Kath's POV
Naibalik ko na ang mga damit na hiniram ko kay Sir Marvin, I asked my friends to come over to his house at iniwan iyon sa harapan ng pintuan niya. I also need to pay the half of his credit but I decided to give the money in person.
At para makapagpaumanhin na rin ako pero palaisipan pa rin sa akin kung paano ko siya kakausapin after what happened that night. Naikuwento ko na rin sa mga kaibigan ko ang naging night out namin ni Sir Marvin, at kahit sila ay hindi rin makapaniwala sa nangyari.
Inakusahan pa ako ng mga kupal na 'yun na ginamitan ko ng gayuma or gamot si Sir Marvin para sumama sa akin.
But, the kissed we had that night. Hindi ko alam kung anong nakita sa akin ni Sir Marvin at biglaan na lang niya akong hinalikan. Oo, bet na bet ko si Sir Marvin from the very first time na nakita ko siya sa campus ng UCC. Love at first sight ika nga nila pero sino ba naman ako sa kanya di'ba? I'm just her student, 'yun lang.
Hinalikan niya nga ako pero aksidente lang iyon. At saka, hindi naman para sa akin ang halik na 'yun. It was for a girl named Jenny. Isang bruhilda at paepal na babae na may pangalang Jenny. Hindi ko rin naiwasan na mainggit sa babaeng 'yun, because that kissed was a passionate one. Hindi pilit at ramdam mong may romantic feelings ang paghalik niya nang mga oras na iyon.
Okay, stop Kathleen you're just being such an inggitera at hindi ka dapat mainggit. Paniguradong kinalimutan na rin ng mokong na propesor na iyon ang lahat ng ginawa niyo sa bar lalo ang halik so better get your ass out and focus on your future.
Speaking of the future, today is my first day of school. After a week, I was having my normal week as a good daughter for my family. I'm also busy taking up an update about my mom's business branch here in Manila. Of course, it was awkward talking to my mom after what happened between us.
But, I feel like she's trying her best to understand my situation. Noong bata pa kasi ako, siya na palagi ang nagdedesisyon para sa akin. I'm dependent daughter because of her, ganoon ako ka-masunurin. Unknowingly, It will have a big impact on myself on the future lalo na ngayon.
Sabi nga ng mga nakakatanda na mag dalawang-isip ka muna bago ka magdesisyon, ibahin mo ako. I need to consider the second opinion of my mom before I decide for myself at nadala ko rin iyon sa mga kaibigan ko ngayon.
I deep sighed because of that thought. I shook my head at hindi ko na rin siya dapat iniisip ngayon. By the way, baka narito ang mokong na 'yun sa may Deparo. Dito ko siya unang nakita noong naghihintay ako ng jeep papuntang UCC.
Nagpalinga-linga naman ang ulo ko pero walang katawang-tao at anino ni Sir Marvin ang nakapaligid sa lugar. Mabuti na lang din at may huminto ng jeep papuntang Shelterville at nakasakay na ako.
Ano pa ba ang aasahan sa first day? Syempre, awkward pa ang mga kaklase ko lalo na ako. Hindi ako marunong magfirst move or mag-approach lalo na sa mga taong hindi ko kilala. 'Yung mga tropa ko ngayon, sila ang unang nag-approach sa akin hanggang sa napasama na ako sa kanila.
Tinignan ko naman ang GC namin kung saan obligated na nandoon kaming lahat. Maingay sila ngayon since nagkausap na sila sa GC, ako naman ay naiwan sa gilid sa labas ng room namin ngayong araw. I'm trying to avoid their gaze and eye contact.
Someone tapped my shoulder. I raised my head to look who it is. "Hi, I'm Amy. You?" she asked me, wearing a wide smile on her face.
I smiled back to her, awkwardly. "Ah, I'm Kathleen," pagpapakilala ko sa kanya. She seated beside me at saka nilapag niya ang kanyang bag sa binti niya habang nakaupo ng indian seat.
She looked at me, like observing my whole face. "Hindi kita nakita sa orientation day?" tanong niya sa akin. I let out a small laugh. "Ah.. pumunta ako but I was seated at the back," pag-amin ko sa kanya at nahihiya pa rin sa kanya.
