labas.

Ano nga kayang nangyari sakin kahapon? Dahil wala akong maalala ay hinayaan ko na lamang. Bumangkn na ako at dumiretso ako sa banyo. Naligo ako saka nagbihis.

Bababa na sana ako nang marinig ko ang pag ring ng phone ko.

"Hello?" sabi ko habang binubuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Athena! Kumusta ka? Nakauwi ka ba ng maayos kagabi?" ani Keiry na may himig ng pag aalala.

"Oo. Pero di ko maalala anong nangyari kahapon eh. Di ko alam pano ako nakauwi," sagot ko. Naglalakad na ako ngayon patungong kusina.

I heard her sighed as a relief. "Ang mahalaga nakauwi ka ng maayos. Sorry kasi wala ako ha? Di kita nasamahan."

"Ano ka ba ok lang. Kita na lang tayo mamaya sa school. Bye na," sabi ko at binaba na ang tawag.

Naglakad na ako papuntang hapag. Nakita ko dun si Mama kasama si... Papa. Nakita ko rin si hambog na nakatingin sakin habang naglalakad ako.

"Goodmorning nak. Kumusta ang tulog mo?" tanong ni papa pagkalapit ko sa hapag. Umupo ako sa tabi ni Ethon dahil dun nalang ang bakante.

"Ok lang po," sabi ko ng di tumitingin sakanya. Di naman sa ayaw kong nandito siya, pero di ko lang kayang maging komportable sa presensiya niya. Mula kasi nung umalis siya at matagal na di nagpakita di ko na inisip na may ama pako.

Sakanilang dalawa ni mama sakanya ako pinaka close dati. Siya ang naging kakampi ko sa lahat ng bagay. Unlike kay mama, siya lagi niyang tinatanong kung kumusta ako. Kumusta ang school ko. Kumbaga tinuring ko siyang superman ko. Pero umalis siya. Iniwan niya ako. Iniwan niya kami ni mama. Mas pinili niya ang babae niya. Sobrang masakit sakin nun pero di ko pinahalata. Nagpanggap akong ok lang ang lahat.

Kahit gustung gusto kong ipamukha sakanya ngayon ang lahat ng ginawa niya, nanatili akong tahimik.

"Namiss ka ni Papa, anak. Gusto mo bang lumabas kasama ang mama mo bukas? Tutal Sabado naman at wala kang pasok diba?" sabi pa niya kaya napatingin ako sakanya. Panong nagagawa niyang ngumiti ng ganyan na parang walang nangyari? Tumingin ako kay mama na nakangiti rin at inaantay ang sasabihin ko. Grabe, may sweldo kaya ang pagiging martir? Kaya siguro kami mayaman.

Dahan dahan kong binaba ang kutsara ko. "Di po ako pwede bukas. May... May pupuntahan ako," sabi ko nang naalala ang date na sinasabi ni Angelo. Di ko alam pero diko magawang maging masaya na andito si papa.

"Mas importante ba yan kesa sa pagsama samin ng papa mo Athena? Minsan lang tayo magkakasama pero di mo pa kayang mapagbigyan ang papa mo," may himig ng galit na sabi ni mama. Uminom ako ng tubig para pakalmahin ang sarili ko. Nangingilid na naman kasi ang luha ko. I hate it. I hate them. I hate how my mom acts like everything is ok. Like nothing happened.

"It's ok. Wag mo ng pagalitan ang anak mo," my dad said. "Basta palagi kang mag iingat anak ok? Mahal na mahal ka ni papa lagi mo yan tandaan, " sabi pa niya sakin. Mahal daw. So kaya siya umalis kasi mahal niya ako?

I just nodded and stands up. "Mauuna na po ako sainyo," I bowed at them saka nagtuluy tuloy sa labas. Nakahinga naman ako ng maluwag ng nasa labas na ako. That was one awkward scene.

"Di ka pala close sa dad mo?" narinig kong may nagsalita sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Nakatayo doon si Ethon na sinundan pala ako.

"Paki mo," angil ko sakanya saka dumiretso sa sasakyan ko. Nabuwisit naman ako nang mapansin na sumusunod parin siya sakin.

