Chereads / Teach Me, Professor / Chapter 10 - CHAPTER 8

Chapter 10 - CHAPTER 8

Kath's POV

Tama nga ang aking hinala, hindi kinalimutan ni Sir Marvin ang nangyari sa amin noong nasa bar kaming dalawa. Naaalala pa niya na hinalikan ko siya. Pakiramdam ko mas lalong kumakabog ang dibdib ko kapag iniisip ko ang bagay na iyon.

Pumasok na ako ng maaga ngayong araw na ito, dahil responsibilidad ko 'yun. I said yes to him, tinanong niya ako kahapon if i can do everything just for him.

Agad din naman kasi akong um-oo dahil kailangan ko na maging assistant niya. Moreover, I badly needed to be his permanent student assistant.

Pagkapasok ko ng campus, halos walang katao-tao ang unibersidad at nandito na ako sa loob ng campus. Dumiretso ako sa opisina ni Sir Marvin dahil may spare key din ako ng opisina niya.

Nakakapanibago man sa ngayon ang gingagawa ko pero iniisip ko na lang ang mga perks ng pagiging student assistant ni Sir Marvin, makikita ko siya araw-araw at makakausap, iyon pa lang sapat na. Basta, ang kailangan ko lang ay maging huwaran at karapat-dapat sa mga mata niya.

Pagkabukas ko ng opisina, inilabas ko sa aking bag ang laptop na dala ko ngayon. May reporting ako sa isang subject namin mamaya at kailangan ko pang rebyuhin ang mga information at data na kinuha ko sa internet.

Ngunit, bago pa ako makapagsimula ay tumunog ang caller ringtone ng cellphone. Kaagad ko naman hinablot iyon na nakapatong sa ibabaw ng mga libro ko.

I saw my dad's name on the caller ID. I quickly pressed the accept button. My smile widens as I greet him.  "Good morning, pa!"

"Good morning din, anak. Kumusta ka naman diyan?" Tanong niya sa akin.

Sinandal ko ang likod 'ko sa upuan 'ko habang nakatingala sa kisame. "I'm doing better po. Mas pokus ako sa pag-aaral if makikita niyo lang ang sitwasyon ko dito sa opisina, sobrang makalat po dahil naghahanda po ako sa reporting ko mamaya..."

I racked my fingers through my hair. "At alam niyo po ba, Pa? Student Assistant na ako ngayon ng propesor ko sa Panitikang Filipino. Napagdesisyunan ko pong mag-apply dahil gusto ko pong sanayin ang aking sarili bilang isang propesyonal, ayaw kong ipakita sa inyo na ginagawa ko lang kalokohan ang pagpili ko sa communication course. This will be my first choice," saad ko kay papa.

I heard a small laugh on the other line. It was the swetest laugh and giggle I'd heard from my dad. "Talaga ba, anak?..." I hummed as response to his question at para bang hindi makapaniwala ang tatay ko sa aking ibinalita.

"Natutuwa ako dahil pinagsisipagan mo talaga 'yang pag-aaral mo. Gawin mo lang kung anong nais mong gawin basta ikasasaya ng puso mo..." my father crooned. Those words hit straight in my heart. For these past few days, I'm still doubting at myself and comtemplating about dropping at this course and change it accordance with my mother's approval.

Pero, si papa palagi ang nagliligtas sa akin. He's always my life savior and my one and only hero.

Naniniwala siya sa kakahayan ko at sa magagawa ko pa kaya palagi niya akong hinahayaan na magdesisyon para sa sarili ko. Natatakot kasi ako na kapag nagdesisyon ako ay taliwas iyon sa kagustuhan ni mama, palaging si mama ang naiisip ko kapag nagdedesisyon ako.

"Anak ko..." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Nanginginig na rin ang kanang kamay ko na may hawak ng aking cellphone ngayon.

Nararamdaman ko ring bumibigat ang aking dibdib at parang may mga karayom na tumutusok sa aking puso.

