Chereads / Whirlwind Marriage (Tagalog) / Chapter 2 - Isa Lamang Siyang Estranghero na Biglang Sumulpot

Chapter 2 - Isa Lamang Siyang Estranghero na Biglang Sumulpot

"Mama, may ginamit siyang kakaibang paraan. Wala itong kinalaman sa paggaling ng aking sakit!" ang sagot ni Jingze.

Tumingin sa kanya si Mu Wanqing at sinabi, "Sa tingin mo ba, hindi ko rin sinubukan iyan sa'yo? Hindi gumana. Sa lahat ng pagkakataon, lagi nalang nating tinatawag ang doktor para gamutin ka. Pero nagalaw mo siya. Hindi lang iyan, ang sabi pa ng mga tauhan mo na sobra kang na-satisfy at hindi lang isang beses mong ginawa yun sa buong gabi!"

"..." Idiniin ni Gu Jingze ang kanyang nakatikom na kamao sa babasaging mesa at sinabi, "Siguro kakaiba ang gamot na ginamit ngayon. Ano man ang mangyari, hinding-hindi ko pakakasalan ang baliw na babaeng iyon na walang kahihiyan sa sarili kahit kaunti. Mama, tigilan mo na ang ideyang ito."

----

Habang naglalakad sa kalsada, napatingin si Lin Che sa mga pasa sa buo niyang katawan. Di niya maiwasang mapamura sa kanyang isip dahil sa matinding pagkainis. "Nakakainis na tinderong iyon!" Sa una pa lang, naghinala na siya na parang may mali sa kanya nang bilhin niya ang gamot na iyon. Ang sabi lang niya ay kailangan niya ng gamot na makakapagpatulog sa isang tao, pero hindi niya sinabing kailangan niya ng ganoong klase ng gamot. Ngayon, ito ang kanyang napala pagkatapos inumin ng lalaking iyon ang gamot! Ramdam niya pa rin ang sakit sa kanyang buong katawan nang maalala niya ulit ang nangyari.

Ang matinding sakit na kanyang nararamdaman ay lalong nagpapaalala sa kanya ng lahat ng nangyari sa gabing iyon. Pinahirapan siya nang sobra ng hinayupak na iyon na halos mahimatay na siya at di na maalala ang iba pang nangyari.

Ang tanging naaalala niya lang bago ang gabing iyon ay...

"Lin Che, tingnan mo nga ang iyong sarili. Gusto mo pa ring mag-artista? Mas mainam kung makikinig ka nalang sa iyong stepmother. Maghahanap ako ng may mabuting pamilya na pakakasalan mo. Ang anak sa labas ay anak sa labas lang. Lagi ka lang nasa ibaba."

"Lin Che, bilang iyong stepmother, ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti mo. Ang iyong ate, si Lin Li, ay isa ng sikat na artista ngayon. Ang isa mo pang ate ay isang sikat na producer. Pagkatapos ng napakahabang taon, isa ka paring D-list na artista. Wala ka talagang kinabukasan."

"Lin Che, ibinigay na ng kompanya ang role na iyan sa iba. Sa palagay namin, hindi bagay sa'yo ang role na iyon."

Napangiti siya nang mapait...kung hindi lang sana nila itinulak nang ganoon si Lin Che, eh di sana hindi niya maiisipang gawin ang ganoong bagay. Ang gusto niya lang naman ay makapagpatuloy sa buhay, pero ngayon...

Nagmamadaling nagpunta sa opisina si Lin Che. Ano man ang nangyari, hindi niya nakalimutan na may audition siya ngayon.

Nang makita siyang paparating, nag-iba ang tingin ni Yu Minmin sa kanya at sinabi, "Mabuti naman at dumating ka. Akala ko wala kang pakialam sa audition na ito."

"Sorry, Ms. Yu. Late na ako nakarating."

Dali-daling inayos ni Lin Che ang kalat sa kanyang suot.

Sa isang tingin, napansin ni Yu Minmin ang mga pasa sa kanyang leeg. Itinungo niya ang kanyang ulo at chineck ang suot ni Lin Che. Nang hilain nito ang kanyang kuwelyo, sinabi niya, "Makakaharap natin ang direktor mamaya. Wala akong pakialam sa personal mong buhay. Pero, kung talagang gusto mo ang role na ito, ayusin mo muna ang sarili mo nang sa gayon ay di ka nagmumukhang bayaran."

Tiningnan ni Lin Che ang kanyang sarili. Dito lang niya natuklasan ang nagdadamihang mga marka sa kanyang leeg. Napakahalatado at sobrang nakakahiya!

Ang lalaking yun! Isa siyang tunay na halimaw!

Mabilis na yumuko si Lin Che at humingi ng paumanhin. Hawak ang kanyang damit, patakbo siyang pumunta sa comfort room. Sa kanyang isip: Kasalanan ng lalaking iyon ang lahat na ito. Parang pinutol na nito ang buo niyang pagkatao o ano mang kinabukasang naghihintay pa sana sa kanya!

Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Nayayamot, sinagot niya ang tawag.

"Hello?"

"Lin Che, saan ka ba nagpunta kagabe?" Halatang galit si Lin Youcai sa kabilang linya.

Madalang lang siyang tawagan ni Lin Youcai o sa tuwing may problema lang. Sa loob ng maraming taon, napaka walang silbi ni Lin Youcai bilang isang ama, ngunit hindi siya magawang kalimutan bilang ama ni Lin Che. Lalo pa at kailangan niya pa ring tumira sa bahay ng mga Lin.

