Kath's POV
Sa awa ng diyos, nakapasa ako sa isang state university dito sa Caloocan, ang University of Calocan City. Marami rin ako pinagkuhaan ng CET ngunit dito lang ako pinagpala sa unibersidad na ito.
Naihatid ko na rin kila mama at papa ang magandang balita na ito. Nakakalungkot lang na napagdesisyunan nilang manatili sa Leyte para sa pagpapagaling ni papa. Nagkaroon kasi ng komplikasyon ang atay nito noong nakaraang taon.
Nahinto na rin si papa magtrabaho sa pinapasukan niyang kompanya ng mga paggawaan ng ilaw. Mabuti na lamang ay nakapagpatayo si mama ng isang negosyo, nagbebenta siya ng mga halaman na naging patok sa mga customer niya rito sa Maynila at hanggang sa branch niya ngayon sa Leyte.
Hindi naman sila nakalimot sa akin, pinapadalhan nila ako ng aking monthly allowance kasama na rin ang mga pambayad sa tubig at ilaw namin. At kung maluwag ako sa schedule sa university, inutusan na rin ako ni mama na bisitahin ang branch niya rito sa Maynila.
I heard my phone beeped. It was a text message from Grace.
From: Grace
Hoy, gaga! Nasaan ka na? Napupuno na 'yung quadrangle dito. Huwag mong sabihin na naliligo ka pa lang? Bilisan mong kumilos!
To: Grace
Naghihintay na po ako ng jeep dito banda sa Deparo.
Sabi kasi ng ilan sa mga kapitbahay, mas mabuti na dito na lang sa may pagasolinahan ng Shell sa may Deparo ako maghintay ng jeep papuntang Shelterville na dadaan sa may UCC.
Nagpalinga-linga ang ulo ko sa paligid. Napansin ko rin naman na may mga kasama ako rito na kapwa ko na bagong salta sa UCC.
May umagaw ng atensyon, isang lalaking nakatayo malapit sa gilid ng tindahan, nasa 25 anyos na ang edad nito, at punong-puno ng kakisigan ang kanyang mukha. Simula sa kanyang mga perpektong mata, ang hinulma niyang ilong, naghuhumindik niyang panga at sa labi niyang nakakahalinang halikan.
Pati rin ang kanyang katawan na hinulma sa pagi-gym, ang malalaki niyang nga braso, ang malapad niyang dibdib niya, ang katawang hinulma ng isang sculpture, ang very sexy niyang likod. Siguro may abs din siya. Nanatili akong nakatitig lang sa kanya para siyang diyos na nagmula sa karakter ng mga mitolohiya sa Greece.
Napansin kong nakatingin na rin siya sa akin kaya agad kong inilihis ang ulo ko upang tumingin sa ibang direksyon. Nakakahiya 'yung ginawa, sana hindi niya ako paghinalaan pero wala namang masama sa ginawa ko di'ba?
I fantasize him, and that's it. Besides, he's totally above my type. He exceed my criteria for judging for good looks as my boyfriend.
Nabibilang lang sa mga kamay ko ang naging jowa ko noong highschool. Nakakatawang isipin pero iba ang habol nila sa akin kaya hinihiwalayan ko sila kaagad.
At simula noon, itinaga ko sa bato na hindi ako magjojowa ng mga gaya nilang mga hampas-lupa. Atleast, I know how to be a dalagang pilipina in this world full of teenage pregnancy.
May huminto ng jeep sa harapan namin na saktong-sakto na pupunta iyon ng Shelterville. Agad nagsitakbuhan ang mga ilang estudyante upang makasakay.
Nakipagsiksikan din ako dahil nais kong maupo sa malapit sa may bukana ng jeep upang hindi ako ang mag-aabot ng mga bayad. Namataan ko ulit na pasakay din ang lalaking nakatinginan ko kanina.
He gave a sharp look before entering the jeepney.
And that's it, he made my nose explode as well as the eggs in my ovaries. Hindi maikakaila ang hatid niyang kagwapuhan dahil pati ang mga bruhildang kasabay ko sa jeep ay tinititigan din siya.
I rolled my eyes then I plugged my airpods into my ears. I want to pulled their eyes out of it's socket, so I'm the one who can stare at him.
Nakarating na ako sa campus ng University, sapat na rin ang dalawang building nito upang umukupa ng mga estudyante. Namataan ko si Grace na nakaupo sa bleachers at nasa tuktok talaga siya habang nakadekwatro siya.
Sumugod naman ako sa kanya. "Kanina ka pa?" Tanong ko.
She rolled her eyes in front of me. "Sa tingin mo?" Tumaas ang kilay niya sa harapan ko.
I smiled at her then I cupped my face with my both palms and throwing some cute gestures in front of her.
But, she looked away.
Umupo ako sa tabi niya at inihilig ko ang ulo ko sa may balikat niya habang minamasa-masahe ang mga braso niya.