My heart gave a sudden and unfamiliar twist in my chest.

At sa hindi ko inasahang mangyari ito, bigla na lang pumatak ang mga luha ko na kanina pa nagsisiksikan sa gilid ng aking mga mata.

I pressed my lips together as I tried not to make any noise. "N-narinig ko ang lahat ng 'yun..." My mom stuttered and even make a cracked voice which is not the usual thing I've heard from her.

Napapikit ako at tinakip ko ang aking ilong at labi gamit ang aking kaliwang palad.

"Gusto kita makausap ng personal, anak. Bumaba ka rito sa labas ng eskwelahan mo..." utos ni mama sa akin. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko nang marinig iyon. Agad kong pinunasan ang mga luha na nasa aking pisngi at mata.

"A-ano po?" I gasped. Napalinga-linga ang ulo ko sa loob ng opisina ni Sir Marvin, hindi ko alam ang gagawin ko, kung may dadalhin pa ba ako or aayusin ko pa ang mga gamit ko.

Hindi nagproproreso ng maayos ngayon ang utak ko.

Ngunit, agad na rin akong lumabas ng opisina na iyon. Sinarado ko pa rin ng maigi ang pintuan at tumakbo pababa mula sa ikalimang palapag papuntang ground floor ng building na iyon.

Hindi ko na alintana ang paghingal ko at mas binilisan ko pa ang pagtakbo papunta sa may entrance gate ng campus.

Napangiti ako na maluha-luha ang mga mata ko nang makita ko si mama na hawak ang wheelchair ni papa.

Kumaway naman sa akin si papa at si mama habang may mga ngiti sa labi nila. I sniffed through my nose, at sinalubong si papa ng isang mahigpit na yakap.

Tumayo naman ako at humarap kay mama na kasalukuyan nang naluluuha ngayon. I wiped those tears from her cheeks and I give her the most warm hug that she deserve.

Kumalas ako sa yakap na iyon, at muli humarap kay mama. She smiled at me sweetly, then her both hands landed on my cheeks to cupped it.

I closed my eyes as I feel the warmth and the softnesses of my mom's palms.

"I'm very proud of you..." my mom said out-of-nowhere. For the very first time, she said it in front of me. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko maririnig ang papuri ni mama sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, napaluha na ako ng tuluyan sa harapan niya. Ang bigat-bigat ng nadarama ko ngayon pero kasabay 'nun ang pagkagalak ng aking puso.

She caressed my cheeks, then her hands went on the top of my head as her palm slides through the strands of my hair.

She looked at me with her meaningful look in her eyes. "I'm sorry, Kathleen," she mumbled. I slowly shook my head.

Naiintindihan ko rin si mama kung kaya't mahigpit siya sa akin, at palagi siya ang nasusunod sa mga desisyon.

She drew a breathless sigh. "I was afraid of many things, that's why I was so protected of you. At humantong sa pagkakataon na hindi na kita nabibigyan ng tiyansa para magdesisyon sa sarili mo. Anak, mahal na mahal kita..." She wiped again the tears that keep falling on my cheeks.

May mga nagdadatingan na rin na mga estudyante at napapatingin sila sa sitwasyon namin ngayon.

I sniffled then put a sweet smile on my lips. "I love you too, ma!"

Tumango si mama sa harapan ko. "Hindi ko alam kung huli na ba ako para sabihin ito pero gusto kong iienjoy mo na lang ang pagiging ikaw. Gawin mo ang ninanais ng puso mo basta aakuin mo kung ano ang kaakibat nito, maliwanag ba 'yun?" Tanong ni mama, si papa naman ay hinampas ang braso ni mama na nakahawak sa handle ng wheel chair na kinauupuan ni papa.

Papa glared in front of my mother. "Nagbabanta ka na naman eh. Alam naman na ni Kathleen ang mga responsibilidad niya. So, stop giving her orders. Hayaan muna ang anak mo ngayon," saway naman ni papa kay mama.