She nodded her head slowly then she smiled at me. "May mga kilala ka na sa kanila? Nagulat nga ako na magkakakilala na sila agad," sabi niya sa akin. Inamin niya rin na hindi siya magaling makipagusap sa ibang tao. But then, she approached me saving enough courage to faced her fears.
I smiled brightly. "It's fine, you don't need a wide circle in college. 2 or 3 is enough," suhestiyon ko sa kanya. But with my answer, I'm hypocrite. I had a circle with five members including me.
She flashed a smile at her anxious face. "May point ka rin naman doon. Besides, we need to focus on our studies," pag - sang-ayon niya sa aking opinyon. Tumango naman ako sa sinabi niyang iyon.
May dumating na student assistant sa harapan namin, then we are asked to settle ourselves in the room asigned for us. At doon na namin hinintay ang magiging professor namin, I don't know who it is because I didn't bother checking my schedules.
Umupo sa tabi ko si Amy, we're both silent to each other. Minsan nagkakatinginan kami sa isa't-isa at magngingitian din sa huli. It's just weird because it's too awkward for both of us. But, I think I need to break the ice this time.
I looked at her as I keep searching on her face. Finally, she turned her face and looked at me. I smiled brightly. She scrunched up her eyebrows thoughtfully. "Why?" Tanong naman niya sa akin.
"I just wanted to asked you something," tugon ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. "Ano 'yun?"
Napakamot naman ako sa likod ng ulo ko. "Ano pala subject natin ngayon?" Tanong ko sa kanya halata naman ang bumusangot ang mukha niya but she looked at her notes to check what subject we're having today.
"Panitikang Filipino," she answered my question.
"Really?" I quirked a black eyebrow. So, ibig sabihin nito na makikita ko ang mokong na propesor na 'yun. I hate this! I really hate this!
I smiled awkwardly. "Thank you, Amy. And gusto mo ba akong sabayan mamaya kumain after this class?"
Inanyaya ko siya dahil iyon naman talaga ang pakay ko sa kanya. I just asked her first a question to grabbed her attention.
But, Amy's answer to my question earlier made me shiver at some point. I'm not really nervous because, I need to show to him that kiss didn't bother me at all.
But, I'm sure that it will be awkward for some point. I really hope that he didn't mind what happened in the past. Please...please...
Hindi ko na alam kung ilang minuto na kami naghihintay kung sino ba talaga ang propesor namin ngayon. Ipinagdadasal ko na sana hindi siya. Ayaw ko munang makita ang mokong na 'yun ngayon. But then, someone entered our room because the door made a loud creak when it opened. Some girls whispering to each other, they giggling and they're smiling like crazy.
I felt my cheeks are heating up, I pressed my lips together as I continue to bit my nails. Amy tapped my shoulders. "Namumutla ka? May masakit ba sa'yo?" she said, a line of worry materializing between her eyebrows.
I smiled at her in a slightly absent way. Then, I shook my head reassuring that I'm okay despite that my palms are overly sweating right now.
Sabay-sabay na tumayo ang lahat para batiin ang aming propesor bilang paggalang.
"Magandang hapon sa inyo," paunang bati niya sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang propesor namin ngayon.
"Magandang Hapon, Ginoong Vicedo," pagbati ng lahat sa kanya. Binati ko rin siya pero nanatili akong nakayuko sapat na hindi ko makita ang mukha at ang mga mata niya.
"Maupo na kayo," sumunod naman kaming lahat. Then, he grabbed a chalk and started writing his full name on the board. Matapos niyang isukat ang kompleto niyang pangalan ay muli na siyang humarap sa amin.
"Para sa inyong kaalaman, Ako si Ginoong Marvin Diaz Vicedo, dalawamput apat na taong gulang, nagtapos sa kurso ng Bachelor of Arts in Filipinology sa PUP, gayundin ang kinukuha ko ngayong Masteral degree na Master of Arts in Filipino sa parehong unibersidad. Nakahiligan kong magbasa ng mga librong tumatalakay sa diskurso at literatura ng ating bansa. Nangongolekta rin ako ng mga bagay na may kaugnayan sa ating bansa," pagpapakilala niya sa aming harapan.
