"Aray!" Sabi ko nang nagsibabaan na kami sa bus. May nabundol ako pero di lang naman niya ako tiningnan at nagpatuloy lang ito sa paglakad.
Peste 'tong lalaki! Di man lang nagsorry!
"Vallerie wag ka munang gumawa ng eksena—hoy!"
"Ya! Chogiyo!" Sabi ko at hinarang sya.
"Ikaw!" Sabi ko sakanya at hinarap sya.
Inangat niya naman ang headphones niya habang tinaasan niya ako ni kilay.
"Ako?"
Tiningnan ko sya mula paa hanggang ulo…
Jusmeyo! Ba't ang gwapo niya?! Nagpa-plastic surgery ba ang gagong 'toh?!
Habang tulala akong nakatingin sakanya kumunot ang kaniyang noo at isinuot muli ang kaniyang headphones.
"T-teka lang!" Paghahabol ko sakanya ng magsimula itong maglakad palayo. Bumangga ako sakaniyang likod ng biglaan itong tumigil. Shit, ang ilong ko! Ansaket!
"What do you want from me?" Tanong niya. Aba't may paenglish-english pa ang kupal!
"Ya! Nabundol mo ako sa pagsisilabasan sa bus kanina, di ka man lang magso-sorry?" Napakunot ang noo nito habang tiningnan lamang ako.
Omo! Baka hindi sya nakakaintindi ng tagalong? Foreigner ba sya? Korean? Parang Korean ata! I mean look at him! Maputi at makinis naman ang kaniyang balat, halatang hindi kutis ng mga pinoy!
Maypagka chinito sya tapos matangkad, basta gwapo sya at mukhang foreigner. Baka Korean nga sya!
"Alam mo yun? You…Bundol-bundol me tapos ako….shout 'Aray!' because it pains?" Pagpapaliwanang ko sakanya sa isang broken English.
"Then?" Tanong nito.
Thank the heavens at nagets niya ako! Pero what the—then? Then? Then ano? Yun lang? sorry gusto kong marinig sa bunganga mo!
"Hay naku! Ano—mag sorry ka, 'I'm sorry' to me, because me pains your bundol" Sabi ko, muli tiningnan lamang niya ako ng parang hindi niya ako naiintindihan. Buset! Ganun ba talaga ako kabobo mag Ingles?
"Alam mo? Yung Sorry? Saken?..... joesonghabnida In korean" Sabi ko. Koreano naman siya diba? Dapat nakakaintindi sya. Hehe
"Fucking Kpoopers like you are cringe as fuck" Rinig kong sabi ng lalaki.
What the hell did he say?
"Anong sabi mo?!" Lagot ka sakin! Ako? Cringe? Ano yan? Pero di bale na offended ako!
"Cringe na nga, bingi pa, the fuck is wrong with you people" Sabi niya at umiiling-iling pa, nagsimula na itong maglakad palayo saken.
Pakshet! Alam niya naman pala mag tagalog! Pinahirapan pa ako! Buset sya!
"Hoy! Hintay!" Sabi ko sakanya at hinabol muli sya ngunit hindi niya na ako liningon at nagpatuloy lamang sa kaniyang paglalakad. Pinagtitigan narin ako ng mga iilang estudyante at tao sa daan kaya nakaramdam narin ako ng hiya.
"Ano yun? May away?"
"LQ ata" Buset ka! Anong LQ? Suntok gusto mo?
"Grabe ang open na talaga ng mga kababataan ngayon" Manahimik ka tanda! Anong open?
Pero of course di ko yun masasabi, as in never. Mabait kaya ako, di ko yun makakaya, hanggang isip lang iyun noh!
"Phoebe!" Tawag ko sa best friend ko na nauna na sa paglalakad papunta sa gate ng school.
"Phoebe hintay!" Tawag ko ulit at kumapit sa braso niya ng maabutan ko sya.
"Di kita kilala! Alis! Bitawan mo ako! Nakakahiya ka!" Pagtakwil niya sakin.
"Grabe ka naman saken Bes, kung makasabi naman na di mo ako kilala…" Pageemote ko sakanya. Bumuntong hininga muna sya bago kami nagpatuloy sa paglalakad naming papunta sa assigned rooms naming.
"Sabi ko sayo eh, wag kang gumawa ng eksena. Ayaw mong making eh" Bulong na sabi niya.
"Sa susunod pag gumawa ka naman ng eksena, iiwasan at iiwasan na talaga kita! Hindi na tayo magkakilala!" Sabi niya. Ang harsh naman ni bestie pero syempre alam kong joke lang yun.