Napatango na lang si mama na parang bata na inaasar si papa.

Natawa naman ako sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. Halos isang buwan na akong nangungulila sa kanila at masayang-masaya ang puso ko na nandito muli sila para makasama ko.

Lumuhod naman ako sa harapan ni Papa, kinuha ko ang mga kamay niya then I slowly caressed it with my both hands.

Tinignan ko ang mga kamay ni papa at inangat ang ulo ko upang harapin siya sa mata sa mata. I smiled brightly. "Pa, promise to me na magpapagaling ka. Hmm?" Tumango si papa sa akin habang nakangiti then his right palm landed on top of my head and slowly patted it like I'm his pet. "I will. Gusto ko pang makasama ang magiging apo ko no?" Pabirong saad ni papa. Tumawa naman ako ng bahagya at muli kong binigyan ng mahigpit na yakap si papa.

May narinig akong mga palakpakan at hiyawan sa likuran ko. Nakita ko ang mga kaibigan kong sina Grace, Ynna, Marco at Roger na papalapit sa amin. "Ano? How's our surprise?" Tanong ni Ynna sabay sukbit niya ng braso niya sa braso ko.

My face crinkled in confusion. "Huh? A-anong surprise?" Tanong ko sa kanila dahil wala pa rin akong ideya sa nangyayari ngayon.

Mom tapped my shoulder. "Sila..."

My mom looked at my friends. "Sila ang nagpapaalam sa amin ng mga nangyayari sa'yo," my mom said, then she handed her phone that was full of my videos and pictures like they hired an investigator just for me.

Lumitaw naman si Grace at ngumiti ng nakakaloko habang nakapeace sign ang hulma ng kanyang kanang kamay.

I glared at her then I rolled her eyes. "Sorry na, Kakat. Napag-utusan lang ako eh," she said, wearing a smile on her face exposing her bare teeth.

Then, Grace lifted her right hand with a peace sign on it. Tinaasan ko na lang ng isang nagngangalit na kamao ang babaeng iyon.

"Tita contacted us na nagkasagutan nga kayong dalawa. Kaya, inisip namin ito para maging way na magkaayos ako. To reconcile and be a happy family as one," dagdag na paliwanag ni Roger sa kanilang ginawa.

I looked at my squad, then I gave them a puppy-dog look expression with my lips pouted.

Marco tsked. "Huwag ka nang magpa-cute. Let's group hug!" He shouted as we leaned to each other and give embraces to our shoulders. I'm really glad that I have this kind of circle.

Marvin's POV

Palaisipan pa rin sa akin kung may naalala pa ba si Kathleen sa mga nangyari noong inaya niya akong uminom ng kasama siya. Gusto ko lang naman sabihin sa kanya nang matino at malinaw na hindi para sa kanya ang halik na iyon. Baka siguro kaya niya ako hinahabol ngayon ay dahil sa halik na iyon. Ngunit, ang hindi ko magawa ay tanungin siya ng diretsahan.

Kaya matapos ang araw na iyon, niyaya ko muli sina Karlo at ang iba pa naming tropa para sa isang night-out. Inungkat ko sa kanila ang gusto kong mangyari kahapon at nanghingi ako ng payo kung anong maaaring gagawin ko.

Tumawa naman ng malakas si Jaden na nakilala ko sa mga seminars na napupuntahan ko. "Bakit hindi mo kasi aminin na torpe ka talaga? Sino ba 'yang babae na 'yan at hindi mo mapatahamik?" panghahamon na sinabi sa akin ni Jaden.

Nagpipigil naman ng tawa si Karlo at ipinakita sa akin ang kanyang cellphone. "Fuck bro! Huwag mo kaming  daan-daanin sa palusot mo. If you want her, then get her," saad ni Derrick na nasa video call.

Karlo looking at me with his narrowed eyes. "O baka hindi ka pa nakaka-move on sa long time crush mong si Jenny?" Tanong naman niya sa akin. I pressed my lips together, agad kong kinuha ang alak sa aking kamay at saka tumungga nang pagkarami-rami.

