"Alexander Lopez!!" Sigaw ko sa kanya habang nagdadabog akong naglakad sakanya. Tumingin naman ito sakin habang nakaupo. SIge, Jan ka lang! Para masapak na kita!
"Wala ka talagang kwenta! Aba at pinlano mo na pala lahat eh!" Sabi ko sakanya at marahas na hinawakan ang desk nito.
"Ikaw si Vallerie diba?" Rinig kong sabi sa isang kaklase kong babae, dahilan para mapatingin ako sakanya. Ang noo'y galit na mukha ko ay napalitan ng matamis na ngiti habang tumatango ako sakanya.
"Ah, Opo, Ako nga yun" Nakangiting sabi ko sakanya. Napangiti rin ito at nag thumbs-up saken.
"Ang cool nyo kanina! Akala ko talaga totoo na nag-aaway kayo!" Ngiting sabi nito.
Para namang na estatwa ako sa kinatatayuan ko. Ano raw?
"A-ano?" Nakatulalang sabi ko.
Nagkumpulan narin ang ibang mga kaklase ko.
"Oo nga! Akala ko talaga na nag-aaway kayo!" Masayang sabi ng isang lalaki na tawa ng tawa.
Anong nakain nito?
Naga-away talaga kami, hindi iyun acting-acting lang! unless…
"Dapat sinabi mo kay Ma'am Lynn na talent show lang iyun, ayan tuloy napa-punta ka sa detention office" Sabi muli ng babaeng kinausap ako. Napakamot nalang ako sa ulo ko habang palihim na tiningnan si Alex na ngayo'y may nilalaro naman sa NineTendo niya.
Siya kaya ang nagsabi? Pero bakit? Diba ayaw niya naman saken? Hate niya ako diba?
Di bale nalang! Baka maytinatagong bad motives ang lalaking toh, mahirap na!
"Ah-hehehe, Oo, haha akala nyo pala na totoo yun? Angaling kong mag-acting diba?" Pagsisinungaling ko sakanila. Ngumiti ako ng pilit sakanila habang naramdaman ko naman na tumayo ang ugok na lalaking yun.
"Sa'n ka pupunta?" Tanong ko sakanya ngunit hindi ito umimik at nagsimula ng maglakad palayo, dala nito ang headphones niya.
"Ah sorry pero may kailangan akong sabihin kay Alex, sige mauna na ako, Annyeong!" Sabi ko sakanila at agad na sinundan si Alex.
It's currently 9:50 at walang katao-tao ang paligid, malamang nasa klase pa kase naman 8-8:40 recess ng mga Elementary students habang 9-9:40 naman ang recess ng mga Junior High schools.
9:40-9:55 naman ang sa'amin, Grade 11, while 9:55-10:15 naman ang sa mga grade 12's
"Hoy!" Tawag ko sakanya kaya huminto ito sa kanyang paglalakad at humarap sa akin.
"What?" Tanong nito sakin. Magtagalog kaya sya, mas madali iyun.
"Nagko-korean ka rin naman, patas lang tayo" Sabi nito. Ha? Sa totoo, baka mind reader na talaga siya! Umiling-iling ako at tiningnan muli siya.
"Hindi ako magtha-thank you dahil sa pagsinungaling mo sa kanila na hindi tayo nag-aaway nun kundi naga-acting lang tayo" Sabi ko sakanya dahilan para kumunot ang noo nito.
"Tsaka, wag na wag kang maniniwala na may utang loob ako saiyo! Juice to make it clear to you, Ayaw ko parin saiyo!" Sabi ko sakanya.
"Just" Sabi naman nito.
"Ha?"
"Wala"
Aba naman! Wala eh may sinabi kaya sya! ANg lalaking toh! Ansarap sampalin, pero ofcourse dahil mabait naman ako, hindi ko iyun kaya gawin diba?
Sayang naman sa kagandahan kung papatulan ko pa ang lalaking toh noh.
Naglakad na ito muli at akala ko ay hindi na ako lilingunin pabalik pero lumingon naman ito at ngumisi sakin. What the—
"Nga pala, kamusta ang detention mo?"
"Ikaw!" Akala ko ay maysasabihin pa ito ngunit bumalik na sa kaniyang normal na ekspressyon ang kaniyang mukha at nagsimula nang maglakad palayo.