Padabog akong lumingon sakanya pero biglang lumiko ang paa ko kaya nawalan ako ng balanse. Mahuhulog na sana ako sa lupa pero may dalawang binting sumalo sakin. Napasandal ako sa dibdib niya dahil sa lakas ng impact ng pagkahigit niya sakin.

Kumabog na naman bigla ang dibdib ko lalo na nung tumingin ako sa mukha niya. Parang nag slow motion ang lahat habang nakatingin kami sa mata ng isat isa.

"Okay ka lang ba?" narinig kong sabi niya kaya bigla naman akong napabitaw. Tumalikod ako sakanya at huminga ng malalim para mapakalma ang malakas na kabog ng dibdib ko. Bakit ba ganito nalang ang epekto ng hambog sakin?

Tumingin ako sakanya pagkakalma ko. "Pwede ba wag mo akong susundan. Para kang aso eh. Psh," sabi ko saka pumasok nako sa kotse ko.

Pinatakbo ko na ito papunta sa school. At dahil late na, wala na masyado traffic sa daan kaya madali aking nakarating sa school.

Bumaba akk ng sasakyan and as usual I wore my poker face. Habang naglalakd ako may narinig akong parang nagsisigawan sa may likod ng isang building ng Business Administration College.

Dahil dakila akong pakialamera at chismosa, naglakad ako papunta doon. There I saw a girl na pinagtutulungan ng tatlong lalake. They are harassing the girl. Bahagya ng nakabukas ang butones ng blouse ng babae at gulo gulo na ang buhok niya. Wala talagang patawad ang mga gangster dito sa DU. They even try to rape a girl inside the university.

Lumapit pako sa kinaroroonan nila. Wala akong pakialam sa paligid ko most of the time pero ayoko din na may inaagrabyadong tao. Lalo kung kaya ko namang tumulong.

"Hoy mga bakla," sabi ko na nakapagpatigil sa ginagawa nila. Tumingin sila sakin na puno ng pagtataka saka sila ngumisi.

"Oy, diba ikaw si Chua? Bakit gusto mo din bang makipaglaro samin?" sabi ng lalake na may earring sa dalawang tenga at may tattoo sa braso. Gross. Galawang adik. Psh.

"Wala akong time makipaglaro sa mga bakla," matapang kong sabi na nakapagpagalit sakanila.

"Anong sabi mo?! Kami bakla?! Baka gusto mong patunayan namin sayo," sabi naman nung lalakeng mukhang jejemon. Yellow ang buhok, red ang tshirt at blue ang kanyang shoes. Putik muntik ko ng ilagay ang kamay ko sa dibdib ko at kumanta ng Lupang Hinirang eh.

Lumapit silang tatlo sakin na may ngisi ang labi. Tinaas ko lang ang kilay ko. Mga pangit pala ang mga ito kaya pala nananamantala ng babae kasi wala ng papatol sakanila. Tsk, tsk, tsk.

Sinubukan akong hawakan nung lalake na parang si San Goku ang buhok pero bago man dumantay ang kamay niya sa mukha ko ay napilipit ko na ito saka ko siya sinapa sa you-know-where niya. Namilipit naman siya sa sakit at napaupo.

"Aba palaban pala ang isang Chua. Let's see," anang lalakeng mukhang adik at dinambahan ako ng suntok pero naiwasan ko. Hinakbang ko patalikod ang isa kong paa para makakuha ng pwersa saka ko siya sinipa sa mukha. Dumugo ang ilong niya. Saka ako tumalon at sinipa na naman siya sa kanyang paa. Napahiga naman siya sa lupa.

Tinignan ko naman si Jejemon pero nakitaan ko siya ng takot kaya tumakbo na. Mga walang bayag pala ang mga ito.

Nilapitan ko ang babae na ngayon ay nakabutones na ang damit pero gulo gulo parin ang buhok.

"Okay ka na. Pwede ka ng umalis," sabi ko at inalalayan siyang tumayo.

"S-salamat po ate. Maraming salamat po," she bowed many times at me saka siya tumakbo paalis.