Bigla na naman sumagi sa isip ko ang nangyaring gulo na ako ang may dulot.

Oo, ang tanga ko nga kasi.

Alam ko ng ikakasal na si Jenny pero siya pa rin ang itinitibok ng puso ko. Marinig ko lang ang pangalan niya halos magwala na ang puso ko sa tuwa. Ngunit, ikakasal na siya.

She's going to be the wife of my ex-bestfriend, Percy. Damn it!

Gravis slammed his clenched fists on the table. Nagsitalunan naman ang mga bote at tansan na nakapatong sa lamesa.

"Kung hindi lang nangati ang bulbol ng gagong Percy na 'yun, eh 'di sana kayo ni Jenny ang ikakasal ngayon," he grated, he shook with fury.

A small laugh escape out on my mouth after sipping on my alcoholic drink. "Huwag na lang natin pag-usapan 'to, maybe next time baka kung saan pa tayo mapadpad eh," pangangatwiran ko sa mga kaibigan.

Hindi ko rin alam kung bakit ba malakas ang tama ko kay Jenny, siguro isa na rin sa dahilan ang palagi kong pagpantasiya sa kanya.

I'll always dream about her having beside me, treating each other like a couple, enjoying each warmth. But then, I focused on myself.

I've become too self-centered that I didn't realized that everything that surrounds to me will not revolve on me.

Nakakita naman ako ng isang branch ng Jollibee na malapit sa sakayan ng jeep na papuntang Shelterville.

Napangiti naman ako ng maalala kahapon na dinala sa akin ni Aryh ang pagkain kong iniwan ko sa U@C hub. Napagdesisyunan ko naman agad na ako naman ang magdadala sa kanya ng agahan ngayong umaga.

Ngunit, natigilan ako sa harapan ng isang kilalang fast food chain nang sumagi ang mga mata ko sa transparent glass walls ng branch na iyon.

I saw Jenny and Percy having their breakfast together. Pinunasan ni Percy ang naiwan na ketchup sa gilid ng labi ni Jenny.

Jenny looks at him with those glittering eyes of happiness. It's look genuine and sweetly, Percy was a lucky for catching a big fish in the pond.

"I wish she could look at me like that," I murmured as I leave that fast food chain store.

Mas okay pa rin naman ako sa mga lutong bahay sa U@C hub. Dumiretso na akong sunakay ng jeep patungong UCC, hindi rin nagtagal ang biyahe dahil walang trapik na umabala sa amin sa byahe.

Pagkababang-pagkababa ko ay agad kong napinsin ang nakangiti na si Kathleen. She looks brightly and cute whenever she smiles. Wait? Anong pinagsasabi kong kababuyan?

She isn't, she's totally out of my style. Maybe, I'm still bothered about the kissed we shared that night.

Lumakad ako papalapit sa kanila, at nakita ko na may kasama siyang mga tao. May isang lalaki na nakaupo sa isang wheelchair na sa aking tantsa ay nase edad 50 anyos na.

Habang ang isang babae naman ay nakahawak sa handle ng wheelchair na 'yun, at sa tantsa ko doon ay nasa 46 anyos na iyon. At may mga kasing edad ni Kathleen, na paniguradong mga kaibigan ang turingin nila sa isa't-isa.

A woman wearing the University of Caloocan City uniform gasped. "Oh! Mr. Vicedo?" I think I have seen her somewhere here in the university.

Ah, I remember her. She's the friend of Kathleen during the enrollment day. She waved her right hand to me.

Napalingon naman ang iba sa kasama ni Kathleen lalo na ang babaeng iyon na ngumiti sa akin ng pagkasaya-saya.

"Sir Marvin!" she greeted me, waving her hand, gigglingly. Tumaas naman ang kilay habang wala pa ring ideya sa mga nangyayari sa kanila dito sa tapat ng entrance gate ng UCC.

