Chapter 4 - Chapter 4

"Don't blame me, Bruha ang narinig ko"

"Kaya nga sabi ko sayo, Vallerie Allensya Chavez ang pangalan ko at hindi Bruha! I-erase mo nga yan!" Sabi ko sakanya at kinuha ang papel nito.

"Aish!" Napakamot ako sa ulo ng maalala ko na ballpen pala ang gamit nito, tiningnan ko siya ng masama but he just shrugged, Mukhang wala itong Correction pen.

Kumuha ako ng bagong papel at isinulat ang pangalan ko dun.

"Ikaw anong pangalan mo?" Tanong ko sakanya.

"Tinatawag mo akong Alex pero di mo alam ang pangalan ko?"

"Hoy! Alex lang ang alam ko dahil yan ang tinawag sayo ni Oppa, ano ako? Stalker? Sayo? Over my dead Body" Sabi ko sakanya,

"Mukha ka ngang stalker," Sabi nito kaya napatingin ako sakanya, I swear gusto ko talgang patyin 'tong lalakeng itoh.

"Alexander Lopez" He said indifferently. Hindi na ako umimik pa at isinulat na ang pangalan nito sa papel.

"Let's start with hobbies" Sabi nito at umupo ng maayos.

"Sige, anong hobby mo?" Tanong ko sakanya.

"Watching anime" Nabo-bored na sagot nito. I rolled my eyes at him.

"Eh ano ang karaniwang ginagawa mong pampalipas oras?"

"Watching anime and gaming"

"Ilan kayo magkapatid?" Tanong ko.

"Dalawa" I took a glance at him. May kuya siya?

"She's a girl, 7 years of gap, younger than me" Sabi nito na nakapikit. Edi sya na ang makakabasa ng isip!

The more I questioned himself the more I got conscious. Ba't ako lang ang nagtatanong? Tsaka pagmay tinatanong ako sakanya halos, 'Anime' 'Gaming' 'Anime' 'Light novel' at 'Manga' lang ang sinasagot niya.

"Tapos ka na?" Tanong nito, Tumango ako at umupo narin ng maayos.

"Magtanong kana sakin,Sasagutin ko yan ng matino hindi katulad sayo" Sabi ko sakanya.

"No need, tapos na ako" Sabi nito at itinaas ang papel.

"Sure akong hindi naman legit yan! Wag ka ngang sulat na sulat dyan! Paano kung falls imformation yan?" Sabi ko sakanya at kinuha ng marahas ang papel tsaka ito binasa.

"Vallerie Allensya Chavez, 17 years of age" Sabay nito sa pagbasa ko.

"Only child,

favorite pastime: Watching kdrama's and kpop songs

Mahilig sa mga cute na mga bagay.

Favorite color: Anything basta Pastel colors

Hindi gumagawa ng mga gawaing bahay, in short tamad"

Tiningnan ko muli sya. Sa totoo, baka stalker ko talaga sya. Inisip ko lamang nab aka stalker sya nago-goosebumps na ako.

"I'm not stalking you, halata eh" Sabi nito, hindi ko sya pinansin, baka stalker nga, nagde-deny pa.

"Wag kanang magdeny! Maganda ako eh! Natural pero sorry, My heart belongs to Minho only!" Sabi ko sakanya, I patted his back na parang nakikiramay ako sakanya.

Inalis niya naman ang kamay ko, "Your age is pure sheer of luck, alam ko ang pastimes mo kase anlakas mong magpanggap na parang ipinanganak na Korean, hindi naman pala" Sabi nito, Na-offend ako pero ayaw kong magalit eh, nakaramdam ako ng matalin na mata na nakatutok sakin.

I'm sure it's our teacher.

"Pastel colors, base sa bag mo at mga gamit mo, it's all pastel colors" Sabi nito kaya napatingin ako sa Pastel violet na bag ko at ng pastel pink na pencil case ko. Napangiti ako sakanya, sus nagde-deny pa, baka nagi-istalk sya tapos nag-rason lang.

"Mahilig ka sa mga cute na bagay, katulad nalang sa mga school accessories mo and of course, you seem to like my friend, Jameson, As much as I hate to admit it, cute nga iyun." Kibit balikat na sabi nito.

"Tapos? Sure ka na hindi ako gumagawa ng gawaing bahay?"

