Chapter 3 - Chapter 3

"Alex, Um, you see…I've liked you for a long time…" A blonde haired girl said as he twirled her fingers in front of me, hiding her face with her hair.

"Kei," I called out to her. Natauhan naman sya tsaka namula.

"It's okay if you won't accept me—I--" Hindi ko na sya pinatapos at agad na niyakap sya.

"No, Thanks for confessing to me, I…also like you too" Sabi ko sakanya. Napangiti naman ito at niyakap ako pabalik.

--Happy End—

"So? Kei was a good bachelorette right?" Tanong ni Jameson sakin ng ibinaba ko na ang NineTendo ko.

"Mas gusto ko parin si Chika"Sabi ko sakanya kaya tumawa nalang ito.

"Yung may malaking, anong tawag nun? Oppai?" Tanong nito at tumawa muli, Sinamaan ko sya ng tingin bago ako nakarinig ng isang boses na ayaw na ayaw kong marinig.

"Mwo? Ano yung narinig ko? Aba! Nagkukunwari kapa na ayaw mo ng mga kpoppers pero nagko-korean ka naman pala! Aigoo,"

I merely harrumphed at her choice of words. Nagko-korean pa ang isang 'toh.

"Oh? Gusto mo ng Chixs na tumatawag sayo ng Oppa eh no?" Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"Wag ka nang magdeny! Narinig ko lahat! Sabi mo pa eh--" Umubo muna ito bago tumayo at may hinarap sa kaniyang kaliwa.

"Mas gusto ko parin ang mga Chixs" Anito sa malalim na boses tsaka humarap naman ito sa kanyang kanan.

"Yung tumatawag sayo ng, Oppa diba?" Pagtapos nito bago ngumiti sakin at tinarayan ako. What the heck? Is she for real? Anlayo kaya nun sa sinabi ko at ni Jameson!

Ayaw ko naman na huminde kase alam ko na hahaba lang ang usapan namin kaya imbes na dumepensa ako ay isinuot ko na lamang ang headphones ko at pumikit.

"Did you just eggnore me?!" Sabi nito at kinuha ang headphones ko. Kumukulo na ang dugo ko sa babaeng toh. Kung makaenglish parang tama naman! Mali pala!

"Ya! Nakikinig ka ba?" Galit na sabi nito sakin. Tiningnan ko lang sya ng masama bago nagsalita

"Hindi" sabi ko at namulsa.

Awkward kaming tiningnan ni Jameson bago sumipol at tumayo.

"Sige mauna na ako," Sabi nito at umalis na sa classroom, tiningnan naming ito hanggang mawala ito sa door frame.

"Ayun tuloy, umalis si Oppa" Nakasimangot na sabi niya. Alam kong may pangalan siya, I heard it when her friend called her kanina sa hallway. But I don't want to call her that, mukha namang creepy diba? Alam ko ang name niya kahit hindi pa sya nagi-introduce sakin.

Hindi ko naman namalayan na pumasok na pala ang teacher namin kase nakatingin lang ako sa babaeng iyun habang binabatohan niya ako ng masasamang tingin.

"Okay, please have your seats class" Sabi nito sa'min kaya naupo narin ang pokpok na babaeng iyun sa upuan sa harap ko.

Sa dinami-dami naman ng upuan sa room, dito nya pa nakuhang umupo.

"Ba't dyan ka uupo?" Tanong ko sakanya,

"Natural upuan eh" sabi nito. What I meant was kung doon nalang sya sa ibang upuan eh, dito pa talaga sya na ayaw kong Makita ang mukha nito kahit buhok man lang.

Pina-ikot ko lang ang mata ko, I didn't refute with her anymore at nakinig lang sa ia-announce ng teacher namin.

"Welcome to Seiin High School, Grade 11 na kayo kaya I will expect na kayong lahat ay matured na, ayoko sa mga isip bata okay?" Sabi nito at may isinulat sa board.

"I am Charilynn Samontes, call me Ma'am Lynn" Sabi nito ng matapos niyang i-espelling ang pangalan niya sa board.

Humarap siya sa'min at tiningnan kaming lahat. Great!...introductions, I hate them, bakit naman kase kapag first day kelangan ng introductions?

Nakita ko naman na nanginginig ang pokpok na babae sa harap ko kaya tiningnan ko ito sa likuran na nakapatong ang mukha sa kamay ko.

Kung ganun siya ka-excited sa introductions na nanginginig pa sya sa tuwa, maiba naman ako. Sa tingin ko may magagawa akong meme mamaya pagkatapos ng school.