"Ahh...sorry na, Grace. Hmmm?" I said sincerely as I pouted my lips in front of her. She take a quick glance of me then she looked away again.
She's totally disappointed and pissed about me getting late again.
She hissed. "Hindi mo lang alam kung gaano ako naawkward sa mga tao dito. Ang iba sa kanila ay magkakakilala na kaya mag-isa akong nakaupo rito sa bandang itaas at nakakahiya dahil pinagtitinginan nila ako," she explained herself.
Tumango-tango naman ako, may pagkamahiyain din itong si Grace pero wala ng hiya at makapal na ang mukha kapag party, inuman at walwal ang usapan.
"Ililibre na lang kita ng ice cream mamaya. Sige na, hmm? Sorry na nga, napuyat lang ako kagabi kakanood ng kdrama," saad ko sa kanya.
Hindi pa rin siya nahinto sa pagdadrama niya sa akin. Sinusungitan niya pa rin ako dahil sa nangyari. "Tse, palagi na lang ganyan. Hindi ka na natuto," pagsaway niya sa akin.
Tumango naman ako at inamin ko naman ang paratang niya sa akin. "Oo nga, magbabago na po ako," sabi ko sabay hinigpitan ko lalo ang kapit sa kanya.
Bumuntong-hininga siya sa harapan ko. "Alam mo naman na hindi kita matitiis eh," tapos humarap siya sa akin ng nakangiti. Ngumiti rin ako sa harap niya sabay inangkla ko ang braso ko sa braso niya.
Akmang itatayo ko na siya, nang napatigil kaming dalawa. "S-saglit! Anong program kukunin natin?" tanong ni Grace sa akin.
Tinaas ko ang dalawang kilay ko sa kanya kasabay niyong pagtaas ng dalawa kong balikat. She facepalmed after seeing me having no plans about my future.
A woman stand on the top of the stage while holding a wireless microphone. Napatingin naman ang lahat sa kanya.
"Thank you for coming at today's enrollment day for freshman. This is also big event for college departments to help you choosing a better field for the future. The departments prepared a mini museum just for you to help you and give you an impression with your chosen field. If you haven't decide yet, the mini museums will help you have an idea where you could excel and be successful in the future. Thank you everyone, have a nice day ahead! Again, congratulations!"
Muli naman kaming napaupo ni Grace sa bleachers pero ngayon nasa ibabang parte na kami. Hindi rin magkandamayaw ang ilang mga estudyante, at karamihan sa kanila ay may napupusuan ng programa para sa kanilang kolehiyo.
"Ah!" Lumingon ako kay Grace. "Mag-bartending kaya ako tutal mahilig ako sa alak," saad niya. Nang lumingon si Grace biglang lumungkot ang mukha nito at parang naawa sa sitwasyon ko.
Alam niya at nang mga tropa ko na happy-go-lucky ako, kung saan sila masaya doon rin ako pupunta. At ngayong may naisip na si Grace na programa, at baka iyon na din ang piliin ko basta kasama ko siya.
"N-no... Don't tell me..."
"Yes, Grace. I will stick to you no matter what," sagot ko habang nakangiti sa kanya ng nakakaloko.
Inilayo niya ako sa kanya at saka ikinilas ang pagkaka-angkla ko sa braso niya. She gritted her teeth angrily.
"Aba, future na ang pina-uusapan dito, Kath. You should pick the one that will make you happy and satisfied in the end. Piliin mo kung saan nakatuon ang passion mo," pagsermon na naman niya sa akin.
I pouted my lips as I looked away with her. "Awts gege," I murmured, my eyes downcast.
Agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko nang maramdaman ko ang mabigat niyang kamay na lumapat sa likod ko. Napasigaw ako nang wala sa oras.
"Aray!"
She hissed. Sabay tinaasan niya ako ng kilay.
"Oh, didikit ka pa sa akin?" tanong niya, her eyes narrowed as she searched my face.
I shook my head off. "No, I will be happy on what will you choose," I defend myself. As a matter of fact, I don't have any plans for my future.
Marvin's POV
I saw a two girl who we're fighting each other. I am also given a task by our Department of Language and Communication, to help students who haven't decide what field they should take.
It's like networking, inviting people to sell your product. Ang kinaibahan lang is that we're encouraging them to join in our program.
Kumayaw ako sa harapan nila upang makuha ang kanilang atensyon. "H-hello," sabay ngumiti na rin ako.
Yumuko sila ng bahagya at saka binati rin ako. "Hello po," sabay nilang sinambit.
"Hindi pa ba kayo nakakapili ng program?" Tanong ko muli.
Nagkatinginan silang dalawa sa isa't-isa at saka tumango sa akin habang may mga ngiti sa kanilang labi. Napangiti rin naman ako sa maamo nilang mukha.
"Gusto ko sana ipakilala sa inyo ang programa kung saan ako nagtuturo," panimula ko. I saw the other girl whispering to her friend on the other side.