"When you wrote what my hobbies are, nakita ko ang kamay mo, alagang-alaga kaya alam kong wala kang ginagawang house chores, also, walang ginagawa sa bahay tapos mataba, in short tamad ka nga" Kalmado na sabi nito.

"hindi ako mataba!" Sabi ko sakanya. How dare he? Hindi nga ako mataba, Sabi nga ng best friend ko payat raw ako kaya mage-exercise daw ako.

"That's all, Looking forward with you guys!" Pumalakpak muli ang mga kaklase ko.

"Pauline and Luke, thank you, you may return to your seats" Sabi ni ma'am sakanila.

"Next," Tawag ni ma'am kaya tumayo na si Alex. Why the heck is he standing up for?

"Tara"

"Hoy! Ano kaba! Wala pa tayong talent na isho-showc cast!" Tawag ko sakanya sa mahinang tono pero ang walang hiyang toh ay nauna nang tumayo sa harapan at nagsimula nang sabihin ang about myself sa papel.

Nakatayo lang ako dun habang tinitingnan ako ng mga classmates ko. Ang Awkward, pilit akong ngumiti at tumayo sa gilid niya.

"Anong ginagawa mo? Wala pa tayong talent!" Galit na bulong ko sakanya at ngumiti pabalik sa mga kaklase ko.

"—In short tamad sya, yun lang" Pagtatapos niya. Tang'n!

"Umm…ehem." Ubo ko at binasa ang nasa papel.

"Alexander Lopez, 18 years of age, mahilig sa anime--" Pagbasa ko sa papel, Mukha akong kalmado sa labas pero sa totoo niyan, Shit! Ano na? Malapit na matapos ang introduction tapos ang sa susunod ay talent show case na!

Gusto ko sanang magkaroon ng magic, magic ang gusto kong i-show cast, para naman mapatay ko na 'tong lalakeng toh.

Natapos na ang pagpakilala naming sa isa't-isa kaya nakatayo lang kame dun na parang mga tanga habang hinihintay kami ng mga kaklase na mag portray sa talent namin.

"May idadag-dag ako, Masungit pala ito tsaka ang attitude niya, EW, pinalaki pa naman ng may magandang mukha kaso napakademonyo naman ng ugali!" Sabi ko at ngumisi sakanya.

"Bruha pala ang nickname nito, tsaka Napa-imature niya kaya it's best to stay away from her, baka mahawaan kayo sa pagka-bwesit niya"

"Ano?!"

"It's the truth!"

"May pa truth-truth ka pa dyan! Bwesit Karin noh? Gusto mo ba ng away?" Sabi ko sakanya at ipinakita ang kamao ko.

"Try it, kahit babae ka, hindi kita uurungan " Kalmado na sabi nito.

"Talagang gagawin ko!" Sabi ko sakanya, pumwesto narin sya kaya para kaming si pacquiao at mayweather.

"STOP IT THE BOTH OF YOU" Sigaw ni Ma'am ng susuntukin ko na sana si Alex.

"Detention" Natulala ako, Ha? bakit?

"Ma'am--" Tawag ko sakanya

"Wag kanang magrason, Detention. NOW" Galit na sabi ni ma'am kaya napatingin nalang ako sa ibaba.

"Ah, Alex, diba? Si Miss Bruha lang ang detention, wag kanang mag-abala, you may seat now" Mabait na sabi ni ma'am kay Alex.

WHAT THE—

Napatingin ako sakanya at tumango ito at bumalik na sa pwesto niya. THIS IS SO UNFAIR!

"Ma'am bakit po sya--"

"DETENTION MISS" Sabi nito, galit na galit ito kaya napalunok nalang ako at nagmamadaling lumabas sa room.

Ba't ako lang?! Kasalanan niya iyun eh!

Sumilip ako sa isang rectangular shape glass sa pinto ng class room naming, Nakangisi akong tiningnan ni Alex habang nakapamulsa na umupo sa upuan niya.

He—Siya—Pinlano niya ang lahat! Ang lalakeng iyun!

Naglakad ako sa hallway papunta sa detention room, galit ako sakanya, hintayin mo lang ako, makikipag-suntukan pa ako sayo!

Kahit na mapapa-alis ako sa school, gaganti talaga ako sayo!

Maghintay kalang! ALEXANDER LOPEZ!

Latest chapters

Related Books

Popular novel hashtag