Athena's POV
"Okay, that's all for today. See you next meeting," narinig kong sambit ng professor namin kaya napahinga ako ng maayos. Tumayo na ako at nagtuloy sa labasan.
Di ko dala ang kotse ko kaya wala akong magawa kundi mag antay sa susundo sakin. Wala din namang dumadaang taxi dito kasi exclusive ang aming paaralan kaya lahat ng tao dito may sariling sasakyan.
I sighed saka tinignan ang phone ko. Bat kaya wala pa ang hambog? Isip ko. Di naman kasi siya nale late sa pagsundo sakin eh. Kadalasan siya pa nga ang nag aantay sakin ng matagal bago mag uwian.
I decided to call Keiry. Baka di pa siya nakauwi.
"Problem?" aniya na agad pagkasagot ng tawag. Di ba talaga neto alam ang proper way ng pagsagot ng tawag?
"Pag tumawag ba may problema na agad?" asar kong sagot sakanya. "Nakauwi ka na ba?"
"Actually, di ako pumasok today eh. Birthday na kasi ni kuya next week kaya tumutulong ako sa preparations. You know naman my parents pagdating kay kuya," she said. She's talking about her genius kuya. Sobrang galing nun. Lahat ata ng bagay sa buong universe e alam niya. But then, he's a sociopath. You know ASPD? Anti-social personality disorder. Di niya alam makisama even sa pamilya niya. I met him once and nakakatakot siya. Sobrang sungit at di mo makausap kasi di namamansin.
"Ganun ba? O sige. Andito pa kasi ako sa school. Wala pa kasi yung hambog na tutor ko eh," I sighed at luminga linga baka sakaling makita ko ang kotse niya na nakapark somewhere pero wala.
"What? E bat di ka magpasundo sa personal driver niyo? O dikaya sa mama mo? Hapon na at may balitang uulan ngayon," she answered na nakapagpatigil sakin. I hate rains. I hate the sound of thunders and lighting.
Di ko alam pero rain gives me chills even when I was a child. Maybe because everytime it rains, I am alone. Pag umuulan nung bata ako wala sila mama at papa. Because they are busy sa work walang nagbabantay sakin. Kahit takot ako wala akong makakapitan. Kaya sa tuwing umuulan nagkukulong lang ako sa kwarto ko at di ako lumalabas. For me rain symbolizes sadness and being alone. Kaya ayoko sa ulan.
"Athena? Ok ka lang ba jan? Gusto mo ba ipasundo nalang kita?" nag aalalang sambit ni Keiry sakin. Kung meron mang nakakaalam ng halos lahat sakin, siya yun. Even my parents don't know much about me.
"N-no. It's ok. Anjan naman na siguro siya sa daan papunta dito. Sige, alam ko busy ka jan. Bye na," sabi ko at binaba ang tawag. I pursed my lips saka tumingin ulit sa paradahan ng sasakyan. Nasaan na kaya yun? Bat ang tagal naman?
Tumingin ako sa langit at nakita ko na madilim na. Kinabahan ako bigla lalo na nung magsimulang pumatak ang ulan hanggang sa lumakas ito. Tumakbo ako papunta sa malapit na waiting shed.
Naiiyak akong nag dial sa phone ko. I dialled his number kasi binigay naman niya yun para daw makontak ko siya pero di naman siya sumasagot. I dialled my mom pero wala din.
Nangingilid na ang luha ko. I am scared. Bigla pang kumulog kaya napaupo ako. Umiyak na talaga ako sa takot. Niyakap ko ang mga tuhod ko and sobs silently. Bakit ngayon pa umulan? Bakit ngayon pang mag isa ako? Lagi na lamang ba akong mag isa?
Jecho's POV
I was about to fetch Athena sa school niya when my phone rang. It was my Dad.
"Yes dad?" I answered as I entered my car.
"Come home. Your mom is here," kapagkua'y sabi niya sakin. Natigilan ako sa sinabi niya. My mom? Its a very long time since we last saw each other kaya dali-dali kong inistart ang kotse at pinaharurot papuntang bahay namin.
Pagkadating ko, I hurriedly went inside the house and there I saw my mom sitting beside my dad.
"Mom," I said. She looked at me and hurriedly ran to me and hugged me.
"Jecho, anak. I missed you," umiiyak na sambit niya. I hugged him back tightly. Kung pwede lang itigil ang oras ngayon ay gagawin ko. How I missed my mom. How I missed her hugs.
"I missed you too Mom. So much," I said at bumitaw sa yakap niya. I caressed her cheek at pinunas ang luha sa mga mata niya.
She looked at me with smile on her face. "How are you? Bat parang nangayayat ka? Are you even eating?"