"Alam kong joke lang yan!" Masayang sabi ko sakanya.
"Pano ka nakakasiguro?" Taas kilay na sabi niya. Grabe parang tinarayan niya ako.
"Ako pa! Alam naman kita, hindi mo ako matitiis eh" Nakangising sabi ko sakanya, sumimangot lamang sya at iwinaksi ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.
"M-maiwan ka nga dyan! Papasok na ako sa room ko! Bye!" Sabi nito at naglakad na papunta sa room niya. Aw ang cute talaga ng best friend ko, may pagkasuplada talaga si Bestie pero mabait talaga ito.
Pumasok na ako sa class room namin at pumwesto sa upuan na malapit sa bintana. Nahagip ko naman ang isang pamilyar na kulay itim na buhok sa likuran ng pwesto ko, Oh hell no!
"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ko sakanya. Iniwas niya ang kaniyang mga mata na nakatingin sa labas ng bintana at tiningnan ako. Kumunit ang kaniyang noo ng Makita niya ako.
"This is my classroom, I should be the one who's asking you that" Ingles niyang sabi.
"May pa Ingles-ingles ka pang nalalaman dyan! Hello nasa pilipinas tayo! Pabo" Sabi ko sakanya at pinandilataan siya.
"Kinishinai"
"H-ha?" Anong sabi niya? Di ko gets, Kinishinai raw.
"M-mwo?" Baka Korean talaga sya eh, pero parang walang ganun na grammar sa Korean eh! Nakailan na akong binge watch ng mga Korean dramas and memorize every single words sa mga lyrics ng mga albums ng mga kpop bands pero parang wala akong nae-encounter na ganun.
Kaso ang piste ng lalakeng 'toh, Hindi man lang ako pinansin!
"Alex! Nice dito mo pala naisipan na pumasok!" Isang gwapong lalaki ang naglakad papunta samin. Nakalugay ang buhok nito at halatang isa itong role model ng salitang good student base sa kaniyang pananamit at aura.
"Jameson, it's been a while" Tugon nito. Alex? Alex pangalan niya?
"Oh? Himala at hindi Hisashiburi ang sinagot mo, ano? You stopped becoming a weeb?" Natatawang sabi niya.
"Shut up, I'm a weeb but I don't speak it like we don't have our own language we use." Ah ganun? Anong pake ko? Tsaka Weeb> ano yun?
"Anong weeb?" Tanong ko.
"Wala di mo yun maiintindihan" Sabi ng Alex na iyun.
"Hoy lalaki na tinawag ni gwapong oppa na Alex, nagtatanong nga ako para maiintindihan ko o baka nahihiya ka sa meaning ng weeb kaya hindi mo gusting malaman ko ito?" Nakangising sabi ko sakanya.
"The cringe is real, Bro Oppa raw" Sabi ni Alex kay Oppa na gwapo. Ha? Cringe? Saan? Baka sya cringe, ew nya. This is completely normal!
"Well, over these past days, tinatawag narin nila ako ng Oppa, haha di ko alam pero yun na ang bale nickname ko eh" Natatawang sabi ni Oppa.
"I'll pray for you" Sabi ni Alex at tinapik pa siya sa likuran. What the? Ganun ba ka cringe ang oppa sakanya? That's freaking normal!
Biglang may sounds ang narinig namin sa mga maliit na speakers na nasa classroom and hallways naming at isang announcement ang nakuha namin na mags-start na raw ang opening ceremony sa gymnasium kaya nagsilabasan na kami para pumunta sa gym.
Pero bago pa nun ay narinig ko ang konbersasyon nila Jameson at Alex na nasa likuran ko lang.
"Ba't feeling ko ayaw na ayaw mo sa babaeng yun?"
"That one? Paano mo nasabe?"
"Bro, we've been friends for a decade already, alam na alam ko ang aura na pumapalibot saiyo."
"Good for you"
"Hu-hulaan ko, Kpopper noh? Haha ayaw na ayaw mo parin pala ang mga kpoppers hanggang ngayon"
Hindi ko na narinig ang kanilang conversation kase nagkakumpulan narin ang mga studyante at medyo malayo narin ako sakanila.
But what's his deal? Ayaw na ayaw niya saken? Dahil Kpopper ako? Ano sa ngayon? Wala akong pake eh! Kung ayaw niya saken mas ayaw ko sakanya!
Maghintay ka lang sakin!