Huminga ako ng malalim saka naglakad na rin. Wala na patapos na ang klase ko sa unang subject kaya nag decide akong di nalang pumasok. Sa next subject nalang ako papasok.

Dumiretso ako sa park at dun umupo. Nilabas ko ang laptop ko at nagsimulang tignan ang account ni Prince Zachary. Ang dami na naman niyang messages. Di ko ugali talagang mag reply sa mga ito kaya hinayaan ko nalang. Inistalk ko nalang ang profile nung Jecho at tinignan kung may bago siyang post pero wala. Di ba to mahilig mag post? Nauubos na kasi ang ginagamit kong pictures niya. Kailangan ko na ng bagong pictures na ipo post.

Di naman ako pwedeng humingi ng picture kay Ethon kasi bukod sa hambog siya ayoko pa sa presensiya niya. Naalala ko na naman bigla ang nangyari kanina. Its not my first time na mapagmasdan siya sa malapitan pero mas narealize ko na ang gwapo niya pala.

Kinatok ko naman ang ulo ko pagkatapos kong isipin yun. "Di siya gwapo Athena. Gumising ka sa katotohanan," pagkausap ko sa sarili ko. Iniling iling ko ang sarili ko saka sinandal ang ulo ko sa bench kung saan ako nakaupo. Bahagya kong pinikit ang mata ko para namnamin ang tahimik na paligid.

Ilang minuto akong nakapikit nang biglang marinig ko ang ingay ng paligid na para bang may pinagkakaguluhan. Nagmulat ako ng mata at tinignan ang pinanggagalingan ng inay at laging gulat ko nang makita kung sino ang pinagkakaguluhan nila.

Jecho's POV

"Let's meet. May importante akong sasabihin," Angelo told me on phone. Kasalukuyan akong nasa office ko dito sa kwarto ko dito parin sa mansion ng mga Chua. Dito na ako nagwowork at ginagawa ang mga reports na dapat kong tapusin para sa kumpanya. Pinapadala naman ni Jacob dito ang mga papeles na kailangan kong pirmahan.

"What's that? Sabihin mo na. Im busy," sagot ko sakanya habang binabasa ang mga reports na pinadala sakin na kailangan kong ireview. Masyado na akong madaming trabaho na di naasikaso dahil sa misyon ko dito. Kailangan ko na talagang madaliin ang lahat.

"Basta. I need to meet you. Magugulat ka, I swear," he said na nagpakunot ng noo ko.

"Okay. Saan ba?" tanong ko. My eyes are still in the papers Im reading.

"DU. Meet ne here," he said. DU? That's Athena's school. Bakit naman niya naisipang makipagkita sakin dun?

"Bakit dun? We can meet outside," I said. Tumayo na ako at sinuot ang jacket ko.

"No. Meet me here," he said with finality. Wala na akong nagawa kundi umoo. Binaba ko na ang tawag at dumiretso sa sasakyan

That's the reason why I'm currently infront of DU to meet Angelo. Sabi kasi niya may importante siyang sasabihin at i meet ko siya dito. Di ko naman alam bakit dapat dito ko siya i meet.

I entered the gates at lumakad. Di naman niya sinabi kung saan kami part dito magkikita. Di pa naman siya nagrereply ng txt ko. Kaya naglakad lakad ako at luminga linga sa paligid.

"Diba si Prince Zachary yan?"

"Oo nga! Siya nga yan! Omg ang gwapo naman niya sa personal!!!"

Rinig na rinig ang bulungan ng mga estudyante dito. Sino kaya yung tinutukoy nila? I just shrugged habang naglalakad. Maya-maya ay madaming babae na ang lumapit sakin.

"Hello diba ikaw si Prince Zachary? Ang gwapo mo naman sa personal. Pwede bang magpapicture?" kilig na kilig na sabi ng isang babae sakin. Kumunot ang noo ko. Sino bang Prince Zachary ang tinutukoy nila?

Di ko na sana sila papansinin at lalagpasan sila pero naramdaman ko ang madaming flash ng camera. Kinukuhanan na pala nila ako ng picture.