Bumunot na lamang ako ng isang mahabang buntong hininga para hindi ko na sya susugurin at masuntok. Relax nalang, mas mabuti pa at pumunta na ako pabalik sa room.
"Vallerie!" Isang babae ang tumakbo sakin, teka, sya yung babae kanina ah!
"Hello! Ano nga pala ang pangalan mo?" Sabi ko sakanya.
Napangiti naman ito sa'akin at itinuro ang kaniyang sarili. "Tawagin mo na lamang akong Steph, short for Stephanie" Sabi nito sakin at ngumiti.
"Ah hello Steph, ano pala ang gusto mong sabihin sakin?" Tanong ko sakanya.
"Um, Pwede maging friends? Wala kase akong kakilala dito eh, at parang may mga kaibigan narin sila kaya parang na o-out of place ako kapag maypinaguusapan sila ng hindi ko naman alam" Nahihyang sabi nito.
In fairness ha maganda naman siya, Hanggang balikat ang haba ng kaniyang blonde na buhok.
Ang totoo? Americana ba sya? Parang Oo eh. Matangkad ito tsaka maputi, parang hindi kutis Pilipino, baka nga!
"Nga pala, saan si Alexander?" Tanong nito na palinga-lingang tumitingin sa likuran ko.
"Ah, yun? Di ko alam, baka magpakamatay na" Biro ko sakanya na tinawanan ko rin, tumawa rin ito at napa-upo kami sa upuan namin.
Coincidence lang ata pero magkatabi pala ng upuan si Alex at ni Stephanie, ayos ah.
"Boyfriend mo siya diba?"
Jusmeyo! Kung umiinom ako ng tubig ngayon baka kanina ko pa naibuga ang tubig sa mukha nito, kaya bapaubo nalang ako.
"Oh? Ba't napa-ubo ka? May sakit ka?" Tanong nito sakin.
"Hindi" Iling na sai ko sakanya.
"Eh? Ano?"
"Di ko yun Boyfriend, nakakadiri naman."
"Eh crush mo?" Tanong niya muli sakin na parang nae-excite pa.
"Hindi rin! Ano kaba! That guy is not normal! Ba't ko maging crush yun?!" Sumimangot naman ito pero ngumiti naman uli. Okay that's weird.
"Palagi mo kase syang tinitingnan at sinusulyapan ng palihim kaya…akala ko lang" Kibit balikat na sabi nito.
Gusto kong matawa, kung alam lang nito na palihim ko syang sinusulyapan kase pinaplano ko kung paano ko sya papatyin.
"Oh? Ba't ka natahimik?" Tanong nito.
"Wala naman," Sabi ko.
Sakto naman at pumasok na si Alexander sa room ng bag ring ang bell.
"Tch. Ayan naman ang taong nakakasira ng araw" Sabi ko.
"Tsk" Yun lang ang sinabi niya at umupo na sa upuan nito.
Pumasok naman ang teacher namin.
"Hello class, first day of class at nagiingayan na kayo, sana naman ay hindi na maging mas maingay pa ang classroom niyo pagmas maging komportable na kayo sa isa't-isa" Bati ng teacher namin.
"Luh, ang gwapo ng sir natin"
"Oo nga! Masaya ako at nagging subject teacher natin sya"
"Alam mo bakit ditto ako naisipang magaral?"
"Bakit?"
"Of course gusto ko syang maging teacher! Dream come true na Gurl"
Tumitili namna sila habang ang mga lalaki naman ay nakikipag chismis naman kay sir kung ano ang mga hacks para mas maging gwapo kuno.
Hay nako, may mas gwapo pa naman kay ser eh. Of course si Minho lang noh!
"Nga pala Vallerie" Tawag ni Steph sakin.
"Oh?" Sagot ko.
"Pwedeng makisabay this lunch? Let's get to know each other" Sabi nito dahilan para mapangiti ako.
"Of course!" Sabi ko sakanya.
"Wala ng bawian ah?" Napakunot ang nook o sakanya habang marahan namang niyang siniko ang braso ni Alex.
"Ikaw rin, walang bawian."
WHAT.THE.HECK