Naalala ni Lin Che kung ano ang nangyari kagabe. Kahit guilty, nasabi nalang niya, "Ah, may ginawa lang ako kagabe."

"Wala akong pakialam kung ano man 'yang pinagkakaabalahan mo. Nais ng iyong kapatid na si Lin Li na talakayin ngayon sa pamilya ang tungkol sa kanyang engagement. Ang kapal ng mukha mong maglakwatsa buong gabe?", galit na pagsaway ni Lin Youcai.

Oo, ikakasal na si Lin Li, pero wala na siya dun. Kalmado lang na nakinig sa sermon ng kanyang ama si Lin Che. Ni katiting ay wala siyang naramdamang lungkot sa puso. Sa mahabang panahon, nasanay nalang siya sa panenermon nito.

"Wala akong pakialam kung ano man ang nangyayari ngayon sa iyo. Kailangan mong umuwi ngayon din. Pag nalaman kong di ka pa umuwi, huhukayin ko ang abo ng nanay mo mula sa libingan ng mga Lin at itatapon sa karagatan nang sa gayon ay wala ka ng makikita ni ano mang alaala ng iyong ina habambuhay!"

Nang matapos sa pagsasalita, ibinaba na ni Lin Youcai ang telepono.

SA BAHAY NG MGA LIN--

Nakamasid si Han Caiying habang pinapatay ni Lin Youcai ang tawag. Kaagad siyang nagtanong, "Uuwi ba siya?"

Sumagot naman si Lin Youcai, "Uuwi siya."

Iniunat ni Han Caiying ang kanyang kamay sa may dibdib ni Lin Youcai sa pag-asang pakalmahin ito. "Old Master, kailangan mong kausapin si Lin Che para pumayag siya sa marriage proposal na ito. Nabigla talaga ako nang biglang mag-alok ng kasal ang mga Cheng. Napakaganda at napakatalinong bata ni Lin Yu, kaya paano ko maaatim na ipakasal siya sa isang may kapansanan? Narinig ko pa nga na basta na lang itong dumudumi? Gusto lang nilang ipakasal si Lin Yu sa anak nila para gawing yaya! Pero si Lin Che, isa lang siyang anak sa labas. Sino pa ba ang pwedeng ipakasal doon kundi siya lang, diba?"

"Wag kang mag-alala," sabi ni Lin Youcai, "hindi ko rin hahayaang maghirap si Lin Yu. Pero anak ko rin naman si Lin Che..."

"Ah ganon?! Ibig mong sabihin hahayaan mong maglinis ng ihi at dumi ng ibang tao si Lin Yu kaysa kay Lin Che? Kung ganyan rin naman, wala ka talagang konsensiya, Lin Youcai! Noon pa man, nang malaman kong nagkaroon ka ng anak sa ibang babae, pumayag akong patirahin siya sa pamamahay na ito. Ngayong malaki na siya, ayaw mo manlang tulungan ako ng babaeng yun kahit kaunti! Sa kanyang kalagayan, kung maikakasal siya sa isang Cheng, isa ng malaking regalo na makasama siya sa kanilang kayamanan."

"Sige, sige." Dahil inungkat na naman ni Han Caiying ang nakaraan at hindi tumitigil sa pagbubunganga, agad na siyang pinatigil ni Lin Youcai at sinabing, "Mapapapayag ko siya. Papayag siya."

Nag-aatubili si Lin Youcai pero nang makapag-isip-isip, wala talagang ibang choice kundi si Lin Che lang.

Hindi nilang pwedeng biguin ang mga Cheng. Bagaman at may kapansanan (sa pag-iisip) ang kanilang anak na lalaki, marami naman silang pera. Kung maikakasal si Lin Che sa kanilang pamilya, magiging maayos din naman ang kanyang buhay.

Mayamaya ay dumating ang isang katulong at sinabi, "Old Master, Madam, dumating na po si Third Miss."

Sinabi naman nito kay Lin Che, "Naghihintay na po sa loob ang Old Master at Madam. Nag-aayos ng kanyang engagement ang First Miss ngayon kaya narito din po ang iyo magiging bayaw."

Hindi makapaniwalang tumingin si Lin Che sa yaya, "Narito si Qin Qing?"

Sumagot ang katulong, "Opo. Nauna lang po siyang dumating kaysa sa'yo."

Natutuwang tumakbo papasok sa loob si Lin Che ngunit bigla siyang napahinto.

Sa loob ay naroon sina Qin Qing at Lin Li na nakatayo sa may pasilyo.

Nakahilig malapit sa isa't-isa, halos magkadikit na ang kanilang mga labi. Hindi maganda kung maiistorbo sila.

Walang kibo lamang na nakatayo doon si Lin Che, hindi na nakapag-isip na lumayo.

Sa kanyang pagtalikod, biglang may sumampal sa kanya na halos ikatumba niya. Habang namumula pa ang kanyang pisngi, hinila siya ni Han Caiying papunta sa kwarto.

Pagkatapos maisara ang pinto, galit na nilingon ni Han Caiying si Lin Che. Dinuro nito si Lin Che at sinabi, "Wala ka talagang hiya, ano? Wag mong ikaila na hindi ko nakita ang binabalak mo. Future bayaw mo yun. Gaano ka ba ka-walanghiya na pag-iisipan mong akitin siya?!!"

Nakaupo lamang si Lin Che sa sahig. Hawak ang kanyang namumulang pisngi, ngumisi siya kay Han Caiying at sinabi, "Stepmother, kung talagang gusto ko siyang akitin, hindi lang ako basta tatayo doon at manonood."