Lumapit naman kaagad sa akin si Kathleen, sinubukan kong pumiglas pero naidala na niya ako sa harapan ng isang lalaki na nakaupo sa wheelchair at ang babaeng sumusuporta doon.

I turned my head to Kathleen. At saka ko siya pinagdilatan ng mata na pinagbabantaan ko na ang buhay niya.

She just smiled at me. "Sir Marvin, sila po ang mga magulang ko..."

She pointed her hand to her parents with respect. "Ma, pa... Siya po ang propesor ko sa Panitikang Filipino. Sir Marvin Vicedo," then her hand pointed at me. Nanlaki naman ang mga mata ko sa biglaang pag-anunsyo sa akin ni Kathleen sa kanyang mga magulang.

Hindi ko alam ang gagawin ko at naging balisa rin ako kaya yumuko ako sa harapan nila. At saka binigyan ng tig-isa silang dalawa na hawak-kamay at nagmano na rin ako sa kanila bilang simbolo ng aking magalang na pagrespeto.

I smiled. "Ikinagagalak ko po kayong makilala," pagbati ko sa kanila.

Napatingin naman ako pababa nang dumampo sa aking mga kamay ang malalambot at mainit na palad ng tatay ni Katheen. He's facing at looking pale but wearing a wide smile.

"Salamat, sir! Salamat dahil tinanggap niyo po ang aming anak na si Kathleen bilang student assistant niyo. Nawa'y matulungan niya po kayo at matulungan niyo rin po siya sa mga kakailangan niyang gawin sa paaralang ito," he said, while squeezing my hand softly.

I nodded happily. "Ikinagagalak ko pong matulungan ang inyong anak na si Kathleen..." Lumingon ako kay Kathleen upang tignan siya, she's smiling sweetly at me, exposing her bare teeth.

"Nakakatuwa rin naman po ang dedikasyon niya lalo na sa pag-aaral," dagdag ko sa aking sinabi.

A small laugh escape to her mom's mouth. "Hindi rin namin lubos maisip na may isisipag po pala ang anak namin. Eh! Noong nag-senior high naman 'yan halos wala rin ginagawa sa bahay. Hindi namin alam kung may bisyo ba siya pero ngayong nasa kolehiyo na siya, iba rin ang naging epekto sa kanya," masayang ibinahagi ng kanyang ina.

Tumingin naman sa akin si Kathleen habang kagat-kagat niya ang ibabang parte ng kanyang labi habang umiiling-iling ng patago sa kanyang mga magulang.

Muli naman akong bumalik sa kanyang ina habang tumawa nang nakakailang. "Ah? Ga'nun po ba? Mabuti naman po kung ga'nun," saad ko bilang pag-sang ayon sa sinabi ng ina ni Kathleen.

"Gusto niyo po bang kumain tayo ngayon sa labas? Treat ko po!" Sigaw naman ng isang babaeng kaibigan ni Kathleen.

Agad naman tumango at sumang-ayon ang iba sa paanyayang iyon.

Napatingin naman ako sa aking pupulsuhang orasan pero bago ko pa malaman ang oras ay tinawag ng ina ni Kathleen ang aking pangalan. Napalingon naman ako at hinanap ang kanyang ina.

Kathleen's mom nodded her head with the intent to move my body closer to her. Napalingon naman ako agad nang humatak sa akin at hinala ako sa aking pupulsuhan.

"Huwag na po kayo mahiya, sir. At saka maaga pa naman, sasaglit lang naman tayo." Pangagatwiran ni Kathleen sa akin.

Umiling ako sa harap niya bilang hindi ko sinasang-ayunan ang rason na iyon.

Nang maisakay na ang tatay ni Kathleen sa van. Lumapit na rin ang ina nito sa akin.

"Huwag na po kayong mahiya, sir. Sumama na po kayo tsaka malapit na rin operahan ang asawa ko at gusto 'nun para saya lang ang maranasanan niya. Hmm?" Kathleen's mom begged to me.