Naiangat ko na ang ulo ko, I stared at his face. He's glowing like an angel who was fallen here on our campus. Hindi ko rin magawang tanggalin ang pagkatitig ko sa maamo at napakaganda niyang mukha.
Inutusan niya na rin ang pinuno sa aming klase na kolektahin ang aming mga class cards at pati na rin ang aming mga registration forms. "Kayo naman ang magpakilala sa akin, tatawagin ko kung sino ang mabunot ko sa mga registration forms niyo. At pupunta kayo sa harapan," saad niya na mas lalong ikinapawis ng aking mga palad.
Bumunot na siya. "Simulan natin kay..." Napahinto siya ng ilang segundo at tumama ang mga mata namin sa isa't-isa. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya ng nga oras na iyon.
Siniringan niya ako ng tingin. "Binibining Kathleen," tawag niya sa pangalan ko.
Tumayo naman ako at nagkalad habang papuntang harapan. Sinadya ko na hindi siya tignan, sinadya ko na umarte na hindi ko siya kilala.
Humarap ako sa mga kaklase. I smiled brightly even though I'm feeling anxious at the moment.
I stuttered a bit. "H-hello guys. Ako si Kathleen Lopez Bernardino or Kath para mas madaling sabihin. Nagtapos ako sa La Consolacion Integrated Academy. Ah... Dalawampung taong gulang na, turning 21 this year—" He cut me off in the middle.
"Oh? Dapat nagtratrabaho ka na ngayon sa edad, bakit ngayon ka lang nagkolehiyo?" Tanong niya sa akin.
"Nahuli po akong pumasok noong kinder ako. Then, nagstop ako 'nung Grade 1 ako dahil gusto ko," sagot ko sa tanong niya, tinango lang niya ang ulo niya habang sumasagot ako. Muli naman akong humarap sa mga kaklase ko para ipagpatuloy ang pagintroduce ko sa kanila.
"Wala akong hobby or skill na magaling ako, siguro ang sumunod sa magulang, doon! Doon lang ako marunong ..." Nagtawanan naman ang ilan sa kanila. Napayuko naman ako ng bahagya habang ilang na ilang akong nakitawa sa kanila.
Humarap ako kay Sir Marvin pero hindi ko siya tinignan sa mata, sinadya ko 'yun pero hindi ko rin nagawa. Napatingin ako sa mga mata niya, at nakangiti siya sa akin ngayon habang hawak-hawak niya ang registration form ko.
Wait, baka hindi talaga niya naalala 'yun nangyari sa amin noong gabing 'yun? So, it means wala siyang alam at wala siyang ideya. Okay!
I smiled brightly at him, then I slowly grabbed my registration form in his hand. At muli na akong bumalik sa upuan ko.
Marvin's POV
Pumasok na ako sa opisina, inilapag ko sa lamesa ang mga dinala kong gamit kanina sa huli kong klase. Pagkatapos 'nun, umupo sa swivel chair ko at sinandal ko ang likod ko doon.
Pinikit ko ang mga mata ko habang iniisip ko kung gaano ko pinilit ang sarili ko na upmarte ng walang alam sa nangyari noon.
I rubbed my temples. Nang makita ko kanina si Kathleen, bigla na namang pumasok sa isipan ko ang ginawa ko sa kanya sa bar.
I kissed her that night, it was because she's too loud. Then, I was having hallucinations too. That's why I called her Jenny after I kissed her.
It was a mistake, definitely. Hinding-hindi ako papatol sa tulad niyang bata pa...
But, she said she was turning 21 this year. A small smile came out in the edges of my lips.
No... No! Wait, bakit ako ngumingiti? I shook my head then I opened my laptop and tried to focus myself on my work. His your student, for fucking sake.
Bakit ko ba iniisip ang halik na 'yun? It was just a kiss. Halik lang 'yun, Marvin. There's no big deal about accident kiss at saka hindi naman para sa kanya iyon. It was for Jenny in the beginning.
