Chereads / SOMEONE ILOVE (COMPLETE) / Chapter 2 - CHAPTER ONE

Chapter 2 - CHAPTER ONE

"Nabalitaan mo na ba?"

Saglit na natigilan si Airen sa pagtitimpla ng kape. She shot her friend a questioning look. "Ang alin?" balewalang hinalo niya ang kape na hinango niya mula sa coffee grinder.

"May bago ka raw kapitbahay," Mabelle exclaimed excitedly.

Ibinaba niya ang hawak na cup at saglit na binalingan ang kaibigan. "So? Ano namang interesting sa balitang iyan?" sarkastikong puna niya. She started pouring hot water in her cup. Napangiti siya nang maamoy ang kakaibang bango ng tinitimpla niyang kape.

"Ayon sa balitang nakalap ko, sobrang gwapo daw ng bago mong kapitbahay."

She irately smirked. She started walking towards the counter. She owned a small coffee shop. Siya rin mismo ang manager ng Airen's Lounge. "Bakit mo ba ibinabalita sa akin iyan? Kung makaasta ka parang ikaw pa itong nakatira sa bahay ko ah. Andami mong alam sa kapitbahay na iyan. Ikaw na kaya ang tumira sa bahay ko, ano?"

"Bawal ma-excite? Bawal? Narinig ko kahapon sina Cheryl at Alyssa eh. Pinagtsi-tsismisan iyong hot na mangungupahan sa tabi ng bahay mo," nakaingos na paliwanag nito.

"Masyado mong pinapansin ang mga kapitbahay kong iyon. Alam mo namang adik ang mga iyon sa gwapo at madaming abs." She shook her head. She sipped her coffee. Lalong lumawak ang ngiti niya nang malasahan ang tamang timpla ng kape niya. "Gusto mo ng kape? Teka nga, wala ka bang pasok ngayon?" tanong niya kapagdaka.

"I almost forgot, may meeting nga pala kami ngayon." Tumuwid ito ng tayo. "I have to go. Teka, bistahan mo kung gwapo iyong bago mong kapitbahay ha? Makikibalita ako sa'yo bukas," nakangising bilin pa nito bago umalis. "At kapag gwapo, akin iyon, okay?"

Mahirap din palang magkaroon ng mga malalanding kapitbahay. She shook her head. Pagkunwa'y napatayo siya at nagsimulang buksan ang kanyang shop. Walking distance lang iyon mula sa bahay niya. Nasa kabilang kanto ito sa labas ng Soul Village, nasa tabi ng kalsada. Tuwing alas nueve ng umaga siya nagbubukas, alas nueve naman ng gabi siya nagsasara. She glanced at the time. Alas otoso pasado na.

Mayamaya ay magsisidatingan na rin ang mga tauhan niya sa shop. Most of her employees lived in Soul Village too. Namataan niya ang pagdating ng humahangos na si Alyssa kasunod si Cheryl. Bukod sa kapitbahay ay nagta-trabaho rin bilang waitress niya ang mga ito. Napataas ang kilay niya sa tilian ng dalawang dalaga. Excited na pumwesto pa ang mga ito sa may bintana paharap sa bukana ng malaking gate ng Soul Village.

"Ano'ng nangyayari?" takang tanong niya.

"Oh my gosh, ate Airen, alam mo bang itinimbre sa akin ng hot security guard na kamukha ni Alfred Vargas na—"

"Alyssa, just tell me what happened. Hindi ko hinihiling na purihin mo iyong crush mong security guard ng village natin," sansala niya sa natatarantang dalaga.

"Eh kasi nga, itinimbre niya sa amin na papasok na raw sa village ang sasakyan ng bago mong kaptibahay. Ngayon na daw siya maglilipat!" tumitiling sagot nito.

She rolled her eyes. "Sigurado ba kayong gwapo iyan?"