Napakibit-balikat na lang ako at tumnango sa imbitasyon ng nanay ni Kathleen. Tumango naman ako sa pagmumukha ni Kathleen na sinasadya niyang itama ang siko niya sa braso ko.

Inangat naman niya pataas ang kanyang ulo sabay ngiti na kalahati ang sinuot niya sa kanyang mga labi. "Sus, sasama ka rin pala. Pakipot ka pa," saad ng babaeng saka tumakbo siya pasakay ng van.

Sumunod na lang ako habang umiiling ang aking ulo sa katwiran ng babaeng 'yun.

Huminto lang kami sa pinakamalapit na dine-in restaurant, hindi na ako pumili ng marami dahil nahihiya rin ako sa kanila. But, Kathleen's parents insisted kaya't napadagdag ang kinain ko ngayong umaga.

This is really my first time having a big feast on a table, eating with a lot of people. Napatingin naman ako sa sitwasyon ni Kathleen, napatitig ako sa kanila.

Pinapantasiya ko na sana ay kasama ko rin ang mga magulang ko ngayon.

Nahuli ako ng ina ni Kathleen na nakatitig sa kanilang magpamilya. She smiled at me. "Kain ka lang diyan, sir. Huwag na huwag po kayong mahiya na magsabi kung mayroon pa kayong gusto," abiso niya sa akin. Napatango naman ako habang tumatawa ng nakakailang sa harapan nila.

Pinokus ko na lang muli ang aking sarili sa pagkain tutal marami ring mga putahe ang nasa hapagkaininan. Mas mabuti pa naman na busugin ko na lang ang sarili kaysa mag-isip at mag-alala pa ng mga walang kakwenta-kwentang bagay.

Hindi na rin nagtagal ang pananatili namin sa restaurant na iyon, matapos ang hindi kumulang na apatnapung minuto ay napagdesisyon na naming magsialisan.

Nais pa ni Aryh na sumama sa mga magulang niya ngunit they insisted that she must need to report at school today kaya't hindi siya nakasama sa pagdala sa  tatay niya sa ospital nito ngayong araw.

I looked at her, she took an exasperated sigh then she forced a smile when she found out that I'm looking at her.

"Ano ka ba? Huwag ka ngang tumingin sa akin ng gan'yan. Mai-iyak lang ako..." then I grabbed her wrist and hugged her as soon as I saw those tears piling up on the edges of her eyes.

She flushed down her face to my broad chest and starts sobbing like a newborn child.

She sniffed. "I really want to be with them right now. Gustong-gusto ko na kasama ko si papa ngayon. Kinakabahan ako at natatakot," saad niya. I even feel her hands trembling as she squeezed it on my shirt.

My hands went down to her back then I massagely tapped her to consol her and make her strong that her dad could make it. "You shouldn't be like that. Nakakasiguro ako na makakayanan ng tatay mo ang operasyon kaya stop crying," saad ko sa kanya.

Tumigil sa pag-iyak si Kathleen at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.

She wiped her tears, and she sniffed her nose. Inabot ko naman sa kanya ang panyo ko na nakalahay lang sa isang bulsa ng suot kong pantalon.

Agad naman niyang kinuha iyon at pinunasan ang mukha at mata niya saka suminga nang pagkalakas sa kanyang ilong.

She smiled at me, kahit na namumugto ang mga mata niya.

"Salamat nga po pala at pinaunlakan niyo po 'yung request ng mga magulang ko. Hindi ko rin alam kung bakit napaka-big deal sa kanila na ngayong college na ako... Eh? saka lang daw ako nagsisimulang magsipag but I'm happy kapag masaya sila. It's also my first time hearing to my mom that she's proud of me. So, I really need to work this out," sigaw niya at pinapalakas ang loob.

Tumango naman ako at sabay tumawa nang maikli. "You should do," I said then my right hand landed on the top of her head and my hand glided on her hair as I patted it.