"Mukhang new faces lahat dito ah, sige mag i-introduce tayo para naman, makikilala natin ang isa't-isa" Sabi ni Ma'am Lynn pero tumigil ito at tiningnan ang mga classmates ko, may iba na walang pake-alam, may iba rin na nanginginig sa takot at hiya, may iba rin na nagsu-suggest na with talent show raw.

I'll drag that guy to hell with me. Nagta-talent show pa ang isang 'toh, ano toh? Pilipinas got talent? X factory?

Para namang nagi-iscout ng mga talented students para i-cast sa mga shows.

At Oo, pumayag naman ang teacher namin.

Eh sa wala akong talent? Mediocore lang naman ang boses ko sa pagkanta, wala namang estudyante ang may dalang violin o piano, kahit guitara man lang! hindi naman pwede volleyball, tennis o basketball kase kelangan pang pumunta sa court.

Pwedeng 'I can watch 6 anime series in one day?' Mukhang hindi naman iyun pwede.

Kaya kong hindi matulog sa gabi? Oh diba? Wala akong talent na pwedeng ipakita? Kaya nga mahirap eh.

"Pero with a twist ang introductions natin para masaya!" Hirit ng guro namin. Nakiki-close narin ang mga feeling class representative sa teacher namin na alam ko ay lahat na nakikiclose kay teacher ay magiging isang class official namin.

Galing ng mga tricks noh?

"Tumngin kayo sa likuran niyo at sila ang magiging partner niyo for your introduction, By 2 only ha? Also kelangan ang kapartner mo ang magi-introduce sayo at hindi ang sarili mo, are we clear?" The whole class shouted a clear 'yes' habang ang pokpok naman na babaeng to ang kaisang studyante na tumutol.

Nasapinakahuli akong seat kaya natural lang na ang babaeng 'toh ang magiging kapartner ko sa pag-i-introduce

"Miss the-one-infront-of-the-handsome-black-shirt-boy? Bakit tumutol ka?" Tanong ni Ma'am sa kaniya, tiningnan naman siya ng mga kaklase naming at tumayo siya. Grabe ang haba na pala ng pangalan ko ngayon, I'm surprised alam niya kase kahit ako hindi ko alam.

"Ma'am, pwede po ako magpalit na ka-partner?" Tanong niya at pilit na ngumiti ng medyo. Napatingin lang ako sa labas.

"Bakit? Anong concern mo sa kapartner mo? Gwapo naman ang partner mo ah, actually napaka-swerte mo" Nakangising sabi ng guro namin.

"Eh kase ma'am--" Pagdadahilan nito pero tumikhim naman ng Makita niya ang mga mata ni ma'am.

"Miss, go to your partner, nagsasayang ka lang ng oras, kung ayaw mo sa partner mo lumabas ka nalang sa classroom" Nakangiting sabi nito but her eyes lit up a flame of a demonic look.

Nanginginig man ito sa takot ay nagawa pa nitong umo-o. Napangiti muli si ma'am at pumalakpak, "Okay students, magpakilala kayo sa partners niyo and in 5 minutes your partner will be the one to introduce you infront of everyone," Sabi nito at kinuha niya ang cellphone at maypine-press doon. I'm guessing she's setting a timer.

Tiningnan niya muli kame at ngumiti,

"Nga pala, Please do your Talents with your partner" Sabi nito bago nag "Okay, Timer starts, NOW!"

"Anong pangalan mo?"

"Really? Parang magkaparehas tayo ng name! kesa lang sa pronunciation"

"Grabe, ilan kayo magkapatid?"

Yun lang ang tatlo sa mga narinig ko sa mga kaklase ko bago ako napatingin sa babaeng napaupo sa harap ng desk ko.

"Sa dami dami ng students ikaw pa talaga, Wae??!!" Emote nito.

"That's your problem, ikaw umupo sa harap ko, sabi ko sayo ba't ka umupo dun"

"Di mo kase sinabi na magkakaroon pala ng ganito!"

"So it's my fault? I'm no fortune teller" Sabi ko sakanya. She mumbled an irritated 'may paenglish-english pa, nasa pinas naman tayo'

"I can hear you" Sinamaan niya ako ng tingin at kumuha na ng papel.

"Edi Waw!" Sabi nito at may isinulat na sa papel.

Hindi ko alam but something inside of me said that this introduction will be Chaotic, and believe me, my gut feelings have never been wrong.