"Im ok mom. Madami lang ginagawa," I said at inakay siya papunta sa sofa. We sat there together.
I looked at dad na nakangiti din. Di ko alam kung ano ang estado ng relasyon nila but Im the happiest na nakita silang magkasama now. Kung meron man akong hinihiling sa buhay ko, yun ay yung bumalik ang dating masaya nilang pagsasama.
"Oh, its raining," kapagkuan ay sabi ni mom habang nakayakap sakin at nakatingin sa labas. Bigla naman akong napaupo ng maayos nang maalala ko si Athena.
"W-wait mom. I need to call someone," I said at lumayo ng konti. I dialled her number pero di siya sumasagot. Nakauwi na ba siya? Bat di siya sumasagot?
I dialled her mom. Gladly she answered.
"Hello?" sabi ng babae sa kabilang linya.
"Is Athena home now?" I asked. Malakas na ang ulan. Naririnig ko ang mga kulog na may kasama pang kidlat.
"Wala pa. I thought ikaw ang susundo sakanya? Sabi ko pa naman umuwi siya ng maaga kasi andito ang papa niya eh, " she calmly said. How can she be so calm while her daughter is not yet home in this kind of weather. And what? Andun ang papa niya?
I looked at my mom again while she's talking to my dad. Di ko alam ano ang nangyari pero isa lang ang alam ko ngayon, wala pa sa bahay nila si Athena.
I hurriedly went out. Humabol pa si mom sakin pero di ko na nagawang pansinin. I drove my car fast papuntang school nila.
Pagkarating ko dun wala ng katao tao. Madilim ang labasan kaya di ko halos makita ang paligid. I looked around the area sa pagbabakasakaling makita ko siya.
Nang mapadako sa waiting shed ang mata ko, nakita ko ang isang babae na nakaupo at nakayakap sa kanyang mga tuhod. Napalaki ang hakbang ko ng mapagtanto kung sino ang babae.
"Athena!!!" sigaw ko pagkalapit ko sakanya. She is sobbing silently. "I'm sorry. Andito na ako. I'm sorry Im late," I said at niyakap ang nangangatog niyang katawan.
She didn't answered but still sobbing between her knees. I decided to carry her to the car. Kumapit naman siya sakin ng mahigpit na para bang takot na takot. Nanginginig parin ang katawan niya.
Dahan dahan ko siyang pinaupo sa shotgun seat at sinuotan ng seatbelt. Pumasok naman ako sa driver's seat saka nag drive papunta sa bahay nila.
Pagkarating ko dun, binuhat ko ulit siya papasok sa bahay nila. Nakita ko ang mama at papa niya na magkasamang kumakain. Di manlang ba nag aalala ang mga ito?
"Oh, anjan na pala kayo. Anong nangyari kay Athena?" her mom said at lumapit samin kasana ang papa niya.
"Ipasok mo na siya sa kwarto niya. Tell the maids to change her. Basang basa pa naman sa ulan. Bat ba kasi siya nagpaulan?" her dad said. Sumunod naman ang asawa nito at tumawag ng mga katulong.
Pinasok ko siya sa kwarto niya at inihiga. Pumasok naman ang mga katulong upang bihisan siya. Lumabas muna ako sa kwarto niya para hayaan sila sa ginagawa nila.
Nakita ko namang nag aantay sa labas ang papa ni Athena.
"KC told me you are her tutor?" pagsisimula niyang magtanong sakin. I looked at him. Pinigilan kong magsalita ng pabalang sakanya.
"Yes," sabi ko nalamang at tumango tango naman siya. This guy. Di manlang ba siya nakokonsensiya sa ginawa niyang pagsira sa pamilya namin? Ganito ba talaga kakapal ang mukha niya?
"Well then, I hope you can take good care of my daughter. She's our princess," he said again. I gritted my teeth in annoyance. I just nodded at him. Wala akong balak kausapin siya.
Nakita ko naman ang paglabas ng mga katulong mula sa kwarto ni Athena.
"I will just go see her," I said and bowed slightly at him. He just nodded kaya nagtuluy tuloy ako sa loob ng kwarto niya.
I saw her sleeping peacefully while hugging her pillow. Lumapit ako sa kama niya at tinignan ang mukha niya. Halata parin ang bakas ng luha sa tabi ng mata niya at namumula parin ang pisngi nito. I gently caress her cheeks. Bahagya siyang gumalaw pero di naman siya nagising.
I don't know why I feel so guilty for letting her soak in the rain. I sighed at inayos ang kumot niya. I decided to sleep beside her for tonight. Di ko alam pero feel ko na ayaw ko siyang iwanang mag isa ngayong gabi.