Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Romance Between Otaku and Kpop Lover is Hard

🇵🇭Esphya_Asahina
--
chs / week
--
NOT RATINGS
19.7k
Views
Synopsis
Vallerie Allensya Chavez, isang kpop fan na palaging maingay and also very enthusiastic. Isa lang ang mahal nito sa buhay kundi si Minho, ang kpop idol na crush na crush nito simula grade 5. Paano kung makabundol siya ng isang lalaki na nagngangalang Alexander Lopez? A very mercurial guy that is the opposite of Vallerie? Isang Otaku na ayaw na ayaw ng kpop? What will happen to the both of them who will eventually find out na kaparehas pala na school ang pinupuntahan nila and much worse is that, magkaklase pa sila? Magiging tahimik ba ang kanilang school year kung palagi silang magbangayan? Paano kung ang pagaawayan nila ay mai-uwi ng pagmamahalan? Will the Otaku and the Kpopper express their true feelings? O habang buhay silang magtatago sa kanilang nararamdaman? "Kpop fans like you annoy the hell out of me" "Edi maging kpop fan karin!" --- "Tapos ka nang magbasa? Grabe sa pagkaka-alam ko ay nagce-cellphone ka lang!" "Hindi mo ba alam ang salitang multi-tasking?" "Aba! kung ganyan ka palagi sa mga babae hinding-hindi ka magkakajowa" "Wala naman akong interes sa mga babae, 3D girls suck, katulad mo."
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1 - Ang Panimula

"Vallerie Allensya Chavez," Tawag nya sa pangalan ko.

Nabigla na lamang ako ng lumuhod ito sa harapan ko. The MC of the variety show that were in also stood in shock.

"Minho…"Mahinhin na sabi ko habang pinapanood ko sya na may inabot sa kaniyang bulsa. May nilabas itong maliit na box at binuksan niya ito. It was a ring!

Muntik na akong matapilok sa ginawa niya. Totoo ba ito? He proposed to me?

The all time gorgeous and talented Kpop Solo Artist is kneeling down, proposing to me infront of many audiences?

Noon ko pa sya hinangaan nung hindi pa sya gaano kasikat and I've been thinking of many scenarios about him a lot too and right in front of me, Is the Minho I've been crushing on for almost 5 years!

Lumuluha akong tumango.

"Yes, I do, Minho…Minho I love you---!" Malakas na sabi ko bago ako nakaramdam ng malamig na likwido na dumadaloy.

"Vallerie Allensya Chavez! Bumangon ka na nga dyan! May pa-I love you—I love you ka pa dyan' bruha ka!" Isang matinis na tinig ang narinig ko.

"Fuu---Ahh!" Napasigaw ako sa sakit ng kaladkarin niya ako gamit ang buhok ko palabas sa kwarto.

"Masyado pang maaga para magmura ka dyan kaya maligo kana at pumasok na tayo sa school!" Lintek! Ansaket nun ah!

"Aray! Aray! Ano ba Phoebe! Bitawan mo nga ang buhok ko! Gusto mo bang makalbo ako?!" Sigaw ko habang pilit na pina-alis ang kamao nya sa buhok ko.

"Pwede narin! Para malaman mo na rin ang realidad na maging kayo ng kpop idol mo na yan!" Sabi nito habang binitawan ang buhok ko. Napaka Bayolante talaga ng best friends ko, kahit kelan parang may ina-attenda na digmaan palagi.

"Hay nako! Mag-isa ka na nga dyan! Bumaba ka pagkatapos mong maligo at magbihis, nakakahigh blood ka naman! Jusme!" Iritang sabi nito habang bumababa sa hagdan.

An lakas naman ng loob! Kung di lang kita Best friend!

Bumunot ako ng isang malalim na hininga bago tinupad ang sabi ni Phoebe. Mahirap na baka mapagsigawan naman ako ng mala-machine gun nitong bunganga.

Kinuha ko na ang Tuwalya ko at nagblow out muna ng isang flying kiss sa poster ni Minho my loves at pumasok na sa banyo.

"Bogoshipda~" Pagsimula ko sa chorus ng kanta ng newly released album ni Minho.

Ilang minute rin akong nage-encore sa loob ng banyo habang ginamit ko namang microphone ang tabo, at dahil malapit na ang high note pumwesto ako na parang seryoso na seryoso ako at

"Bogoshipdaaaaaaaaa---"

"Vallerie bruha kaaaaaaaaaa!!!" Mas lamang ang boses ni Phoebe kesa sa high note ko , I swear this girl should become a singer. Kung maka high note anlakas! Feeling ko nga keri na keri niya ang high note sa I miss you na kanta ni Minho.