"Stop that," I said at tinatakpan ang mukha ko. Ano ba ang mga tao dito. Nakakagigil. Gusto ko ng lumakad palayo pero nakaharang sila sa daan.

"Omg ang gwapo din ng boses mo Prince Zachary!!!" tili naman ng iba. Nabubuwisit na ako sa pagsasabi nila ng ibang pangalan sakin.

Akma ko silang sisigawan at sabihing di ako ang sinasabi nilang Prince Zachary pero may kamay na humila sakin papalayo sa mga babaeng yun. Nagpatianod na lang ako saka sinundan ang babaeng humihila sakin. Napatingin naman ako sa mukha niya at napagtantong si Athena pala ito.

Hingal na hingal siya ng makarating kami sa isang bakanteng classroom. Binitawan niya ang kamay ko saka tumingin sakin ng masama.

"Bakit ka andito ahh??" sigaw niya saka balisa na nagpalakad lakad na animo namomroblema.

"Angelo told me to meet him here. Saka teka, bakit ba pinagkaguluhan ako ng mga babae dito? Sino ba yung Prince Zachary na sinasabi nila? Di naman ako yun pero they are insisting na ako," I said na nakapagpalaki ng mata niya.

"A-ano... W-wala yun. Baka nagkakamali lang sila," anito saka umupo sa isang upuan. Nakahawak siya sa kanyang dibdib na animo'y kinakabahan.

"Okay ka lang ba? Bat parang kinakabahan ka?" tanong ko sakanya. Lumunok naman siya at tumingin sa ibang direksiyon.

She sighed. "Oo, ok lang. Nabigla lang ako sa nangyari. Next time nga itxt moko pag pupunta ka dito. Wag yung pabigla bigla ikaw," sabi niya na humalukipkip.

"At bat kailangang itxt kita? Wala ba akong karapatang magpunta dito? As far as I know free naman pumasok dito kahit hindi estudyante basta may ID kang ipapakita na makakapagpatunay na nasa high class ka sa society," I said. Totoo naman yun. This school is all about money and fame. Walang makakapasok dito kung wala ka sa elite class.

"Basta makinig ka sakin ok? Wag ka pabigla bigla pupunta dito ng di mo sinasabi," she said at tumayo. Sumilip siya sa bintana. "Wala na sila. Kailangan mo ng umalis."

"What? I told you I need to meet Angelo here," sabi ko na tinignan ang phone ko kung nagtxt na siya at meron ngang txt.

Angelo:

Hahaha. Nakita kita kanina. Pinagkaguluhan ka. Tama nga ang hinala ko. Nag aaral dito yun. Hahaha. Kita nalang tayo mamayang gabi. Punta ako sa bahay niyo.

Di pa pala niya alam na di ako sa bahay nakatira. Ano bang hinala niya ang sinasabi niya?

Jecho:

Wag dun. Saka busy ako ng gabi. Puntahan nalang kita bukas sainyo.

I tapped reply saka ko tinignan si Athena na ngayon ay bitbit na ang bag niya.

"Isa pa yang Angelo na yan. Pakana niya to eh," narinig kong bulong niya habang sinisilip ang labas. "Sige na umalis ka na. I will cover you up," aniya pa na parang detective kung umasta.

Sumunod nalang ako sakanya habang mapagmatyag niyang tinitignan ang paligid na parang umayo'y may biglang papatay samin. Napangiti nalang ako sa inaasta niya.

Nakarating kami sa parking lot ng DU ng matiwasay. "Andito na tayo. Sige na, bye," aniya saka naglakad palayo.

Umiling iling nalang akong sumakay sa sasakyan ko. Iistart ko na sana ang sasakyan ng mag ring ang phone ko. Sinagot ko ito ng makita ang pangalan ni dad as the caller.

"Yes, Dad?" I said as I answered the phone.

"Punta ka ngayon dito sa bahay. I have something to tell you," he said. Di ko alam pero there's something different sa tono ng boses niya.

"Ok, be there in 10 minutes," sabi ko at binaba na ang tawag.