Kath's POV

It still made my heart flutter as soon as I start to think about it. Ga'nun ba talaga siya kasweet na propesor? Napahawak naman ako sa mga pisngi na ramdam na ramdam ko ang mga pag-init dulot ng epekto sa akin ni Sir Marvin.

Nang matapos ang huli kong klase, dumiretso kami agad ni Amy sa may malapit na cafe shop sa tapat ng campus. I ordered chocolate frappe at si Amy naman ay pinili ang Iced Coffee na paborito niya. Naikwento ko na rin kanina ang mga nangyari sa amin sa magulang ko.

I sipped on my frappe. "Ang saya ko talaga," sambit ko at halos manigas ang labi ko dahil sa wala kong humpay na pag ngiti.

Amy smile crinkled her mouth and nose.  "Mabuti naman at nagkaayos na kayo ng mga magulang mo. I'm happy for you," saad naman ni Amy sa akin.

I pressed my lips together, then I pouted it. "Wala ba akong yakap diyan?" I said, slowly bowing my head while looking at her with my eyes.

A small laugh escape on her mouth. She nodded her head and smiled at me as she opened her arms wide. Agad naman akong tumayo sa kinauupuan ko at niyakap si Amy nang mahigpit.

Mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya dahil kami lang minsan ang nagkakaintindihan lalo na sa klase kaya nakakagalak isipin noong mga araw na siya ang nag-approach sa akin at halos hindi namin alam ang gagawin at sasabihin sa isa't-isa.

"Thank you, Amy." I whispered to her.

She caressed and patted my back. "You're welcome," saad niya sa akin. I'm glad that I have found another college friend.

Napakalas naman ako sa yakap namin nang mag-ingay ang ringtone ng aking cellphone. Ngunit, muli kong niyakap si Amy at hinayaan na lang ang cellphone ko.

Sinabi ko sa kanya na ito na lang ang oras na pwede akong bumawi sa kanya kaya dapat lang na magsaya kami ngayon.

Inilayo ako ni Amy sa pagkakayakap sa kanya. She glared at me, looking at my cellphone, then looking back at me.

"Answer that phone first. Malay mo mahalaga pala ang phone call na 'yun. Hurry up," utos sa akin ni Amy na may kasama pang paninermon.

Napailing na lang akong tumayo muli sa pagkakaluhod ko sa harapan ni Amy at muling bumalik sa aking upuan. I rolled my eyes then I aggresively pull up my phone.

I saw the caller ID name and it was Sir Marvin, ang paepal na propesor sa lahat, panira ng mga moments.

Bakit ka  pa kasi ngayong tumawag, napaka wrong timing naman kasi eh? Then, I clicked the answer button on my screen as I tried to calm my self by breathing out heavily.

"Ano na naman po ba 'yun?" Walang kalakas-lakas na tono ang bungad ko sa kanya.

"Hey, come quickly at my office. May ipapagawa ako sa iyo," may awtoridad sa tono ng pagsasalita niya. Napapikit ako ng nga mata ko sabay iling ng aking mga ulo. Tumingin sa akin si Amy, then she lip synched on her lips her question, "Sino ba 'yan at ano ang kailangan niya?"

I answered her, "Si Sir Marvin," bulong ko sa kanya. Tumango naman siya sabay iginalaw ang mga braso na para bang nagpapalayas ng isang galis na aso sa kalsada.

She lip synced again by saying, "Thank you for this treat," then she pick up the cup of Iced coffee that she ordered.

I gave her a puppy dog look. "Oo na po," I said unwilling, and a reluctant smile went on to my lips.

Kinuha ko na rin ang mga gamit ko pati ang inuming inorder ko dahil kanina pa ako pinapaalis ni Amy at ayaw niya talaga akong hindi sumusunod sa utos ni Sir Marvin.

Lumabas na ako ng cafe shop na iyon, tumawid muli sa isang pedestrian at saka pumasok muli ng campus para puntahan ang mala-presong opisina ni Sir Marvin, preso kasi ang aura kapag nandoon ka eh.