"Bilisan mo o baka suntok ang gusto mo galling saken!" Kaya nga lang bayolante lang talaga. Hayy sayang, kung may temper control lang ang bruha baka sikat na ito.

"Eton a! Tapos na sabi eh!" Pasigaw na sabi ko sakanya habang nagmamadaling umalis sa banyo para magbihis.

Grabe, kung may ibang apartment ang open aalis na aalis talaga ako sa apartment na ito. Wala man lang akong freedom para gawin ang gusto ko. Kakainis!

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na, nakita ko naman si Phoebe na kumakain habang nagce-cellphone.

Ito lang naman ang dahilan bakit nagtagal ako sa apartment na ito. Hindi ko na kailangan magluto eh! Diba? Kakain na nga lang ako at alis na! Syempre si Phoebe parin ang maghugas ng pinggan, ganun ako ka senorita ditto haha!

Pero of course may Gawain naman ako sa apartment, like for example, ako ang tagalinis sa sahig. May pera naman si Mama na ipinapadala saken kaya ako na ang bumabayad sa rent and foods.

"Oh? Tapos kana?" Mataray na sabi nito at nginitian ko lamang ito na mas lalong ikinakunot ng noo nito.

"Bestie, masarap talaga ang luto mo, as always" Sabi ko dito.

"Wag mo akong bolahin bruha ka, tapusin mo na yan at pupunta pa tayo sa school. Ilagay mo na lamang iyan sa kusina" sabi niya at tumayo na.

Sumimangot ako at inirapan sya.

"I Prissed you, kaya mag-thank you ka naman dyan!" Sigaw ko sakanya.

"Walang nagsabi na puriin mo ako, also Praise hindi Priss, lagot ka kay tita at hindi ka nagfocus sa studies mo!" Sabi naman nito. Engot niya! Anong pake ko! Atleast same pronounciation! Diba?!

Nilagay ko na sa kusina ang pinggan ko at pumunta na sa may pintuan para magsuot ng black shoes ko. Diba? Nagu-uniform talaga ako! Good student kaya ako! Haha

Magkasabay kami ni Phoebe lumabas sa apartment namin.

"Jusko! Napakaingay talaga ng dalawang students dyan!"

"Maaga pa nga nagsisigawan na, hindi ba nila alam na walang sound proof sa nirentahan nila na apartment?"

"Ano ba kayo, wag mo na silang pake-alaman, sila na nga itong kusang nagpapasigla sa apartment natin"

"Huy Mariabel, Hindi ka ba naiingayan sa dalawang yun?"

"Hindi naman, mas maganda nga iyun kase pag nagiingay sila nare-realize ako sa mga youth days ko" Natatawang sabi ni Mariabel. Kaya nga gusto ko si Aunty Mariabel eh! Napakaconsiderative niya.

"Sige! Palit tayo ng room! Naku hindi ko na kaya sila! Ang ingay talaga!" Tumawa lang naman si Mariabel.

Naglakad na kami papunta sa kanila para batiin sila. "Good morning po!" Hirit ko sakanila.

"May good morning pa kayo dyan, sinira nya ang good morning ko eh!" Inis na sabi ni Tita Maribeth samin. Nag sorry naman si Phoebe habang tinawanan ko lamang sya.

Ganun talaga sa Tita Maribeth pero believe me, mabait 'toh, minsa pa nga ay binibigyan niya kami ng ulam.

"Sige bye-bye po! Aalis na kami!" Pagpaalam ko sa kanila.

"Umalis ka na at wag kanang bumalik!" Inis na sabi ni Tita Maribeth na tinawanan ko na lamang.

"Annyeong!!" Sabi ko sa kanila bago pa ako hilain ni Phoebe para sumakay ng bus.

First day ko sa new school ko, It's a private school. Malungkot nga at hindi kami same section ni Phoebe. Section Hope kase sya habang Section Joy naman ako.

"Aray!" Sabi ko nang nagsibabaan na kami sa bus. May nabundol ako pero di lang naman niya ako tiningnan at nagpatuloy lang ito sa paglakad.

Peste 'tong lalaki! Di man lang nagsorry!

"Vallerie wag ka munang gumawa ng eksena—hoy!"

"Ya! Chogiyo!" Sabi ko at hinarang sya.

"Ikaw!" Sabi ko sakanya at hinarap sya.

Inangat niya naman ang headphones niya habang tinaasan niya ako ni kilay.

"Ako?"

Tiningnan ko sya mula paa hanggang ulo…

SWEET HOME ALABAMA! This guy is fvcking hot!