Napahawak ako sa labi ko at hinaplos ko 'yun. Nararamdaman ko pa din ang paglapat ng kanyang malambot at mapulang labi sa akin.
"It was my first kiss," I murmured. Napapikit ako ng mga mata, napayukom ang mga kamao at sabay inuntog ko ang ulo ko sa may desk ko. Tiniis ko na lang ang sakit at pinikit kong huwag lumikha ng kahit anong ingay.
My face contorted because of the unbearable pain in my forehead. Oo, unang halik ko 'yun dahil para kay Jenny talaga ang halik ko. Ngunit, mapaglaro ang tadhana at ikakasal na ang babaeng 'yun at ako pa din 'tong si tanga na hindi pa rin maka-move on hanggang ngayon.
But then, Kathleen is looking comfortable at parang hindi niya naalala ang nangyari sa bar noon. It's because she didn't give a damn on it? Wala siyang pake kahit na hinalikan ko na siya?
Kaya siguro, I sense something na kulang-kulang siya kung magkwento noong tinanong ko sa kanya kung ano ang kabuaang nangyari noong gabing nasa bar kami.
So, ako lang talaga ang umaarte dito na kunwari ay walang nangyari sa amin noong gabing iyon. Ang tanga-tanga ko talaga, bakit pagdating sa mga ganitong bagay ang bobo ko at sobrang dumbfounded?
I let out a deep sighed. Kinusot-kusot ko ang buhok dahil sa mga walang kwenta kong iniisip ngayon.
Napagdesisyon ko na lang kumuha ng isang libro para magbasa at maipahinga ko ang isipan ko sa pag-iisip ng walang kabuluhan.
May kumatok naman sa pintuan ng office. "Bukas 'yan," abiso ko bilang pagbigay ng permiso sa taong nasa labas. It was my student assistant named Julia, she was 4th year student now. Nakita ko na may dala-dala siyang sobre.
"Oh? Ano 'yan?" Tanong ko sa kanya, then my lips pointed at the small envelope she's holding.
"Ah... Ito po may nagpaabot po nito sa inyo. Freshman po," saad niya. Agad kong kinuha ang sobre at binuksan ang laman 'nun. I saw almost four thousand pesos in cash.
"Julia, pakihabol 'yung estudyante nag-abot nito. Sabihin mo na humarap siya sa akin ngayon," utos ko sa kanya. Ngunit, umiling na lang sa akin ang student assistant ko.
"Pero, sir... Tumakbo po siya pagka-abot niyan sa'kin. Hahabulin ko pa po sana kaso parang nagmamadali ata," sinabi niya sa'kin pero agad kong kinuha ang cellphone ko at ako ang hahanap sa babaeng 'yun.
Tumango naman ako, napatingin naman ako sa hawak kong maliit na envelope. Tinalikod ko iyon at may nakasulat na maikling note sa likod 'nun.
To: Sir Marvin
Sorry po kung pinilit kita na uminom ng gabing 'yun. Oh, ito na ang iniiyakan mong pera. Sobrang well mannered mo po kasing citizen, Sir Marvin.
Argh! 'Yung babaeng 'yun iba rin tabas ng dila. Binuksan ko naman ang isang drawer ko sa may mesa ko at isinilid doon ang sobreng binigay niya sa akin.
"Sir? Mukhang masaya ka ata? Siguro love letter 'yun no?" Tanong sa akin ni Julia habang nang-aasar ang mga titig nito sa akin.
"L-love letter? Nako, asa pa ako no?" Sabi ko sa kanya sabay tawa ko para magmukhang biro ang sinabi ko. Lumapit naman sa mesa ko si Julia at umupo sa isang upuan na nakalagay sa gilid nito.
She pressed her lips together, while she's rubbing her both hands on the top of my table. Napasandal naman ako sa aking upuan at inirelax ko ang aking sarili.
Nakayuko siya ng bahagya ngayon sa aking harapan. "Bilang gagradweyt na po ako, napagdesisyunan ko na po ang pagbitiw po sa aking posisyon bilang student assistant niyo."
johniumbi | Kuya J/King J