Binuksan ko ang pinto, habang nakapulupot ang mga braso ko sa ibabaw ng aking dibdib.

Napatayo si Sir Marvin sa swivel chair habang may hawak na libro sa kanyang kaliwang kamay.

Napalunok naman ako habang papalapit siya sa akin, hindi ko alam kung bakit ga'nun siya sa akin makatingin, his annoyance flared up through his eyes.

Ibinagsak niya nang malakas ang makapal na libro na hawak niya kanina sa kanyang kamay sa mesa kung saan ako nakapwesto sa opisina niya.

Napapikit ako dahil sa gulat nang dumagundong ang ingay nang pagkakabagsak ng librong iyon.

Seryoso ang mukha ni Sir Marvin ngayon.

"Hindi ba malinaw na ayaw ko nga ng late na assistant?" Tanong niya sa akin. I slightly bowed my head then I nodded it as I answered his question.

Hinawakan niya ang braso ko at kinalas iyon sa pagkakapulupot nito. "Bakit nakaganyan ang mga braso mo? Sino ba rito ang may posisyon at awtoridad sa ating dalawa?" Muli na naman niyang tanong, mas tumaas pa ang boses niya mula sa nauna niyang tanong.

My lips starts to quiver. "You shouldn't act like that, again. Kapag nakita ka ng mga boss mo, matutuwa ba sila kapag ganyan ka sa trabaho..."

Inangat ko ang aking ulo nang magsimulang lumanay ang boses ni Sir Marvin. "And if your having a meeting or emergency, you should ask my for permission to take your time. Hindi 'yung parang nagpapakita ka nang walang gana sa trabaho. O baka ayaw mo ng maging student assistant ko?" Tanong niya sa akin na may halong pagbabanta sa tono ng kanyang boses. Lumapit naman ako kay Sir Marvin at iniling-iling ang ulo ko sabay hawak ko sa mga palad niya.

Agad niyang kinalas ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya.

At itinuro niya ang librong nakabulatlat sa ibabaw ng aking mesa. "I've heard that you're great at making powerpoint presentation, then gawin mo rin ang akin. Ang mga nakahighlight sa mga nakatuping pahina ng librong iyon, yung ang gagawan mo ng powerpoint. And here..."

Kinuha niya ang kanang palad ko at inilapag 'dun ang isang kulay itim na flashdrive.

"Save it there..." saad niya sa akin sabay talikod niya sa akin upang harapin ang pintuan ng kanyang opisina.

Umalis na siya sa harapan ko at saka dumako sa harapan ng pintuan ng opisina.

I let out an exasperated sigh at paniguradong wala na naman akong tulog nito sa bahay dahil gagawin ko pa ang mga assignments at group works ko sa school at kailangan ko pang gumising bukas ng maaga kahit wala naman akong pasok dahil nga ako'y isang temporary student assistant ni Sir Marvin.

I'm now starting to regret my decision even if I have the prestige to see his handsome face everyday.

Sir Marvin stopped before leaving the office. He turned his face to me. He grinned. "After finishing it, you can have your break tomorrow until weekends. You should pay a visit to your parents," saad niya sabay sarado ng pinto ng opisina at iniwan ako ng magisa doon.

Napayuko pa ang ulo at tila naging makahiya nang sambitin iyon ni Sir Marvin. "Nahiya pa siya, pwede naman niyang sabihin sa kanina pa. Hindi 'yun tatakutin pa ako," I said on myself, one side of my mouth twisting into a smile.

johniumbi | Kuya J/King J

SNEAK-PEEK (CHAPTER 9)

Napakunot ang mga kilay ko nang makita siya na nakaupo sa upuan ko. "K-kathleen?" Utal kong nasambit ang pangalan ng taong nakaupo sa swivel chair ko ngayon habang nakapulupot ang mga baraso niya sa ibabaw ng kanyang dibdib.