I heard her. "Siya 'yung gwapo na bet ko sa jeep kanina," bulong ng isang babae.
Napayuko sabay ngumisi. Magiging madali lang para sa akin na ipa-enroll ang mga ito sa department namin.
"Nagtuturo ako bilang propesor dito sa UCC," panimula ko.
"Propesor po kayo?" tanong ng isang babae na nagulat pero biglang nagpakawala ng isang maikling halaklak sa bunganga niya. At sa pagtawa na iyon, nairita ang itsura ng isa niyang kasamahan na kanina lamang ay bumubulong pa patungkol sa akin.
"Oo, ako si Marvin. Kayo? Ano ang nga pangalan niyo?" Tanong ko sa kanila.
"I'm Grace Anne Contigno," pagpapakilala ng isa. Tumingin naman ako sa babaeng katabi niya, nakangiti ito na abot hanggang tainga niya.
Ningitian ko din siya pabalik sabay taas ng dalawang kilay ko. She lend her right palm inviting me to do handshake with her.
"I'm Kathleen Bernardino. Nice meeting po, sir..." with her soft voice in the end, it sound like provocative that made me came out a small laugh.
"Let me tour you," imbita ko sa kanila. Parehas silang nakatingan muli at sabay na tumango sa harapan ko.
Sa wakas, pumayag silang dalawa na sumama sa akin. Agad ko naman silang sinamahan paakyat sa ikaapat na palapag ng building kung saan makikita ang department ng komunikasyon.
Pumasok naman sila sa maliit na exhibit na ginawa ng mga incoming graduating students ng department.
"S-sir.." The girl named Kathleen called out my name.
Lumapit naman ako sa pwesto niya. "Hindi ba po kayo 'yung nakasabayan ko kanina sa jeep?" bulong na itinanong niya sa akin 'yun.
Ah, kanina ko pa iniisip kung bakit pamilyar siya sa akin. Oo, nahuli ko syang nakatulala sa akin kanina. She's kinda cute and innocent though.
Kaya hindi ako kanina bumaba agad sa kadahilanan na dumaan muna ako sa bahay ng isa kong kaibigan na nakatira sa may Shelterville. Nanghiram kasi ako ng isang libro na kakailangan ko para sa Masteral studies ko.
I enrolled myself this year for Masteral in Panitikang Filipino. I want to deepen my knowledge and also, the criteria to be part of the academe here in University of Caloocan City, is atleast you have a Masteral Degree.
Tumango ako sa kanya bilang sagot ko sa tanong niya. She pressed her lips together at nasipat ko na medyo lumapit siya sa pwesto ko.
"Tell me my good attributes, sir."
Nanlaki ang mga mata ko sa inutos niya. Nakita ko naman na ngumisi ang babaeng iyon sa harapan ko. Bigla niyang iniliko ang katawan niya at ngayon ay nakaharap na siya sa akin habang nakapulupot ang dalawa niyang braso sa ibabaw ng kanyang dibdib.
She had a big round breast kaya naman may nilalapagan ang mga braso niya. But, I tilt my head and my eyebrows goes up becuase of her question.
"I'm a profess—" She stopped in the middle of my sentences.
She raised an eyebrow. "Sa'yo ko na inaatas ang magiging kinabukasan ko, whether I should pick this program or..."
She looked at her friend who's watching a full length film created by the students of our department last year. "Or should I pick hers?" Dagdag niya sa kondisyon niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. At bakit isang freshman pa na akala mo may nakamit na sa buhay kong umasta sa akin.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Kathleen sa akin. Kinabukasan niya? Ako ang magdedesisyon? Nahihibang na ba siya? May free will siya para magdesisyon para sa sarili niya.
"May free wi—" At muli na naman siyang sumabat sa akin. Tinaas niya ang kanang kamay niya at isinasabay niya ang pagtaas ng mga daliri niya roon sa kanyang pagbibilang.
"1...2...3..."
I cussed. "Fuck!" I stopped then I take a quick glance on her face.
She's waiting for my response but she's really beautiful. "your... pretty," mahinang bulong ko at saka ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon.
I heard her smirked again, with a small laugh coming out to her mouth. "Ano ulit?" tanong niya.
Tumalikod na ako sa kanya. "I already said what I need to said..." I licked my bottom lip as I felt the dryness of it's surface.
I saw her blushed a bit. "Tandaan mo na obligasyon mong mag-aral, hindi ako magdadalawang-isip na ibagsak ka sa subject ko kapag hindi ko nakita ang pagiging competent mo as a scholar. Pinili ka dito at libre ang edukasyon mo kaya't dapat mong gawin ang obligasyon mo bilang Iskolar ng lungsod. Maliwanag ba?"
Tumango naman siya habang nakangiti ng matamis sa harapan ko. Tumalikod na ako sa kanya at hindi ko napansin na nahawa ako sa pag ngiti niya.
johniumbi | @emersonmagno_