"Ang killjoy mo naman ate," nakaingos na sabad ni Cheryl. "Iyon ang kumakalat na tsismis ano. Nakita daw mismo ni Mrs. Mayer. Sobrang gwapo daw."

"Andami ninyong pwedeng paniwalaan, iyong kapitbahay pa nating tsismosa."

Napailing na lang siya nang magsimula na namang magtilian ang dalawa. Maging siya tuloy ay nacurious sa bago niyang kapitbahay. Mula sa glass window na dinudungawan nila ay kitang-kita nila ang pagdaan ng isang itim na Toyota Fortuner. Kasunod niyon ay isang malaking truck na nahulaan niyang naglalaman ng mga gamit ng bagong dating.

Humimpil ang sasakyan sa harap ng village gate. Lumabas mula roon ang pinagnanasaan ni Alyssa na security guard at kinatok ang driver ng itim na kotse. Nakita niyang tumango ang guard pagkunwa'y umatras ito palayo sa pinto ng kotse.

"Oh my golly! Lalabas siya! Lalabas siya! Mahahalikan ko talaga si Daniel the hot security guard mamaya. Ang galing niya! Palalabasin niya nga ang hot na kapitbahay mo!"

"Alyssa, hawakan mo ang kamay ko. Hihimatayin ako," tumitiling sigaw ni Cheryl.

"Ang OA ninyong dalawa," sikmat niya.

Pigil hiningang hinintay nila ang paglabas ng bago niyang kapitbahay. Napahalakhak siya nang makita ang isang maitim, maliit at may katabaang lalaki mula sa driver's seat. Malakas na ungol ng pagkadismaya naman ang narinig niya mula kina Alyssa at Cheryl. Naiiling na tinapik niya ang likod ng mga ito. "Go back to work, ladies." nang-aasar na aniya bago iniwang nanlulumo at nagngingitngit ang dalawa. "Gwapo pala, ha?" tumawa ulit siya.

***

"Good evening Miss Airen."

She glanced at Alyssa who was nervously standing in front of her desk. Maingat niyang itinabi ang binabasang libro at hinarap ito. "Ano iyon, Alyssa?" malumanay niyang tanong.

"E-eh kasi po, m-may lalaking customer sa labas na nagrereklamo."

"Nagrereklamo?" hindi makapaniwalang ulit niya.

"Opo. Pangit daw ang service ng coffee shop natin. Hindi raw masarap ang mga kape."

Biglang nagpanting ang tenga niya sa narinig. Hindi siya basta basta pumapayag na magserve ang mga tauhan niya nang hindi niya prubado. And as far as she can remember, hindi pa naman nagkakamali ang panlasa niya pagdating sa mga isineserve sa coffee shop niya. Pinakalma muna niya ang sarili bago nagsalita. "And he wanted to see me, right?"

Tumango si Alyssa. "Opo."

She inhaled and exhaled continuously. Bihira siyang makatanggap ng reklamo sa shop niya dahil bukod sa maayos ang pagpapatakbo niya roon ay likas na mababait at masiyahin din ang mga tauhan niya. Tumayo na siya. "Nasaan ang costumer na iyan?"

Sinundan niya si Alyssa. Humantong sila sa isang may kadilimang bahagi ng shop. Nasa may bandang sulok kasi iyon. Malayo pa lang siya ay nakita na niya ang lalaking iyon na prenteng nakaupo. His arms were crossed on his chest, his feet were on the coffee table. Lalong kumulo ang dugo niya sa nakita. Mamahalin ang mga tables ng coffee shop niya! Nagmartsa siya palapit sa lalaki. Nauna na si Alyssa para sabihing pasunod na siya.

"Where's your manager?"

Narinig niya ang preskong tanong nito kay Alyssa. Tumikhim siya. Noon naman napalingon sa gawi niya ang lalaki. "Good evening sir, nais ninyo raw akong makausap?"

The guy's lips twitched. Sa hindi niya malamang dahilan ay bigla siyang kinabahan. His smirk reminded her of some she knew long time ago. Sinenyasan niya si Alyssa upang iwan sila. Tumalima naman agad ang dalaga at umalis. She took a deep breath.

"Long time no see."

Kumunot ang noo niya. "I b-beg your pardon?"

"Don't you remember me?" marahan nitong ibinaba ang mga paa mula sa pagkakapatong sa mesa. Pagkunwa'y swabe itong tumayo at hinarap siya. "Airen."

The way he said her name made her freeze. Iisang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganon. Everybody pronounced her name as "ey-ren" while he pronounced her name as "ay-ren". Iisang tao lang talaga ang tumatawag sa kanya ng ganoon. Napalunok siya. It couldn't be. Pinakatitigan niya ang kaharap. Kapagdaka'y napailing siya. Of course, imposible.

"I'm so hurt. Hindi mo ako nakilala," he exaggeratedly held his chest.

"I'm sorry. Pero hindi kita kilala, sir," aniya matapos makahuma.

"Bakit naman hindi? Nakalimutan mo na ako agad?" naglakad ito palapit sa kanya. Napaatras siya. He chuckled, napailing pa ito. Napalunok siya nang muli itong nagtangkang lumapit. At dahil nasa madilim na bahagi sila ay tiyak na walang nakakapansin sa kanila.

"B-bakit ka lumalapit?" she tried hard to keep her cool.

"Bakit ka lumalayo?" his voice was teasing.

Bakit nga ba? She composed herself, tumayo siya ng maayos. Napatigil naman ito sa paglapit at pinagtaasan ng kilay ang ginawa niya. "Narito ako para pakinggan ang reklamo ninyo, sir." She raised her chin and bravely caught his eyes, kahit pa sa loob loob niya ay pinanghihinaan siya ng loob. Hindi niya maaaring ipakita na apektado siya sa presensya nito.

"It was an excuse. Gusto ko lang talagang makita ka uli, Airen."

Hindi siya tanga para hindi mahulaan na inuulit-ulit nitong binabanggit ang pangalan niya upang ipaalala sa kanya kung sino ito. "L-luigi..." she whispered in an exasperated tone.

"I knew you'd recognize me." nawala ang ngiti nito. Naging mabalasik ang anyo nito at tinignan siya mula ulo hanggang paa. "Why, you never changed. You're still as beautiful as ever, huh? Ilang lalaki na kaya ang niloko, pinahirapan at pinagmukha mong tanga?"

Hindi nakaligtas sa pandinig niya ang poot at pang-uuyam sa tono nito. Ipinagpasalamat niyang nasa madilim na lugar sila kaya tiyak na hindi nito nakita ang pamumula ng mga pisngi niya. Nagsisimula na ring manginig ang mga tuhod niya. Crap! Ayaw niyang isipin nito na natatakot siya rito. But she couldn't help it. "Why are you here?"

"Alam mo ba kung bakit ako nandito?" his wicked smile made her cringe all the more. "Narito ako kasi may binalikan ako." matalinhagang anito.

She was dumbfounded by his obvious threat. Lalo siyang kinabahan. The anger she saw in his eyes was too obvious that it made her knees almost break. "U-umalis ka na." napapikit siya nang imbes na sigaw ay nagmistulang bulong ang sinabi niya. What's happening to her?

"Sana nakikita mo ang hitsura mo ngayon." natatawang naglakad ito palabas ng shop at iniwan siyang nakatulala.

Ano'ng nangyari? Ilang beses siyang napakurap at napalunok. Nanghihinang napakapit siya sa upuang naroon. Did he just threaten her? Ano'ng ibig nitong sabihin? Bakit daw ito bumalik? Napasigaw siya sa sobrang inis at napasubsob sa mesa. Mababaliw na siya!

A/N : Sorry na. May mga kaunting typo at maling bantas every after dialogue. Tinatamad na akong mag-ayos. Please be reminded that I had written this story yeaaaaaars ago. HAHAHAHAHAHA. Labyu!